Kabanata 8
"Kumusta pala ang trabaho, Mia? Hindi ka ba nahihirapan?" tanong ni Lola habang patuloy kami sa pagkain ng hapunan sa hapagkainan.
"Gano'n pa rin naman po, Lola. Sanay na po ako sa mga gawain kaya hindi na mahirap. Gamay na gamay ko na," nakangiti kong sagot kahit na alam ko sa loob kong malaki na ang magiging pagbabago ng pananaw ko tungkol doon dahil sa pagpasok ni Liam. Kaya nga lang, ayaw kong pag-alalahanin pa si Lola at lalong-lalo na si Tito.
Tito Bryan had always been overprotective of me. Parang ama na rin ang turing ko sa kanya. At dahil kaisa-isahang anak ako ng kanyang kapatid, kahit na hindi nila ako kadugo, talagang ipinaramdam niya sa akin na parte ako ng pamilya. They never bullied me nor made me feel like an outcast. Kung paano niya itrato si Anjie ay ganoon din siya sa akin.
Seeing how he took Liam's presence back in the country, I didn't want to risk it. Wala man sa ugali niya ang makipag-away, ngunit hindi ko rin sigurado kung mapipigilan niya ang sariling ipaghiganti ako.
My family knew how badly affected I was when we broke up years ago. My insecurities swallowed me whole, making it harder for me to get back up again after my fall. Hindi ako makausap nang maayos at laging walang gana. Kulang ako sa tulog at hindi nagkakakain. I also almost dropped out from school. I was even admitted to the hospital when I fainted once.
Napakagat ako sa labi habang inaalala ang nangyari noon. My mother cried so much and begged me to live my life again. I was filled with so much guilt to see her crying for her lost daughter. Mas lalo kong naramdaman ang kanilang pagmamahal noong panahong 'yon.
They gave me a family. They did everything just so I could have a comfortable life. Although I knew it wasn't my choice to begin with, pinag-aral at pinalaki nila ako nang mabuti. Ibinigay nila ang lahat ng pangangailangan ko. Minahal nila ako na parang tunay na anak.
At that time, I told myself that the least thing I could do for them to show gratitude was not to waste the chance they gave me. Kaya naman pagkalabas ko sa ospital ay ipinangako ko sa sarili kong hinding-hindi ko na sila ulit pag-aalalahanin nang ganoon. I would do my best to live the life they wanted me to have. However, the moment I slept with Liam, I knew I failed them.
Binigo ko ulit silang lahat. Muli akong nagkamali at siya ulit ang dahilan.
“Ang tagal mo na sa trabaho. Hindi ka pa ba mapo-promote diyan?” pabirong tanong ni Tito Bryan na pumutol sa aking pag-iisip.
Napangisi ako at napailing sa kanyang biro. “Si Tito talaga! Na-promote na ako last year, ‘di ba?”
Naningkit ang kanyang mga mata at napaisip. Siguro ay inaalala niya kung kailan ako na-promote. Naiintindihan ko naman kung nakalimutan na niya dahil hindi naman ganoon kataas ang promotion ko. They just gave me less workload and changed my job description. Tumaas din kahit papaano ang sahod ko.
“Huwag mo na alalahanin, Tito. Ayos na ‘yon.” Tawa ko dahil kunot na kunot na ang noo niya habang pilit na inaalaa.
“Nagpakain si Ate Mia no’n sa Vikings!” Sabay baling sa akin ni Anjie. Proud na proud siya sa sarili dahil siya ang unang nakatanda kaysa sa Papa niya. “Kasama si Kuya Andrew, ‘di ba, Ate?”
Bahagyang naglaho ang ngiti sa aking mga labi nang banggitin ni Anjie si Andrew. Agad ko nga lang ibinalik ang sigla dahil ayaw kong makahalata sila, lalo na si Tito na nasa akin ang buong atensyon.
“Ah! Naaalala ko na!” Humalakhak si Tito. “Bandang huli, hindi ba’t inunahan ka ni Andrew na magbayad dahil malapit din ang kaarawan niya no’n?”
Tipid akong ngumiti saka tumango-tango. I didn’t know what else to say. Parang hindi ko kayang pag-usapan namin si Andrew.
“Napakabait talaga ng batang ‘yon…” singit ni Lola. She smiled endearingly while talking about Andrew. “Naalala ko’t kahit hindi ka kasama’y dinadalaw ako rito sa bahay. Nakakalungkot nga lang at hindi na nakakadaan ngayon.”
“Busy po sa trabaho, Lola…” paliwanag ko.
Nakangiti pa rin siyang tumango. “Naiintindihan ko…” sabi niya. “Sigurado namang kung may oras ay hindi magdadalawang-isip dumalaw ‘yon. Talagang napakabait,” ulit niya.
Kinagat ko ang aking mga labi. Under normal circumstances, I would be very proud of Andrew, pero baliktad ang nangyayari. Mas lalo lamang akong nakokonsensya.
“Tama ka riyan, Nay,” pagsang-ayon ni Tito Bryan. “Kaya natutuwa talaga akong nakilala siya ng Mia natin. Alam kong maaalagaan siya nang mabuti. Kita mo ring mataas ang pangarap sa buhay at may maayos na trabaho. Matino pang lalaki. Wala ka talagang masasabi.”
Tito Bryan really liked Andrew. He trusted him a lot. Alam kong katulad din ng pananaw niya ang sa mga magulang ko dahil naging malaki rin ang tulong ng pagdating ni Andrew sa buhay ko upang mapabuti lalo.
Although I was already going steady recuperating, he made everything much easier for me. He managed to heal the wound in my heart and made me realize that I was still capable of loving someone.
But what did I give him in return?
I cheated on him with the first man who broke my heart.
Ang tanga lang, Mia. Sobra kang tanga.
As if on cue, Andrew called me. Since my phone was beside me, Tito Bryan glanced at it and saw my boyfriend's name.
"Speaking of, sagutin mo Mia. Pakausap kami. I-video call mo na rin."
Kunwang natatawang sinunod ko ang sinabi ni Tito Bryan pero sa loob-loob ko ay ayokong sagutin muna ang tawag ni Andrew. Hindi ko siya matingnan sa mga mata. Nahihirapan akong huminga sa tuwing kinakausap ko siya. Inuusig ako ng konsensya ko at duwag mang matatawag, gusto kong umiwas sa kanya.
I wanted to breathe for a moment, that's why I came home.
Pero sinasampal pa rin ako ng reyalidad. Kung hindi si Liam ay si Andrew naman ang usapan.
"Hi love,” Kumaway siya sa screen at lumawak ang ngiti nang matanto marahil kung nasaan ako dahil sa background ko at ingay ni Tito Bryan. "Oh, umuwi ka pala? Ba't hindi ka nagsabi?"
"Naisipan ko lang. Kausapin ka daw nila Lola."
Ipinasa ko ang cellphone kay Tito Bryan na tumabi kay Lola para makausap nila si Andrew.
"Cr lang ako," paalam ko sa kanila pero mukhang hindi nila napansin ang pag-alis ko dahil busy na sila sa pakikipag-usap kay Andrew.
Pagpasok ko sa banyo ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Paulit-ulit kong binasa ang mukha ko at naghilamos. Napatingin ako sa leeg ko na nawala na ang make-up na nilagay ko.
Nangatal ang labi ko nang makita pa rin ang marka roon, alaala ng isang gabing pagiging marupok at tanga ko.
“Ate?”
“Y-yes, Anjie?” nanginginig ang boses kong sagot sa pinsan ko na kinatok ako.
Hinila ko ang tuwalya sa rack at isinabit iyon sa leeg ko. Sinigurado kong natakpan no’n ang marka bago ko pinagbuksan si Anjie.
“Ang tagal mo raw, hinahanap ka na ni Kuya Andrew.”
Pilit akong ngumiti. “Ah, nainitan kasi ako at nangati na iyong mukha ko sa make-up kaya naghilamos na ako. Binaba na ba ni Andrew ang tawag?”
Umiling si Anjie. “Hindi pa, kausap pa din sila Lola. Nako nabibingi na iyon sa paulit-ulit na pagpapahaging nila sa kasal.”
“K-kasal?”
Tila nangangarap na ngumiti si Anjie at umabrisete sa akin. “Oo, binanggit ni Lola si Ate Igna na kinasal na raw noong nakaraang buwan. Ayon tinanong nila si Kuya Andrew kung balak kang pakasalan.”
“A-anong sagot ni Andrew?” May namumuong bikig sa lalamunan kong sagot.
Hinampas ako sa kamay ni Anjie at impit na tumili. “Siyempre ate, oo ang sagot niya. Mahal na mahal ka daw niya. Sana all, may isang Andrew sa buhay. Ate, excited na kaming ikasal kayo. Siyempre kasama ko sa bridesmaid mo…”
Nagpatuloy sa pagsasalita si Anjie pero wala na akong maunawaan pa sa sinasabi niya. Binilisan ko ang hakbang patungo sa komedor. Hawak ni Tito Bryan ang cellphone ko at naririnig ko pa rin ang boses ni Andrew.
“Sagot ko na honeymoon nyo–”
Hindi natapos sa pagsasalita si Tito Bryan nang hablutin ko ang cellphone ko sa kanya. Agad kong binaba ang tawag nila at hinarap sila Tito. “Tito ano ba! H-hindi nyo dapat tinanong si Andrew tungkol sa kasal! Pinepressure nyo iyong tao!”
“Mia…” gulat ang boses na tawag ni Lola sa akin.
Nasa mga mata nila ang pagkalito sa pagsigaw at tiyak kong inis na nakikita nila sa mukha ko.
Tumawa si Tito. “Ano bang ikinakagalit mo, Mia?”
Napalunok ako at humigpit ang kapit sa cellphone. “Hindi ako galit, Tito.”
“Hindi galit pero kung makasigaw ka diyan at makatitig ay para bang napakalaki ng kasalanan namin sa ‘yo. Nagtanong lang kami kay Andrew ng tungkol sa kasal dahil ilang taon na kayong dalawa, wala namang masama doon, hindi namin siya pine-pressure–”
“Hindi nyo kasi naiintindihan! Hindi dapat kayo nangunguna. Hindi pa namin napag-uusapan ni Andrew ang tungkol doon!”
Tumayo si Tito at nasa mukha niya nang naiinis na rin siya sa akin.
“Oh hindi nga ba dapat magpasalamat ka pa? Kasi binuksan namin ang tungkol sa kasal ninyo. Gusto namin si Andrew para sa ‘yo at gusto naming malaman kung may plano siya sa inyo. Kasal na lang ang kulang sa inyo, Mia.”
Mariin akong pumikit at napakapit sa ulo. “Gaano kayo nakakasiguradong hindi kami maghihiwalay ni Andrew para tanungin nyo siya ng tungkol sa kasal?! Huwag kayong paladesisyon, Tito.”
“Mia! Ano bang pinagsasabi mo? Anong maghihiwalay? May problema ba kayo ni Andrew?” Kunot na kunot ang noong tanong ni Tito Bryan dahilan para matigilan ako.
“W-wala.”
“Walang problema? Kanina ko pa napapansin na may kakaiba sa ‘yo. May problema ba kayo ni Andrew?”
Umiling ako. “Matutulog na ako–”
“Sa usap namin mukhang wala, pero ikaw meron. Anong problema, Mia?” seryoso ang mukhang tanong sa akin ni Tito.
Pakiramdam ko nang-uusig ang tingin niya sa akin kaya iniwas ko ang mga mata ko sa kanya.
“May kinalaman ba ‘to sa pagbabalik ng lalaking ‘yon–”
“Tito, wala nga! Tama na! Sorry kung nasigawan ko kayo. P-pagod lang ako sa trabaho.”
“Ate, Pa, tumigil na kayo.” Awat sa amin ni Anjie na mukhang nag-aalala kay Lola na parang papaiyak na dahil sa pagtatalo namin ni Tito.
Pinigilan kong umiyak na niyakap at hinalikan ko si Lola sa noo. “Sorry, La.”
Hindi ko na pinakinggan ang pagtawag sa akin ni Tito Bryan at nanakbo akong pumanik sa taas.
Inilock ko iyon at umiiyak na ibinagsak ko ang sarili sa kama.
Nag-vibrate ang cellphone ko, nang makita ko ang pangalan ni Andrew sa screen ay mas lalo akong napaiyak.
I’m sorry, Andrew…
Alam kong hindi titigil si Andrew sa pagtawag kaya sinagot ko iyon pero hindi ko inopen ang camera ng phone ko. I just stared at his worried face.
“Love, may problema ba?”
Napahikbi ako. Huli na ang lahat, narinig niya na ang pag-iyak ko. Nanginginig ang kamay na hinaplos ko ang screen ng cellphone ko na para bang nahahawakan ko talaga si Andrew.
“Mia? Hey, bakit ka umiiyak? Let me see your face.”
“Mag-usap tayo kapag nakabalik ka na, Andrew. M-may kailangan akong sabihin sa ‘yo.”
“Bakit h-hindi pa ngayon? Ano ba ‘yon?”
Umiling ako at muling napahikbi. “P-pagbalik mo na nga lang. Mag-iingat ka diyan, okay? Inaantok na ako, love, matutulog na ako.”
“Mia–”
“Andrew, the meeting's about to start.”
“Bye, love…”
Love? How could you still call him that, Mia? You betrayed him. You cheated on him!
Alam ko. Kaya aaminin ko na sa kanya ang kasalanan ko. Ayoko siyang mawala sa akin pero hindi ko na rin kayang dagdagan pa ang panloloko ko sa kanya.
Besides, I realized that the night I surrendered myself to Liam, I already lost him.
My boyfriend, my love, Andrew.