Kabanata 5

1965 Words
Kabanata 5 Lubog na ang araw nang nagdesisyong umuwi si Andrew. Ang akala ko noong una ay rito siya sa condo magpapalipas ng gabi, ngunit nakahinga ako nang maluwag nang sinabi niyang kailangan pa niyang mag-ayos ng gamit dahil sa isang business seminar sa Batangas. I thought I would have another hard time sleeping through the night, but the emotional and mental turmoil made me feel exhausted. Hinila ako ng pagod at agad nakatulog, and then the next morning, I woke up to the sound of the alarm and got ready for work. “Sh*t…” bulong ko nang makita pa rin ang hickey sa aking leeg. Hindi na ‘yon gaanong kapansin kumpara kahapon, ngunit alam kong mahahalata at mahahalata pa rin kapag tiningnan nang malapitan. Mabilis kong hinanap ang concealer sa aking makeup bag. I applied an ample amount on my finger and dabbed it on top of the hickey. Pagkatapos no’n ay nilagyan ko rin ng foundation para ma-blend sa kulay ng aking balat. Nang masiguradong hindi na ‘yon kita at halata ay saka lamang ako naging kampante. Pagdating ko sa driveway ay nakaparada na roon ang kotse ni Jessica na hinihintay ako. Sa tuwing hindi ako hinahatid o nasusundo ni Andrew ay sa kanya ako sumasabay. “Kumusta tulog mo?” basag ni Jessica sa katahimikan at nag-umpisa nang magmaneho. “Maaga ako nakatulog pagkaalis na pagkaalis ni Andrew–” “What?! Nagpunta si Andrew sa condo mo kahapon?” Hinarap ko si Jessica na namimilog ang mga matang saglit na tumingin sa akin. Malalim akong bumuntonghininga at tumango. “Yes, he came. God, Jess! Hindi ko alam kung paano kong nakayanang tingnan ang mga mata niya kahapon.” “Mia…” “Should I tell him the truth already?” mariin kong ipinikit ang mga mata ko at napahawak sa ulo kong nanakit. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin. Hindi pa ako handang aminin sa kanya ang nangyari. But at the same time, guilt was eating me up inside. I was feeling anxious all the time. Mas lalo lamang akong napupuno ng galit at pandidiri sa sarili. “Mia, may isang tanong lang ako at sana maging honest ka.” Idinilat ko ang mga mata ko at sinulyapan si Jess na nakatingin na sa akin sinasamantala ang pagkakaipit namin sa traffic. “Do you still love him?” “H-him?” nauutal kong tanong hindi mapatungkulan kung sino ang tinutukoy niya. “Andrew.” Napalunok ako at saglit na natigilan ngunit agad ding sinagot si Jessica. “Of course, I still love him! Kung hindi ko na siya mahal, tingin mo ba magiging ganito ako? Hindi ko masabi sa kanya ang kasalanan ko dahil natatakot akong mawala siya sa akin. I don’t want to lose him, Jess.” “If you say so…” tunog hindi naniniwalang saad ni Jessica. Gusto ko mang mainis dahil hindi niya ako pinaniniwalaan ay nawalan na ako ng lakas para magsalita. Pagdating sa opisina ay binati ako ng iba naming kasamahan. Sunod-sunod nila akong pinaulanan ng mga tanong tungkol sa nangyari noong nakaraang Sabado. My female colleagues were also innocently asking about Liam’s identity — if I really know him or not. If it was just another day, I wouldn’t be sensitive in answering their harmless questions. Kaya nga lang ay pilit na bumabalik sa isipan ko isa-isa ang mga nangyari no’n gabing ‘yon dahil sa pag-iinaso nila. “Tama na ‘yan, guys! Umagang-umaga tsumitsismis na kayo!” Mabilis na lumapit sa akin si Jessica at hinawakan ang aking braso. Inilapit niya ang kanyang labi sa tainga ko upang bumulong. “Punta na tayo sa cubicle natin. Hayaan mo na ang mga ‘yan.” Nginitian ko na lang ang iba naming mga kasama sa trabaho na nagtatanong. They knew Jessica’s personality well enough to know that she was just joking around. Sigurado akong hindi naman nila mamasamain ang mga sinabi kanina at kung hindi ko man mapaunlakan ang mga tanong nila. “Hay nako! Mga pilipino talaga, mga tsismoso’t tsismosa!” mariing bulong ni Jessica nang nakalayo na kami. “Jess…” Umiling ako sa kanya dahil baka may makarinig pa sa kanya. “Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo!” Napabuntonghininga na lamang ako’t hindi na nakipagtalo pa. Inilapag ko ang aking bag sa ilalim ng lamesa pagkatapos kuhanin ang aking wallet. Madalas akong bumibili ng kape sa coffee shop sa baba ng building para magising ang diwa. And at that moment, I badly needed a dose of caffeine to cope with the level of stress I felt. “Oh, saan ka pupunta?” Agad akong nilingon ni Jessica nang makitang paalis ako. “I will just buy iced coffee,” sabi ko saka pinulot na rin ang cellphone mula sa lamesa. “Gusto mo rin ba?” “Hmm… Cappuccino na lang. Not iced.” “Okay. Ako na ang bahala. Sagot ko na.” “Thanks, Mia!” masigla niyang pasasalamat at binigyan pa ako ng flying kiss. Tipid akong natawa at dumiretso na palabas ng department. I went straight to the elevator and pressed the down button. Medyo matagal-tagal din ang hinintay ko bago nakarating sa aking palapag ang elevator dahil madami pa ang pumapasok. It was usually busy every morning and during dismissal. Our company is one of the top advertising and marketing companies in the Philippines. We are partnered with different local and international brands who want to boost their brand name and products. The department I was assigned to is focused on social media platforms, and my job was to reach out to influencers who would be willing to work with us and promote our partnered brands using their platform. It was a lightweight job that I really enjoyed doing. Maayos din magpasahod ang kompanya kaya naman hindi na rin ako umalis. Habang nasa gitna ng pag-iisip ay tumunog na ang elevator. Mabilis akong pumasok doon at hinintay hanggang sa makarating ng lobby. Dire-diretso akong naglakad papunta sa coffee shop. Kilala ko na ang ibang staff doon kaya agad nila akong binati. “Ano ang order mo ngayon, Ma’am Mia? Same pa rin ba?” Tipid akong ngumiti at tumango. “One hot cappuccino and one iced caramel latte. Medium sized parehas. Thank you.” “Sure thing!” Matapos kong magbayad ay naupo na ako at kinuha ang cellphone ko. Agad bumungad ang notification mula kay Andrew. He sent me a picture of him with the background of a sunrise. Good morning, love. Bago pa ako makapagtipa ng reply matapos ang matagal kong pagtitig sa picture niya ay natigilan ako nang may marinig na pamilyar na boses. “One brewed coffee.” Awtomatiko akong napalingon saktong tinawag ang pangalan ko para sa order ko. Nanlamig ang mga kamay ko at naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko. Tulad ko ay nagulat din siya ngunit agad nakahuma at tangkang lalapit sa akin nang mabilis akong tumayo. Ni hindi ko na kinuha ang orders ko at dali-dali akong naglakad papalabas ng coffee shop hindi pinansin ang tawag ng staff sa akin. Malakas ang kabog ng puso ko at pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga sa bawat hakbang na ginagawa ko. What the hell is he doing here? Bakit siya nandito? Alam niya bang dito ako nagtatrabaho? “What the f*ck…” mariing bulong ko sa sarili habang patuloy na naglalakad. “Mia!” Mariin akong napapikit nang maramdaman ang kamay sa braso ko. Agad kong hinaklit iyon at muling nagpatuloy sa paglakad ngunit humarang si Liam sa daraanan ko. “I-I need to go.” “We need to talk.” Magkasabay naming saad, mula sa pagkakayuko ay inangat ko ang tingin sa kanya. “Wala tayong kailangan pag-usapan, Mr. Enriquez,” pormal kong tawag sa kanya. Nagtagis ang bagang niya at lumalim ang gatla ng noo niya. “Mr. Enriquez, huh?” pagak siyang tumawa at umiling-iling tila hindi makapaniwala sa inaakto ko. “I really need to g-go.” Natigilan ako sa muling paghakbang nang hawakan niya ang kamay ko. “Hindi habangbuhay na makakaiwas ka sa akin, Mia. We need to talk about what happened to us that night–” “Nothing happened!” sigaw ko at tinulak siya. Luminga-linga ako sa paligid sa takot na may makakita sa amin na kakilala ko. Mangilan-ngilang tao ang nakatingin sa amin na mukhang nagulat sa sigaw ko. Hinihingal kong hinarap si Liam at inilingan. “Walang nangyari sa atin. Wala.” Tinalikuran ko siya at binilisan na ang lakad hindi na siya binigyan ng pagkakataong mapigilan ako sa muling pag-alis. Halos takbuhin ko na ang distansya mula sa labas ng coffee shop papunta sa elevator. Paulit-ulit kong pinindot ang button na para bang mapapabilis no’n ang pagbaba sa akin. Mabuti na lang at mukhang tumigil na rin siya sa pagsunod sa akin. Kahit natagalan ang pagdating ng elevator ay hindi na siya nagpakita pa sa akin. I was biting my lip hard while on the way to our cubicle. Dali-dali akong naupo at nagulat si Jessica dahil sa ipinakita kong pagkataranta. Napakunot ang kanyang noo saka pinausod ang upuan palapit sa akin. “Ano’ng nangyari?” tanong niya. “Where’s our drinks? Bakit ganyan ang itsura mo?” Nanginig ang aking labi nang tumigil ako sa pagkagat doon. Nilingon ko siya at napalunok. “H-he’s here, Jess…” sagot ko. “Nandito si Liam. Nakita ko siya.” Like she was also horrified, Jessica’s eyes widened in shock. Medyo napalayo pa siya sa akin. Parang hindi siya makapaniwala sa nadinig. “Seryoso? Sigurado ka ba? Baka nagkakamali ka lang!” Umiling ako. “We talked. He came up to me,” kuwento ko. “Gusto niyang pag-usapan namin ‘yong n-nangyari… Hindi ko kaya.” Nasapo ko ang noo ramdam ang biglaang pagsama ng pakiramdam ko. “Mia?” Napatingin ako kay Jessica na mukhang kanina pa may sinasabi ngunit ang isip ko ay nasa lalaking nakita ko kanina. “Are you okay? Ang putla mo.” Tumayo ako. “Restroom lang ako, Jess.” Hindi ko na pinansin ang tawag niya at dire-diretsong lumabas ng opisina namin. Agad akong naghilamos at pinakalma ang sarili. Nagkataon lang na nandoon siya sa coffee shop kanina. Hindi na kami magkikita pa o kung maulit man ang pagkikita namin, iiwas na ako. Natigil ako sa paghakbang papasok nang makitang nakatayo ang lahat ng mga co-employees ko. Napatingin ako kay Ma’am Carmela na siyang marketing head namin. “This is Liam Enriquez. He will be the one to assume my post while I’m on maternity leave.” Umawang ang labi ko nang makita kung sino ang lalaking pinapakilala ni Ma’am Carmela. No. Not him. This is not happening… Habang pinapakilala si Liam, nalipat sa akin ang kanyang atensyon. His lips parted when our eyes met. Agad kong iniwas ang aking tingin. Gusto kong umalis sa kinatatayuan at magtago, ngunit hindi na ako nakagalaw. “Excuse me.” I heard his baritone as he excused himself from the crowd. Muli kong inangat ang tingin sa kanya. Humampas ang puso ko sa aking dibdib nang makita ko siyang naglalakad papalapit sa akin. Sa paglingon niya ay ngumiti siya at inangat ang hawak-hawak na. Naikuyom ko ang kamao at ni hindi ko magawang iwasan siya dahil lahat ng mga mata ay nakatingin sa amin. Si Jessica na awang ang labi at nanlalaki ang mga mata. Mga kasamahan kong tila naalala si Liam na nagngingisian. “You forgot your order, Miss…” Binitin niya ang salita at tiningnan ang ID ko tila nagpapanggap na hindi niya alam ang pangalan ko. “...Sandoval.” Inabot niya ang hawak at wala sa loob kong tinanggap iyon. “T-thanks, Sir.” Ngumiti siya. “Welcome, Miss Sandoval.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD