Chapter 12

1888 Words
Javi's POV Nasa likod bahay na silang lahat at ako pababa pa lang kaya naman nang may kumatok kahit ayaw kong ako ang magbukas, no choice. Huminga muna ko nang malalim bago buksan ung pinto. Pagbukas ko, bumungad sa'kin ang lalaking hindi mawala wala sa isip ko. Gumulo sa pagkatao ko at ang tatay ng anak ko. Nakatitig lang din sa'kin at ganu'n din naman ako sa kan'ya. Sabay naman kaming napakurap kurap nang may tumikim sa likod ko. "Baka gusto n'yong pumunta na sa likod," rinig kong usal ni Kuya Liam kaya naman tumalikod ako bago magsalita. "Pasok," Ayun lang ang nasabi ko tapos naglakad na. Nakarinig ako ng tawa galing kay Kuya Liam pero 'di ko pinansin. Ramdam ko na lang nakasunod sila. Nang makarating kami sa likod. Agad na lumapit sa'kin si Jash tapos tumingin sa likod ko. Alam kong gusto n'yang lapitan si Louie pero alam ko din na kinunchaba ng mga 'to si Jash na wag ipahalata na magkakilala na ung mag ama kahit mag tito lang. "Upo na tayo, baby," saad ko at inakay s'ya. Nagsilapitan naman ung apat kay Louie tapos bumati. "Tol! Long time no see," rinig kong bati ni Kuya Gelo kaya napairap ako. Long time no see? Mukha nila! Si Kuya Kiefer pwede pa magsabi nyan pero si Kuya. Mukha n'ya! Umupo na kami ni Jash na mag katabi habang ung lima nakatayo at parang nag bubulungan pa. "Mama? What are they doing? Bakit nakatayo pa sila?" tanong ni Jash. Narinig naman 'yun ng lima kaya napalingon sa'min. Tumaas lang ung kilay ko sa kanila tapos tumingin kay Jash. "Member kasi sila ng Bulong Bulong Gang, anak. Nagbubulungan sila kung paano bubulungan ung mga chiks nila. Chikboy 'yang mga 'yan eh. Don't be like them, Araso?" bilin ko kay Jash kaya nakarinig ako ng mga violent reaction. "Kain na po tayo. I'm hungry na po," agaw ni Jash sa atensyon naming lahat. "Umupo na kayo, Kuya," yaya ko, ginawa naman nila 'yun tapos nagtinginan. "Awkward ang putik! Aww!" bulong ko pero agad din napahiyaw nang bigla akong hampasin ni Kuya Gelo. "Ung bata nasa tabi mo," mariing saad n'ya na malaki ang mata. Bumaling naman ako kay Jash na nakatingin sa braso ko. "Okay lang ako, baby" saad ko tapos sinamahan ko pa ng kindat kaya ngumiti na s'ya. "Pray ka na, Anak." At ganu'n na nga ang ginawa ni Jash. After n'yang magpray, pinagsandukan ko na lang s'ya ng pagkain at ganu'n din ang ginawa ko. Walang nagsasalita sa'min habang nakain pero ramdam ko ung tingin sa'min ni Louie pero hindi ako nag aangat ng tingin dahil ayoko masalubong ung mata n'yang mapang akit! Tsk! "Mama, Where's papa?" biglang tanong ni Jash kaya napatingin ako sa kan'ya. "Later, Just finish your food first, baby sagot ko sa kan'ya sabay ngiti na sinuklian din naman nya ng ngiti. Narinig ko naman na nag japanese si Kuya, kaya tinignan ko ito. Half Japanese kasi kami dahil kay Mama. Naguluhan naman ako ng biglang sabay silang magsalita kaya hindi na ako nakapagpigil na singhalan sila. Kumalma naman sila kaya nakahinga ako nang maayos. Kumain na lang din ako nang mabilis dahil baka mainip ung anak ko at magdaldal na naman. Pagtapos kong kumain, nagpahinga lang muna ako. Tapos bumaling kay Louie na nakatingin kay Jash na kumakain ng cake na dala ni Kuya Liam. Naramdaman n'ya ata na nakatingin ako sa kan'ya kaya lumipat sa'kin ung tingin n'ya. 'Di ako nag iwas ng tingin sa kan'ya dahil kailangan ko s'yang makausap. "Are you done?" tanong ko sa kan'ya kaya nabaling sa'min ung tingin nila Kuya. "Yeah, why?" tanong n'ya. "Can we talk inside? Saglit lang" saad ko at bumaling kay Jash. "Wait me here, okay?" bilin ko at tumango naman s'ya kaya tumayo na ko at ganu'n din si Louie. "Good luck, bro" turan ni Kuya Van. "Javi," tawag sa'kin ni Kuya kaya lumingon ako sa kan'ya. "Listen to him. Wakatta?" pagtutuloy n'ya kaya tumango lang ako. Tapos nagtuloy tuloy na. Wala naman kaming gagawin ah! Wala rin naman ako gagawin sa kan'yang iba. Sasabihin ko lang naman sa kanya na anak nya si Jash. Ipapakilala ko lang s'ya kay Jash bilang tatay. Wala naman iba du'n ah. Bakit ako kinakabahan? Natigil ako sa pag iisip nang bigla ako maumpog sa kung saan, nakarinig din ako ng pagdaing kaya napatingin ako sa harap ko at sa likod ko. "Ganu'n ba kalalim ang iniisip mo kaya hindi mo napansin ung pader, Lorraine?" tanong n'ya sa'kin. "Sorry, masakit? Patingin, sorry talaga" saad ko at tinignan ung kamay n'ya. Kasi muntikan na kong maumpog sa pader pero hinarang n'ya ung kamay n'ya para hindi ako maumpog. S'ya naman ang nasaktan. "Hindi na. Hindi naman ganu'n kalakas ung pagkakaumpog. Wala din naman sugat," tugon n'ya lang. "Sure ka? Okay! Dito na lang tayo sa kitchen mag usap," saad ko at lumakad papalapit sa island top. Pagkaupo ko s'ya namang upo n'ya sa tabi ko. Natahimik kami ng unti dahil hindi ko alam kung paano uumpisahan ung sasabihin ko pero s'ya ang bumasag ng katahimikan. "Anak ko ba si Jash?" tanong n'ya. Hindi ko s'ya nilingon o kung ano pa. Hindi rin ako nagsalita pa kaya inulit nya. "Tell me, Lorraine. Anak ko ba si Jash?" Louie's POV Tumahimik s'ya after namin umupo sa island top ng kitchen nila, kanina pa malalim ung iniisip n'ya. Muntikan na ngang maumpog dahil du'n e Alam kong iniisip n'ya kung paano sasabihin sa'kin na anak ko si Jash. Sorry, baby. I already know that. Hindi mo pa alam na buntis ka, alam ko na agad 'yun. I really did it on purpose. "Anak ko ba si Jash?" tanong ko sa kan'ya dahil pakiramdam ko matatagalan kami pag inantay ko s'ya. "Tell me, Lorraine. Anak ko ba si Jash?" pag uulit ko dahil hindi s'ya sumagot. Pumikit s'ya nang mariin bago tumango nang dahan dahan. Sh*t! Kahit alam kong akin si Jash. Ang sarap pa din malaman mismo sa kan'ya! "Thank you. I thought you will deny it," saad ko dahil nung una akala ko talaga itatanggi n'ya. Kitang kita ko ung pagkunot ng noo n'ya sa sanabi ko. "G*go! Ba't ko idedeny?! Eh ikaw lang naman ang lalaking gumalaw sa'kin!" inis na singhal n'ya. Yeah! Baby, I know. "Thank you again for telling that at least alam kong ako lang," pang aasar ko sa kan'ya pero nawala 'yun nung nakita kong seryoso s'yang nakatingin sa mata ko habang may tumulong luha sa mata n'ya. Damn! Ayokong umiyak s'ya sa harap ko! Ang sakit! Ayokong umiyak ung kaisa isang babaeng minahal, minamahal at mamahalin ko. "Louie, ayokong makagulo ng pamilya. Gusto ko lang na makilala ka ni Jash. Wag na tayong maglokohan dito! Alam kong alam mo na hinahanap n'ya ung papa n'ya tuwing gabi. Nasasaktan ako nang sobra 'pag nangyayari 'yun sa kan'ya," pahayag n'ya habang naiyak. Alam kong alam na n'ya dahil 'yun ung sinabi ni Gelo kanina. "Matagal ko 'tong pinag isipan. Una ayoko pero unfair para sa anak ko. Ako lang ang nagde-desisyon dahil kung isasama ko ung desisyon n'ya, gusto ka n'yang makita. Please Louie.. don't hurt Jash. Don't make any promises kung hindi mo kayang tuparin. And please... Wag mong sirain ung pamilyang meron ka. Alam ko masaya na kayo at hindi ko intention na mang gulo. Gusto ko lang talagang makilala ka ni Jash," umiiyak lang s'ya kaya hindi ko na napigilan ung sarili ko pinunasan ko na ung luha sa mukha n'ya. "Loe, don't cry. Please.." saad ko at pinunasan ung luha n'ya. Ang lambot ng mukha n'ya. Nakakamiss.. "Don't worry. Walang masisirang pamilya. Thank you for letting me know about Jash. The first time I saw him, may kakaiba na kong nararamdaman. I guess lukso ng dugo but I want to know it from you and now that I know, I'm the father of Jash. I'm happy, I really do. Hindi ako nag sisisi na inilabas ko lahat sa loob mo 'yun. Sa limang beses na 'yun sa isang gabi, lahat sa loob 'yun kaya nung nakita ko si Jash, pakiramdam ko akin s'ya pero inantay kita dahil ayokong pangunahan ka. Masaya ako, Lorraine. Sobra!" sambit ko habang nakangiti sa kan'ya. Hinampas naman n'ya ako bigla. Totoo 'yun. Limang round 'yun tapos kahit anong sabi n'ya na wag sa loob. Hindi ko s'ya pinakinggan, I know it's her pick day. May kopya ako ng calendar ng menstruation nya eh. Kaya tinupad ko ung isa sa sinabi ko na bubuntisin ko s'ya pag pupunta na s'yang Korea. "Hayop ka! Pinaalala mo pa!" singhal n'ya habang pinupunasan ung luha n'ya. "Why? Ayaw mong maalala 'yun? Dahil du'n may Jashua Lawrence tayo," nakangising saad ko at parang proud pa ako. "Sira! Pinapaala din nu'n na nagtaksil ka sa asawa mo. Louie... Ayokong makasira ng pamilya, inuulit ko lang," malungkot na usal n'ya. Hindi ko na pinansin ung una dahil wala akong paki do'n. Tsk! Wala naman masisirang pamilya dahil eto nga at binubuo ko ung pamilyang gusto ko. Which is Ako, S'ya at si Jash. Kinuha ko ung kamay n'ya at hinawakan nang mahigpit at tumingin sa mata n'ya. Argh! Namiss ko s'ya nang sobra! Kanina pa nung s'ya ung nagbukas ng pinto, hindi ko expected na s'ya ung sasalubong sa'kin kaya nung nakita ko s'ya, napatanga talaga ako. Gumanda s'ya lalo. Simula nung araw na una ko siyang nakita gandang-ganda na talaga ako sa kaniya. Simula noong nalaman namin na may brain cancer pala yung mamaya nila, doon na kami natambay nila Kiefer sa kanila kaya malapit kami sa kan'ya. 16 pa lang si Loe, kinausap ko na si Gelo nang kaming dalawa lang. Sinabi ko na may gusto ako sa kapatid n'ya pero pinigilan ako ni Gelo. Tandang tanda ko ung sinabi ni Gelo nu'n. 'wag mong gagalawin ung kapatid ko kung ayaw kong masira ung pagkakaibigan natin at mas lalong hindi makita si Javi,' Nagpapigil ako dahil ayokong mahiwalay kay Loe . Kaya lagi din akong nakatambay du'n gusto ko lagi s'yang nakikita. Hanggang sa nagdalaga s'ya, nagdebut na kami kami lang lima ang kasama n'ya dahil wala na ung mama n'ya at ung papa n'ya hindi nakauwi. Lahat ng events sa buhay n'ya simula nang nakita ko s'ya kasama na ako du'n kaya ayoko s'yang mawala sa'kin. Naging close kami, sa kanya lang ako ngumingiti, kahit nasa campus kami nung nagcollege s'ya. Kilala kaming lima dahil mga gwapo daw kami, pero si Kiefer at Van lang naman ang nangiti, kaming tatlo, tahimik at parang wala lang pero pag nandyan si Loe, lahat kami ngumingiti. Pinanatili ko ung pagkakakilala n'ya sa'kin bilang tahimik pero tinanggal ko ung suplado. Minsan du'n kami natutulog sa kwarto n'ya para bantayan s'ya kasi pareho sila ni Jash na umiiyak at the middle of the night, buti nga si Jash nagigising, s'ya hindi. She's silently crying na ako ang taga punas. Hanggang sa hindi na ko nakatiis at ayun na! Nilandi ko na s'ya. Kinuha ko ung first kiss n'ya, ibinigay ko din ung first kiss ko sa kan'ya. "Loe, listen to me please.. Wala akong asawa at wala akong ibang anak kun'di si Jashua Lawrence Maliquez kung papalarin papalitan ko 'yun ng Fernandez," malumanay na saad ko sa kan'ya. Halata naman nagulat sya pero nakabawi din agad. Kailangan kong ikwento sa kan'ya lahat. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD