Nakatingin si Athena sa babaeng nasa isang sulok at mag-isa. Madalas n'ya itong nakikitang naiyak at na iinis s'ya sa mga babaeng madalas na naiyak. Nakakairita lang may 2 weeks na ito at taga kabilang selda lang ito, nag kikita-kita lang sila kapag nalabas ng selda para malinis ng buong bakuran ng kulungan. Hindi ito nakikipag-usap kahit kanino basta lagi itong naka bukod. Hindi n'ya alam kung anong kaso nito bakit ito naka kulong pero kung titingnan n'ya ito mukhang anak mayaman. Wala s'yang pakialam sa kapwa preso n'ya at ilag din naman ang mga ito sa kanya. Humakbang s'ya papalapit rito at nag labas ng lollipop saby abot rito pero tiningnan lang nito ang lollipop sabay talikod ng upo sa kanya. Inis naman na tumawa si Athena na parang gusto n'ya itong batukan nag titimpi lang s'ya.
"Kunin mo na bago ko pa salaksak sa bibig mo." ani Athena lumingon naman ito na humikbi na nag taas ng tingin sa kanya saglit saka napilitan ng abutin ang candy na binibigay n'ya.
"Binibigyan lang kita ng candy bakit iiyak ka na agad d'yan." inis na wika ni Athena.
"Sinisigawan mo kasi ako."
"Ang arte mo kung ganyan ka palagi paano ka makaka survive dito sa loob." inis na wika ni Athena.
"Buntis ako." hikbi nito habang pilit na binubuksan ang lolipop pero hindi nito mabuksan kaya na iinis na kinuha n'ya ulit iyon at binuksan na para rito bago ibinalik na s'ya pa ang nag umang sa bibig nito na agad naman nitong isinubo.
"Ilang taon ka na?" tanong ni Athena.
"21."
"Matanda ka na pala bakit ka umiiyak? Lumandi ka at nag pabuntis tapos iiyakan mo, kundi mo ibunuka yang hita mo wala naman papasok na tit* dyan na pumuputok." sermon pa ni Athena na akala mo kung sinong matanda at kaibigan ang kausap.
"Hindi ko alam kung sinong ama."
"Ay tunay kang malandi." wika ni Athena.
"Ano bang alam mo nakapang husga ka akala mo kung sino kang malinis. Nandito ka sa kulungan dahil may ginawa kang kasalanan." iyak pa nito na inalis ang lollipop sa bibig.
"I killed people. I have no mercy killing living things." napalingon naman ito sa kanya.
"Prank akong tao dahil hindi ko kailangan mag malinis dahil hindi ako malinis na tao. Sinasabi ko kung alin yung masakit para alam n'yo kung anong mali n'yo. Hindi ko kailangan na maging mabait para lang matawag na kaibigan." ani Athena sabay lingon sa babae na nakatingin din sa kanya.
"Natatakot ako para sa baby ko, kapag nag 1 year old na s'ya aalisin na daw s'ya dito sa kulungan at ibibigay sa pamilya ko."
"Pamilya mo naman anong masama dun."
"Sila ang dahilan kung bakit ako nakulong ngayon." natawa naman si Athena bakit parang hindi na s'ya nagulat sa narinig.
"Wala ka rin naman magagawa dahil nasa batas yun, hindi mo puwedeng palakihin ang bata dito sa loob ng kulungan." napahinga ng malalim ang babae na parang nag-isip nanaman.
"Bakit ayaw mo ba sa ama ng bata?" tanong pa ni Athena.
"Hindi ko s'ya kilala."
"Ay tinaman ka ng lintik na spe*m donor." natatawa pang wika ni Athena.
"Bakit nagtatawa ka pa? nakakainis ka."
"Paano hindi ka matatawa. Nakipag s*x ka sa lalaking hindi mo kilala tapos hinayaan mo pang itlugan ka, kumusta ka naman."
"Ilan taon ka na ba bakit ganyan ka makipag usap sa akin?"
"Wala naman sa edad yun nasa kung paano ka mag-isip."
'Kahit na dapat marunong ka pa rin gumalang sa nakakatanda sa'yo." tiningnan s'ya nito mula paa hanggang ulo. Mukha lang pala itong nakakaawa pero matabil din pala ang bibig.
"Ipupusta ko 18-20 years old ka pa lang."
"hahahah! Baby face ba ako?"
"Bakit ka nakakulong?"
"I told you I killed people."
"Hindi ako na niniwala." tumawa naman si Athena.
"Hindi ko naman sinabi na maniwala ka."
"Na frame up ka ba?"
"Bakit ikaw na frame up ka ba?" balik tanong ni Athena.
"Hindi, inako ko." muling tumawa si Athena.
"Namamatay ng maaga ang mga bayanin ghorl wag kang krung-krung."
"Pamilya ko sila?"
'Tanga ka! Pangit mo naman ka bonding ... Bago mo sabihin sa akin na pamilya mo sila? Itanong mo muna sa sarili mo kung pamilya ba ang turing nila sa'yo kung bakit ka nandito. Juicko ha! nakakatmad kang kausap kaloka." iling ni Athena.
"Sumosobra ka na ha!"
"Haller! iiyak-iyak ka dito kasi buntis ka tapos hindi mo pa alam kung sino ang ama. Nakulong ka dahil sa pamilya mo. Abay kumusta nagana pa ba yan?" tanong ni Athena na dinuldol ang sintido ng babae na tinabig lang ang kamay n'ya at umiyak nanaman.
"Mag kakaroon ka dito ng postpartum depression kapag hindi mo inayos yan takbo ng kokote mo."
"Anong gusto mong gawin ko, wala na din naman ako magagawa. 15-20 years ang hatol sa akin." napalingon naman si Athena rito sabay buga ng hangin.
"Hay! Grabe na talaga ang mundo, kaya dumadami ang demonyo sa paligid dahil sa mga taong martir na tulad mo,"
'Bakit ikaw nandito ka din naman ibig sabihin lahat _______."
"Mamatay tao ako, mamaniwala ka man o hindi. Deserve ko na nandito ako pero hindi deserve ng mga taong masasama ang mabuhay sa mundong ibabaw. Alam mo yung feeling na gusto kong maging grim reaper, pangarap ko talaga yun sa totoo lang. Yung patayin yung mga taong dapat ng mamatay." ngumiti pa si Athen na itinuon ang siko sa likod na mesa sabay tingala sa langit.
"Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta kapag namatay ako. Sa langit ba o sa impiyerno."
"Natural sa seminteryo." sagot namn ng babae.
"Gaga! mag papa cremate ako tapos iuutos ko sa mga kampon ko na isabog sa kabundukan ang aking mga abo dahil gusto ko din na maging forest fairy."
"Dami mo naman gusto. Alin ba talaga ang gusto mo?"
"Hindi ka kasi na kikinig." Ani Athena na ginamit ang lolipop na pang duro sa babae.
"Ang sabi ko gusto kong maging grim reaper ngayon pumatay ng mga taong dapat ng mamatay ata kapag patay na ako gusto ko naman maging forest fairy. Gets mo na." tumawa naman ang babae,
"Hay! Naku bakit ba ako nakiki-pag usap sa'yo. D'yan ka na nga." tumayo na si Athena para iwan ito ng tawagin s'ya nito sa pangalan n'ya na medyo ikinagulat n'ya dahil kilala pala s'ya nito.
"Sikat ka kaya kilala ka sa buong compound.' napatango na lang naman si Athena.
"Katelyn. My name is Katelyn."
"Wala akong paki-alam. Basta wag ka na lang umiyak nakaka irita saka nakaka pangit daw yun ng baby." ani Athena sabay kaway na umalis na.
-
-
-
-
-
-
-
-
"Ikaw nanaman, may gusto ka sa akin ano? pabalik-pabalik ka e." ngisi ni Athena ng makita si Dean at ang abogado nanaman nito.
"Makipag tulungan ka na lang para bumaba ang sintensya mo, ituro mo na sa amin kung nasaan ang mastermind n'yo." wika ng abogado. Heto nanaman sila nakatitig nanaman sa kanya si Dean na parang pinag-aaralan nanaman ang ang expression n'ya.
"Para naman kayong sirang plaka, para wala ng maraming usap diba sinabi ko na sa inyo na kunin n'yo na ang laman ng banko ko, inyo na lahat keep the change. Bayad dun sa ninakaw na hinabol n'yo sa akin."
"Ang kailangan namin yung mastermind kaya ituro mo na,"
'Ako ang mastermind! Happy,"
"Masarap ba ang buhay sa loob ng kulungan?" tanong ni Dean.
"Aba para sa akin oo, biruin mo kakain na lang ako hindi ko na iisipin kung anong ulam ko, 3 beses kaming nakain dito kala mo ba." hindi naman umimik si Dean hidni n'ya alam kung bakit galit na galit sa kanya ang mga pinsan n'ya dahil ipinakulong nya si Athena Dimaunahan na parang kilala ng mga ito ang babaeng kaharap. Lahat na gagalit sa kanya dahil sa pag didiin n'ya rito although alam naman n'ya na possible talaga na malinis ito pero paanong nag karoon ng 50 billion sa account nito at bakit wala itong identity. Na kaka curious lang ang katauhan nito at anong alam ng pamilya n'ya sa babaeng ito na parang gustong protektahan ng angkan n'ya pero bigla mga nag laylow ang lahat na parang bigla nalimutan na ng mga ito na bigla-bigla nalimutan ng mga ito na nag away-away sila at muntik pang mag kasuntukan dahil sa babaeng ito.
Pakiramdam n'ya may power ito over his family, na sapok pa s'ya ng Ate Abby n'ya pero wala itong sinabi kaya na hihiwagaan talaga s'ya kung sino ba talaga ang babaeng ito. Kahit anong kalkal nila wala s'yang makita sa record nito at parang hindi man lang inaasikaso ng gobyerno at para bang meron talaga sa babaeng ito na mali na hindi n'ya mai pin point kung ano.
"Sino ka ba talaga?" ngumisi naman si Athena saka itinuon sa mesa ang mga braso para ilapit ang sarili sa binatang mayabang.
"Your future wife." sagot na lang ni Athena habang magkahinang ang kanilang mga mata na parang walang may gustong kumurap sa kanilang dalawa. Lumapit si Dean na itinuon na din ang dalawang braso sa mesa usually na iitimidate sa kanya ang lahat at hindi kayang makipag titigan ng matagal sa kanya. Halos wala ng isang dangkal ang layo ng mga mukha nila sa isa't-isa.
"Would you like to marry me?' tanong ni Dean sabay silay ng ngiti sa sulok ng mga labi pero imbis na maintimidate si Athena ngumiti pa ito.
"I do." ngisi nito sabay kindat.