Chapter 5

1600 Words
Chapter 5 Mariz PoV “`You really are so pretty. I mean it, Mariz.” Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa sinabi niya. Sa dami ng pagpapahiya niya sa akin ngayong araw, hindi ko alam kung seryoso ba siya o may punch line pang kasunod dahil joke lang para sa kanya ang sinabi niya. Nag hintay pa ako sa susunod niyang sasabihin pero taimtim lang siyang naka tingin sa aking mga mata. `"Totoo ba? Baka inaasar mo lang ako?" nahihiya ko pang tanong. Nanginginig pa nga ang boses ko dahil sa kaba. "I'm just appreciating your pretty face. Nothing more," iyon lang ang sinabi niya at pinakawalan na ang aking kamay. Tinalikuran ko na siya, totoo na talaga, hindi ko na siya lilingunin pa. Matapos niyang sabihin 'yon, I don't know how to face him anymore. Nagmadali akong mag lakad alam kong sumusunod siya sa akin sa likod. Mabuti at agad kong natanaw ang family car namin kaya agad akong pumasok sa loob para maka-uwi na rin. Sa buong college days ko, ngayon yata ang pinaka kaka-iba, nakaka-inis, nakaka hiya, at thrilling na first day of school. At aaminin ko, the most exciting at nakaka-kilig? Ngayon lang yata ako nakaramdam ng kilig buong college life ko. Ang huli ko kasing kilig moment ay noong high school pa. Yung first and last crush ko. "So, how's the first day anak? Masaya ba? makaka pag Magna cvm laude ba? or at least cvm laude? pwede na," tanong ni Dad habang nag da-drive at ako naman ay naka tanaw sa kawalan. Napa balik ako sa wisyo nang tanungin niya ang tungkol sa first day, at kinabahan naman dahil sa tanong niyang cvm laude ba? Nakaka pressure talaga. Mabait si Dad, a good provider, kahit busy sa kumpaniya namin ay hindi pa rin nakakalimot na kamustahin ako at si Mom. Ayun nga lang, ang taas ng expectation niya sa akin. Nakakatakot na ma-disappoint ko siya. "Of course, Dad. I will do my best para maging at least cvm laude. I promise you will be proud of me," sagot ko. Bagamat confident akong nangako sa kanya but deep inside, hindi ko alam kung kaya ko 'yon tuparin. Bahala na. "That's my girl. Alam mo namang ang tanging kasiyahan ko lang ay makita kang masaya at successful sa buhay," sabi ni Dad na parang maluha-luha pa. Mukhang may matinding pinag huhugutan si Dad. Kaya gano'n na lang ang pag nanais ko na tuparin kung ano man ang hiling niya sa akin. "Pwede ka namang mag boyfriend--" Nabigla ako sa sinabi niya. Bigla na lang gano'n ang topic out of nowhere. "Normal lang naman ang ma-in love--" Palibhasa bata pa lang sila ni Mom ay nag jujugjugan na sila, kaya nga sina Mom at Dad ay napag kakamalan nilang kapatid ko dahil ang bata pa talaga nila at bata rin ang itsura. "Basta 'wag ka lang magpapabuntis, sasakalin talaga kita at itatakwil--" "Dad! Wala ngang boyfriend paano mabubuntis," sabi ko. "Tss. Basta mag pills ka, o kaya implant, o injectables. Maraming paraan para 'di mabuntis huwag lang 'yung natural method--" "Dad, stop it! goodness. hindi ako ganyan--" "Kaya nga I'm warning you, giving you precautions. Dahil ayokong biglang isang araw ay malalaman kong buntis ka na. Nangako ka na magtatapos tapos magpapa buntis ka lang pala. Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na agad sa'yo Mariz, lumandi ka nang lumandi kung gusto mo basta huwag ka lang magpapa buntis!" Napa buntong hininga na lang ako. Paulit-ulit ang 'buntis-buntis' na 'yan. "Never been touched pa ako Dad. Never been kissed. How dare you think na mabubuntis ako," Natahimik ako matapos mapagtanto na hindi na pala ako 'never been touched' dahil hinawakan ni Valentino ang kamay ko. Mula sa byahe, sa pag-uwi, hanggang sa dinner at pag tulog, palaging dumadaan sa balintataw ng aking alaala ang pag mumukha ni Valentino. Mula sa aking malambot at komportableng higaan, nakatanaw ako sa bintana at nakatanaw sa mga tala. Bakit kaya, gabing-gabi na ay hindi pa rin ako madapuan ng antok. Hindi naman ako ganito dati, dumating lang si Valentino sa buhay ko ay nagulo na niya ang payapa kong pag tulog. Niyakap ko ang malaki kong unan at pinilit pumikit baka sakaling mahimbing na rin. Ngunit lalong kumakatal sa isip ko ang mukha ni Valentino. Bakit ang gwapo niya sa paningin ko? Napa igtad ako nang maalala ang sinabi ni Luna. Agad akong napa tayo at tuluyan nang bumangon. Nag halungkat ako ng extra notebook sa drawer ko. Nag iisa na lang, mabuti at may naitago pa ako. Nagulat ako nang makita na makapal-kapal ang notebook. Nag hanap pa ako baka may mas manipis at charaaaan buti ay nakakita ako. Gusto ko ay manipis lang para hindi naman masakit sa kamay na isulat ang full name ni Valentino. Kaya lang, pag manipis ang notebook, baka konti lang ang powers, baka hindi tumalab ang orasyon. Kaya tinawagan ko si Luna, mabuti at online pa siya kaya alam kong gising pa siya. Hindi masyadong nakaka hiya na abalahin siya. Hello Luna? Tahimik lang si Luna sa kabilang linya, hindi siya nagsasalita ngunit rinig ko naman ang pag hinga niya. Luna, ilang leaves ba at anong size ba ng notebook ang dapat kong gamitin? o pwedeng sticky notes na lang? Hindi pwede. Pero ikaw, bahala ka. Syempre pag nag effort ka, susuklian din niya ang effort mo. kaya ang level ng gayuma mo ay depende sa effort mo. Ah ganun pala. Sige. Thank you. Balak ko pa naman na ValVal na lang ang name na isulat masyado kasing mahaba ang Valentino Valderema. Buti na lang at hindi Volentino Volderama pangalan niya. Oo nga eh, parang ang bastos pakinggan. Anyway, ganun talaga, paghirapan mo 'yan, ginusto mo 'yan eh. Nagpa-alam na ako kay Luna at nag good night. Napa buntong hininga ako. Bakit ko ba ginagawa ito? Para akong batang uto-uto na nagpapaniwala sa magic. Pero sige na lang, at least may ikukuwento akong kabalbalan sa magiging apo ko. Syempre ang lolo nila ay si Valentino. Napa hagikgik ako sa isipin na 'yon. My gosh. Lakas ng amats ko. Kaya sinimulan ko na ang ritwal. Sinulat ko ang pangalan ni Valentino sa notebook, back to back. Sanay naman akong gawin ito. Madalas ko kasing makalimutan gawin ang assignment ko at palagi akong nalilista na noisy kaya ang parusa sa akin ay ganito, mag sulat sa whole piece of paper I will not forget my assignment again o kaya ay hindi na po ako mag-iingay. Mga sampung pahina rin ang natapos kong sulatan at tumigil na ako. Effective pala itong pampa-antok. Gaya ng instruction, inilagay ko ang notebook sa ilalim ng aking unan. Nakatulog ako nang may ngiti sa aking labi, at nagising sa sikat ng araw. Umusal ng dasal at kumain. Pagkatapos ay naligo, natagalan ako sa part na ayusin ang sarili, hindi ako mapakali sa makeup ko. Gusto ko ay natural look lang pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako satisfied sa itsura ko. Ngayon lang ako na concious sa aking itsura. Konting pulbos lang at lip balm ay ok na ako. Konting suklay at hinahayaang nakaladlad ang golden brown hair ko na wavy. Maganda naman kasi kaya hindi ako nahihirapan na ayusin. Ngayon, nag abala pa akong magsuklay at blower. Ipinusod ko ito at nilagyan ng diamond clip, syempre pekeng diamond lang. Naalala ko ang Lavender na bulaklak na nasa bag ko. Kinuha ko iyon at ginawang design sa clip. Palabas na ako ng room ko nang maalala ang notebook sa ilalim ng unan. Nagmadali na ako dahil male-late na ako, Natagalan kasi ako sa pag makeup at pag ayos ng buhok. Ngayon lang din ako na-excite pumasok. Pinilit kong makinig sa lahat ng subjects. Pinilit kong hindi magpa distract sa presensya ni Valentino. Tutal nandyan lang naman siya at siguradong kakausapin niya ako mamaya. Buong klase ay nakinig lang ako sa aming lesson. Gaya kahapon, si Fiona ay maagang umuwi. Bukas pwede ko siyang isabay sa pag hatid sa kotse ko gaya last school year. Kami na naman ni Valentino ang naiwan sa classroom. Dahan-dahan akong naglakad baka sakaling habulin niya ako at kausapin. Pero nakalabas na ako ng room at nakasunod lang siya sa likod ko. "Mariz." Natigilan ako. Hindi ko inaasahan na tatawagin niya ang pangalan ko. Edi humarap ako. "Can we talk?' Nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba? Mukhang gumagana na ang gayuma ng notebook. Lumalambot na siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila doon sa pinaka dulong puno, 'yung pinaka malago sa buong campus. Sumilong kami sa ilalim nito. "Anong pag-uusapan natin? Yung panliligaw ko ba sa'yo?" biro ko at bahagya akong tumawa sa sarili kong joke. 'Yes," simple niyang sagot. Nawala ang tawa ko. Nag umpisa na naman si Valentino maging gold. "Hinihintay ko kung paano ka manligaw." "Alam mo, sa anime at K-drama ko lang 'to napapanood eh. Yung magko-confess 'yung lalaki sa girl sa ilalim ng puno. Tapos busted ng girl si boy. magagalit si boy, magiging aggressive tapos isasandal niya si girl sa puno at nanakawan ng halik." Seryoso kong sabi na tila nag-uuyam. "C'mon Valentino, don't tell me gusto mong ako pa ang magsandal sa'yo sa puno at kumiss? Asa ka. Sobrrr--" Hindi ko na magawang tapusin ang sasabihin ko dahil marahas niya akong sinandal sa puno. Hindi ako makagalaw dahil kinulong niya ako sa kanyang mga bisig. Natulala ako sa maganda niyang mga mata, pababa sa kanyang labi. Hindi ko na magawang titigan dahil hinalikan niya ang mga labi ko. - - - - - - - - TO BE CONTINUED. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD