Chapter 13

3336 Words
Louie's POV "Anong ibig mong sabihing wala kang asawa at anak? Noong nagkita tayo sa mall may tumawag sayong daddy. Tapos tinanong mo kung nasaan ung Mommy n'ya. So ano 'yun?" nakakunot noo n'yang tanong. Huminga muna ko nang malalim bago ikwento sa kan'ya lahat. "Listen, okay?" saad ko, tumango s'ya kaya du'n na ko nagsalita ulit. 5 years ago "Louie, come here join us para sa'yo ang party na 'to kaya halika dito," yaya sa'kin ni Mommy. Napaurap na lang ako sa hangin, I'm not the one who plan this party, they are! Kung ako lang, mas gugustuhin kong magcelebrate kasama sila Kiefer at least doon, makakasama ko si Loe. "Hi, Louie! Wanna drink?" tanong ni Claudia nang lumapit sa'kin kasama ung kaibigan n'yang si Natalie na anak ng bff ni Mommy. "No, I'm good," saad ko at naglakad papuntang garden. I just want to call my baby. "Hi, baby," bati ko sa kan'ya. [Hi! How's the celebration?] masiglang tanong n'ya sa'kin. "Boring! You're not here and the boys kaya boring. I miss you, Loe" pag amin ko dahil totoo 'yun. [I miss you too, love. Enjoy mo 'yan. Ano ka ba?! Your parents prepared that for you! Bukas na lang tayo mag celebrate nila Kuya nang magkakasama. 'kay? I love you] saad n'ya kaya naman napangiti ako nang todo. Isipin ko lang na makakasama ko siya ulit bukas, I'm so excited! "Yeah, sana matapos na 'tong gabi para makita na kita agad. I love you too, Loe" tugon ko sa kan'ya na nakangiti. [Wag mag inum masyado ah. Ay wait! Maalala mo naman lahat kahit malasing ka nang todo. Kaya I love you na lang ulit. Sige na. Enjoy ka dyan! Kain na kami ni Kuya] natatawang bilin n'ya kaya natawa na din ako. Nagpaalam na lang ako at nag 'I love you too' That girl really know me so well. Totoo kasi 'yun, kahit malasing ako nang sobra naalala ko ang nangyayari. Napatunayan ko na 'yun sa kan'ya. Noong nalasing ako and we end up make love. After kong tawagan si Loe, pumasok ako at kumuha ng beer at 'yun ung ininum ko. Lumalim ang gabi at lasing na din ako kaya naman umakyat na ko at nagshower, nag suot lang ako ng boxer pantulog pero bago ako matulog tumawag muna ako ulit kay Loe. "Love, still awake?" tanong ko nang sagutin n'ya ung tawag. [Yeah, love. Reviewing. May long quiz ako bukas] sagot naman nya. Hay! Dedicated talaga s'ya sa pagdodoctor n'ya and I'll support her for that. [I miss you, Louie] pahabol n'ya kaya naman napangiti ako. "I miss you too, Lorraine. Hope your here, baby. Lying in my bed with me," malambing na saad ko at iniimagine na katabi ko s'ya. [Lying lang ba? Joke lang] natatawang biro n'ya. Sira ulo 'to! Namimiss ko na nga s'ya e! Binigyan pa ko ng scenario! "Huh! Mind reader ka ba, Loe? Bakit nababasa mo ung iniisip ko. Lagot ka sakin bukas!" banta ko na lang na ikinatawa namin pareho. Medyo humaba ung usapan namin pero nagpaalam na din ako dahil alam kong nakakaistorbo na ko sa pagrereview n'ya. "Good night, love. After mo magreview magpahinga ka na ha. I love you," paalam ko sa kan'ya. [Yep! I will, love. Nighty! I love you too] tugon n'ya tapos pinatay na ung tawag. Ako naman pumikit na at natulog. Kinaumagahan, isang malakas na sigaw ang gumising sa'kin. "MARK LOUIE FERNANDEZ! what have you done?" rinig kong sigaw ni Daddy kaya kahit masakit ang ulo ko iminulat ko ang mata ko at du'n ko napansin na nandu'n si Mommy at ung bff n'ya tapos si Daddy. "Anong prob- F*ck! Sino 'to?" sasagot sana ako kaso nakita ko na may nakayakap sa'kin. Sino 'to?! Pumunta ba si Loe dito? Imposible! Nagrereview 'yun. Tinignan ko ung babae at nang makita ko, agad nag init ung ulo ko! Bwisit! Bakit nandito 'to?! At p*ta! Nakahubad s'ya! "Anong sino 'yan?! Nakahubad at nakayakap sa'yo, hindi mo alam kung sino?! Sa sobrang lasing mo hindi mo natandaan na ginalaw mo ang anak ko?! Laila! Kailangan panagutan ng anak mo ang anak ko!" malakas na sigaw ng Mommy ni Natalie. Oo! Si Natalie ung nasa higaan ko. "What?! No! Hindi ko nga alam na nandito s'ya!" madiing tanggi ko sabay baling kay Natalie. "Hey! Tumayo ka d'yan at wag kang magtulog tulugan! Sabihin mong walang nangyari sa'tin dahil wala talaga!" hindi ko na din napigilang sumigaw dahil alam kong gising s'ya! Nagulat ako ng bigla s'yang humikbi tapos kinuha n'ya ung kumot na isa at itinaklop sa kan'ya. Ang nakakapagtaka! Bakit nakapasok s'ya dito? Sa pagkakatanda ko nilock ko ung kwarto ko?! Kaya tumingin ako kay Mommy, na biglang umiwas nang tingin. "Magbihis kayong dalawa at sa baba natin 'to pag usapan," pahayag ni Dad pero sumagot ako. "Anong pag uusapan natin? Wala naman nangyari samin dalawa. Pupunta ako kila Lorraine," walang buhay kong saad at tumayo pero napahinto ako nang bigla akong sinampal ng mama ni Natalie. "Walang hiya kang bata ka! Pagkatapos mong parausan ang anak ko. Wala akong paki kung may girlfriend ka! Pero kailangan mong panagutan ang anak ko!" umiiyak na saad nito 'ska niyakap ang anak n'ya. Tinignan ko sila Mommy at Daddy na walang reaksyon kaya mas nainis ako! "Walang nangyari samin," madiing at puno ng kaseryosohan kong usal sabay pumasok ng banyo. Bakit ko sasayangin ang oras ko sa usapin na iyon kung malinis ang konsensya ko. Naligo at nagbihis lang ako. Paglabas ko wala na silang lahat. Tumingin ako sa kama ko at napangisi. Walang nangyari sa amin. Kinuha ko ung susi at wallet ko. Tapos bumaba na pero nasa hagdan pa lang ako nag iinit na ung ulo ko. Dahil nagkukwento si Natalie ng nangyari kagabi at hindi ko nagugustuhan ung sinasabi n'ya. Napatingin sila sa'kin nang makababa ako pero 'di ko sila pinansin at nagdere-deretso ng lakad. Lalagpasan ko na sana sila, nang marinig ko ung boses ni Dad. Galit ako pero hindi ko pwedeng baliwalain si Dad. "Where do you think you're going, young man?" striktong tanong ni Dad, tinignan ko s'ya. "I'm going to Lorraine's House. May usapan kaming anim," walang buhay na usal ko. "You are going nowhere, Louie. Hangga't hindi napag uusapan ang nangyari sa inyo ni Natalie," mabilis na saad ni Mommy. "Nangyari sa'min? Walang nangyari sa'min. Ba't ba pinipilit n'yo?" inis na usal ko kay Mommy tapos humarap kay Natalie. "At anong kinukwento mo na nag usap tayo at hinalikan kita sa garden? Oo nag punta ako sa garden para tawagan ang girlfriend ko at hindi para kausapin at halikan ka. Ni hindi nga kita nakita na nasa garden ka. At ano? Niyaya kita sa kwarto ko?! Isang babae lang ang gusto kong yayain sa kwarto ko, si Lorraine 'yun! Ung girlfriend ko at hindi ikaw. Kaya ikwento mo ung totoo don't make story about last night," madiing sigaw ko sa kan'ya. Mas umiyak naman s'ya dahil sa sinabi ko. Oh Great! Artehan mo pa! Nakakainis! "How dare you saying those words to the woman you used last night!" sigaw ng mommy n'ya. "I'm sorry, Tita Nadyah. But I'm firm with what I said. Walang nangyari sa'min ni Natalie," saad ko at humarap kay Dad. "Bahala kayo kung hindi po kayo naniniwala. Pero isa lang ang sasabihin ko. Hindi ko ginalaw si Nat kahit lasing ako naalala ko lahat ng ginagawa ko kaya kong idetalye lahat. Pasensya na ho," seryosong saad ko at dumeretso sa labas para sumakay sa kotse ko. Nagdrive lang ako papunta kila Gelo dahil nachat ung tatlo na nandu'n na daw sila. -------------- Dumaan ang pasko at magbabagong taon na wala akong pinagkwentuhan o sinabihan ng nangyari. Naging tahimik na din sa bahay at hindi na pinag uusapan, until 2 days before new year, biglang sumugod ung Mommy ni Natalie dahil buntis daw si Natalie at ako ang ama! "What?! Paanong ako ang ama e, hindi ko nga s'ya ginalaw," inis na usal ko habang nasa sala kami at katapat ung mag ina. "No! Laila at Marcus! Kailangan panagutan ng anak n'yo ang anak ko! Kailangan nilang magpakasal sa lalong madaling panahon. Ayokong lumaki ang tyan ng anak ko nang hindi sila kasal," madiing demand ni Tita Nadyah. Dammit! Bakit ako magpapakasal sa babaeng hindi ko manlang tinignan o kinausap?! Hinarap ko si Natalie. "You! Bakit hindi mo sabihin ung totoo?! Bakit nagsisinungaling ka?! Bakit hindi mo sabihin kung sinong nakabuntis sa'yo?! Bakit sa'kin mo pinapaako 'yan! Alam mo sa sarili mong walang nangyari sa'tin?!" galit na sigaw ko sa kan'ya habang naluluha. Ayokong magpakasal sa kan'ya dahil isang babae lang ang papakasalan ko, si Lorraine 'yun. Aantayin ko s'ya, sasamahan ko s'ya sa pangarap n'ya pero p*tang*na! Dahil sa mga katulad nila, mapupurnada pa! "Louie! Magpapakasal kayo by next week. And that's final!" biglang saad ni Dad kaya nabaling ung tingin ko sa kan'ya. "Dad! Please.. No! Ayoko! Hindi ako magpapakasal sa kan'ya. Walang kasalan na magaganap,' madiing pagtangi ko. "No! You will marry Natalie! End your relationship with Javi. She's a good woman, I know she will understand this. We will have our family dinner on New Year's Eve, together with them." Tumayo si Dad at naglakad pakyat sa taas. Sa sobrang inis at frustration ko dahil pagsinabi ni Dad na final, final na talaga. kahit may mga tao. Sumigaw ako ng malakas! "ARGH!" Sigaw ko at humarap kay Mommy na nakatingin sa'kin. "You plan this, I thought you are okay what's me and Loe have but why, Ma? You knew, how much I love Lorraine! Malalaman ko din why you did this to me. Papayag ako sa gusto n'yo dahil wala akong kakayanan na tumanggi sa inyo pero wag kang umasa na babalik pa tayo sa dati" naiiyak pero may diing saad ko 'ska humarap kay Natalie. "You're good at making stories, sana maging masaya ka! You ruin my life. Kinuha mo ung kasiyahan ko." Umiiling na saad ko at umakyat sa kwarto ko, kinuha ko ung susi ng kotse at wallet ko. Tapos lumabas ulit. Nilagpasan ko lang sila at nagderederetso. Narinig ko pang tinawag ako ni Mommy pero hindi ko pinansin. Pupunta ko kila Gelo. Doon ako matutulog, may damit naman ako sa kotse gusto ko lang yakapin si Loe. Pagdating ko du'n, sakto naman na si Loe ung magsasara ng gate nila. "Louie! Anong oras na? Bakit nandito ka?" 'di ko pinansin ung mga tanong n'ya basta yumakap na lang ako sa kan'ya. Lorraine.. My beautiful Lorraine. I promise to myself na si Loe lang ang ihaharap ko sa altar at bibigyan ko ng surname ko! "I miss you," 'yun lang ung sinabi ko sa kan'ya. "Can I sleep here?" Humigpit naman ung yakap n'ya at naramdaman tumango s'ya. "I miss you too. Okay ka lang ba? Pwede ka naman dito matulog, tara na sa loob. Malamig!" yaya n'ya sa'kin kaya sabay na kami pumasok. Nang gabi na 'yun du'n ako na tulog pero wala kaming ginawa dahil gusto ko lang talaga s'yang yakapin. Gusto ko lang maramdaman s'ya hanggang pwede pa. Kinabukasan napagpasyahan na du'n namin sasalubungin ang bagong taon at ang mahal ko takot sa paputok kaya ibang paputok ang ginawa naming dalawa. Gusto ko lang s'yang angkinin nang angkinin nung gabi na 'yun dahil alam ko pagkatapos ng gabi na 'yun magbabago na ang lahat. Tulog pa s'ya nung umalis ako. Umuwi ako ng bahay para du'n sa sinasabi nilang dinner kuno. Nagkulong ako sa kwarto ko at kahit kating kati akong tawagan o puntahan si Lorraine, hindi ko ginawa. May hindi tamang nangyayari. I ask Loe last night kung ilang months bago malaman na buntis ang isang babae. Biniro ko pa s'ya nu'n para kako alam ko kung buntis na s'ya. Sabi nya 4 weeks or more. I ask kung in 2 or 3 weeks, may possibility daw pero mababa at hindi sigurado. Kahit sa ultrasound malabong madetect. Malakas ang kutob ko na bago ung araw ng party buntis na si Natalie. Ako lang ang ginawa nyang panakip pero ang nakakapagtaka pa! Paano s'ya nakapasok sa kwarto ko? Isa pa 'yun, alam kong si Mommy ang tumulong du'n pero hindi ko alam kung bakit?! Kinagabihan, tinawag ako ng maid namin dahil nandyan na daw ang mga bisita. Bwisita para sa'kin. Hay! Bumaba na lang ako at talaga namang mukhang planado 'tong kasal na'to at ayaw papigil! Ang T*ngina! Nandito sila Gelo, Kiefer, Liam at Van. Ang galing! "Tol! Ininvite kami ng Mommy mo. Dinner daw dito. Kasama dapat namin si Javi kaso biglang tumawag ung thesis buddy n'ya at mag overnight daw sila du'n. Sorry" sambit ni Gelo. Ayokong makita s'yang umiyak. Pagkatapos ko s'yang pagurin kagabi, malalaman n'ya ikakasal pala ako. "Okay lang, ayoko din na nandito s'ya," malungkot na saad ko, bahagyang nagulat si Gelo pero nagsalita pa ako. "Gelo, bugbugin mo na lang ako mamaya. Please.. I'm sorry," walang buhay na usal ko at tumalikod na. Mukhang nagulat silang apat kaya hindi nakasunod agad. Naupo na ako sa upuan ko sa tabi ni Mommy at tabi ni Louis. My younger brother. Tapos nasa tapat ko si Natalie at ung mommy n'ya na taas noo. Akala mo walang ginawang kalokohan ung anak n'ya. Bwisit! "Gelo, where's Javi? I thought she will come" nakangiting tanong ni Mommy. Sasaktan n'yo lang s'ya kaya mabuting hindi s'ya pumunta. "Bagong taon man po pero nagtethesis pa din po s'ya," malamig na saad ni Gelo habang nakatingin sa'kin. "Ow.. How dedicated she is in her dream profession. Desidido talaga s'yang magdoctor," puri ni Mommy kay Loe. Nakakainis! "Ow! Stop that crap, Ma! You're complementing her while you plan this sh*t!" inis na bulyaw ko, hindi ko na napigilan kasi parang binabastos n'ya si Loe! Alam kong walang masama sa sinasabi n'ya pero hindi ako natutuwa. "Louie! Your mouth!" saway ni Daddy. "Oh? So that Javi your talking about is the girlfriend of my son in law to be?" biglang singit ni Tita Nadyah kaya nabaling ung tingin nung apat sa kan'ya tapos sa'kin. May galit akong nakikita sa mata nila pero pinipigilan nilang magreact. "Ikakasal ka na pala," walang buhay na sabi ni Kiefer. Tinignan ko lang s'ya at hindi nagsalita. "Yes, he is. To my Daughter, magkakaanak na din sila. My daughter is 4 weeks pregnant," proud na pahayag ni Tita Nadyah. 4 weeks ah! 2 weeks lang nakalipas after ng party. Tss! Mga sinungaling! "T*ngina!" inis na mura ni Gelo habang mahigpit ang hawak sa kutsara. Inakbayan naman ni Liam si Gelo na mababakasan mo din ng matinding inis. "Aalis na po kami Tita Laila, Tito Marcus. Masyado pong nababastos si Javi dito. Hindi naman po lingid sa kaalaman n'yo ang relasyon ni Louie at Javi. Unting respeto lang po sana," magalang na saad ni Van habang nakatingin sa akin. "Tara na!" yaya n'ya du'n sa tatlo, sabay sabay silang tumayo at nag lakad paalis. Bago pa sila tuluyang makaalis, lumingon sa'kin si Kiefer. May galit pero alam mong nanghihingi ng explanation. "Kung makakapunta ka sa bahay nila Gelo after mo d'yan, pumunta ka. Papakinggan ka naming, Tarantado ka!" wala pa ding buhay na usal n'ya at lumabas na din. "Ghad! Mga bastos na bata! Ayan ang sinasamahan mo, Louie! Mga walang manners," pag iinarte ni Tita Nadyah. Sasagot sana ako pero naunahan ako ni Dad. "No! Tama naman sila. Binastos n'yo si Javi sa harap ng kapatid n'ya at mga itinuturing na kuya n'ya. Walang mali sa sinabi nila," seryosong usal ni Dad at tumayo. "Nawalan na ko ng gana. Kumain na kayo," Pag alis ni Dad, tumayo na din ako at walang sabihin umalis. Pupunta ako sa bahay nila Gelo. Nagpark na ako at pumasok pero hindi pa man ako nakakapasok nang tuluyan dalawang suntok na ang dumapo sa pisngi ko. "Hayop kang tarantado ka! Kailan pa?! Kailan mo pa niloloko ung kapatid ko?! Pinagkatiwala ko sa'yo kasi alam kong iba ka! Dahil alam ko na mahal na mahal mo si Javi dahil inantay mo talaga s'ya! Pero p*tang*na! Ginago mo ung kapatid ko!" puno ng galit na sigaw ni Gelo. Pinigilan naman s'ya agad ni Kiefer at Van. "Bitawan n'yo ko!" sigaw n'ya at winaksi n'ya ung dalawa na hinayaan naman s'ya. Hindi na rin naman s'ya sumugod. "Tinikman, ginalaw at pinagsawaan mo lang ung kapatid ko habang tumitikim ka sa ibang babae! Mas masarap ba 'yun kesa sa kapatid ko?! O dahil 'yun nagpabuntis agad kesa kay Javi na ayaw pa!" Sigaw n'ya at doon na ako sumagot. "Kahit kailan hindi ko pagsasawaan ung kapatid mo. Hindi ako tumikim ng ibang babae, tanging si Lorraine lang! S'ya at s'ya lang ung gusto kong maging ina ng anak ko! Hindi ko gustong magpakasal! Hindi ko ginalaw ung babaeng nandun! At lalong lalo na hindi ko anak ung batang dala n'ya!" sigaw ko sa kan'ya at umiyak, hindi ko napigilan. Nasasaktan ako! H,indi ko s'ya niloko! Mahal na mahal ko 'yun para lokohin. Lahat ng hinahanap ko nasa kan'ya na bakit pa ko hahanap at titikim ng iba kung sa kan'ya pa lang sobra sobra na! S'ya ang una kong babaeng minahal, ginalaw at pinag alayan ko ng sarili ko.. "Tigilan n'yo na! Si Javi ang usapan dito, lahat tayo importante sa'tin si Javi lalo na kayong dalawa. Mag usap tayo ng mahinahon," saad ni Liam, the Neutral Liam. Tumingin s'ya sa akin. "Siguraduhin mong ipapaliwanag mo sa'min nang maayos lahat lahat at walang kakaligtaan dahil ako magsasabi sa'yo. Pagtutulungan ka naming apat!" saad n'ya sa'kin kaya naman kumalma si Gelo at naupo. Ikinuwento ko sa kanila lahat. "Hayop! Ang sakit! Naiimagine ko pa lang na iiyak si Javi pag nalaman n'ya 'to. Nasasaktan na ko. Paano pa pag nalaman na n'ya? Pag totoo na!" inis na sabi ni Gelo sabay gulo sa buhok n'ya. "Pinatay ko na ung sarili ko kakaisip sa bagay na 'yan," mahinang saad ko at tumulo na naman ung luha ko. Totoo 'yun. Naiimagine ko pa lang na umiiyak si Loe. Ang sakit sobra! Ayoko s'yang umiiyak lalo na kung dahil sa'kin kasi hindi ko s'ya mapapatahan dahil ako nga ang dahilan. "Pero sigurado kang walang nangyari sa inyo ni Natalie?" tanong ni Kiefer. "Oo! Lasing na lasing nga ako naalala ko kung paano kami ng memake love ni Loe, ayun pa kayang nahimasmasan na ako at nakausap ko pa si Loe. Tandang tanda ko din na nilock ko ung kwarto ko bago ako magshower," tugon ko sa kan'ya. "Wag ka na muna magpakita sa kapatid ko. Utang na loob, Louie!" gigil na saad ni Gelo. "Yeah! That's actually my plan," Mahinang usal ko habang nakayuko at umiiyak. Natapos ang usapan namin at uminum na lang ulit. Hindi na nga ako nagpakita kay Loe kahit text o tawag, wala! Nag umpisa ako magtrabaho sa firm ni Dad. Bawat araw na dumadaan na hindi ko nakakausap o nakikita si Loe, nanghihina ako. Naglalasing at matutulog tapos papasok na naman tapos ganu'n ulit. Naging routine na sa'kin 'yun. Hanggang sa dumating ung araw na ikakasal ako. Nakangiti silang lahat, si Dad, Louis at ako lang ata ang nakapoker face. Siguro kung si Lorraine ang kaharap ko baka wala pang you may now kiss the bride, hinalikan ko na agad s'ya. "Kuya, I hope si Ate Javi na lang 'yan. I want her for you," malungkot na pahayag ni Louis. "Ako din kaso wala pa akong kakayahan para suwayin sila Dad," saad ko at malungkot na ngumiti. Niyakap na lang ako ni Louis kaya naluha ako, ramdam ko ung awa sa akin ng kapatid ko. Mahal na mahal ko si Loe ayoko ng gan'to. Pag okay na at alam ko na lahat. Pag kaya ko nang tumayo mag isa nang hindi humihingi ng tulong kay Dad, ako mismo ang magpafile ng annulment namin at ako mismo ang magpapatunay na hindi ko anak ung dala dala ni Natalie. Nakasal kami ni Natalie at du'n muna kami tumira sa condo ko, nabinili ko, using my own savings. Si Lorraine dapat 'to kaso.. hay... I miss her so much. ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD