Chapter 9

2129 Words
Gelo's POV Isang linggo na ang lumipas nung bumalik sila Javi sa Korea, at naiwan sa akin si Jash at Leah. "Nakakatuwa si Jash, matalino at masayahin. Sarap ng may bata sa bahay 'no?" saad ni Liam, tumango tango lang ako sa kan'ya dahil totoo naman 'yun. Paggaling akong trabaho tapos maabutan ko s'yang naglalaro, tapos tatakbo sa'kin, nakakaibsan ng pagod. Panigurado namimiss na 'to ni Javi dahil nakwento ni Papa na pag restday nung isa lagi silang nag bobonding mag ina. "Totoo 'yan! Buti nga namana ni Jash kay Javi ung pagiging palangiti at bibo, hindi sa tatay n'ya na tahimik pero nasa loob ang kulo!" saad ko lang na ikinatawa nung mga kasama ko. "Totoo yan! Pero ung ngiti ni Jash, ngiti din talaga si Javi! Ganda pala ng combination 'no?" natatawang saad ni Kiefer. "Oo! Heartthrob yan pag laki! Dito na ba mag aaral si Jash?" tanong ni Van na ikinatango ko. "Oo, tinatapos lang ni Javi ung internship n'ya ta's babalik 'yun dito for good. Dito na din s'ya magtetake ng board exam. Buti nga at napilit ko. Muntikan pang mapornada un." Naiiling na saad ko. Nung sinabi ni Javi na babalik na lang sila ng Korea, nalungkot talaga ako kasi namimiss ko na ung kapatid ko. "Buti napapayag mong magstay?" tanong ni Louie na nakatingin sa anak n'ya. Oo, si Louie, kasa-kasama namin s'ya ngayon at alam n'yang anak n'ya si Jash. Mahabang kwento at side iyon ni Louie para ikwento kaya hindi ko na sasabihin kung paano niya nalaman. Ayokong pangunahan si Javi pero may rights si Louie para malaman at makilala si Jash kahit tito lang muna. "Kaunting drama at pangongosensya. Napapayag ko sya," pahayag ko at ngumiti kay Jash na nakangiti din sa'kin. "Ang gwapo ng anak mo, Louie! Tarantado ka! Magpasalamat ka at nakuha talaga nya ung ngiti ng mama nya," saad ni Kiefer. 'Di talaga sila makamove on sa combination ng mukha ni Javi at Louie. Natawa lang si Louie habang pinagmamasdan pa din ung anak nya. "I'm happy about that. 'Di ako nagsisisi na inilabas ko lahat sa loob n'ya nung araw na 'yun," aniya n'ya sabay tingin sa'kin. "Hindi ba talaga ako pwedeng magpakilala bilang tatay n'ya?" "Kung gusto mo na magstay sila dito at nasisilayan mo. Wag mong tangkain dahil wala ang mama n'yan dito. Sya ang kausapin mo at wag ako," sabi ko na lang dahil totoo 'yun. Okay lang sakin na magpakilala s'ya pero gusto ko din na kunin muna ulit ni Louie ang loob ni Javi bago s'ya magpakilala kay Jash. Mahal na mahal nitong g*gong 'to si Javi at alam kong ganu'n din si Javi sa kan'ya. Alam ko kung kailan at saan nag umpisa ang pagmamahal ni Louie kay Jav dahil ako ang unang nakaalam. Tumigil kami sa pag uusap about sa pagpapakilala n'ya nang nakita namin si Jash na tumatakbo papunta kay Louie. I guess lukso ng dugo ang nararamdaman ni Jash kay Louie dahil kakakilala lang nila ngayong araw, close na agad sila. "Tito Louie, can I sit here?" tanong ni Jash sa tatay n'ya. Makikita mo kay Louie na masaya s'ya pero alam mo din na may sakit dahil tito ang tawag sa kan'ya ng sarili n'yang anak. "Sure, baby. Lika!" saad naman nitong isa at binuhat si Jash. "Pawis ung likod mo, magkakasakit ka. Mag aalala ang mama mo," dagdag nya pa. Tahimik naman kaming natatawa dahil sa mga sinabi n'ya at itsura n'ya. Kung hindi lang talaga namin s'ya pinipigilan, siguro agad agad na nagpakilala 'to. "Jash! Lika, palit ka na muna. Mag aalala si mama mo pag magkasakit ka," tawag ni Leah at sakto naman na tumunog ang phone ko hudyat na may natawag. Pagtingin ko. Sh*t! Si Javi! "Jash, palit ka na. Si mama mo natawag," saad ko kaya naman parang nabuhayan ung mag ama. "Para kay Jash un bro, hindi para sa'yo," biro ni Kiefer kaya sinamaan s'ya ng tingin ni Louie. "Magpasalamat ka may bata kun'di minura na kita ng tagos sa buto," angil naman nitong isa pero agad din huminto nang sinaway ni Jash. "Don't fight po Tito Louie at Tito Kiefer. Bad po 'yun sabi ni Mama," Tapos baba na sa pagkakaupo sa lap ni Louie at tumakbo na kay Leah. "Sagutin mo nga Kiefer, kakausapin ko lang si Jash na wag sasabihin na kilala na n'ya 'to," saad ko sabay turo kay Louie. "Baka mapauwi 'yun bigla." Agad namang ginawa ni Kiefer iyon. "JavJav! Miss you!" bungad ni Kiefer. Natatawa na pang kaming naglakad papalapit kay Jash dahil kay Javi na naiinis kay Kiefer. "Jash, Naglie ka na ba kay Mama mo?" tanong ko sa kan'ya. "Yes po, pag hindi ko sinasabi na nagigising ako ng midnight at hinahanap ko si Papa ko kasi nagkacry s'ya," malungkot na pag amin n'ya kaya naman nagkatinginan kami Louie. Kita ko ung sakit na nararamadaman nitong taong 'to. "Ahm! Ganu'n ba? I didn't want you to lie to your mom but can you please not tell her that you know me already?" tanong naman ni Louie. Mukha naman nag-isip si Jash bago sumagot. "Ahm... If I tell her po ba na I know you, I will not see you again, Tito Louie?" tanong n'ya, hindi alam ni Louie ung isasagot kaya ako na sumagot. "Hindi naman sa gano'n, baby.. but can you not tell her na lang?" sabi ko sa kan'ya. "Ahm.. okay po. I will apologize to her na lang po," saad n'ya at yumakap sa papa n'ya na tito ang alam n'ya. "Thank you, baby" saad lang ni Louie. "Go ahead. Nag aantay na si Mama." Patakbo naman pumunta si Jash kung nasaan ang phone ko. Nakarinig ako nang malalim na buntong hinga kaya nabaling ung tingin ko kay Louie. "Don't worry, Tol! Matatapos din 'yan. Magiging maayos din ang lahat. Makakasama mo din 'yang mag ina mo. I'm not against to you, alam mo 'yan! Boto ako sa inyong dalawa ni Javi. Kaya kunin mo ung loob n'ya pag balik n'ya rito para naman sumaya ung kapatid ko pati na 'tong pamangkin ko," saad ko at tinapik ung balikat n'ya. "Salamat, tol! I will. Sana lang hindi ganu'n katigas si Loe. I miss you her so much. Naaawa din ako sa anak kong sabik sa ama niya," malungkot na saad n'ya habang nakatingin ulit kay Jash na biglang lumungkot dahil ata nagpaalam na ung mama n'ya. Tumahimik kami saglit at nakatingin lang kay Jash na malungkot na nagpapaalam sa Mama n'ya. Nung natapos 'yun bigla s'ya patakbong pumunta kay Louie kaya ung isa nagulat. "Careful, baby. Why are you crying?" tanong nya. "I miss mama, Tito Louie" malungkot na saad ni Jash at sumiksik sa leeg ng tatay n'ya. "Babalik din si Mama, tinatapos lang ni Mama ung work n'ya du'n then she will be with us again, Okay? Stop crying na. Mama will be sad if she see you crying," paliwanang ni Louie. Hindi ko alam na may gantong side pala itong g*go na 'to! He is a cold as ice in front of others! Kay Javi ko lang naman siya nakitang nagcare. "Okay lang 'yun, Jash. Labas na lang tayo. Where you want to go?" tanong ko sa kan'ya. Napaangat naman s'ya ng ulo mula sa papa n'ya. "Pwede po ba tayong pumunta sa mga art gallery, tito?" tanong n'ya. Tssss..... Mahilig sa art! "You like arts, baby?" gulat na tanong ni Louie. "Yes, tito! Sabi ni Mama, my papa also loves art and he's good at drawing and painting," masiglang saad ni Jash na parang proud na proud sa papa n'ya kaya naman 'tong isa, ang laki ng ngiti. "Really? Your mom told you that? What else your mama told you about your papa?" tanong ko. Naglakad kami pabalik ng inuupuan namin kanina para maupo, mamaya lalabas kami. "She said, my papa is a good guy, loves art, smart and handsome like me!" saad ni Jash kaya ung isa hindi napigilang tumawa. "Yes he is, Baby! Gwapo talaga ang papa mo!" natatawang saad n'ya. G*go! Pinuri ang sarili! Hinayupak! "Hindi gwapo ang tatay mo, Jash! Wag ka maniwala sa mama mo," sabat ni Kiefer. Narinig na pala nila ung sagot ni Jash. "Maganda lang ang mama mo kaya gwapo ka." Tinakpan naman ni Louie ung tenga ni Jash ska nagmura! "T*ngina mo! G*go!" inis na sabi ni Louie kaya humagalpak kami ng tawa. "Narinig mo?" tanong n'ya kay Jash nang tanggalin n'ya ung pagkakatakip. "Ang alin po? Ung sinabi po ni Tito Kiefer? I don't believe naman po. Kasi sabi ni Mama, kamukhang kamukha ko daw po si Papa and many people said I'm handsome that's why I know Papa is handsome too," nakangiti pa din si Jash kaya ngumiti lang si Louie sa kan'ya. Galak na galak na naman si Louie! Pasalamat talaga s'ya at iniwan ni Javi dito 'to sa'kin kaya nakakasama n'ya. Nagkwentuhan na lang kami habang si Jash nakakalong sa papa n'ya at naglalaro ng games sa phone ni Louie, bumabawi si g*go. Kinahapunan, nagdecide kaming lumabas anim, hindi ko na sinama si Leah dahil sabi ko magpahinga na lang s'ya. Madami namang bantay si Jash lalo na ung papa n'ya na halos ayaw na nilang maghiwalay dalawa. Tss! Nagmall lang kami dahil kailangan na munang magpabook 3 days before the visit sa art gallery na gustong puntahan ni Jash. Buti nga at hindi nagpilit. Mabait na bata talaga. "Saan mo gustong kumain, Jash?" tanong ni Liam. "Ahm... anywhere po," tugon naman nitong bata habang hawak hawak ang kamay ko at ni Louie. "Hm.. do you know jollibee?" tanong ni Van. Tumango lang si Jash. "Dun na lang tayo," masiglang saad ni Van. "Ikaw ata ang may gusto, hindi ung bata!" pang aasar ni Kiefer kaya natawa kami sa itsura ni Van. "Halata ba? Tss.." yun lang ung sagot n'ya. Pumunta na lang kami sa sinabi ni Van dahil mukhang pagod na din si Jash kakaikot namin. Dahil si Jash ang priority, syempre si Papa Louie ang manlilibre. "What do you want, baby?" tanong ni Louie. Hindi na talaga natatanggal yang 'baby' na tawag n'ya kay Jash. "Ahm... chinken joy, burger at fries po," masayang sabi ni Jash. "Kami? Hindi mo tatanungin?" pang aasar ni Liam. "Hindi, may mga trabaho kayo, kaya n'yo na sarili n'yo," singhal naman nitong isa habang buhat buhat si Jash. After mag order na libre naman talaga ni Louie. Naupo na kami at nag antay ng pagkain namin. "Daddy!!!" rinig naming tawag ng batang babae kaya napalingon kami. There! We saw Nalia running towards Louie kaya kahit ayaw kong ihiwalay si Jash sa papa n'ya at alam ko din na ayaw ni Louie, kinuha ko na si Jash. "Jash! Lika na dito kay Tito Papa," yaya ko agad namang napatingin si Louie sa'kin at parang sinasabi na 'ayoko' pero wala s'yang nagawa nung si Jash na mismo ang bumaba. Malungkot na naglakad papunta sa'kin si Jash tapos kumandong. "Daddy! Nandito ka po pala? Bakit hindi n'yo po sinabi na nandito din kayo?" saad ni Nalia nang makalapit kay Louie at nagpakandong. "Ah! Biglaan lang, Nalia. Nasaan ang mommy mo?" tanong n'ya dito. Casual na casual n'yang tawagin si Nalia. Hindi manlang sweet katulad ng kay Jash. Sabagay! Hindi ko s'ya masisisi. "Nandun po nag oorder. Can we sit here, Dad? And who is he?" tanong n'ya sabay turo kay Jash na nakatingin din kay Nalia. "Hi! I'm Jashua Lawrence Manliquez. But my Mama call me Jash," sagot ni Jash kaya napangiti kami. "Chickboy ka ah! Para kang tatay mo ah!" biro ni Kiefer kaya sinamaan s'ya ng tingin ni Louie! "Hi! I'm Nalia Klarence. You can call me Nalia," sagot naman ni Nalia. "Uy! nandito pala kayo.. Mind if we join?" tanong ni Natalie kaya naman tumango na lang kami. Lagot talaga ako kay Javi pag nalaman n'ya 'to! "Jash, don't tell your mama about this, okay?" bulong ko kay Jash na ngumiti lang sa'kin. "Anak mo?" tanong ni Nat nung napansin n'ya si Jash pero agad din kumunot ung noo nung may napagtanto. "But why? He looks like.." She trailed what she say tapos tumingin kay Louie na umiling lang. Tumahimik na din naman kami pero sadyang bibo ata si Jash kaya nagpakilala pa. "Hi po. I'm Jashua Lawrence Manliquez but my Mama call me Jash," nkangiting bati n'ya kay Natalie. "Hi Jash. I'm Tita Natalie but you can call me Tita Nat. Where's your mom?" tanong ni Nat. "She's in Korea po. She need to finish her work there po kasi pag hindi po, Dr. Jung will be mad at Mama," kwento ni Jash. Tss.. Madaldal na bata! "Oww.. Kamukha mo siguro ung Daddy mo," sabi ni Nat at tumingin kay Louie na nakangiti kay Jash at hindi pinapansin ung sinasabi ni Nalia. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD