KABANATA 4
“Your ex-boyfriend?!” Umalingawngaw ang boses ni Jessica sa loob ng aking munting unit dahil sa kanyang pagsigaw.
Namimilog ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Sa itsura niya lang pa lang ay halatang hindi siya makapaniwala sa narinig.
“Hindi lang basta-basta ibang lalaki, kundi ex mo pa?!” tanong niya at parang hindi pa siya makahinga nang maayos. “OMG, Mia! Ano’ng gagawin mo? Nagpi-pills ka ba? Wait! Ang isipin muna pala natin ay ang boyfriend mo! Si Andrew!”
Kinagat ko ang ibabang labi saka bahagyang yumuko.
Sa reaksyon pa lang ni Jessica, I knew I f****d up big time. Pero sa totoo lang ay hindi ko naman na kailangan pang makita ang reaksyon niya para malaman ko kung gaano katindi ang pagkakamaling nagawa ko.
“Sasabihin mo ba sa kanya?”
Napasinghap ako’t muling nag-angat ng tingin. Hinawakan ko ang kanyang kamay saka umiling. “Huwag mong sabihin kay Andrew, Jess. Please,” pakiusap ko sa kanya. “Sasabihin ko, pero hindi ko pa alam kung kailan… I-I need time… Hindi ko alam k-kung pa’no…”
Bumuntonghininga si Jessica. Pinisil niya ang aking kamay at diretsong tumingin sa aking mga mata.
“Promise, sasabihin ko rin sa kanya…” ulit ko.
“Mia, hindi naman kita pinipilit na sabihin agad kay Andrew. Syempre, alam kong mahirap ‘yon, no!” paliwanag niya. “Pero ayon nga… Kahit na gano’n tayo kagabi, ayoko ring magkasiraan kayo ng boyfriend mo. Pero nangyari na ‘yan eh, wala na tayong magagawa pa. Hay nako! Hindi ko na alam!”
Ngumuso ako at muling bumagsak ang tingin sa aming mga kamay.
“Ano’ng sabi ng ex mo?” tahimik niyang tanong matapos
“Wala…”
“Ay gago! Tunay?”
Nasapo ko ang ulo ko at umiling. “I don’t know. Hindi na kami nag-usap pa. Umalis akong tulog siya.”
Natahimik si Jessica makaraan ay malalim na bumuntonghininga. Sumandal siya sa kinauupuan ngunit agad akong binalingan namimilog muli ang mga mata.
“Don’t tell me ex mo iyong lalaking tinuro ko kagabi?”
Nang hindi ako sumagot ay suminghap siya. “Oh shoot! Kasalanan ko ‘to. Siya nga? Kaya ba ganoon reaksyon mo no’ng makita mo siya?”
“I didn’t expect na makikita ko pa siya. The last time I heard from our mutual friend, nagtatrabaho na siya sa states at mukhang walang balak umuwi rito sa Pilipinas. Last night…was like a dream, alam mo ba ‘yon, Jess? Parang… Parang hindi totoo. Pakiramdam ko bumalik ako sa dati nung kami pa.”
“Lasing ka na nga talaga siguro. Dapat hindi ka na namin pinainom nang madami,” sabi niya, patuloy pa ring sinisisi ang sarili.
Gusto ko sanang itangging hindi na ako lasing no’n. I was aware of everything. Inisip kong parang bumalik na lang ako sa nakaraan para pagbigyan ang sarili. Pero mas okay na rin sigurong ganoon ang isipin ni Jessica para hindi ko na kailangang ipaliwanag ang sarili.
And to be honest, that actually made me feel better even for a little bit.
“Hindi Jess, wala kayong kasalanan. It’s all my fault, lasing na ako pero sumige pa rin ako sa pag-inom. Worse was umalis akong hindi nagpapaalam sa inyo.”
Natahimik si Jess at naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Umakbay siya sa akin at hinilig ang ulo ko sa balikat niya.
“I know masyado pang magulo ang isip mo, Mia. But I need to ask you this…”
Tiningala ko siya at nasa mga mata niya pag-aalala. “Did you guys use protection?”
Umawang ang labi ko sa naging tanong ni Jessica sa akin. Napalunok ako at mariing ipinikit ang mga mata.
Umiling-iling ako. “I-I don’t know.”
“What? Anong hindi mo alam?”
Kinagat ko ang labi at napatayo sapo-sapo ang ulo ko. Naglakad ako pabalik-balik sa harap ni Jessica.
“Hindi ko matandaan, Jess. What shall I do?”
“Fertile ka ba kagabi?”
Sinulyapan ko ang kalendaryo sa dingding at nanghihina ang tuhod na napaupo ako sa lapag.
What if I get pregnant?
“Mia?”
Mangiyak-ngiyak kong sinulyapan si Jessica. “H-hindi ka ba nagpi-pills, Mia?”
Umiling ako. “There’s no reason for me to do that.”
“What do you mean–hindi kayo sexually active ni Andrew?!”
“No, he said w-we’ll only do that once we get married.”
Mas lalong tumindi ang konsensya na nararamdaman ko sa tinatakbo ng pag-uusap namin ni Jessica. Alam kong nadadala si Andrew sa tuwing nagkakaroon kami ng intimate moments pero nagpipigil siya dahil ayon sa kanya ay nais niyang gawin namin ‘yon sa araw ng kasal namin. Ganoon niya nirerespeto ang pagiging babae ko pero ano ‘tong ginawa ko?
Bakit ang bilis kong bumigay kagabi? Bakit naging mahina ako? Bakit hinayaan kong mangyari ‘yon?
Ayon ang mga katanungang hindi nawala sa isip ko hanggang sa nakauwi na si Jessica. Mas lalo lang din ‘yon lumala nang naiwan akong mag-isa. Pakiramdam ko’y mababaliw ako sa kakaisip.
Noong kinagabihan ay tinawagan ako ni Andrew upang kumustahin, ngunit para hindi na humaba pa ang usapan naming dalawa, nagkunwari akong matutulog na dahil masakit pa rin ang ulo. Nangako siyang bibisitahin niya ako kinabukasan at kailangan ko pang paghandaan ‘yon.
***
PAWIS na pawis akong nagising mula sa isang panaginip. Panaginip na tunay na nangyari sa akin. Malamig ang buga ng aircon ngunit hindi naging sapat iyon para mawala ang pag-iinit ng pakiramdam kaya kahit pasado alas sais pa lang nang umaga ay napagpasyahan ko nang maligo.
Pulang-pula ang balat ko nang matapos ako sa paliligo dahil sa paulit-ulit kong pagkuskos. Pinagmasdan ko ang katawan ko sa salamin at nangatal ang labi ko nang makitang sariwang-sariwa pa rin ang iniwang bakas ng gabing ‘yon na kasama si Liam.
Ipinilig ko ang ulo para mawala na iyon sa isipan ko. Ayokong dumating si Andrew at mapansin niya ang pagiging balisa ko. Pinili ko ang turtleneck long sleeve para matakpan no’n ang leeg ko pero para makasiguro pa rin ay nilagyan ko ng concealer ang marka sa leeg ko.
Alam kong hindi maganda ang gagawin kong panloloko kay Andrew, ngunit wala na akong magagawa pa. Hangga’t hindi pa ako handang aminin sa kanya ang pagtataksil na nagawa, kailangan kong patuloy na magpanggap.
Panandaliang kumalma ang isip ko nang tumawag ang parents ko na nasa Thailand para magbakasyon. Ilang buwang sahod din ang inipon ko para matuloy sila sa pagbabakasyon sa Tita kong doon naninirahan. Sulit naman ang pagtitipid at overtime ko dahil kitang-kita ko ang saya sa mga mata nila.
Hindi ako tunay na anak ng mga magulang ko. Edad siyam ako nang ampunin nila ako at labis ang pasasalamat ko sa pag-ampon nila sa akin. Binihisan, pinag-aral, at minahal nila ako kaya naman kahit ano ay kaya kong gawin masuklian lang sila sa mga ginawa nila para sa akin. I don’t know who my biological parents are, but I like it better to remain that way.
Nang matapos ko silang makausap ay panandalian akong nagtungo sa supermarket malapit sa condo dahil wala na pala akong mailuluto para sa lunch namin ni Andrew.
Sa tuwing dumadalaw siya sa akin ay lagi niyang hinihiling na ipagluto ko siya. Kahit wala ako sa mood magluto, nagsumikap akong maghanda ng putahe. Ayokong isipin niya na mayroong mali sa akin o sa aming dalawa. Gaya nga ng sabi ko, kailangan kong magpanggap.
Paulit-ulit kong pinapaalala ‘yon sa sarili ko. Nang natanggap ko ang kanyang mensahe na nasa baba na siya ng tower, tumakbo ako pabalik sa kwarto upang tingnan ulit ang marka sa aking leeg. I put another layer of concealer on top of the hickey and blended it well. Saktong pagkatapos ko ay saka tumunog ang doorbell.
Pabigat nang pabigat ang aking mga paa habang papalapit sa pinto. Dati ay lagi ko iyong tinatakbo, sabik na makasama siya dahil sa tagal mula noong huli naming pagkikita. But because of what happened, it became something indifferent to me. Kung pwede akong magtago na lang at hindi siya harapin, mas pipiliin ko ‘yon kaysa mahirapan.
But then, I realized that I deserved to suffer. Ayos lang na mahirapan ako. Hindi pa nga ‘yon sapat dahil sa ginawa kong pagtataksil sa kanya. I was only about to do the bare minimum. Kulang na kulang pa.
Nang makarating sa harap ng pinto ay saglit akong huminto. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan para alisin kahit papaano ang nerbiyos sa aking katawan.
Once my heart finally settled somehow, I reached out for the knob with my trembling hands. Nanuyo ang aking lalamunan habang unti-unti ‘yong binubuksan. Bago pa tuluyang bumungad ang aking mukha kay Andrew ay pinilit ko ang sariling ngumiti.
“Love—”
I was cut off mid-sentence when Andrew greeted me with a tight embrace. Ngiting-ngiti niyang ipinalupot ang mga braso sa aking bewang. Naramdaman ko rin ang pagpatak ng isang matunog na halik sa ibabaw ng ulo.
“I miss you…” bulong ni Andrew at sa simpleng tatlong salita pa lang na ‘yon ay damang-dama ko na agad ang kanyang pagmamahal para sa akin.
He gave me a love that I don't deserve. A love that I took for granted.
Humiwalay ako sa kanya at nginitian siya. “I miss you, too…”
Bago niya pa mapansin ang paglaho ng ngiti sa labi ko ay dali-dali na akong tumalikod. “Guess what I cooked today, your favorite,” pilit pinasisigla ang boses kong saad at nagtungo sa maliit kong kusina para ihanda ang kakainin naming dalawa.
“Hmmm, marami akong paborito. Alin doon?”
May namuong bikig sa aking lalamunan at malakas na kumabog ang puso ko nang maramdaman ang pagyakap ni Andrew mula sa likod ko. Inilagay niya ang baba sa balikat ko.
“You smell nice,” bulong niya sa tenga ko. “I really miss this…”
Kinuyom ko ang kamay kong nag-umpisang manginig. Tumikhim ako at pasimpleng humiwalay sa kanya. Kinuha ko ang tupperware na naglalaman nang niluto kong caldereta at nakangiting iniharap sa kanya iyon.
“Caldereta! The last time you said–”
Natigil ako sa pagsasalita nang kunin niya ang hawak ko at ilapag iyon sa countertop.
“You’re right, that’s my favorite pero may isa pa akong mas paborito sa lahat.” Andrew slowly leaned his head forward until I could already feel his hot breath grazing my skin. “Can you guess?”
His whispers were so sensual that I felt uncomfortable. Napalunok ako’t hindi magawang ibuka ang bibig upang magsalita.
Bumaba ang ulo niya at marahang dumampi ang labi niya sa labi ko. “Your lips, love. Iyon ang pinakapaborito ko sa lahat,” bulong niya at napapikit na lang ako nang muli niyang akong halikan.
Hindi ako makagalaw at ni hindi ko magawang suklian ang halik na ibinibigay niya dahil sa pagpikit ng mga mata ko isang imahe ang lumitaw sa isipan ko.
Liam…