Chapter 8

1990 Words
Javi's POV "Papa..." tawag ko sa kan'ya dahil sa sinabi nya. "Okay lang sayo na magkita si Jash at ung tatay n'ya?" "Anak, kailangan 'yun ni Jash. Baka magalit ang anak mo sa'yo pag inilayo mo s'ya nang inilayo sa tatay n'ya at paglaki n'ya pa malaman na napakalapit lang pala nu'n sa kan'ya," saad ni Papa habang hinahaplos ung ulo ko. "Magstay na kayo dito para naman may magawa itong Kuya mo. I know he miss you a lot, Javi." Kusa ako napatingin kay Kuya na nakatingin sa'kin. "Should we stay, kuya?" tanong ko sa kan'ya. "Yes!" mabilis na sagot ni Kuya sa'kin. I love Kuya Gelo so much.. he bacame my guardian when our parents decided to separate. Kahit naman na kay mama kami hindi naman din kami ganu'n natutukan ni mama dahil kailangan nyang magtrabaho kaya si Kuya Gelo ang gumagawa ng mga dapat ginagawa ng parents namin sa'kin. I don't want my brother to be sad too. Tama naman sila, si Louie lang naman ang may kasalanan at dapat kong tinataguan at hindi sila, kaya para kay Kuya. "Okay, we'll stay. I'm sorry," saad ko at tumayo para yumakap kay Kuya at Papa. After ng pag uusap namin nila Kuya, nagpahinga na din si Papa, kami ni Kuya nagkwentuhan lang ng mga naging experience ko sa Korea. "Wala ka ba talagang naging jowa sa Korea? Daming gwapo dun tapos maganda ka naman," tanong ni Kuya habang nagkukwento ako. "Maniwala ka sa hindi, Kuya, wala talaga akong naging jowa du'n. Masyado akong ginulo ng kaibigan mo kaya hanggang ngayon s'ya pa din akong laman nitong puso ko," pairap na saad ko habang nakatingin sa malayo. Agad naman akong napatingin sa kan'ya nang marinig ko s'yang bumulong pero hindi ko naintindihan. "Ang hilig nyong bumulong 'no?!" naiinis na saad ko at muling umirap. Natawa lang si Kuya sa sinabi ko. "Bakit si Louie ba binulungan ka?" natatawang saad nito. "Kapag mag kausap kami noon tapos tinatanong n'ya ko about sa pagdodoctor ko, bigla s'yang bubulong. 'Di ko naman naiintindihan," tugon ko na nakakunot ang noo. "Kaya siguro nainlove ka du'n kasi binulungan ka," tumatawa pa din s'ya pero hindi gaano malakas. 'di ko na lang pinansin ung sinabi n'ya dahil hindi naman na dapat. Nagkwento lang din s'ya ng mga ginagawa nya dito tapos noong nakaramdam na ako ng antok pumasok na din kami sa kan'ya kan'ya naming kwarto. Nakita ko si Jash na mahimbing pa din ang tulog. Nitong mga nagdaang araw hindi na s'ya gaano nagigising ng alanganin kaya malaki ang pasasalamat ko dahil hindi ko na sita gaano nakikitang umiiyak. Humiga na lang ako sa tabi n'ya at pumikit na din habang mahigpit ang yakap sa kan'ya. LUMIPAS ang isang linggo, wala din naman kaming ginawa nila Jash masyado. Naglaro lang at naglibot sila ni Kuya. Hindi ko alam kung saan sila nagpupunta basta pag balik nila dito sobrang saya ni Jash kasi nakapag ikot daw s'ya. "Mama, pasalubong ko po ha," bilin ni Jash habang nag aayos ako ng sarili dahil ako naman ang aalis. Mamimili ako ng mga regalo at the same time mag gogrocery na din para bukas. "Ano bang gusto ng baby ko?" natatawang tanong ko sa kan'ya. Habang nagsusuot ng sandals ko. "I want a banana milk," tugon n'ya at ngumuso pa. "Okay! Mama will buy that but be good to Papalo at tito," paalala ko sa kan'ya tapos tumayo na at kinuha ung sling bag ko pati na ung susi ng kotse ni Kuya. "Yes, mama! Promise!" masiglang saad n'ya at yumakap sakin. Niyakap ko din s'ya at yumuko para halikan s'ya pisngi. "Ingat ka po, Mama." "I will, baby" paalam ko at humalik ulit sa pisngi n'ya. "Pa, Kuya! Alis na po ako," sigaw ko kasi nasa kusina sila. Lumabas naman agad si Kuya. "Ingat, Javi. Tawagan kita pag may ipapabili pa kami ni Papa para bukas," saad nito at humalik sa ulo ko. "'kay!" nakangiting sabi ko. PAGDATING ko ng mall agad na akong nagpunta ng department store para sa mga pangregalo ko. Naghanap ako ng damit for Papa and Kuya. Wala pa naman ako masyadong pera dahil intern pa lang ako at allowance lang 'yun. Though Papa still gave me money, itinatabi ko 'yun para kay Jash at least meron akong madudukot pag kailangan ni Jash, kahit naman nandyan sila Kuya at Papa na tinutulungan ako sa pang gastos kay Jash, ako pa din ang nanay kaya kailangan kong ibigay ung pangangailangan n'ya. Noong nakapili na ko ng damit nila, si Jash naman ang hahanapan ko ng damit at iba. Hindi naman mahilig si Jash sa toys, ang hilig nya magpabasa at magdrawing kaya naman mamaya pupunta ako ng bookstore. Bibilhan ko muna s'ya ng damit. After kong makabili ng mga damit nagpunta ko ng NBS para du'n sa mga books at materials ni Jash. After nu'n 'ska ako naggrocery for tomorrow tapos umuwi na. PAGDATING ko ng bahay nagulat naman ako dahil may mga sasakyan sa labas. May bisita si Kuya? Tanong ko sa isipan ko, kaya naman pagkapark ko ng kotse. Kinuha ko lang ung mga binili ko except sa grocery kasi ipapakuha ko 'yun kay Kuya kasi mabigat. Pumasok na ako sa loob ng bahay at laking gulat ko naman dahil nandun sila Kuya Kiefer at Kuya Liam na nilalaro si Jash. Agad naman akong nilingon ni Jash nang mapansin nya ung presensya ko. "Mama! You're here!" Sigaw nya at tumakbo papalapit sa'kin. "I have new titos, 'ma. They say they are tito's friend and they let me call them tito," saad n'ya at tinuro pa sila kuya na nakatingin sa'kin. "Yeah, mama knows them too. They are my kuya when I was here in the Philippines," nakangiting saad ko kay Jash. "Sige na. Play ka na ulit. Nasaan pala si tito at papalo?" "I don't know, mama, where tito is but papalo is upstairs. I guess his sleeping," saad n'ya at bumalik na kila Kuya Kiefer. "Hm... Okay," tugon ko na lang at nagdire-diretso sa kusina para uminom ng tubig. "Kamukhang kamukha ng tatay," Bigla saad ng kung sino habang nainom ako ng tubig. Kaya naman nasamidsamid pa ko ng unti dahil sa kan'ya. "Kuya Liam! Nakakagulat ka kamo," singhal ko sa kan'ya kaya naman tinawanan n'ya lang ako. "Sorry na, Javi. Ang gwapo ni Jash. Bukod sa kamukha s'ya ni Louie, may nakuha din naman sa'yo. The smile," saad n'ya kaya napangiti ako dito. "Ipapakilala mo ba sya sa papa n'ya?" "Ahm! Kuya, wag na lang sana muna natin pag usapan ung bagay na 'yan lalo na malapit si Jash. Ayokong umasa ung anak ko. Bukod du'n, hindi ko pa din alam kung dapat ko bang ipakilala si Jash, masaya na 'yun sa pamilya n'ya. Ayokong makagulo kami," paliwanag ko at ngumiti ng tipid sa kan'ya. "I understand. Sorry, pero andaya! Hindi mo man lang sinabi samin. Nakakatampo!" saad n'ya at ngumuso pa, kaya natawa ako. "Sorry, Kuya. Gusto ko talagang itago si Jash but Kuya Gelo want us here kaya wala akong nagawa. At'ska lalabas at lalabas naman talaga ung totoo. Katulad na nga ng sabi mo, kamukha kamukha n'ya si Louie. Wag na lang sana s'ya pumunta dito," saad ko lang. "Yeah, pero you have all the right to do what you think the best for Jash. Ikaw naman ang naghirap d'yan, ung tatay nagpasarap lang gumawa, nung naputok na sa loob ayun at nawala," seryosong usal n'ya pero ako hinampas s'ya. "Ang halay ng bibig, Kuya Liam! Baka marinig ka ni Jash at tanungin 'yan sa'kin!" natatawang singhal ko kasi ung bibig! "Totoo naman kasi! Ipinutok lang lahat sa loob tapos hindi man lang inisip kung may mabubuo o wala!" pag uulit n'ya. Sasagot sana ko kaso biglang pumasok si Kuya Gelo at Kuya Kiefer na bitbit ung mga pinamili kong grocery. "Tarantado 'to si Liam! Dinadagdagan mo pa ung galit ni Javi kay Louie!" saad ni Kuya Kiefer. "Kuya! Ang bibig! Baka marinig kayo ni Jash!" saway ko sa kan'ya kasi naman. "Hindi nya maririnig, nakaheadset at nakatutok sa phone ko," tugon naman ni Kuya Gelo. "Balik tayo sa usapan! Tama naman si Liam. Nagpasarap lang ung isa. Hindi naman s'ya naghirap." "Oh! 'Di ba? Tama ako! Tss.." gatong ni Kuya Liam. Hay! Etong mga 'to. Galit na galit kay Louie pero kaibigan pa din naman nila. I mean kasa-kasama pa din nila! "Alam n'yo! Mga back fighter kayo! Pinag uusapan n'yo ung tao pero kasa-kasama n'yo pa din naman sa mga kalokohan n'yo. Kung talagang galit at masama ang loob n'yo sa kan'ya, una pa lang na nasaktan n'ya ako, binugbog n'yo na. Tss!" singhal ko at umiling. "Yiee! Pinagtatanggol si Louie. Tama na nga 'yang usapan na 'yan about kay Louie! Balik tayo kay Jash," pang aasar ni Kuya Kiefer na tinawanan lang nung dalawa. "Hindi ko pinagtatanggol! Tama naman kasi. Ba't ba kayo biglang dumalaw dito?" tanong ko at naupo na sa island top. "Miss ka namin e! Kaya nagpunta kami dito. Kaso nasurprise kami kasi may batang kamukhang mukha ni Louie! Sarap kalaro ni Jash, Javi!" sagot ni Kuya Kiefer na parang tuwang tuwa na kalaro si Jash. "Oo nga. Mag anak ka na nga din para may kalaro ka," usal ni Kuya Liam. Pinapakinggan ko lang sila habang pinag uusapan si Jash. Nagsagutan pa about sa sinong mauunang mag anak sa kanilang tatlo. Tapos dapat daw jowa muna ang hanapin nila bago ang anak! Mga hayop talaga! Pero seriously talking! Namiss ko silang kausap at kasama. "Javi, wala ka ba talagang balak na ipaalam kay Louie na may Jash kayong dalawa?" tanong ni Kuya Kiefer. "'Ska na siguro. Ayokong makagulo sa pamilya n'ya," saad ko lang. "Paano kung wala ka naman palang magugulo?" biglang tanong ni Kuya Liam kaya napatingin ako sa kan'ya na nagtataka. "Paanong walang magugulo? We all saw how happy they are nung nagkita tayo sa mall. May anak na din s'ya. Kawawa naman ung bata kung magkakagulo," saad ko at tinaptap ung table. Ung mga bata naman talaga ang iniisip ko. Kung wala namang mga bata na involve at wala akong anak. Hindi ko hahabulin 'yun si Louie. Pero kahit naman may anak kami hindi ko pa din s'ya hinahabol, gusto ko lang na kahit papaano may makilalang tatay si Jash. Napalingon ako kay Kuya Kiefer nung bumulong s'ya. Tss! Bulong na naman! Magsasalita sana ko kaso bigla s'yang sinaway ni Kuya Gelo. "Ang hilig n'yong bumulong. Akyat lang ako mga Kuya. Lagay ko lang 'to du'n. Balik ako para ayusin 'yan," saad ko at naglakad pa labas ng kitchen. Naririnig ko pa silang nagtatalo dahil sa binulong ni Kuya Kiefer. 'Di ko na lang pinansin kasi wala naman sa'kin at hindi ko naman narinig kaya naglakad na ko paakyat. Nakita ko pa si Jash na naglalaro sa phone ni Kuya habang naka earphone. Mukhang seryoso kaya hindi ako nakita. Umakyat na ko papuntang taas, 'ska inilagay ung mga binili ko sa ilalim ng kama tapos nagpalit ng damit. Kinagabihan, dito na din naghapunan sila Kuya. Tuwang tuwa talaga sila kay Jash at ayaw pang umalis nung una pero nung pinag mumura na sila ni Kuya du'n na sila umalis habang natawa, babalik na lang daw sila bukas para sa regalo ni Jash. Nakatulog din agad si Jash after maglinis ng katawan, dahil ata sa sobrang pagod.. Ako naman lumabas ulit ng kwarto at pumunta ulit sa balkonahe para magpahangin. Habang nagpapahangin, nakaramdam ako na parang may nakatingin sa'kin. Tinignan ko ung likod ko pero wala namang tao. Baka kasi mamaya gugulatin na naman ako ni Kuya eh, pero may nararamdaman talaga akong nakatingin sa'kin. May third eye na ata ako! Hala multo! Charot! Hindi ako na niniwala du'n. Hinayaan ko na lang kasi baka feeling ko lang pero totoo, wala naman pala. Pumasok na lang ako sa loob dahil nakakaramdam na ko ng antok at takot. Pag pasok ko ng kwarto at tumabi na kay Jash. ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD