Kabanata 6

1667 Words
Kabanata 6 Why is he here? Kahit na kakasabi lang din ni Ma'am Carmela kung bakit siya nandito sa opisina, hindi ko pa rin mawari kung bakit. He didn't have to work here. His family has their own business which he could handle. Sa pagkakatanda ko nga ay siya ang magmamana no'n kaya hindi ko alam kung bakit siya biglang sumulpot sa pinagtatrabahuhan ko. I had no idea if he was playing with me or trying to test my patience, but right from the beginning, I knew I already lost his game. Noong may nangyari sa amin sa gabing nagkita kami ulit, talo na agad ako. Bumigay ako sa temptasyon. Bumigay ako sa kanya. Ni hindi man lang ako nakalaban. If I would be honest, I was d*mn certain that I had not recovered yet from that lustful and sinful night. Tuwing naaalala ko ang gabing ‘yon ay para akong sinisilaban. The moment I closed my eyes, I could see his face so close to me. His mark was still on my skin and had not completely faded yet. Tahimik akong bumalik sa aking upuan at inilapag ang biniling mga kape sa lamesa ni Jessica. Nang pinabalik na ni Ma'am Carmela ang lahat sa kani-kanilang pwesto pagkatapos ipakilala si Liam, ang mga kasamahan kong nandoon sa bar noong gabing 'yon ay dumiretso sa akin. Mayroon silang suot na mapaglarong ngiti kasama nang kuryosong mga mata. On the other, though, Jessica looked worried. Despite the same spark of curiosity in her eyes, her concern overpowered the other emotions she was exuding. "Mia, hindi ba't siya 'yung lalaki sa bar?" "Oo nga! Akala ko no'ng una namamalikmata lang ako pero siya talaga!" "Sa gwapo ba namang 'yon? Hindi pwedeng ipagkaila! Tandang-tanda ko 'yung mukha niya!" "Mukhang nakilala ka rin niya, Mia! Nakakakilig!" "Bagay kayo! Pero parang bagay rin kami!" Pinaulanan agad nila ako ng tanong at mga komento patungkol sa nangyari. They all looked so invested with him, and I couldn't share the same enthusiasm. Ang namumuong kulay abo at makapal na ulap sa loob ko ay nagbabadya ng malakas na ulan. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang lagpasan ang bagyong nararamdaman. I was too caught off guard because of his presence. Hindi ako nakapaghanda para sa isang delubyo. "Grabehan talaga!" Jessica shoved her way into the circle and pushed our colleagues aside. "Ang agang chismisan! Tigilan ninyo nga si Mia!" I bit my lower lip. Nagpapasalamat akong nandyan si Jessica dahil alam kong hindi ko kayang igiya ang sarili palabas ng kanilang usapan. She was the only one who could steer them away at that moment. Siya lang ang nakakaalam ng problema ko kaya alam niya ang dapat na tamang gawin sa sitwasyon na 'yon. "Eh kasi naman, Jessica, nakakakilig talaga! Para silang itinadhana ni Mia!" komento ng isa. "Biruin mo nagkita lang sila sa bar noong isang gabi tapos ngayon magiging magkatrabaho na. Sinong hindi kikiligin?" "Oh, sige! Sabihin na nga nating nakakakilig nga pero nakakalimutan ninyo bang may jowa itong si Mia?" tanong ni Jessica sa kanila, ngunit hindi ko ipagkakailang pati ako ay nasapul ng tanong na 'yon. I knew I had a boyfriend that night, but I still let myself fall into the hands of the devil by cheating on him with my ex-boyfriend. Natahimik ang mga kasamahan ko sa tanong ni Jessica. Nang mag-angat akong muli ng tingin upang tingnan ang kanilang mga reaksyon ay kita kong nagkatinginan sila. Mukhang tunay na nakalimutan nila na may boyfriend nga ako. "Kaibigan pa naman ang tingin sa atin ni Andrew. Nakakahiya na ganyan iniisip ninyo," iritado niyang sabi at halos umikot na ang mata nang humalukipkip. "Bumalik na nga kayo sa puwesto ninyo. Magtrabaho na at tigilan na natin ang pagiging Marites. Magbagong buhay na tayo!" Like they were all intimidated by Jessica, nagsibalikan nga sila sa kani-kanilang mga pwesto. Nang nawala sila sa paligid ay saka lamang naupo si Jessica at hinila ulit ang sarili papalapit sa akin. Doon ko naramdamang tumindig ang kanyang kuryosidad. "Si Liam talaga 'yon, 'di ba?" tanong niya sa akin, nanlalaki ang mga mata at tila hindi pa rin siya makapaniwala. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko saka tumango. Nang kumpirmahin ko sa kanya ay siya naman ang napahinga nang malalim. "Ano na'ng gagawin mo niyan?" sunod niyang tanong. Umiling ako at halos sapuhin na ang ulo. "I don't really know, Jess... Problemado pa ako kung paano ko sasabihin kay Andrew tapos ito agad." "Problema nga 'yan..." Sumandal siya sa kanyang upuan at saglit na nag-isip nang bigla siya napaupo nang maayos. She then leaned forward, looking livelier. "Teka! Kanina mukhang nagkunwari siyang hindi kayo magkakilala, ah?" Since she mentioned it, doon ko lamang naalala na talaga ngang umakto si Liam na hindi niya ako kilala. He even pretended to read my ID when he gave me the coffee. "Ganoon na lang din siguro ang gawin mo! Kunwari hindi mo rin siya kilala, oh, 'di ba?!" Jessica was so proud of her suggestion like it was the most perfect plan. "Hindi ka naman obligadong kausapin at lapitan siya. You can just avoid him! Madali lang 'yan lalo na't nasa opisina lang siya madalas katulad ni Ma'am Carmela." Hindi ko sigurado kung talaga bang ang suhestiyon ni Jessica ang pinakamagandang gawin sa lahat o wala lang akong ibang maisip. Lutang ako dahil sa mga sunod-sunod na hindi inaasahang pangyayari't hindi ako makapag-isip nang maayos. Sa tingin ko rin ay kahit gaanong katagal pa ako mag-isip, wala rin akong mahahanap na sagot. The best thing to do was to pretend that I didn't know him and avoid him at all cost. *** Avoid? I smirked with the idea of avoiding Liam Enriquez. How can I avoid him now? “Sorry to disturb your work, Mia. Gusto ko sanang ako na lang ang mag-tour kay Mr. Enriquez dito sa Glamor, kaso ay nahihirapan na akong maglalakad dahil dito sa dala-dala ko,” ani Ma’am Carmela hinihimas ang malaki niya ng tiyan. Nagtagal ang tingin ko roon at may sumipang kaba sa puso ko sa ideyang bigla na lang ay pumasok sa isipan ko. “Mia?” tawag-pansin sa akin ni Ma’am Carmela. Tumikhim ako at ngumiti. “It’s okay Ma’am.” Napasulyap ako sa lalaking hindi na inalis ang tingin sa akin mula kanina pang pumasok ako sa opisina ni Ma’am Carmela matapos niya akong ipatawag. Of all people in our department, why does it have to be me? Talaga bang pinaglalaruan ako ng tadhana? “Let’s go, Sir?” Tumango siya at tumayo sa pagkakaupo sa sofa. Bilang siya ang boss ko ay pinauuna ko siyang lumabas matapos kong buksan ang glass door ngunit iminuwestra niya ang kamay niyang mauna ako. Napasulyap ako kay Ma’am Carmela at hindi ko alam kung namamalikmata lang ako ngunit nakita ko ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Huminga ako nang malalim at sinabi sa sariling kailangan kong maging propesyonal. He’s my superior now. I should act professional and ignore these unwanted feelings. Nagsimula kong i-tour si Liam sa Glamor, sinasagot ko ang mga tanong niya ngunit ang tingin ko ay iniiwas ko sa mga mata niya. “It’s almost lunchtime, how about we eat here?” turan niya nang mapadaan kami sa cafeteria ng kompanya. Napatingin ako sa relo ko at umiling. “May baon po ako, Sir,” seryoso kong saad kahit ang totoo ay hindi ako nakapagbaon ngayong araw. “Doon naman po tayo sa–” “May baon ka o tulad kanina iniiwasan mo na naman ako?” Tiningala ko si Liam at napalunok ako nang makita ang seryoso niyang mga mata. Tiim ang labi at kunot ang noo niyang pinagmamasdan ako. Malalim akong bumuntonghininga at minasdan ang paligid. May mangilan-ngilang empleyado na ang lumalabas sa kani-kanilang departamento. Ganito naman kasi sa Glamor, hangga’t hindi namin napapabayaan ang trabaho namin, ayos lang kahit anong oras kami mag-break. Binalikan ko ng tingin si Liam at sa takot na may makarinig nang kung ano pang sasabihin niya ay hinila ko siya patungo sa elevator. Dinala ko siya sa rooftop ng Glamor at siniguradong walang tao roon bago ko siya hinarap. Hinubad ko ang id na suot at ibinulsa iyon. For now, he’s not my boss. “Tell me what you want, Liam.” Ngumisi siya. “Woah, seems like kilala mo na ako Miss Sandoval?” Inis kong hinawi ang buhok kong nililipad ng malakas na hangin. “Quit it, Liam! Bakit ba dito mo pa naisipang magtrabaho?” Napupuno ng inis kong saad. “May problema ka ba sa pagpasok ko dito sa Glamor, Mia?” aniya at hinawakan ang buhok ko’t inipit sa tainga ko. Dali-dali kong hinawi ang kamay niya at lumayo nang maramdaman ang tila kuryenteng nanulay sa katawan ko sa ginawa niya. “I’m waiting for your answer, Mia,” nangingisi niyang saad. Huminga ako nang malalim at kinagat ang labi. “It was a mistake. I was drunk.” Nawala ang mapaglarong ngisi sa labi niya sa tinuran ko. Lumunok ako para mawala ang namumuong bikig sa lalamunan ko. Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko at pangangatal ng labi ko. “You’re not that drunk, Mia. We both know that,” umiiling niyang saad at humakbang patungo sa akin ngunit agad akong umatras. “That wasn’t a mistake. We both wanted it. You–” “I have a boyfriend, Liam.” “W-what?” Natigilan siya at bumagsak ang kamay na tangkang aabutin ako. Yumuko ako at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Lumuluhang tiningala ko siya at nanginginig ang mga kamay na pinagdikit ko iyon sa harap niya. “I l-love him, Liam so please…” Humikbi ako at natutop ang bibig. “Can we please forget what happened to us that night? You and I…we were done a long time ago, right?” Hindi siya nagsalita at tiim-bagang na tinalikuran ako’t iniwanan. Napapikit ako nang malakas niyang isara ang pinto. Nanghihinang napaupo ako at sinapo ang ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD