Chapter 7

3152 Words
Javi's POV Pagkalapag namin, tanghali na dito sa Pilipinas. Hay! Nakakamiss ang amoy pulosyon! Choss lang! Pero namiss ko ang Pilipinas. "Mama! It's hot po, can I remove my coat and other clothes?" tanong ni Jash. Natawa lang kami kasi naman talagang malamig sa Korea dahil na din December na kaya ung suot n'ya hoodie na pinatungan ng sweat shirt at coat. "Sorry na Jash, nakalimutan kong mainit pala sa Pilipinas. Malamig naman kasi sa Kore," rinig kong tugon ni Leah habang hinuhubad ung coat at sweat shirt ni Jash. Ipinaiwan ko na lang ung hoodie dahil mainit at nakakapaso na ang sinag ng araw. "It's okay, Ate Leah. I'm not mad at you," sabi naman ng anak ko at nginitian pa si Leah. Ngumiti lang naman din si Leah bago inayos ang damit ni Jash na hinubad. "Let's go na. Gelo is already there," sabi ni Papa kaya naman naglakad na kami habang hila ni Papa ung gamit namin. "Ikaw, Leah? May magsusundo ba sayo?" tanong ni papa kay Leah. "Meron po Sir. Nandyan na din po," saad n'ya kaya naman nagtuloy tuloy na kami. Paglabas namin nakita naman namin agad si Kuya. Agad s'yang lumapit sa'min nang nakita n'ya din kami. Nakangiti na akala mo nanalo sa lotto! "Gwapo natin Kuya Gelo ah!" bati ko sa kan'ya. Sinamaan naman ako bigla ng tingin pero nawala din 'yun nang tawagin s'ya ni Jash. "Tito Papa! I miss you po!" saad ni Jash na nagpapakarga kay Kuya. Agad naman na kinuha 'yun ni Kuya at hinalikan. "Baby, I miss you too" bati n'ya kay Jash ska bumaling samin nila Leah at Papa. "So tara na? May sundo ka ba, Leah?" tanong nito kay Leah. Tumango naman si Leah at nagpaalam na aalis na dahil nandoon na daw ung sundo n'ya. Kaya naman hinayaan na namin at nagsabi na itetext na lang namin ung address para sa pagbalik n'ya. After that we put our luggage to Kuya's car and drive to the nearest mall. Sa labas na lang daw kami maglunch since hindi naman ata nagluto si Kuya. Hindi rin naman kami pagod nila papa, even Jash so du'n na lang kami. Pagdating namin ng mall. Ang anak ko sobrang excited, hindi mapawi ang ngiti. Lumalabas naman kami lagi sa bahay. Pero excited talaga s'yang makita kung anong meron sa Pilipinas. Kinukwento din kasi namin. "Tito Papa, punta po tayo arcade later.. Can we?" tanong ni Jash kay Kuya. "Of course! But aren't you tired?" pag aalalang tanong ni Kuya. Tahimik lang naman kami ni Papa na nakasunod du'n sa dalawa. Hindi naman spoiled ang anak ko kay Kuya. Minsan lang talaga pinagbibigyan n'ya dahil hindi naman sila ganu'n kalaging nagkikita. "No Tito. But...." He trailed then turn his gaze on me. "Mama? Are you tired? Galing ka pa po kasi ng work kahapon e... Okay lang po bang mag arcade muna before we go home?" tanong n'ya sa'kin kaya nakita kong nakatingin din sila Kuya at Papa sa'kin. Nginitian ko naman si Jash at umupo kapantay n'ya. "Of course, anak! Okay na okay lang. Basta happy ka," nakangiting tugon ko kaya naman niyakap lang ako ng anak ko at kiniss ako sa pisngi. "Thank you Mama. You're the best!" giliw na sabi n'ya habang nakayakap sa'kin. "Thank you, pero kakain muna tayo kasi baka ikaw ang kainin ni Tito Papa pag hindi pa nag eat 'yan," biro ko kaya napabitaw si Jash sa yakap at humarap kay Kuya. Umakto naman ung isa na parang zombie tapos kinuha si Jash at kinagat kagat ung leeg kuno. Natawa lang kami pareho ni Papa dahil sa ginagawa nila. Ayan ang isa sa gusto ni Jash kay Kuya Gelo. Nakakaramdam s'ya ng Tatay figure kay Kuya. "Tito! Stop na po.. Nakikiliti po ako.. I'm tired na Tito," pigil ni Jash kay Kuya habang nagwawala kakatawa kaya naman nagstop na silang dalawa at naglakad na'ng maayos kahit na pagod. Pagdating namin sa kakainan namin. May mga hindi kami inaasahan na nandoon. Nandito ung apat! Kiefer, Liam, Van at Louie! s**t! Bakit ang bilis naman?! Kakabalik ko lang oh?! Bakit biglang may inter act agad! Bago pa kami makabawi ng tingin ni Kuya Sa nakita namin, nahuli agad nila ung mga mata namin. Halos lumuwa ung mata ni Kuya Van ng makita n'ya ko. "Gelo! Javi?! G*go! Javi! Ikaw nga!" sigaw n'ya kaya naagaw namin ung atensyon ng iba pati na nila Kuya Kiefer at Louie dahil nakatalikod sila sa'min. Sabay sabay naman silang lumingon at tumayo. Pero ako kinabahan at kusang tumingin sa gilid ko pero laking gulat ko ng wala na si Papa at Jash... "Kuya! Si Papa at Jash.. asan?" nag aalalang tanong ko, kahit si Kuya nagulat na wala ung dalawa pero naputol ung pag aalala namin at pilit kinalma ung sarili dahil nasa harap na namin ung mga kaibigan ni Kuya. "JavJav! Kelan ka dumating? Namiss kita," saad ni Kuya Kiefer na unang unang lumapit sa'min. Namiss ko din naman sila eh. Pero hindi ko maexpress kasi si Jash. "Kararating ko lang Kuya. Ngayon lang," tugon ko at ngumiti. "Gumanda ka lalo Javi! Hindi kita nakilala akala ko bagong jowa ni Gelo. Ikaw lang pala," nakangiting usal ni Kuya Liam. "Salamat po," saad ko lang sa kanila. Namiss ko talaga sila. Naiilang lang ako sa tingin ni Louie pero keri ko naman, wag lang nilang mabanggit na may nakita silang kasama namin kanina. "Ang formal mo naman parang hindi mo kami namiss. Anyway! Are you staying here for good or bakasyon lang?" tanong ni Kuya Kiefer. "Sorry, namiss ko din naman kayo Kuya. And I'm just here for vacation. Nag iinternship pa ako sa Korea," saad ko at ayokong sabihin sa kanila na we will staying here for good after ng internship ko. "Y-" magsasalita sana si Louie pero saktong tumunog ung phone ko kaya hindi ko s'ya pinansin at kinuha 'yun. Si Papa ung natawag kaya sinagot ko agad bago tumalikod sa kanila. "Pa. Asan kayo?" tanong ko sa kan'ya. [Nandito kami sa bago nating kakainan. I already ordered food for us. Nagugutom na daw ang anak mo at hinahanap na din kayo kaya bilisan nyo na dyan] sabi n'ya. Naluluha ako, alam ni papa ang nangyayari. Sabagay. Ayaw din ni Papa ipaalam na may anak ako kay Louie. S'ya nga mismo ang nagsabi na wag sabihin. "Opo, salamat pa. Punta na po kami dyan," saad ko at binaba na ung phone ko at humarap ulit kila Kuya. Ngumiti lang ako sa kanila na ganu'n din naman ang ginawa nila. Tinignan lang ako ni Kuya tapos sinenyasan s'ya na 'tara na'. Sakto naman magpapaalam si Kuya biglang may sumigaw na batang babae. "Daddy!" Kaya napalingon kami du'n sa bata, nagulat pa ko kasi sa gitna namin s'ya ni Kuya dumaan at patakbong lumalapit kay Louie. Ah! Oo nga pala. May anak na s'ya. Babae. Nag iwas na lang ako ng tingin. Ayoko ng nakikita ko. Nasasaktan pa din ako at nasasaktan ako para sa anak ko. "Nalia!" rinig kong bati ni Louie du'n. "Asan ang mommy mo?" tanong nya pa. Sakto naman na pag tapos nu'n nakarinig ako ng boses ng babae. Kaya napapikit na lang ako. Grabe talaga! "Louie, Nalia. Tinakbuhan mo na naman si Mommy," saad nu'n kaya mas sumikip ung dibdib ko at nag iinit ang sulok ng mata ko. Kailangan na naming umalis. Nawala na ung atensyon n'ya sa'min kaya ang Kuya ko, inakbayan na lang ako, napatingin ako sa kan'ya tapos tinuturo n'ya ung tatlong Kuya na nandu'n sa gilid. They just saying na 'alis na. Next time na lang' alam naman kasi nila ung sa'min ni Louie at ung nangyari. Ngumiti na lang ako at nagpahatak na kay Kuya. Naiiyak ako! Hindi ko mapigilan. Ang ganda ng bungad Pilipinas! Agad agad sakit! Very good! "Wipe your tears, Jash will be sad if he see you crying," bulong ni Kuya at inabot ung panyo n'ya. "Ang sakit, Kuya. Kawawa naman si Jash pero salamat kasi nandyan kayo ni Papa. Namiss kita, Kuya" Yumakap pa ako sa kan'ya sa tagiliran n'ya habang naglalakad kami. "Hayaan mo na. Magiging maayos din ang lahat at kahit anong mangyari. Nandito lang kami ni Papa, hinding hindi ka iiwan. Namiss din kita, Bunso! Sobra. Wala akong maasar eh! Tara at pumunta na tayo kila Jash. Panigurado ay hinahanap ka na ng anak mo," ani n'ya kaya nagtuloy na kami maglakad at pilit kong hindi na isipin ung nangyari kanina. Kahit ang sakit sakit sa mata at sa puso nu'n. Kalilimutan ko na lang 'yun. Nang makarating kami sa sinabi ni Papa, hinanap namin sila tapos umupo na, sakto naman na pag upo namin dumating na ung food, kaya kumain na lang kami. Hindi naman na nagtanong si Papa, si Jash naman nangungulit na after kumain pupunta kami ng Arcade. After namin kumain, tinupad ni Kuya ung wish ng makulit na bata, kaya nag arcade kami. Tatlo silang nag eenjoy du'n sa laro nila, ako naman pinapanuod lang sila sa paglalaro. Naiisip ko na naman ung nangyari kanina. Sabay tingin kay Jash. Alam kong gusto n'yang makilala ung papa n'ya pero mukhang hindi ko magagawa 'yun dahil sa nakita ko kanina. Masaya silang pamilya bakit guguluhin ko pa? Bumalik na lang kaya kami ni Jash ng Korea. Wag na kaming magstay dito for good. Okay naman kami du'n, masaya naman kami. Wala namang problema. Nalulusutan ko naman ung mga tanong ni Jash about sa papa n'ya, pwede na 'yun. Baka kailangan ko ng mag move on at alisin sa puso't isip ko si Louie. Kay Jash na lang ako babawi, natatakot na din akong walang tumanggap sa'kin o sa'min ni Jash. Nakakapagod mag isip. Hanggang makarating kami ng bahay, makapagpasok ng bagahe sa kwarto, naggabi at makatulog si Jash 'yun ang iniisip ko. Magpapaalam ako kay Kuya na sa Korea na lang kami. Will be staying Korea for good. "Masaya na ang Papa mo sa pamilya n'ya, Jash. Baka makagulo tayo pag pinakilala kita. I'm sorry, Anak.." naiiyak na sabi ko kay Jash habang pinagmamasdan s'ya. Umiiyak lang ako ng tahimik dahil nasasaktan pa din talaga ako. Pinunasan ko ung luha ko at lumabas ulit. Hindi ako makatulog, namamahay ata ako. Hindi naman na ko du'n sa dati kong kwarto. Inilipat ni Kuya ung mga gamit ko du'n sa tabing kwarto n'ya pero pakiramdam ko. Nandun pa din ako. Naalala ko lahat ng pangakong napako. Pumunta lang ako sa balkonahe para magpahangin. Nakatingin lang ako sa taas at naalala ung unang araw na may nangyari sa'min at pagkatapos nu'n. Flashback Matagal lang kami nakahiga at nakayakap sa isat isa nang maalala ko na may inumin pala akong dala at hindi pa nakain, kaya napa upo ako pero napangiwi din dahil masakit ung gitna ko. "Baby, dahan dahan sa galaw mo.. Ano ba 'yun?" tanong sa'kin ni Louie. "Ung soju ko at ung pagkain ko," saad ko at yumuko. Natawa naman s'ya habang nauupo na din. "Hindi ka pa nga pala kumakain. Gusto mo magshower muna? Lika," yaya n'ya tapos kinuha n'ya ung boxer n'ya at kumuha ng towel para ibalot sa'kin. Tapos binuhat ako papuntang shower room. "Warm water will help you ease the pain. Sige na, shower ka na. Papalitan ko ng cover ung kama mo, may dugo," saad n'ya tapos kumindat lang bago lumabas. Well! Meron talaga kasi first time ko pero sya talaga magpapalit? Nakakahiya. Natapos akong magshower kaya lumabas na lang ako. Nakita kong inaayos na ni Louie ung mga unan ko. Mukhang tapos na n'yang palitan ng cover ung kama ko. Ung mga damit ko na tinanggal n'ya sa'kin kanina nakatupi na din nang maayos. Nakadamit na din s'ya pero nakaboxer lang. Napatingn naman s'ya sa'kin at ngumiti. "Wag mong gagawin 'yan pag wala ako dito o iba ang nagbabantay sa'yo," saad n'ya at lumapit. Nagtaka naman ako kung ano ung tinutukoy n'ya. "Ang alin?" Tanong ko sa kan'ya ng makalapit s'ya. Bago n'ya ko sagutin niyakap n'ya muna ko sa likod ko tapos ipinatong ung baba n'ya sa balikat ko. "Etong towel lang ang nakatakip sa'yo. Baka kung sinong pumasok dito makita 'yang maganda mong katawan.. Makakapatay talaga ako," tugon n'ya at unti unting tinatanggal ung towel sa'kin. Tapos hinahalik halikan ung balikat ko. "Louie.. Tama na, medyo masakit pa.." sabi ko pero tunog ungol 'yun. "Bakit? Tinutulungan lang naman kitang magbihis," patay malisya na sabi n'ya hanggang sa natanggal na nga ung towel sa katawan ko. Pero wala na s'yang ginawa kaya nagbihis na lang ako tapos s'ya, pinababa ko na. Akala ko hindi na s'ya babalik at ako na lang mag isa ang iinum pero nagulat ako ng bumalik s'ya nang may dalang beer. Hindi lang isa kun'di tatlo! "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kan'ya habang nakaupo ako sa baba ng higaan ko at umiinum ng drinks ko. "Sasamahan ka. Ayoko namang alone ang mahal ko," nakangiting saad n'ya kaya napangiti na din ako. Tumabi lang s'ya sa'kin at inilapag ung inumin n'ya. "Gusto mo?" tanong n'ya nang mapansing nakatingin din ako sa beer n'ya. "Hindi, okay na ko dito," saad ko at uminom ulit. Nagcheers pa kami kaya pareho kaming natawa. Inopen ko na lang ung laptop ko para manuod ng movie. Nakayakap na sa likod ko si Louie at ako naka upo sa harap nya. Nasa ganong posisyon kami naabutan nila Kuya. Kung ako natakot at biglang tinanggal ung kamay ni Louie, s'ya naman, naka upo lang at nakangisi. "Hayop! Umamin ka na?" tanong ni Kuya Van. Natawa si Louie pero ako nakatitig lang sa kanila. Anong umamin? "Matagal na" sabi n'ya habang umaayos ng upo. Natawa naman ung mga Kuya maliban kay Kuya Gelo na nakatingin sa'kin. "Gelo! Stop staring your sister like that. Wala naman s'yang ginawang masama. Ako ung umamin. Ako naman ung nanlandi sa kapatid mo at hindi tinigilan hanggang sa hindi mahulog," nakangisng saad n'ya kay Kuya kaya nabaling ung tingin ni Kuya sa kan'ya. "Alam ko! Malandi ka naman kasi talaga. Kunwari ka pa. Nuon mo pa gustong pormahan yang si Javi, pinipigilan lang kita pero ngayon mukhang hindi na kita napigilan," saad nito sa kan'ya tapos lumakad papasok. Tinawanan lang nila Kuya Liam ung sinabi ni Kuya tapos pumasok na din. Noon pa?! Bakit parang hindi naman pero teka?! Bakit sila pumapasok?! "Bakit kayo pumapasok?" tanong ko nang makabawi ako sa gulat ng mga nalalaman ko. "Dito kami iinum. Sama sama tayo, bakit? Gusto mo masolo si Louie 'no?" biro ni Kuya Kiefer sa'kin. Kaya umiling ako ng todo.. "Hindi ah! Nagulat lang ako. Grabe to!" saad ko at lumayo ng unti kay Louie na natawa sa reaksyon ko. Tumayo na ako para ilipat ung mga inumin ko sa kung saan umupo sila Kuya, ganu'n din naman si Louie at tinulungan na ko sa mga dala ko. Naupo na ko at tumabi sa'kin si Louie pero tinulak ko s'ya. "Bakit dito ka uupo? Du'n ka na lang sa tabi ni Kuya Liam," nahihiyang saad ko sa kan'ya. Nandyan sila Kuya ta's tatabi s'ya sa'kin. Kumunot naman ung noo n'ya at parang ayaw n'ya nung idea ko. "Bakit ako tatabi kay Liam, s'ya ba girlfriend ko? Hindi kami talo n'yan. Babae din ang hanap n'yan," dere-deretso n'yang saad kaya nahampas ko s'ya bigla. "Tsk! Ayan lang si Kuya," nanlalaking mata kong usal kaya natawa sila. Si Kuya naman umiling lang. "Tsk ka din! Halika na dito, alam na nilang may relasyon tayo kaya wala nang magagawa 'yang kuya mo," saad n'ya at hinila ako palapit sa kan'ya at yumakap na naman. Naiilang ako kasi nandyan sila Kuya pero, oo nga! Alam na nila Kuya. Ano pang itatago ko? "Louie! Ayusin mo lang talaga?! Hindi ko na sasabihin wag mong galawin kasi sa nakikita ko sa leeg ng kapatid ko, mukhang huli na ko kaya eto na lang ang sasabihin ko! Wag mong aanakan agad ung kapatid ko. Mag aaral pa yan! Gumamit ka ng proteksyon, Hayop ka!" singhal n'ya kaya mas nagtawanan sila, ako naman napayuko. Bibig din ni Kuya masyado pero ano daw ung leeg ko? Ah! Ung sinipsip ni Louie! Hayop! "Yeah! I know! Gusto ko man, alam ko naman hindi pa pwede 'ska na siguro pag pupunta na s'yang Korea para sure na ako lang. 'di ba, Baby?" sabi n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya. Aba! Loko! May balak nga ata s'yang anakan ako! "Hindi rin pwede 'no?! Baka patayin ako ni Papa!" singhal ko sa kan'ya at ngumuso. Naramdan ko naman na humigpit ung yakap n'ya sa'kin. "Basta! I'll wait for you," nakangiting sabi n'ya, napangiti na lang din ako tapos kinuha ung inumin ko at nakipagcheers ulit sa kan'ya. End of Flashback After ng gabi na 'yun dun silang lahat natulog sa kwarto ko para daw walang gawing masama si Louie sa'kin pero 'di nila alam, nakatakas ung isa na 'yun. nakakamiss din ung silang lima ang natutulog sa kwarto ko para bantayan ako. Sadyang hindi lang talaga kami makuntento pareho ni Louie na maging kuya ko na lang s'ya. Tatlong taon lang naman ang tanda nila sa'kin. Nakakatawa lang na ang tanging natupad sa usapan namin du'n ay ung 'aanakan nya ko, pagpupunta na ako ng Korea', ayan nga si Jash oh.. Pero the rest? Wala na. Ibinasura na at dapat nang kalimutan. "Hindi ka makatulog?" Napaligon ako agad sa nagsalita. Si Kuya pala. Agad akong nagpunas ng luha dahil naramdaman kong may luha sa pisngi ko. "Oo, Kuya. Namamahay ata ako," saad ko at ngumiti. "Hm.. Namamahay o may iniisip?" paninigurado n'ya. Nginitian ko lang sya ng pilit. Kailangan kong sabihin kay Kuya ung desisyon ko. "Kuya, ayoko na lang magstay dito sa Pilipinas. Babalik na lang kami ni Jash sa Korea," saad ko at tumingin sa malayo. Alam kong malulungkot si Kuya. Gusto na talaga n'ya na magstay na kami dito sa Pilipinas after kong mag internship.. Pero ayoko naman na makagulo at masaktan si Jash. "Dahil ba sa kanina? Ang unfair naman nun.." malungkot na tanong n'ya at ramdam ko ung disappointment n'ya. "S'ya lang naman ang nanakit sa'yo. Paano naman kaming mga nakakamiss sa'yo dito? Alam kong ayaw mong masaktan si Jash kaya nagdesisyon ka ng ganu'n. Pero hindi maiiwasan 'yun, Javi, kahit anong pilit at iwas mo kay Louie. Walang sekreto na hindi nabubungyag. Lalo na kamukhang kamukha ni Jash si Louie. Gusto kong dito na kayo. Ako naman ang mag aalaga sa inyo.. 'yon ung pangako ko kay Mama," saad n'ya kaya napalingon ako sa kan'ya. Nakita ko ung lungkot kay Kuya. "Dito na lang kayo ni Jash... Please..." "Tama ang Kuya Gelo mo. Dito na lang kayo ni Jash. Walang sekretong hindi nabubunyag, Anak. Malalaman at malalaman din ng tatay ni Jash na may anak s'ya sa'yo. Isipin mong maigi. Hindi sa sinasabi kong ipakilala mo na agad pero time will come, you need to decide. Kaya dito na kayo magstay ni Jash," saad ni Papa habang nalapit sa'min ni Kuya. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD