Chapter 4

1180 Words
Chapter 4 Mariz PoV “You're so pretty. Pwede bang akin na lang 'to?” Ako yata ang ginagayuma ni Valentino. Para akong na hypnotize sa sinabi niyang “you're so pretty” Marami naman nag sabi sa akin no'n, mga heartthrobs pa nga pero bakit sa kanya ko lang ito naram- daman? It hits differently. Pakiramdam ko ay sinagot na ako ni Valentino at binigay niya na ang matamis niyang "oo". "Huy Besh! Wake up.” Para na naman akong nakawala sa isang spell. "Isa siguro siyang mangkukulam, Fiona kaya siya laging naka jacket dahil tinatago niya ang kaliskis niya," sabi ko. "Ano siya syokoy? Halika na male - late na tayo sa klase," Aya ni Fiona. Nakasunod lang kami sa likod ni Valentino. Doon din naman kami pupunta sa paroroonan niya dahil classmates kami. Ang gwapo ng likod ni Valentino, mukhang pader. Ang lapad at mukhang matigas, parang ang sarap sandalan, yakapin, sampahan, kabayuhin. Ay nasobrahan. Oh my! Ano bang pinag iisip ko, Lakas ng gayuma niya sa akin. Gayuma reveal nga. Doon na naman siya sa sulok Pumwesto doon sa bandang basurahan. No choice kasi kami ang huling dumating. Lahat ng classmates namin ay sa amin nakatingin. Bulong-bulungan na naman ang mga memosót memosa, Aminado naman akong chismosa rin pero ibahin niyo ako sa lahat ng mga sawsawero out there. Ang chismis ko ay may credible source. May hypothesis, data gathering, citation, at backup, background checking kung totoo ba o fake news. Dagdagan pa ang aking marites instinct, grabe I'm so proud of myself. Buong klase ang isip ko ay nasa basurahan. Iniisip ko kung ano ang pwede kong itapon, grabe, laki ng problema ko. Buti na lang at natapos na rin ang sobrang boring na klase, yung, Philippine Literature at Economics. Kaya nang tumunog ang bell, excited ang lahat sa pag-uwi habang ako ay sabik na pumunta sa basurahan. Dahil hatid sundo si Fiona ng driver niya, nagpa-alam agad siya na aalis na kaya dalawa na lang kami ni Valentino na naiwan sa room. Papunta pa lang ako sa pwesto niya ay inunahan niya na agad ako. "Miss, would you please--" Natigilan siya sa pag sasalita nang nakita niya na may tinapon akong basura sa basurahan pagkatapos ay tinalikuran ko na siya. Huh, success! Gusto ko makita ang mukha niya na natahimik, kaya muli ko siyang hinarap at inasar pa nga. Maka bawi man lang sa pagpapahiya niya sa akin kanina. "Hmm, pahiya ka noh, feeling mo naman, lalapitan kita kasi magpapa-pansin ako sa'yo? No way!" Sabi ko habang nakataas ang kilay at naka pamewang pa. I flipped my long wavy golden hair at muli siyang tinalikuran. Ok na ako, naka ganti na rin kahit papaano. Bukas ulit kami magtutuos. "Talaga ba?" Bigla akong napahinto nang muli siyang mag-salita. Nagda-dalawang isip ako kung muli ko siyang haharapin o iiwan na para maka ganti ulit. Hindi naman ako desperate na mapansin niya. "Talaga bang ayaw mong humarap? Ayaw mo 'ko makita?" tanong niya habang ako'y nakatalikod. Napa ngitngit ako ng aking ngipin. Sobrang yabang talaga ng yawa na 'to. I had no choice but to face him dahil nang gigigil ako. I stomped my foot at padabog na lumapit sa kanya. "Tayo na ba?" Bigla akong natigilan sa pag lusob sa kanya at napanganga sa tanong niya. Nabingihan ko lang ba o totoong tinatanong niya kung kami na ba? "Pardon? Come again," tanong ko. "Have a seat. mag-usap tayo," sabi niya at seryoso siya. Parang biglang nawala ang nerdy niyang awra. Buong maghapon kasi sa klase ay isa siyang mahiyaing estudyante, panay ang yuko at may sariling mundo. Umupo nga ako sa harapan niya at dahil naka skirt lang ako at walang panloob na shorts, idinikit ko ng maigi ang mga hita ko at baka masilipan niya ako. Ah swerte naman niya. "So, anong tayo na? As in tayo na ba? Ok lang sa'yo?" tanong ko. "Tayo na? Ang bilis mo naman. Nanligaw ka na ba? sinagot na ba kita? Anong tingin mo sa'kin, easy to get?" Oh my gosh. Napa nganga na lang ako at buntong-hininga. Hindi ako makapaniwala na ganito ka-kapal ang fez ni Valentino. Pero dahil mapag patol ako, sige, papatulan ko siya. Bring it on. "Paano kung ligawan kita? may pag-asa ba ako?" tanong ko. Napangalumbaba siya na waring nag-iisip. Huh, kapal talaga. Pinag-isipan pa niya. Parang luging lugi pa siya sa akin. "Ah depende. Kaso good luck na lang kasi hard to get ako. Alam mo na, maraming babae na manloloko. Kahit pangit nanloloko na rin," sabi niya. Gusto kong tumawa at mainis at the same time. "Ano bang gusto mong panliligaw? traditional? nakakahiya naman kung papasibakin mo pa 'ko ng kahoy o haharanahin pa kita. Flowers and chocolates. Poems and sketch. "Pwede naman pero mas prefer ko 'yung praktikal ba." Ah ok, gets ko na. Alam ko na ang kahinaan niya. "Sige, gusto mo ng weekly ayuda?" Alok ko kay Golden Eggs. "Yan, 'yan. Gusto ko 'yan. Natumbok mo." Biglang kuminang ang mga mata niya sa likod ng makapal niyang salamin. Na-excite siya nang marinig ang weekly ayuda. Para ngang pumalakpak ang kanyang mga tenga sa tuwa. "Isang kaban ng bigas?" tanong ko. "Ayun lang ang paayuda mo?" Oh my, napa irap ako nang umangal pa sa isang kaban ng bigas. Ginawa akong sugar mommy. Ganda ko naman at ang bata para maging azukar de mama. "Ano pa ba gusto mo? Insurance gusto mo? Ikukuha kita sa St. Peter para secured ka na." Napa salubong ang kilay niya at busangot ang mukha. Lihim akong napangiti. Naka ganti ako ng pang aasar. Ok na siguro 'yan. Hinahanap na ako ng Daddy ko siguro kaya kailangan ko na siyang iwan. Tumayo na ako at tinalikuran na siya. Hindi na ako nagpa-alam kasi bwisit siya. Palabas na ako ng pinto nang hinablot niya ang pulsuhan ko. Napaharap ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Agad din niyang binitawan ang pulsuhan ko na parang napaso nang madikit sa balat ko. "Ahm, Miss—” Parang nahihiya niyang sabi. Nakakabitin naman ang lalaking ito kaya matyaga kong hinintay ang sasabihin niya. Namumula ang kanyang mga pisngi. Aw ang cute. Baka aamin na siya sa akin, kikiligin na ba 'ko. "Ahm, Miss. Kailan 'yung bigas?” Napa hingang malalim na lang ako. Kailangan kong pigilan ang bibig kong minsan bunganga, minsan armalite. "Next week. Ok na?” sabi ko at tinalikuran ko ulit siya bago pa ako maging Amazona. "Miss.” Muli niya akong tinawag pero hindi na ako lumingon. Mabubuwisit lang ako. Ilang hakbang pa at natigilan na naman ako nang muli niyang hinablot, this time, ang kamay ko. “Mariz,” malumanay niyang sabi. Sa sobrang gulat ko ay napaharap ako sa kanya at nanlaki ang mga mata. Hindi pa rin kasi niya binibitiwan ang kamay ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may lalaki na nag lakas loob na hawakan ang kamay ko. Ang laki ng kamay niya, sakop ang buo kong kamao. “You really are so pretty. I mean it, Mariz.” - - - - - - TO BE CONTINUED. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD