Chapter 11

2695 Words
Javi's POV Nagising ako nang wala na si Jash sa tabi ko. Panigurado bumaba na 'yun kaya naman naghilamos muna ko bago lumabas ng kwarto. Nakakarinig ako ng usapan pero hindi ko marinig ung boses ni Jash. "Kuya? Nandyan ba si Jash?" sigaw ko dahil baka wala doon. Wala naman din akong narinig na sagot galing sa kanila kaya nagderederetso ako pababa. "Nasaan si Kuya at Jash?" tanong ko du'n sa tatlo na parang nakakita ng multo sa pagkaputla. "Anong nangyare sa inyo? May multo ba dito sa bahay?" dagdag ko pa. "Multo ng nakaraan," tugon ni Kuya Kiefer kaya kumunoot ung noo ko. Anong multo ng nakaraan? Tss! Buang 'to si Kuya Kiefer. "Ewan ko sayo. Nasaan sila Jash?" tanong ko sa kanila ulit. "Lumabas," mabilis na sagot ni Kuya Liam. Bakit parang natataranta 'tong mga to?! "Ah! Pero teka! Ano bang problema n'yo at para kayong natataranta?" iritang tanong ko. Ngumiti lang naman sila sa'kin. Magsasalita pa sana ako nang makita ko si Kuya at Jash papasok. "San kayo galing?" "Dyan lang sa labas may binili," tugon ni Kuya tapos si Jash naman nakangiti ngiti lang na lumapit sa'kin. "Okay! Anong gusto mong dinner, baby?" tanong ko kay Jash na hindi napapawi ang ngiti. "Mukhang masaya ang baby ko ah!" saad ko at niyakap s'ya pero may kakaiba! Kaya inamoy ko ulit, kakaiba talaga! Hindi ako pwedeng magkamali sa amoy na 'to! Dahil kahit ilang taon na ang lumipas hinding hindi ko makakalimutan ang may ari ng amoy na 'to! "Mama! Why are you keep on smelling me? I smell good naman po," saad ni Jash kaya tinignan ko s'ya at tinignan ko sila Kuya tapos tumingin ulit kay Jash. "Nothing, baby. may naalala lang ako sa amoy mo," tugon ko sa kan'ya sabay tingin ulit kila Kuya. "Who?" nagtatakang tanong n'ya. "Ahm.." hindi ko alam ung sasabihin ko. "Naalala ko ung pabango ng papa mo sa amoy mo," saad ko na lang at tumalikod. Nakita ko kila kuya na nagulat sila pero 'di ko pinansin 'yun at nagdire-diretso lang sa kusina. May maid naman na pero gusto kong magluto para makaiwas at makapag isip ng sasabihin kay Jash. Mula, magluto ako, natapos at kumakain na kami ay hindi ako nagsasalita. Kami na lang naman nila Kuya dahil umuwi na yung tatlo kanina pa. Tahimik lang at walang magsasalita sa'min. Katabi ko si Jash kaya naman amoy ko ang pabango dito. Kamukha na nga n'ya, kaamoy pa. Tss! Napakadaya naman! Pero kahit ganu'n.. mahal ko silang dalawa.. Hindi na nga lang pwede sa isa kaya kay Jash na lang. Natapos kaming kumain, si Leah na ang pinaasikaso ko kay Jash at naghugas na ko. "Hindi mo pinapansin ung anak mo, miss na miss ka nu'n tapos dahil sa amoy ni Louie hindi mo s'ya papansinin?" rinig kong saad ni Kuya kaya napahinto ako sa paghuhugas at tumingin sa kan'ya. "Hindi naman 'yun, kuya. Gusto ko yung amoy dahil katulad noon, masarap sa amoy ung pabango niya pero masakit kasi, lalo na ngayon na nandito kami at hindi maiiwasan na mag kita kami," saad ko, "Hindi ko pa kayang makitang umiiyak si Jash dahil nasasaktan dahil hindi s'ya priority ng tatay n'ya. Ayokong mangyari sa kan'ya ung naramdaman natin nung naghiwalay si Mama at Papa. Ayokong maramdaman n'ya ung sakit na naramdaman ko nung nalaman kong kasal at magkakaanak si Louie sa iba. Ayoko nu'n.. Hindi pa ako handa.." "Javi, hindi kita pinipilit ipakilala si Jash dahil alam kong may plano ka pero ang gusto ko lang bigyan mo ng pagkakataon si Louie na maging tatay kay Jash. Paano kung lahat ng iniisip mong mangyayari kabaliktaran pala? Paano kung mahalin pala ni Louie si Jash at maging priority n'ya kayo? Paano kung annul na pala s'ya at wala ng asawa? Paano kung inaantay n'ya kayong dalawa ni Jash? Paano kung nandyan lang pala s'ya at binabantayan kayo?" paliwanag n'ya. "Jav, walang masama kung susubukan mo. Hindi ka magiging handa kung puro negative ang iniisip mo. Nasaan ung maganda kong kapatid na matapang at laging positive mag isip.. Alam mo kaya ko 'to sinasabi dahil bago ka bumalik ng Korea nag usap na tayo na pag uusapan natin 'to pagbalik mo," saad n'ya at lumapit sa'kin "Alam ko, Kuya. Nakaplano naman na e. 'Di ko lang talaga alam kung kailan. Bigyan n'yo pa ko ng oras," pahayag ko lang at yumakap kay Kuya. "Okay, pero isa lang ang sasabihin ko sa'yo, Javielle. Bigyan mo ng chance si Louie. Ilang beses kong nakita si Jash na umiiyak at hinahanap ang papa n'ya. Nahihirapan ako na makitang ganu'n si Jash at alam kong ganu'n ka din o mas doble pa," usal nito kaya napahiwalay ako ng yakap sa kan'ya. "Kuya, why Louie is still your friend? He did something to me yet he still your friend. I'm not against to your friendship but I'm curious." Nagpupunas ng luhang tanong ko. "'ska ko na sasabihin sa'yo pag okay na kayo ni Louie or nakapag usap na kayo at alam kong maiintindihan mo ko. Wag mo na muna pansinin, sa ngayon make up your mind. Susuportahan kita kahit anong mangyari. Nandito lang si Kuya, okay?" tugon n'ya at tinulungan pa akong magpunas ng luha ko. Gusto ko pang magtanong kaso pakiramdam ko hindi n'ya rin sasabihin kaya hindi na ako nagtanong pa. Ano kayang ibig sabihin ni Kuya du'n? "Thank you, Kuya. Pag iisipan ko 'yan mga sinabi mo," saad ko at yumakap sa kan'ya. Natapos na kaming mag usap at mag tulong sa pagliligpit. Pinaakyat na ako ni Kuya dahil ichecheck n'ya daw kung nakasara na ung mga pinto at ung gate. Pag akyat ko nakita ko si Leah na palabas ng kwarto. "Tulog na s'ya, Leah?" tanong ko sa kan'ya. "Hindi pa. Inaantay ka ata," saad nito at ngumiti. Nginitian ko na lang din s'ya 'ska pumasok sa kwarto namin. "Jash, why are you still up? I thought you already sleeping," tanong ko sa kan'ya nang makalapit na ako. Bigla naman s'yang tumayo at yumakap sa'kin. "Mama, are you mad at me because of my smell earlier? Because it's reminds you my Papa? Are you mad at Papa, Mama?" dere-deretsong tanong n'ya. Hindi ko alam ang sasabihin ko, biglang nanuyo ung lalamunan ko at parang may nakabara na kung ano du'n. Huminga muna ko nang malalim bago s'ya sagutin. "I'm not mad at you. It's just make me sad because I miss your papa and I'm not mad to Papa," "I miss him too, Mama. I want to meet him," sabi n'ya kaya mariin kong ipinikit ung mata ko. Nag iisip ng pwedeng isagot. "You will meet him... Soon, Okay? Promise" pahayag ko at pag nagpromise ako sa kan'ya, alam n'yang tutuparin ko 'yun dahil 'yun ang lagi kong ginagawa. "Thank you, Ma! I love you and I know Papa loves you too," saad nito at humalik sa pisngi ko. "Good night, Ma" Ngiti lang ang sinagot ko sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya. "Good night, Jash. I love you too," tugon ko at hinalikan s'ya sa noo. "And I love your Papa too," mahinang usal ko. Unti unti na din nakatulog si Jash at ako naman din ay hinahatak na ng antok. ----------------- Dumaan ang dalawang buwan at nakasanayan ko na din ulit ung buhay dito sa Pilipinas at kahit gusto ko magtrabaho. Ayaw ni Kuya, magfocus daw ako sa pagre-review ko dahil sa darating na october ang board exam ko. Si Jash naman dahil kaka 5 pa lang n'ya, ipapasok namin s'ya ng kinder 2 dahil nga marunong s'yang magdrawing at humawak ng mga pangkulay madali din s'yang natutong magsulat. Matalino naman kasi 'tong batang 'to. Hindi pa din ako nakakapagdecide kung kailan ko ipapakilala si Jash. 2 months na ang nakalipas pero isa pa din 'yun sa pinoproblema ko. Mabuti nga at hindi na ko kinukulit nila Kuya about du'n. Sabagay, wala din kasi si Kuya Kiefer sa Pilipinas dahil naglayag, si Kuya Liam naman may inaasikaso kaya minsan lang pumunta ng bahay, si Kuya Van naman inaasikaso ung company nila. Kaya kami kami lang ang nasa bahay. Hindi sa hindi pa ako ready. Kailangan ko lang munang makausap si Jash about sa papa n'ya para hindi s'ya mag expect at gusto ko din na kumpleto ang mga Kuya bago ko ipakilala. "Ang hirap pag malalim ang iniisip, hindi nararamdaman ang kagwapuhan ko," Nawala ako sa pag iisip nang makarinig ako ng boses. "Tito Kiefer!" masiglang tawag ni Jash kay Kuya Kie. Speaking of one of the monster! "Hi, Baby Jash.. Miss mo si Tito? May pasalubong ako sayo," bati n'ya sabay buhat kay Jash. "Anong iniisip mo at hindi mo napansin ang gwapong katulad ko?" tanong n'ya sakin. Tss! Parang iniisip ko lang kanina to ngayon nandito na. "Wala naman. Iniisip ko lang kung kailan kayo makukumpleto," tugon ko at dumukdok ulit sa laptop ko. "Alam mo naman kung paano kami makukumpleto eh at isa lang naman ang nawawala," nakangising saad n'ya. "Jash, saan Tito Gelo mo?" tanong n'ya kay Jash. "Nasa work po. Mamaya pa po s'ya uuwi," tugon ni Jash habang binababa s'ya. Natuto na ding magtagalog nang maayos si Jash. Medyo slang pero naiintindihan. "Owww... Okay. Lagay n'yo na 'to du'n ni Ate Leah mo para sa'yo 'yan lahat," saad niya sabay abot ng paper bag. Tinignan naman ni Jash 'yun at nagliwanag ang mata. Chocolate 'yan panigurado. Ung ngiti n'ya e! "You like it? Ang cute! 'Di ako makamove on sa combination n'yo," natatawang usal n'ya. Napangiti na lang din ako. "Thank you, Tito Kiefer," masiglang saad ni Jash tapos lumapit kay Leah at nag pagtulong sa kusina. "Papunta din ung dalawa dito, nalaman na pupunta ako eh," yabang n'ya at umupo sa tabi ko. "Taray! Gold! Ibig sabihin dito kayo magdidinner?" tanong ko sa kan'ya. "Hm.. kung gusto mo naman, okay lang. Tawagan ko na ba si Louie?" pang aasar n'ya sa'kin. Tsk! Andito na 'to kaya magugulo na naman ang mundo ko. Pero tutal kumpleto naman na silang apat, baka pwede na. Huminga muna ako nang malalim. Bago s'ya sinagot. "Sige, kung free s'ya at hindi makakagulo sa family time n'ya. Pakitawagan, Kuya" saad ko at umupo ng maayos. Mukha naman nagulat si Kuya Kiefer sa sinabi ko. "Hoy! Seryoso ka? Nagbibiro lang ako pero kung seryoso ka! Tatawagan ko talaga s'ya," excited na saad n'ya. "Wait! Kinakabahan ako bigla pero sige, Kuya! Tawagan mo na, kayo lang naman inaantay ko e. Tutal sabi mo pupunta sila Kuya Liam dito, baka panahon na," inform ko sabay tumingin sa kan'ya na nakangiti. "You still love him, right?" tanong ni Kuya. Ngumiti muna ko bago tumango. Mahal ko pa naman talaga si Louie. Hindi mawawala 'yun. "Yeah, I still love him but I'm not a home wrecker, Kuya." I said tapos ngumiti ng tipid. "You're not, Javi. You will never be a home wrecker," saad n'ya at ngumiti. "Paano? Tawagan ko na?" paninigurado n'ya at inilabas ung phone n'ya. Tumango lang ako at may dinial s'yang number. Nakailang ring lang at boom! Sinagot! Tinap ni Kuya Kiefer ung loudspeaker kaya naririnig ko. [Bakit, g*go?] bati n'ya kay Kuya Kie. Sh*t! Ung boses! Ang gwapo talaga! tsk! "Tarantado! Wag ko kayang sabihin sa'yo ung balitang dala ko!" sarkastikong saad n'ya at umirap kala naman n'ya makikita ni Louie 'yun pero hinampas ko din s'ya kasi ung bibig nila! [Ano ba 'yun? Kung yayain mo ko mag inum. Pass! Sila Liam na lang] saad naman nitong isa halatang bored. "Hindi, yayain kita magdinner ngayon gabi. Kila Javi, 7pm. Bye!" sagot n'ya lang at binabaan na. "Salamat, Kuya. Kakausapin ko muna si Jash. Ireready ko lang. Ikaw na lang din magsabi kila Kuya pagdating," nakangiting tingin ko kay Kuya Kie. Tinanguan n'ya lang ako kaya isinara ko ung laptop ko at tinawag na si Jash. Pag akyat namin ni Jash at pagpasok ng kwarto, hinarap ko agad s'ya. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Jashua, I love you. Wag ka magagalit kay Mama if naglie si Mama sa'yo ah. Mahal kita, baby" nakangiting saad ko sa kan'ya. "I know, Mama. I love you too.." sabi n'ya at yumakap. Niyakap ko na lang s'ya nang mahigpit. "Jash, 'di ba 2 months ago, you said, you want to meet your papa?" paalala ko sa kan'ya habang magkayakap pa din. "Opo, Mama" sagot n'ya sa'kin. Huminga ulit ako nang malalim at yumakap nang mahigpit tapos dahan dahan s'yang inihiwalay sa'kin at hinaplos ung mukha. "He will be here later. We invited him to join for our dinner," tugon ko at ngumiti. Nag alala naman ako ng bigla s'yang umiyak pero nakangiti. "Hey! Ayaw mo ba? Akala ko gusto mo mameet ang papa mo?" nag aalalang tanong ko sabay pinunasan ung luha n'ya. "Hindi, Ma. I'm happy, makikita ko po talaga si Papa mamaya? Hindi na n'ya ko iiwan?" tanong n'ya sakin. Do'n naman ako kinabahan. "Ahm.. isa pa 'yun, baby. Wag tayong mag expect ah, but I know papa will love you. If you feel pain here." Turo ko sa puso n'ya. "Just run to mama and I will hug you tightly, okay?" Nakangiti kong saad habang pinipigilang umiyak. Sabi ko magiging malakas ako para kay Jash. Niyakap ko lang s'ya habang nagpapasalamat s'ya. Nasa ganung posisyon kami nang bumukas ung pinto at pumasok du'n sila Kuya. "Totoo ba? You invited him? For dinner? Jash will finally meet him as dad?" excited na tanong ni Kuya. Tinaasan ko muna ng kilay si Kuya bago sumagot. "As Dad? Did they meet already as a Tito?" sarkastiko kong tanong sa kanila habang inilalayo si Jash sa'kin. Bigla naman silang matigilan sa pag ngiti. See! Sinasabi ko na e! "Mga taksil!" pabirong sigaw ko sa kanila. Hindi naman ako galit sa kanila na ginawa nila 'yun. Atleast hindi ako mahihirapan na ipakilala si Louie kay Jash kaso nga lang ang alam n'ya Tito not Papa. Hay! Paano ko nalaman? Isang gabi kasi nagising akong wala si Jash sa tabi ko kaya lumabas ako tapos nakarinig ako ng hikbi sa balkonahe. Kaya nagmadali ako kasi alam kong si Jash 'yun pero nang marinig ko ung boses ni Kuya, huminto ako at dahan dahang lumapit. Ayon, narinig kong kausap ni Jash si Louie. "Kayo maghanda ng dinner natin tutal talsik naman kayo," singhal ko habang tumatayo. "Sorry na, Javi.. hope you understand," nakangiwing saad ni Kuya Van. "Okay lang but does he know?" tanong ko kay Kuya. "No, bunso but his asking who's the father and ahm... He has idea," pag amin ni Kuya kaya huminga ako nang malalim at tumingin kay Jash. Mukha namang wala s'yang idea sa usapan namin kaya ngumiti lang ako. "Hayaan n'yo na. Mamaya naman nandito s'ya, malalaman n'ya din," nakangiti kong saad sa kanila. Ready na ko, nandito na e. Tumingin ako sa wall clock at nakita kong 5:30pm na kaya naman niyaya ko na silang lumabas. Magluluto lang naman kami. Si Louie lang naman 'yun. Hindi na kailangan ng bonggang bonggang handaan pero inilagay nila Kuya ung lamesa sa labas para daw maganda pag nagpicture kami nang magkakasama ulit. Namiss daw nila 'yun. Parang awkward nu'n dahil may pamilya si Louie na makakakita. Nakakahiya! pero oo nga! Bakit nga ba lagi 'tong mga 'to nandito at hindi du'n kay Louie?! "Kuya Liam. Ung ginagawa n'yo ba kay Jash, ahm... Ginagawa n'yo din du'n sa anak ni Louie na babae?" tanong ko dahil s'ya ung kasama ko sa kusina. "Hindi, si Jash pa lang naman ang pamangkin namin," patay malisya n'yang saad at ngumiti. Naguluhan naman ako at nag tatalang tumingin sa kan'ya. "Hoy! Kaibigan n'yo si Louie ta's hindi n'yo ituturing na pamangkin ung anak n'yang babae," saad ko sa kan'ya. "Wala naman anak na babae si Louie, Javi," saad n'ya at tumingin sa akin ng seryoso. "Tsk! Ayoko na nga magsalita! Mamaya kung may pagkakataon na mag usap kayo ni Louie. Pakinggan mong lahat ah! As in lahat! Wag mo s'yang husgahan. Naiitindihan mo?" tanong n'ya kaya tumango ako 'ska s'ya tumayo at lumabas ng kusina. Hinayaan ko na lang ung sinabi ni Kuya Liam. Bakit pakiramdam ko madami silang tinatago sa'kin? Ano bang nangyari nung wala ako dito? ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD