Chapter 1
1 year Ago
Javi's POV
Naglalakad ako pauwi ng bahay galing school. Oo lakad lang dahil hindi na pwedeng pumasok ung taxi dito sa subdivision. Wala naman akong kotse dahil ayaw akong payagan ni Kuya Gelo. Delikado daw.
Halos mapatalon ako nang may bumusina sa gilid ko. Sira ulo tong driver na 'to! Sisigawan ko na sana, nang huminto s'ya at ibinaba ung bintana sa side ko.
"Loe! Sakay na! Papunta ako sa bahay n'yo," sabi ng lalaki du'n kaya tinignan ko kung sino. Si Kuya Louie pala!
"Hi Kuya Louie! Pero sana hindi ka naman bumusina nang todo ano po?" saad ko 'ska sumasakay na sa kotse n'ya. "Salamat po,"
"Sorry, ang cute mo kasing naglalakad. Lakad ka na nga lang ulit. Joke lang!" natatawang biro n'ya tapos tumingin sa'kin na nakangiwi lang. "Sorry na, seatbelt mo," saad nito.
"Wag na Kuya, malapit na din naman," sambit ko at tumingin na lang sa labas.
"Tss.." rinig kong usal n'ya at isinandal ako bigla sa upuan ko tapos s'ya na nag ayos ng seatbelt ko. Ramdam ko ung hinga n'ya sa leeg ko, atung hawak n'ya sa'kin nakakapaso.
Inayos n'ya ung seatbelt ko, at nung okay na 'yon tumingin s'ya sa'kin at ang lapit ng mukha n'ya! Syete! "You still need to buckle your seatbelt kahit malapit na lang. It's for your own safety, Loe. Okay?" puno ng lambing n'yang saad na nakatitig sa mata ko kaya tumango na lang ako.
After kong tumango nagulat ako dahil bigla n'yang dinampian ng halik ung tungkil ng ilong ko. "Ang cute mo," saad n'ya at umayos na'ng upo pati seatbelt n'ya inayos n'ya tapos nag drive na s'ya. Ako hindi pa din mapakali. Sa mga kaibigan ni Kuya Gelo, si Kuya Louie at Kuya Kiefer ang close ko dahil sila talaga ung lagi sa bahay. Walang araw na hindi sila nagpupunta sa bahay. Graduate na kasi sila, nag aantay na lang ng board exam.
"Kumusta ang school Loe?" rinig kong tanong n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya. Seryoso s'yang nagdadrive.
"Ahm... Okay naman po," tugon ko.
Okay naman talaga lalo na 'yon ung gusto ko. I'm a 3rd year Med Student at pa-4th year na. 1 buwan na lang. Pangarap kong maging surgeon dahil sa mama ko, namatay si mama dahil hindi agad na operahans sa ulo dahil mahirap makakuha ng Neurologist dito sa Pilipinas.
"Desidido ka na talagang mag Surgeon? Mahaba haba pang proseso 'yon, Loe. Baka 'di ka na makapag asawa," saad n'ya at natawa pa.
"Hm. Hindi naman siguro. At 'ska kung talagang mahal ako ng lalaking papakasalan ko, Aantayin n'ya ko hanggang maabot ko ung pangarap ko," nakangiting saad ko. Napatingin naman ako sa kan'ya nang may narinig ako pero hindi ko s'ya maintindihan. "Ano 'yon Kuya?" tanong ko sa kan'ya.
"I said we're here," aniya sabay tinanggal ung seatbelt n'ya kaya gumaya na din ako at naunang lumabas.
Naglakad na ko papasok at nakita ko si Kuya Gelo, kakalabas lang ng Kitchen.
"Kuya!" masiglang bati ko. Ngumiti naman s'ya sa'kin
"Oh? May pagkain sa kitchen. Kain na," bati n'ya at ginulo lang ung buhok ko. "Iakyat mo na ung gamit mo, Javielle!" sermon n'ya pa dahil iniwan ko du'n at akmang pupunta ng kusina.
"Ay! Opo eto na! Nandyan si Kuy- Ay! Ayan na pala e" Turo ko kay Kuya Louie.
"Oh 'tol, tambay ulit dito? Papunta na daw si Kiefer," bati ni Kuya sa kan'ya bago humarap sa akin. "Javielle! Akyat na!" tawag n'ya sa'kin.
"Eto na nga e!" saad ko at naglakad na paakyat. Natawa naman si Kuya Louie dahil sa sagutan namin ni Kuya Gelo.
Kung tatanungin n'yo bakit kaming dalawa lang. Wala na kasi si Mama, namatay sya dahil hindi agad na operahan. Si Papa naman, nasa korean. May business s'ya du'n. Hiwalay na si Mama at Papa. Pero in good relationship naman kami nila papa, after ko nga ng college dito. Kukunin ako ni Papa at du'n ko ipagpapatuloy ang pangarap ko. Kami kami lang nila kuya ang nakakaalam nu'n at wala ng iba.
Pag akyat ko ng kwarto, nagbihis lang ako at bumaba para kumain ng meryenda. Pagbaba ko nandu'n na si Kuya Kiefer.
"Hi Javjav! Ang ganda mo talaga!" bati n'ya sa'kin kaya naman nakatikim s'ya ng batok kay Kuya Gelo.
"Wag ang kapatid ko. Humanap ka ng iba!" gigil na saad n'ya sabay tumingin sa'kin. Pinasadahan ako ng tingin kaya naman napatingin din ako sa suot ko. Maayos naman ah. Hindi naman mukhang nagpapahalay ako.
Black v-neck shirt tapos tokong short tapos kanina pa naman nakamessy bun ung buhok ko.
"Bakit Kuya?" 'di ko na napigilang hindi magtanong.
"Nothing, kumain ka na du'n o magdala ka na lang ng pagkain sa kwarto mo. Tawagin na lang kita pag kakain na ng dinner," tugon n'ya na may kasamang utos kaya tumango na lang ako at nagpunta ng kitchen.
Uy! May cake dito! Hm.. binili siguro 'to ni Kuya.
Habang naglalagay ako ng pagkain na dadalhin ko sa kwarto ko. Nakaramdam ako ng hinga sa batok ko kaya sakto pag lingon ko hindi naman sinasadyang nagtama ung dulo ng ilong namin ni Kuya Louie.
Anong problema nito?! Kanina pa 'to! Nangingilabot na ko. Nakadrugs ata 'to? O baka may ubo sa utak! Kung ganu'n man, s'ya dapat ang unang operahan ko.
"Kuya Louie, masyado kang malapit," dahan dahang sabi ko dahil naaamoy ko na ung hininga n'ya at ang bango no'n.
Ngumiti lang s'ya at imbis na lumayo lalo pa s'yang lumapit. Unting unti na lang ung labi namin mag lalapit na. Shete naman oh!
"Parang gusto ko pa lalong lumapit," tukso n'ya kaya wala akong nagawa kun'di ang pumikit na lang. Omg! Kukunin n'ya ung first kiss ko!
Antagal naman! Ay what?! Wait! Oo nga! Ang tagal! Kaya naman dumilat ako.
Pag dilat ko, nakita ko s'ya na nakatingin sa'kin pero nakalean pa din at ung dalawa n'yang kamay nasa magkabila kong gilid.
"Waiting me to kiss you?" pang aasar n'yang tanong kaya namula naman bigla ung pisngi ko. Shete!
Tumalikod ulit ako para kumuha ng cake dahil nasa likod ko lang naman, para na din makaiwas sa kahihiyan. Nakarinig ako ng tawa sa kanya at makakahiya! Ba't kasi pumikit ka Javielle?!
"Hindi ah! Kapal nito ni Kuya Louie," pagtangi ko habang nakatalikod. Medyo na iilang na ko dahil nasa likod ko s'ya at ganu'n pa din ang posisyon.
Napaiktad ako nang pumulupot ung dalawang braso n'ya sa bewang ko at ung baba n'ya nilagay sa balikat ko. Nakayakap s'ya sa'kin ngayon. Nakaback hug s'ya! Bakit ba hindi ko inaalis?! At nasaan ba sila Kuya?! Bakit nandito 'to?
"Kuya Louie! Baka makita tayo nila Kuya, yari ako du'n. Alis ka na d'yan. Naiilang ako," mahina kong usal dahil naiilang talaga ako. Ngayon n'ya lang naman ginawa sa'kin 'to.
Medyo tahimik kasi si Kuya Louie, si Kuya Kiefer ang maingay at lagi akong binibiro pero si Kuya Louie, minsan lang katulad kanina at ngayon.
"Wala sila, bibili daw ng beer," tugon n'ya habang nakayakap pa din ung posisyon namin.
"Ah... Naiilang na ko Kuya, alis ka na po d'yan," magalang na sambit ko dahil hindi ko na kaya. Naiilang at hindi ako makakakilos nang maayos.
Mukhang napansin n'yang seryoso ako kaya ginawa naman n'ya pero bago s'ya umalis sa likod ko. Inamoy n'ya ung leeg ko.
"Ang bango mo," 'yun lang ung sinabi n'ya pero kinalabutan ako.
Umalis s'ya sa likod ko at nagpunta sa gilid ko pero nakaharap sa'kin. I mean nakatalikod s'ya sa Island top kung saan ko nilagay ung cake.
Naiilang ako kasi titig na titig s'ya sa'kin. Shemay naman oh! Bakit biglang naging gan'to si Kuya Louie?! Dati pag gan'to na naiiwan s'ya nandu'n lang s'ya sa sala at nakaupo. Nanunuod ng movie.
"Kuya! Wala naman akong dumi sa mukha 'di ba?" tanong ko sa kan'ya. Umiling naman s'ya. "Ih? Bakit titig na titig ka? Naiilang na ko Kuya Louie!" maktol ko na sinamahan pa ng pagdadabog ng paa.
Natawa lang s'ya pero wala naman pinagbago! Nakatitig pa din s'ya!
"Ang ganda mo lang," saad n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya.
Gwapo talaga ng mga 'to! Si Kuya Louie, halos nagkakandarapa sa kan'ya ung mga babae dahil sa silent mode n'ya, mysterious type ba. Kung si Kuya Louie, pinagkakaguluhan dahil tahimik pero gwapo, si Kuya Kiefer naman, pinagkakaguluhan dahil sa pagiging masigla at palabati at syempre gwapo! Ang Kuya ko naman, pinagkakaguluham dahil gwapo at matalino. Minsan na mamansin pero madalas hindi.
Kuya Louie's facial features suits to his attitudes. Medyo makapal na kilay, nakasalamin, disheveled hair, gray eyes and red lips, matangkad at maganda ang katawan. lakas makagwapo!
Pinag kakaguluhan sila dati sa campus dahil nga mga gwapo, tapos matatalino. Engineering silang lahat. Si Kuya, Mechanical. Si Kuya Kiefer, Marine. S'ya, Civil.
Pag break noon lagi silang center of attractions tapos minsan lang ako sumabay sa kanila pag sinusundo nila ako sa room pero pag hindi. Hindi ako sumasabay.
"Tapos ka nang kilatisin ako?" nakangising tanong nya kaya nabalik ako sa reyalidad. Kinikilabutan talaga ako kay Kuya Louie.
"Kuya! Kinikilabutan na ko sa'yo. Sinapian ka ba ng espirito ni Kuya Kiefer? Kasi kung si Kuya Kiefer ang gagawa nito sa'kin, sanay na ko! Pero kung ikaw hindi!" singhal ko at pinilit ituloy ung ginagawa ko.
"So okay lang na si Kiefer ang gumawa sa'yo nito? Ang tumitig at yumakap sa'yo?" seryosong tanong n'ya. Mas kinilabutan ako kasi bigla s'yang nag iba ng mood!
"Hindi, I mean... Mas sanay kasi ako na si Kuya Kiefer ang may gantong attitude kesa sa'yo. Teka! Ano ba pinag aawayan natin dito, Kuya Louie?" tanong ko kasi mukha kaming tanga ni Kuya Lou!
"Wala, ikaw ung madaming sinasabi e. Nakatitig lang ako sa'yo," saad n'ya at tumalikod.
"Ikaw ung nakakailang d'yan kung kumilos eh," sigaw ko sa kan'ya tapos tinuloy na ung ginagawa ko ulit dahil wala na s'ya. Hay naku!
Pero akala ko lang pala na wala na s'ya dahil bigla n'ya kong hinarap sa kan'ya at walang sabihing idinikit ung labi n'ya sa labi ko. Mabilis lang pero ramdam ko ung lambot ng labi n'ya! Ung puso ko lalabas na sa dibdib ko! Waaaaaaah! Ano bang nangyayari kay Kuya Louie! Bakit bigla s'yang nagkaganto?!
Nakatulala lang ako nang tanggalin n'ya at s'ya naman nakangiti. Ung ngiting nanalo sa lotto!
"First kiss," nakangiting saad n'ya at tumalikod na'ng tuluyan. Tinignan ko lang naman s'ya habang naglalakad palabas ng kitchen sabay napahawak sa labi ko. Shete! Kinuha n'ya ung first kiss ko!
---------------