Kabanata 1
Kabanata 1
“TALAGA bang hindi ka makakahabol?”
“Pasensya na love, masyadong marami kaming kailangang tapusin. Lahat talaga kailangang mag-overtime.”
“Sige,” matabang kong sagot sa boyfriend ko na si Andrew.
Bumuntonghininga siya sa kabilang linya mukhang nahimigan ang pagtatampo sa boses ko.
“Please, huwag ka nang magtampo love. Babawi ako sa susunod.”
Kailan pa kaya iyon?
Isang taon na kaming magkarelasyon ni Andrew. Ipinakilala siya sa akin ng boyfriend ng officemate kong si Jessica. Sa loob ng tatlong buwan ay matiyaga siyang nanligaw sa akin. Unti-unti ko na rin siyang nagustuhan hanggang sa sinagot ko na siya. Mag-iisang taon na kaming magkasintahan at wala naman akong maipipintas sa kanya.
Malambing, mapagbigay, at mabait si Andrew.
Pero nitong mga nakalipas na buwan matapos niyang ma-promote bilang head architect pakiramdam ko unti-unti na siyang nawalan ng oras sa relasyon naming dalawa. Naging madalang ang pagkikita namin. Minsan ay lumilipas ang ilang araw na hindi na kami nakakapag-usap pang dalawa.
“Ayos lang basta sa linggo huwag kang mawawala ah. Birthday ni Mommy at inaasahan niyang makakarating ka.”
“I promise I’ll come. Send my greetings to Jessica.”
“Okay bye, huwag mong kalimutan kumain. Huwag kang magpapagutom.”
“I will love, bye.”
Nang maibaba ko ang cellphone ko ay nakasimangot akong humilig sa balikat ni Denise na naiiling.
“Hindi na naman sasama?”
“Hectic talaga ang trabaho nila ngayon, Mia. May malaking project kasi silang nakuha,” ani Harold na boyfriend ng isa sa mga malalapit kong kaibigan na si Jessica.
“Hmp, bakit ikaw naman? Busy ka rin naman–”
“Jess, what gift do you want from me?”
“Tinatanong pa ba ‘yan? I want a 24K gold carat engagement ring.”
Napailing si Harold sa pagbibiro ni Jessica.
Tonight is Jessica’s birthday.
We’re going to an expensive club courtesy of her rich boyfriend, Harold.
I wore a black halter dress down to my mid-thighs paired with my wedge heels. Nagpaganda ako ngayong gabi para sa boyfriend ko na inakala kong makakasama pero hindi naman pala.
Maingay na tugtugin ang sumalubong sa amin nang makapasok kami sa bar. Hindi ito ang unang beses na pagpunta ko sa bar. Hilig kasi ng mga officemates ko ang pumunta sa mga ganitong lugar at kahit mas pabor akong manatili sa bahay at matulog, na-e-enjoy ko rin naman ang pag-pa-party kapag kasama sila.
Matapos mapagod sa pagsasayaw sa dance floor ay bumalik kami sa table at napailing ako nang maghagis ng deck of cards si Jessica sa table.
“Let’s play a game!”
Nagkatinginan kaming lahat at mga napailing. Jessica loves playing games everytime we drink and party.
“What game?” asked Limuel.
“King’s cup!” sigaw ni Jessica na mahahalata mong tipsy na dahil kanina pa siya inom nang inom ng alak.
Every card has corresponding consequences. Sa unang bunot pa lang ng card ay sabay-sabay kaming nag-ingay ng ace ang mabunot ni Jay-r.
Meaning, everyone needs to drink a shot of tequila.
Nagpatuloy kami sa paglalaro hanggang sa ang mabunot ko ay ang number eight meaning I need to find a drinking buddy.
“Okay, I choose–”
“Hep Mia, let’s put a twist. It’s not fun if sa amin ka lang din mamimili. Why don’t you ask that guy to drink this with you?” kindat ni Jessica at sa madilim na bar ay inaninag ko ang lalaking nasa kabilang table na nakatalikod sa gawi ko.
“No no that’s not the rules–”
“Let’s break the rules!”
Nagkantyawan na silang lahat at natatawang kinuha ko na lang ang dalawang shot glass at tumayo. Napatigil pa ako sa paglakad nang tila lumundo ang paligid ko.
Oh s**t! I think I’m drunk!
Umiling-iling ako at hinawi ang buhok ko papataas dahil ramdam ko ang pag-iinit ng katawan ko. Inilagay ko iyon sa kabilang balikat ko at itinuloy na ang paglapit sa kabilang table.
Maingay pa sila pero nang makita ako ay nakita kong nagsenyasan sila. Nilingon ko sila Jessica nang mag-ingay sila.
“Go, Mia!”
“Hi, can you take a shot with me?” malakas kong saad para marinig niya ako.
Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko sa ginagawa ko pero nakatulong ang alak na mga nainom ko para magawa ko pang ngumiti hinihintay na lingunin ako ng lalaking kinalabit ko sa balikat.
Naglaho ang ngiti sa labi ko nang humarap ang lalaking idinare sa akin nila Jessica.
Umawang ang labi ko at tila saglit na nawala ang kalasingan ko. “L-Liam…”
“Mia…”
Napalunok ako at muntikan pa akong matumba sa pagbuway ng tuhod ko. Tumikhim ako at kinalma ang sarili ko.
Huwag mong ipakitang apektado ka sa presensya niya! Don’t you dare, Mia!
“Are you okay?”
Nabalik ako sa reyalidad at agad na umayos ng tayo nang maringgan ang boses niya. Pagtingin ko sa gilid ko ay nandoon na pala siya. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagbubulungan ng mga kasama niya sa mesa.
“A-ah yes, nakabalik ka na pala?” kaswal kong tanong sa kanya.
“Yeah, just last week.”
“I see. Welcome back,” pilit ang ngiti kong tugon at tatalikod na sana nang hawakan niya ang braso ko.
Tila may kuryenteng nanulay sa katawan ko sa pagkakadaiti ng kamay niya sa balat ko. Hihilahin ko na sana ang braso ko nang matigilan ako ng kunin niya ang shot glass na nasa kamay ko.
“You guys are playing games?”
Tumango ako. “Yeah, sorry if I disturb you.”
“No, it’s fine. Let’s drink?”
Inangat niya ang shot glass sa ere at tangkang iinumin na ‘yon nang maghiyawan sila Jess at mga malalakas na sumigaw.
“Love shot! Love shot!”
I was stunned when Liam hooked his arms around mine, holding the shot glass closer to his lips. Napalunok ako at hindi malaman ang gagawin. Kaswal namang tumango si Liam habang may suot na ngiti.
Mas lalong umingay ang hiyawan ng aking mga kasama sa ginawa niya. Doon pa lang ay alam kong hindi na nila ako hahayaang makawala. Kaya para matapos na, mariin kong ipinikit ang mga mata at mabilis na ininom ang alak habang nakaiwas ang mukha.
Gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan ko. Sa pagdilat ng mga mata ko ay tila biglang may pumitik sa puso ko nang pagbaling ko ay magtagpo ang mga mata namin ni Liam.
Napalunok ako at napasinok sa hindi mawaring kaba na naramdaman sa titig niya sa akin.
“T-thanks,” halos pabulong kong saad at agad ko siyang tinalikuran pabalik sa mga kaibigan ko.
“Grabe Mia, kung wala lang Andrew sa buhay mo bagay na bagay kayo no’ng guy! Ang hot niya!” pagsiko sa akin ni Denise nakikisabay sa pang-aasar sa akin ng mga ka-opisina namin.
“Hindi ko s-siya type,” tinig naiinis kong saad at kinuha ang shot glass ng tequila na punong-puno kahit hindi pa nagsisimula ang laro.
Agad kong sinundan iyon ng isa pa.
“Ay biglang nauhaw sa alak, sabagay nakakauhaw nga naman ang ganoong kagwapuhan–”
Jessica stopped talking when I glared at her. Marahil nang mapansin nila ang pagka-badtrip ko ay nag-umpisa na muli silang maglaro.
“Uy, Mia, hindi mo naman turn para uminom,” tila nag-aalalang saad na sa akin ni Denise nang magpatuloy ako sa pag-inom ng tequila.
Umubo ako at nahihilong ibinagsak ang ulo sa sandalan. Umiikot ang paligid ko nang tumayo ako at nagsabing pupunta lang ako ng powder room.
Hindi na tuwid ang lakad at nanlalabo ang mga matang tinunton ko ang powder room. Dumiretso ako sa sink at naghilamos ng mukha para maibsan ang init na nararamdaman ko.
Nang makita ko ang sarili sa salamin ay natigilan ako.
Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko at natitiyak kong hindi ito dahil sa alak na nainom ko.
I can’t believe it. He’s back.
The first man who broke my heart, Liam Enriquez, is back.
Ilang taon na ang nakalipas simula nang lumipad siya patungong States para doon mag-aral. Kasabay ng pagtulo ng tubig mula sa gripo ay ang pagbuhos ng mga alaalang pinagsamahan naming dalawa.
Hindi puwede, Mia. Kalimutan mo na ‘yan.
Marahas kong ipinilig ang ulo para kalimutan ang iniisip. Ayaw ko nang balikan ang mga alaalang ‘yon dahil alam kong hindi makakabuti. May boyfriend na ako at hindi ko na dapat masyadong iniintindi ang pagbalik niya.
Ano naman kung bumalik na siya? It shouldn’t matter anymore.
Paulit-ulit kong pinaniniwala ang sarili sa iniisip. Nang pakiramdam ko’y medyo nahimasmasan na, pinatay ko na ang gripo at inayos ang sarili. Nawala man ang init sa aking katawan, ngunit nandoon pa rin ang pagkahilo.
Tipid ang bawat paghakbang ko habang naglalakad palabas ng powder room. Natatakot akong baka madapa o matalisod kaya ingat na ingat ako. Buong lakas kong pinihit ang hawakan ng pintuan at binuksan ‘yon.
Kung medyo wala pa ako sa sarili habang nasa loob ng banyo, nang makita ko si Liam na naghihintay sa labas ay agad akong napatayo nang maayos. He was leaning on the wall right in front of the door. Pati siya ay umayos sa pagtayo nang lumabas ako na tila ba hinihintay niya ako.
As I remembered what I told myself inside the powder room, mabilis kong iniwas ang tingin. Buong lakas akong naglakad palayo, nagkukunwaring hindi siya nakita. Masyado nga lang akong naging kampante sa mga malalaking hakbang na ginawa. I found myself losing my balance when I tripped on my wedge.
Naghahanda na akong mapahiya at madapa. However, before the gravity could fail me, I felt a strong tug on my forearm which kept me up on my feet. Wala pang isang segundo ay bumangga na ang katawan ko kay Liam na sumalo sa akin.
With my head placed against his chest, I could feel a loud and hard, continuous thump. Napalunok ako at naramdaman ang sariling pusong nagwawala, sinasabayan ang pagtibok ng kanyang puso.
“Are you okay?” he asked, and I could smell the mint and alcohol from his breath.
Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya. Namilog ang mga mata ko nang makita kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa’t isa. Muli kong sinubukang lumayo kahit na alam kong maling desisyon ‘yon. Once again, I lost my balance but Liam was able to keep me in place right away.
Ibinaba niya ang mga mata sa paa ko. Umigting ang kanyang panga at bahagyang dumilim ang tingin bago ako binitiwan at lumuhod sa aking harapan.
Sinundan ko siya ng tingin at nakitang marahan niyang tinatanggal ang suot kong sandals sa kanang paa. Putol na ang strap no’n dahil sa pagkakatalisod ko.
“Your shoe is broken…” sabi niya, tila may gustong iparating, at saka inangat ang namumungay na tingin sa akin. “Can I drive you home?”