Chapter 10

1916 Words
Javi's POV "YEAH! Hapon na ang dating ko d'yan, since my flight here is noon time," saad ko kay kuya dahil bukas na ang uwi ko sa Pilipinas. Tapos na ang internship ko at i-email na lang ung ibang requirements and certificate ko for board exam. [Okay! Just call me. I'll bring Jash tapos gusto sumama nong tatlo sa pagsundo sayo] pahayag n'ya pero mukhang yamot. Nabalitaan ko na halos hindi na umaalis ung tatlo sa bahay dahil kay Jash. Lalo na pagwalang pasok lagi silang nandu'n. Kulang na nga lang daw na du'n na tumira parang noon pero ang lagi talaga sa bahay ay si Kuya Kiefer dahil wala ata s'yang layag ngayon. Seaman kasi si Kuya Kiefer. "Okay lang, kuya. Para may taga buhat ng gamit. Sige na! See you tomorrow," biro ko at nagpaalam na. Magliligpit din ako ng mga gamit ni Jash na iba. Dala ko ung mga painting na ginawa n'ya dahil binilin n'ya 'yun sa'kin. Tss! Mana sa tatay na magaling magpaint. Inayos ko na lang ung ibang gamit at nahiga na. Kinabukasn pag gising ko, nag almusal lang at nag ayos na ko para papuntang airport. Si Papa ang mag hahatid sa'kin du'n. "Basta, Javi. Maging masaya ka sa Pilipinas. Okay? Wag kang matakot sumubok ulit," bilin ni Papa. "Magiging masaya naman ako, 'pa. Kasi nandu'n si kuya at Jash. Ikaw? Okay ka lang ba dito? Maiiwan ka na naman," pag iiba ko ng topic dahil ibabalik na naman n'ya na baka oras na para magkajowa ako. "Okay lang ako dito. Sanay na ko, ayun nga lang mamimiss ko kayong dalawa ni Jash. Ilang taon din na may bata ulit sa bahay. Mag ingat kayo du'n. Tawagan n'yo ko pag may kailangan si Jash. Wag mag lilihim Javielle!" pangangaral n'ya kaya natawa ako. "Papa! Paalis na lang lahat lahat. Sermon pa din! But yes po, I won't and I will. Ingat ka din dito," saad ko at lumabas na ng kotse dahil huminto na din si Papa. "Nagpapaalala lang," habol n'ya at tinulungan na ko sa mga bagahe ko. "Bye, Pa! Thank you sa lahat. I don't know how can I repay you.. Mula noong tinanggap mo ko kahit buntis ako kay Jash hanggang ngayon na babalik na kami ng Pilipinas. Thank you," pasasalamat ko at yumakap. "Anak, 'di mo ko kailangan bayaran para du'n. Bukod sa responsibilidad ko 'yun. Mahal ko kayo ni Jash kaya ko ginawa 'yun. Alam kong naiintindihan mo ung sinasabi ko, may anak ka na din," saad nito at hinimas ung buhok ko. "Sige na at pumasok ka na. Mag ingat ka. Call me if you already there. Send my regards to the boys and to Jash. I love you, princess" dagdag nya at humalik sa ulo ko. After ng paalamanan namin ni Papa. Pumasok na ko at inantay na lang ung flight ko. Ilang minuto lang ang inantay ko at tinawag na ung flight ko. Tatlong oras ang byahe kaya naman, nang makasakay ako, ipinikit ko muna ang mata ko nung lumipad na kami. ---------------- "Mama!!!!" Sigaw ni Jash, nang makita n'ya kong papalapit sa kan'ya. Buti na lang at buhat ni Kuya Liam kun'di nagtatakbo na 'to panigurado. "Baby! Miss mo si Mama? I miss you," saad ko at niyakap s'ya nung nakalapit na ko sa kanila. "I miss you too, Mama. How's your flight?" tanong n'ya. "okay lang naman," nakangiting sagot mo dito sabay harap kila kuya. "Ganu'n n'yo ko kamiss na kayong lima talaga ang nagsundo sa'kin?" bati ko sa apat na kuyang nakatingin sa'min. "Oo naman yes! Lagay na natin 'tong gamit mo sa kotse para naman makapagpahinga ka na," saad ni Kuya Kiefer. "Tss.. Salamat," saad ko lang at sumakay na. Habang nasa byahe. Panay ang kwento ni Jash ng mga ginawa nila dito sa Pilipinas. Dahil medyo trapik din habang nagkukwento si Jash, unti unting inantok kaya nakatulog at mukha naman ding nakahinga nang maayos sila Kuya. Kanina ko pa kasi sila napapansin na parang tinitignan o sinusubaybayan nila ung kwento ni Jash. "May nangyari bang hindi ko alam at parang nakahinga kayo nang maayos nung nakatulog si Jash?" tanong ko sa kanila. "Wala!" sabi ni Kuya pero tunog depensa. Hindi ko na lang din pinansin dahil sasabihin naman nila kung ano 'yun kung mahalaga. Nakarating kami sa bahay at sila na din ang nagbuhat ng bagahe ko. Si Kuya binuhat si Jash paakyat sa kwarto namin, ako naupo na lang muna sa couch. Hindi naman ako ganu'n kapagod dahil natulog lang naman ako sa ere kanina. "So.. For good ka na dito?" Napaangat ang tingin ko kay Kuya Van. "Opo, kuya. Nagdrama si Kuya Gelo, ayoko naman malungkot 'yan dito," saad ko at ngumiti sa kan'ya. Umupo lang din s'ya sa tapat kong upuan bago nagsalita ulit. "Eh, ang pagpapakilala ni Jash kay Louie? Nakapagdecide ka na din ba?" biglang tanong n'ya. "Ipapakilala ko naman s'ya pero hindi pa sa ngayon. Siguro pag nakapagtrabaho na ko pero decided na kong ipapakilala s'ya. Gusto ko rin mabuo si Jash at alam kong ang papa n'ya ang kulang sa kan'ya," tugon ko habang nakatingin sa daliri ko. "It's okay, Jav. At least may plano ka. Kasi kung wala kami ang gagawa ng paraan para makilala ni Jash ang papa n'ya. Nakita ko s'yang umiiyak nung isang araw at hinahanap ang papa n'ya," biglang singit ni Kuya Kiefer kaya napaangat ang tingin ko sa kan'ya. At nakita ko du'n si Kuya Gelo, Kuya Liam at Kuya Kiefer. "Umiyak sya ulit?" nag aalalang tanong ko. Dahil ayokong umiiyak ung anak ko. "Yes, natutulog s'ya tas pag gising n'ya, hinahanap ang papa n'ya," aniya ni Kuya Gelo na umupo sa tabi ko. "Javi, baka oras na para ipakilala mo si Jash kay Louie. Hindi sa pinipilit kita pero.. Naawa naman ako kay Jash na umiiyak at hinahanap ung papa n'ya. Nandyan lang naman s'ya malapit. Pwedeng pwede kong tawagan kung gugustuhin ko pero ikaw ung iniisip ko. Ayokong pangunahan ka," "Natatakot ako, Kuya. Paano kung hindi tanggapin ni Louie dahil may anak s'ya sa akin. Ayokong masaktan si Jash," malungkot na saad ko at hindi ko napigilang hindi maluha. Eto talaga bubungad sa'kin. Umiyak na naman si Jash. Hinanap na naman n'ya ung papa n'ya! "Bakit hindi mo subukan, Javi," saad ni Kuya Liam pero agad din kinontra 'yun ni Kuya Kiefer na sa unang beses mukhang seryoso. "No, pag isipan mo muna. Hindi ka naman namin minamadali kapag ready ka ng ipakilala si Jash kay Louie, sabihan mo kami at kami mismo ang magdadala kay Louie dito. Mag pahinga ka na,mukhang na stress ka pa, kakadating mo lang" saad n'ya at pumunta ng kusina. 'Di naman na nagsalita sila Kuya kaya tahimik akong tumayo habang nagpupunas at nagpaalam sa kanila na aakyat sa kwarto at magpapahinga lang saglit dahil sumakit bigla ung ulo ko. Pagpasok ko ng kwarto nagulat ako dahil ang daming mga art materials ni Jash, may hindi pa nabubuksan at may nabuksan na. May mga pang painting at pang drawing lang. Mukhang naspoiled kila Kuya 'to! Mariin kong naipikit ung mata ko dahil sa nabasa ko. Pag iisipan ko muna, Jashua. Pag iisipan muna ni Mama. Ihahanda ko muna ung sarili ko na makita kang umiiyak dahil sa sakit.. Nagpalit lang ako ng damit at tumabi na ako kay Jash at nakatulog. ----------------- Gelo's POV "F*ck you!" gigil na mura ni Louie samin. Tss! S'ya na nga tinutulungan, s'ya pa ang nagagalit! "Wag n'yo s'yang pilitin! Ayokong madaliin! Gusto ko s'ya mismo ung mag sasabi sa'kin, kusang loob at hindi pinipilit! Alam kong gusto n'yong makatulong pero utang na loob, wag n'yong pilitin si Loe!" "Pre! Nakita mo kung paano umiyak si Jash nung hinahanap ka n'ya! Nung hinahanap n'ya ung papa n'ya!" inis na sigaw ni Liam. Nag alala naman ako na baka magising o marinig nila Javi ung boses nila. "Wag kayong sumigaw baka marinig tayo ni Javi," saway ko sa kanila. "Nakita ko iyon, Liam. Katabi ko ung anak ko nung umiiyak s'ya. Hindi mo kailangan ipaalala sa'kin 'yun! Ako man din gusto kong magpakilala sa kan'ya na ako ung tatay n'ya pero uulitin ko, wag n'yong pilitin si Loe," sabi n'ya at naupo sa couch. "Hindi namin s'ya pipilitin. Decided naman na s'ya na ipapakilala ka kay Jash eh. Hindi pa nga lang alam kung kelan," sabat ni Kiefer. "Hayaan nyo lang. At least I can saw them personal at hindi picutres. Hindi ko na nga lang makakasama ng matagal si Jash dahil paniguradong bantay sarado siya ni Loe," turan n'ya at tumingin sa kisame. Nang kumalma na kami ay matagal pa kaming nagkwentuha pero kinabahan naman kami nang biglang may narinig kaming yabag ng paa kaya napatingin ako agad sa hagdan. Nagpapasalamat ako dahil hindi si Javi 'yun kun'di si Jash. "Tito.." bati nya sa'min nang makababa na s'ya. Tapos agad na lumapit kay Louie! Tss! "See! Ayan ung sinasabi ko. Bakit kailangan pang pag isipan?!" parinig na saad ni Liam, na ikinailing ko na lang. At some point, naiintindihan ko ung sinasabi ni Liam, but I go with Louie, hahayaan kong si Javi ang mag kusa at least du'n alam kong ready s'ya sa possibility na mangyayari. "Hey bud. How's your sleep?" tanong n'ya dito. Bigla naman ngumiti si Jash nang malawak. "I'm good, Tito. I woke up beside Mama and she's hugging me," tugon naman nitong bata. "That's good then. Don't cry at the middle of the night, okay? Nandyan na si Mama," nakangiting bilin ni Louie. Pinagmamasdan lang namin ung mag ama habang nag uusap. "I'm still surprised that Louie have this attitude. I really can't believe parang hindi s'ya ung kilala kong Louie," bulong ni Kiefer, ako din naman nagulat na may soft side pala si Louie. Well! Dahil siguro anak n'ya ung kausap n'ya. "Kuya! Nandyan si Jash?" sigaw ni Javi galing sa taas. Bigla kaming nataranta dahil du'n, kaya naman ang Louie binuhat si Jash palabas kasunod ako. "G*go Louie! Dito!" bulong ko pero sinamaan ako ng tingin! Ay putcha! Oo nga pala nasa tapat lang namin si Jash. "Sorry," Ibinaba na lang n'ya si Jash sa malapit sa kotse niya tapos kinausap. "Jash, uwi na si Tito Louie. May gagawin pa kasi ako but I promise I'll visit you again, okay? Take care, baby. If you wake up again at the middle of the night, kay Tito Gelo ka na lang pumunta then call me, okay?" mahabang paalam ni Louie sa anak n'ya. "Yes, tito. Take care. Drive safely. Let's paint again! Thank you, tito" paalam naman ni Jash sabay yakap. Parang ayaw namang bitawan ni Louie si Jash pero kailangan kaya wala s'yang nagawa. "Sige na, baby. Uwi na ko. Pasok na kayo," saad n'ya at nagpunas ng mukha. Umiiyak ang g*go! "Ingat, 'tol!" paalam ko na lang, S'ya naman pumasok na sa kotse n'ya bago s'ya umalis nagpaalam na lang ulit s'ya tapos nag drive palayo. Hinarap ko ulit si Jash para kausapin. "Jash, don't tell to your Mama about Tito Louie, okay?" paalala ko nakangiti namang tumango si Jash saka kami pumasok sa loob ng bahay na parang walang nangyari. Ayokong magsinungaling si Jash kay Javi pero ayoko din pagkaitan si Louie dahil anak n'ya naman 'to. Natatakot lang talaga si Javi na masaktan si Jash ng kagaya ng sakit na naramdaman n'ya noong nalaman n'yang kasal na si Louie sa iba at magkakaanak na. May alam akong hindi ko pwedeng isiwalat kaya naman aantayin ko iyon pag oras na. ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD