KABANATA 3
Nanunuyot ang lalamunan na nagising ako, idinilat ko ang mga mata ko habang napapahawak sa ulo kong nananakit. Pakiramdam ko ay binugbog ako sa bigat ng katawan ko dumagdag pa ang hapdi sa gitna ng mga hita ko.
Bakit ganito–oh s**t!
Napabalikwas ako ng bangon nang pagbaling ko sa tabi ko ay bumungad sa akin ang natutulog na mukha ni Liam. Sinilip ko ang sarili sa comforter na nakabalot sa akin at mariin akong napapikit nang makitang wala akong suot na kahit ano.
Anong ginawa mo, Mia?!
Nangilid ang mga luha ko nang tuluyan na rumehistro sa isip ko ang nangyari kagabi.
I had s*x with my ex-boyfriend, Liam!
Hindi gumagawa ng ingay na bumaba ako ng kama matapos isuot ang t-shirt na nakita ko sa paanan ko. May pagmamadaling lumabas ako ng kwarto at hinanap ang mga damit ko. Hinanap ko ang laundry area at agad ko namang nakita iyon doon.
Nagtungo ako sa banyo at nanginginig ang mga kamay na isinuot ko ang mga damit ko. Nangatal ang labi ko nang makita ang mga marka sa balat ko na si Liam ang may gawa. Napapamurang hinanap ko ang concealer sa bag at nilagyan ang leeg ko na ilang marka ang iniwan niya.
Habang nagmamadali papuntang elevator ay nataranta ako sa paghanap ng cellphone sa loob ng bag. Bumungad sa akin ang iilang texts at missed calls galing sa mga kasamahan at kaibigan, ngunit mas naagaw ng pansin ko ang galing kay Andrew.
Damn it, Mia…
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Para akong maiiyak nang bumalik sa akin ang mga nangyari kagabi. Natatandaan ko ang lahat dahil alam ko ang ginawa ko. At dahil mas malinaw na ang pag-iisip ko at wala na ang bugso ng damdamin, mas lalong naging klaro sa akin ang lahat.
Habang binabasa ko ang mga mensahe niyang punong-puno ng pag-aalala, nakaramdam ako ng matinding konsensya at galit sa sarili. Hindi ako makapaniwalang talagang nagawa ko ‘yon. I couldn’t believe I did that to Andrew. Wala akong maisip na puwedeng idahilan dahil kahit saang anggulo tingnan ay mali ako.
I cheated on my boyfriend with my ex-boyfriend. How f****d up is that?
Nang makalabas ng tower ay dali-dali akong pumara ng taxi para makauwi sa aking unit. Nagulat na lamang ako nang biglang rumehistro ang pangalan ni Andrew sa aking cellphone dahil sa tawag.
Kabadong-kabado ako. Tila parang lalabas ang puso ko sa dibdib dahil sa sobrang kaba habang nag-iisip kung sasagutin ko ba ang kanyang tawag. I wasn’t confident that I could handle his call at the moment. Magulo pa ang isip ko habang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang kataksilang ginawa.
But then, I didn’t want him to worry anymore. Kaya huminga muna ako nang malalim upang makakuha ng lakas ng loob bago sinagot ang tawag.
“L-love…” sabi ko sa isang maliit na salita.
“Thank God, Mia, where have you been?” bungad niyang tanong. Dama ko ang ginhawa sa kanyang boses nang nasagot ko ang kanyang tawag. “Kagabi pa kita tinatawagan. I also called Jessica. Ang sabi niya nawala ka na lang daw bigla sa club. Okay ka lang ba? Are you somewhere safe?”
Nag-init ang gilid ng aking mga mata. He sounded so worried without knowing how I broke his trust last night. Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Nakatikom lamang nang mariin ang aking mga labi habang pinipigilan ang sarili na maiyak.
I didn’t want to cry. Kapag umiyak ako ay malalaman niya agad na may mali. He knew me so well kahit na dalawang taon pa lang kaming nagkakasama.
“Love, please answer… I’m so f*****g worried about you.”
Nang halos magmakaawa na siya sa akin, alam kong hindi na ako puwedeng manahimik. I needed to calm him down. Hindi ko man kayang sabihin pa ang katotohanan pero alam kong kailangan kong magsalita upang hindi na siya mag-alala.
“I’m fine, don’t worry…” sabi ko, namamaos ang boses dahil sa pinipigilang pagbuhos ng damdamin. “Kagabi kasi medyo naparami na iyong inom ko. I’m not feeling well so I decided na umuwi na lang. Hindi na rin ako nakapagpaalam pa kina Jessica at pagdating ko naman sa condo ay nakatulog agad ako at ngayon lang nagising. Sorry, l-love.”
Damn. Love?
Mariin kong naipikit ang mga mata ko sa itinawag ko pa sa kanya. Napakasama kong tao para tawagin pa siya nang ganoon matapos ang ginawa kong panloloko sa kanya.
“Love?”
Tumikhim ako at pinahid ang luhang hindi na napigilang kumawala mula sa mga mata ko.
“A-ah can I call you later? I’ll just take a bath.”
“Okay then, drink some meds if you’re not feeling well. Huwag mo nang hintayin pang lumala. Half-day lang ako sa office today, pupuntahan kita mamaya–”
“No!”
Binalot kaming dalawa ng katahimikan dahil sa pagsigaw ko. Kahit ang driver ng taxi ay sinilip ako mula sa salamin dahil sa gulat. Mas lalo akong kinabahan.
“I m-mean it would be better kung bukas na lang tayo magkita,” dagdag ko.
Hindi ko siya kayang makita ngayong araw. I might break down in front of him. Hindi pa rin ako handang sabihin sa kanya ang kasalanang nagawa ko. At hindi ko alam kung kailan ako magiging handa.
“Why?”
“Kasi nga hindi maganda ang pakiramdam ko at gusto ko lang munang matulog buong araw.”
“Nagtatampo ka pa rin ba sa hindi ko pagsama kagabi?”
Nakagat ko ang labi at umiling. “Of course not. Wala na sa akin ‘yon, trabaho mo ‘yan kaya bakit ako magtatampo?”
“Are you sure?” tunog hindi pa rin naniniwalang pag-uulit niya.
“Kapag hindi ka pa rin naniwala, magagalit na ako.”
He chuckled. “Fine. Take a rest for today. See you tomorrow, love.”
Nang maibaba ko na ang tawag ni Andrew ay hindi ko na napigilang mapaiyak nang malakas. Hindi ko inalintana ang tingin sa akin ng driver at inilagay ko ang cellphone sa dibdib.
“I’m sorry! I’m s-sorry…” paulit-ulit kong sambit pinagsisihan ang nagawa ko sa lalaking walang pinakitang masama sa akin at minahal ako sa kabila ng mga kakulangan ko.
Ano na ang gagawin ko ngayon?
***
Pagkauwi ko sa condo ay agad akong naligo. Hindi ko alam kung ilang minuto rin akong napatanga sa loob ng banyo. Hindi ko mapigilang isipin ang mga nangyari kagabi. I was so disgusted with myself. Kahit ano’ng gawin kong tagal sa paliligo ay alam kong hindi mawawala ang kasuklam-suklam na ginawa ko. Nanatili pa rin sa aking balat ang mga marka na binigay sa akin ni Liam.
Wala sa sarili kong ibinagsak ang katawan sa sofa matapos maligo. Tulala pa rin ako habang nakatingin sa patay na TV. Dahil masyadong maayos ang tulog, myroon pa ring nanatiling sakit ng ulo ngunit hindi ko na ‘yon pinansin lalo na nang biglang tumunog ang doorbell.
Nanlaki ang aking mga mata. Muling gumapang ang kaba sa aking sistema.
Alam kong nagkasundo na kaming dalawa ni Andrew na hindi kami magkikita, ngunit hindi maalis sa isipan ko ang posibilidad na mangyari ‘yon. He would sometimes do sweet things like surprising me. At dahil halos wala na siyang oras para sa akin simula nang ma-promote siya, I couldn’t help but think he might do that to make up for the times he couldn’t be with me.
If we were in a normal situation, I’d find it sweet and I would love him more. Pero dahil sa nangyari, hindi man lang ako makangiti. Nagpapawis ang aking mga kamay. Hindi ako mapakali.
Habang iniisip ang mga posibilidad na puwedeng mangyari, kasabay ng pagtigil ng ingay mula sa doorbell ay ang pagtunog ng aking cellphone dahil sa isang tawag. Mabilis ko ‘yong nilingon at nakitang tumatawag si Jessica.
“Hello?” maingat kong sagot.
“Nasa condo ka ba ngayon?” agad na tanong niya sa akin.
“Uh, oo…”
“Girl, buksan mo kaya ang pinto mo! Kanina pa ako nagdo-doorbell pero ini-ignore mo ang beauty ko!”
Namilog ang mga mata ko saka muling napalingon sa pintuan. Nakaramdam ako ng ginhawa nang malamang siya lang pala ang nasa labas.
Buti na lang at hindi si Andrew…
Hindi na ako sumagot pa sa kanya at dali-dali nang tinungo ang pinto sa tuwa. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang nakabusangot niyang mukha. Mayroon siyang dala-dalang pagkain para sa aming dalawa.
Si Jessica ang pinakamalapit kong kaibigan sa trabaho simula no’ng nakapasok ako roon. Isang taon lamang ang tanda niya sa akin kaya agad kaming nagkaintindihang dalawa kaysa sa mga katrabaho naming medyo malaki ang agwat sa aming edad.
Bukod sa ginhawang naramdaman na hindi si Andrew ang aking naging bisita, masaya rin ako na nandito siya sa oras na kailangan ko ng kaibigang makakausap at masasandalan. Alam kong mapagkakatiwalaan ko siya sa ganitong bagay.
“Bakit ba ang tagal mo–” natigilan si Jessica nang makita ang hitsura ko. “My god Mia, you look so wasted! Natulog ka ba? Parang buong gabi kang gising ah!”
Tinalikuran ko siya at mabagal ang lakad na binalikan ko ang pwesto ko kanina at muling nahiga.
“Uy girl, saan ka ba nagpunta kagabi? Nag-disappear ka na lang bigla. Alalang-alala kami sa ‘yo.”
Tinakpan ko ng braso ang mga mata ko at hindi sinagot si Jessica. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa paanan ko.
“Aba! Habang naglalandian kami ni Harold, tumawag ang boyfriend mo. Alalang-alala na hindi ka rin makontak. Ikaw ah, baka kung kanino ka sumama.”
Sa huling sinabi ni Jessica ay napahikbi ako at tinakpan ang bibig ko. Hindi magawang mapabulaanan ang huli niyang sinabi.
Namayani ang katahimikan mula sa kanya hanggang sa marinig ko ang pagsinghap niya.
“Oh my god! Oh my god! Mia Sandoval!”
Inalis ni Jessica ang braso ko sa mga mata at awang ang labing minasdan niya akong tila hindi makapaniwala. Bumaba ang tingin niya sa leeg ko at napangangang napaupo siya sa sofa.
“Are those hickies?!”
Humikbi ako at hindi magawang makapagsalita. Yumuko ako natatakot na makita ang panghuhusga sa mga mata niya kahit alam kong hindi siya ganoon.
“Given na tumawag si Andrew imposibleng siya ang kasama mo kagabi. Anong nangyari?” seryoso na ang mga matang tanong niya.
“I f****d up big time, Jess,” hagulgol ko sa isa sa mga matalik kong kaibigan.
Tumahimik siya tila hinihintay na sundan ko pa ang sinabi ko. “Mia, you were drunk. M-maybe that’s the reason–”
“Lasing ako pero alam ko kung anong ginawa ko, Jess. I had a one night stand with someone I know.”
“Who?”
Sinalubong ko ang tingin ni Jessica. “My ex-boyfriend.”