Kabanata 7
Ilang sandali pa akong napatitig lamang sa pinto kung saan lumabas si Liam. Hindi ko mawari ang nararamdaman. Mariin ang pagkakuyom ko sa aking kamao at pati na rin ang pagkagat sa ibabang labi.
I just told him the truth. I initiated to cut cords with him because that was the right thing to do. It was the best thing to do. However, the look in his eyes, made me feel guilty. The pain and betrayal flashed inside them were all familiar to me. Nagdalawang-isip ako kung tama ba ang ginawa ko, kahit na noong una'y siguradong-sigurado ako.
Dahil ayaw kong mas lumalim pa ang pag-iisip tungkol doon, mabilis kong iniwas ang tingin sa pinto. I looked over the skyscrapers in front of me. The wind blew hard my way, like it was slapping me right in the face.
Why am I even feeling sorry for someone like him? Why do I even have this regret creeping inside me?
"Tumigil ka, Mia..." bulong ko sa sarili saka umiling. Marahan kong sinampal-sampal ang pisngi upang matauhan. "Huwag kang magpadala sa kanya... Tandaan mo, sinaktan ka niya noon... Niloko ka niya noon..."
Muli akong napakagat nang mariin sa labi. I was just trying to remind myself of the painful past he gave me, pero hindi ko rin maiwasan ang tamaan sa mga sinasabi.
Ano ba'ng kaibahan ko sa kanya ngayon? Wala naman na, 'di ba?
I was no better. I also cheated on my boyfriend, like what he did to me before. Wala akong pinagkaiba sa kanya. Parehas na kami ngayong nagloko at hindi kalaunan ay alam kong makakasakit din ako.
Para akong mababaliw sa mga naiisip. Kahit ano yata ang gawin ko upang makalma ang sarili ay hinding-hindi mangyayari. Siguro ay ayon na ang karma ko. Cheating on Andrew was a choice I made that night, and I had to face the consequences of my actions.
***
"Mia!" Agad akong hinila ni Jessica palapit sa kanya nang makabalik ako sa opisina. Puno ng pag-aalala at takot ang kanyang mukha, but it was instantly replaced with relief when she saw me in one piece. "Akala ko kung ano na nangyari sa 'yo! Malapit na akong pumunta sa security room para ipahanap ka, kaloka!"
"Sorry..." tipid kong sabi.
Hindi ko na namalayan ang oras habang nagpapahangin sa rooftop. Halos isang oras din at mahigit din akong nanatili kung saan ako iniwan ni Liam. Kung wala sigurong umakyat doon upang magyosi ay baka hindi ko pa maiisipang bumaba. I completely forgot that I was still at work as I was busy tending to my dilemma.
"Saan ka ba galing?" tanong ni Jessica at pinaupo ako sa aking pwesto. She was almost pinning me down, like she wouldn't allow me to escape after I had gone missing for more than an hour. "Bakit hindi mo kasamang bumalik si Liam?"
My gaze snapped back to her. "Bumalik siya rito?"
"Oo." Bumuntonghininga siya saka hinila ang swivel chair papalapit sa amin upang makaupo na rin siya. "Nagpaalam lang kay Ma'am Carmela na aalis na siya. Hindi rin nagtagal."
Napanguso ako at tumango-tango. Sumandal na rin ako sa aking upuan upang magpahinga dahil matagal din akong nakatayo sa rooftop habang nagmumuni-muni.
"Nga pala!" Hinawakan ni Jessica ang braso ko nang may maalala. "Hinanap ka ni Ma'am Carmela kanina pagkaalis ng ex mo. Kapag dumating ka raw, papuntahin ka sa opisina niya. Muntik ko na makalimutan, kundi patay tayong dalawa!"
I swallowed hard as I became anxious. Kung pagkaalis pa lang ni Liam ay hinanap na ako, siguradong malalaman niyang isang oras din akong nawawala at hindi nagtatrabaho. Bukod pa roon, hindi ako mapakali sa kaiisip kung ano kang nais niyang sabihin sa akin at kung bakit ako pinatawag.
Dala-dala ko ang problemang 'yon habang patungo sa kanyang opisina. I knocked on the door twice at agad ko ring nadinig ang boses niyang pinapapasok na ako.
"Mia." Umaliwalas ang mukha ni Ma'am Carmela nang makita ako. It was opposite of what I was expecting. I thought she would reprimand me for not reporting to work properly, pero mukhang wala 'yon sa isip niya. "Halika rito. Maupo ka. I have to tell you something."
Hesitating a little, I walked over with baby steps until I reached the visitor's chair in front of her office table. Maingat akong naupo roon habang nahihiyang nakatingin sa kanya.
"I'm sorry, Ma'am Carmela. M-may inasikaso lang po saglit sa labas. Ngayon lang po ako nakabalik," paghingi ko ng tawad.
I didn't want to lie, but I had to. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanyang nagpahangin lang ako sa rooftop dahil sa bigat ng pag-uusap naming dalawa ni Liam.
Agad siyang umiling, nakangiti pa rin. "No, no. It's okay. Ano ka ba?" Marahan siyang tumawa saka nagpatuloy. "You are consistently one of our top performers. You were never late sa mga deadlines. Alam ko namang hindi mo pinapabayaan ang trabaho mo," sabi niya. "Pero hindi naman 'yan ang gusto kong pag-usapan. I actually have a favor to ask you."
Favor?
Iginilid ko ang ulo sa kaliwang balikat dahil sa kuryosidad. "Uhm... Ano po 'yon?"
"Well, like I said, you are one of the best employees here in the company at lalo na sa department natin."
Napaayos ako ng upo sa simula niya. I don't think I'll like where this is going.
"I want you to help Mr. Enriquez settle here in the office. He will start tomorrow," she said with such a positive attitude. Nang makita niya nga lang ang taliwas kong ekspresyon sa kanya, medyo napakunot na rin ang kanyang noo. "Is there anything wrong, Mia?"
"Wala naman po..." Actually, there are a lot. I just couldn't tell her that. "I just don't think I'm fit for the job. Pwede po bang iba na lang? Pwede pong si Jessica!"
I'm sorry, Jess. I need to pass this on to you.
Ma'am Carmela was caught off guard when I became blunt. Hindi niya siguro inaasahan na tatanggi ako.
"Mia, pasensya na, but I really trust you. Among your colleagues, ikaw ang pinakapinagkakatiwalaan ko," sabi niya sa mahinahong tono. "Mr. Enriquez also looked very positive when I introduced him to you earlier. Dahil ikaw na ang nag-tour sa kanya sa kompanya, I decided to give you the job. Don't worry. I'll try to ask the company for a compensation. Kapag nakapag-adjust naman na si Mr. Enriquez, okay na. This is just temporary."
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Sa pagpapaliwanag ni Ma'am Carmela sa akin, feeling ko'y gagawin niya ang lahat upang mapapayag ako. She had already set her mind on giving me the job. If only it was easy to just tell her the truth, but I also didn't want her to think that I wasn't being professional. Trabaho ito at dapat ihiwalay ko ang personal na buhay.
With a heavy sigh and heavy heart, I forced myself to smile and nodded. “S-sige po…” D*mn it.
***
“ARE you okay, Mia?”
Isang malalim na buntonghininga lang ang isinagot ko kay Jessica at napapikit na lang. Nasapo ko ang ulo kong nagsisimula na namang manakit. Ni hindi ko alam kung paano kong nakayang mahintay ang uwian at hindi mag-early out kanina.
Halos wala akong natapos na trabaho ko dahil lutang ako sa kaiisip sa pinag-usapan namin ni Ma’am Carmela. Ni hindi ako nakaramdam ng tuwa sa pagpuri niya sa akin bilang pinakapinagkakatiwalaan niyang empleyado.
Bakit kasi kailangang ako pa?
“Hay nako, bakit pa ba ako nagtanong? Natural hindi. Paano kang magiging okay kung sa dami-dami ng taong pwedeng mag-sub kay Ma’am Carmela, iyong ex mo pa. Lakas maka-teleserye.”
Kinurot ko si Jess sa braso dahil sa maingay niyang boses nang makalabas kami ng elevator. Buti na lang at mukhang wala namang nakarinig sa sinabi niya.
“Please Jess, be careful with your words.”
Umabrisete siya sa akin at humilig sa balikat ko. “I’m sorry, Mia. Ano ngayong balak mo? Talagang inaasar ka pa ng tadhana at ikaw pa ang napili ni Ma’am Carmela na tumulong kay Sir Liam? Pinaganda lang ni Ma’am ang pagkakasabi sa ‘yo pero ang dating para kang magiging assistant ngayon ng ex–I mean bagong boss natin.”
“Ayoko na munang isipin, Jess. Ang sakit na ng ulo ko.”
Napapalatak siya. “Kung ako nasa sitwasyon mo tiyak na sasakit talaga ang ulo ko. Talaga bang ayaw mo nang magpahatid sa inyo? Hindi naman gaanong malayo magiging ikot ko.”
Umiling ako at bumeso kay Jess. “Hindi na, Jess. Baka ma-traffic ka pa. Ayos lang ako, mag-ta-taxi na lang ako.”
“Fine. Doon ka matutulog?”
Tumango ako at pilit na ngumiti. Wala man ang parents ko ay nandoon naman sa bahay sila Lola, tito, at ang pinsan kong si Anjie.
Nasa labas pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang malakas na tawa nila Lola sa loob ng bahay.
Malalim muna akong bumuntonghininga at inihanda ang matamis na ngiti bago ko binuksan ang pinto.
“Pizza delivery!” anunsyo ko at itinaas ang dalawang box ng pizza na binili ko para sa kanila.
“Mia!” nasisiyahang tawag sa akin ni Lola na tumayo’t sinalubong ako ng halik at yakap.
Ganoon din si Anjie na nagmamadaling lumapit sa akin at niyakap din ako. “Hi, Ate Mia! Hawaiian?” Nguso niya sa hawak kong pizza.
“Hawaiian.” Natatawa kong abot sa kanya.
“Parang kanina lang may nagsasabing diet siya…” ani Tito na inaasar si Anjie.
“Cheat day, Papa!” Ismid ng pinsan ko na tinawanan naming tatlo.
“Kumain ka na ba, Mia?” tanong sa akin ni Lola.
Umiling ako. “Hindi pa, Lola. Anong ulam?”
“May menudo pa. Teka, diyan ka muna at iinit ko. Tatawagin na lang kita ‘pag handa na ang hapag.”
Umakbay sa akin si Tito at ginulo ang buhok ko nang makaalis sila Lola. “Anong meron at hindi ka man lang nagpasabing uuwi ka? May problema ba?” magkasunod na tanong ni Tito.
“Ang tito kung makapagsalita, kapag dumalaw may problema na? Na-miss ko lang kayo.”
Nagtagal ang tingin sa akin ni Tito na tila binabasa kung nagsasabi ako ng totoo. Iniwas ko ang tingin sa kanya at ibinaling sa telebisyon. “Oh, ayan na naman? Favorite nyo talaga ang movie na ‘yan,” natatawa kong pansin sa palabas na ilang beses ko nang napanood.
“Hindi ko favorite ‘yan. Lola mo lang.”
I chuckled and sat on the sofa. “Talaga lang? Dinig na dinig ko kaya tawa mo sa labas.”
Umiling siya at tinabihan ako. “Talaga bang wala kang problema?”
“Wala nga po.”
Tumikhim siya at sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagiging balisa niya.
“Ikaw yata may problema Tito eh! Share naman diyan!” siko ko sa bewang niya.
Sa lahat ng mga kapatid ni Papa, kay Tito Bryan ako pinaka-close. Madalas ngang mas siya ang nakakaalam ng mga problema ko kumpara kina Mama at Papa.
“Nakita ko ex mo.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Iisa lang naman ang naging ex-boyfriend ko. “Si Liam?” kaswal kong tanong nang makahuma.
“Oo, nakabalik na pala ang gag*.”
Tumango-tango ako. “Oo nga. Nakabalik na siya.”
Nagsalubong ang kilay ni Tito. “Alam mo na?”
Alam na alam…
Pilit akong ngumiti at tumayo. “Hay, nagugutom na talaga ako. Kakain muna ako–”
“Mia…”
Naglaho ang ngiti ko nang makita ang seryosong mukha ni Tito Bryan. “A-ano ‘yon, Tito?”
“Huwag na huwag mong babalikan ang lalaking ‘yon. Magagalit talaga ako.”
Pagak akong natawa. “Tito naman! Bakit ko siya babalikan? May boyfriend ako.”
Hindi ko na natagalan ang tingin ni Tito at agad ko siyang tinalikuran.
“Sinaktan ka na niya noon at ayoko nang maranasan mo ulit iyon. Kung hindi ko lang kasama si Anjie nang makita ko siya kahapon, talagang nakatikim siya sa akin–”
“Tito!” sigaw ko’t pinutol ang sasabihin niya. “Ang tagal nang nangyari no’n. Kalimutan nyo na utang na loob. Nakamove-on na ko. M-masaya na ako ngayon.”
“Mia! Halika na!”
Nagmadali akong pumunta ng dining area nang marinig ko ang pagtawag ni Lola. Pagsulyap ko kay Tito Bryan ay hindi niya pa rin pala inaalis ang tingin sa akin. Nasa mga mata niyang tila hindi naniniwala sa sinabi ko.
Totoo naman. Naka-move on na ako.
If I’m still not over Liam, then why did I fall in love with Andrew?
If you’re really over him, why did you sleep with him?
“Ate Mia?”
Napapitlag ako sa pagtawag sa akin ni Anjie. “Huh?”
“Aba apo, kailan pa ba ang huling kain mo?” natatawang tanong sa akin ni Lola. Pagtingin ko sa plato ay halos mapuno iyon ng kanin na sinandok ko.
Stop, Mia! Kahit ngayong gabi lang pagpahingahin mo ang sarili mo! Huwag mo na muna siyang isipin pa…