Chapter 6

1221 Words
Chapter 6 Mariz PoV Hindi ko na magawang tapusin ang sasabihin ko dahil marahas akong sinandal ni Valentino sa puno. Hindi ako makagalaw dahil kinulong niya ako sa kanyang mga bisig. Natulala ako sa maganda niyang mga mata, pababa sa kanyang labi. Hindi ko na magawang titigan dahil hinalikan niya ang mga labi ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang magtama ang aming mga labi ni Valentino. Unang-una, bakit niya ako hinahalikan? Ito na ba ang epekto ng gayuma? Ang bilis naman. Nakaka sampung page pa lang ako ng pagsulat ng pangalan niya. Siguro kung tinapos ko pa kagabi ang pagsusulat baka na aawww jinugjug niya na ako. Napapikit na lang ako sa sarap ng kanyang halik. Ganito pala ang pakiramdam ng first kiss. Nanlambot ang mga binti ko lalo na nang lumakas ang hangin at nagkalansing ang mga dahon. Oh my goodness, nanlaki ang mga mata ko at napakapit sa kanyang magkabilang braso. Nasa public place nga pala kami. Baka may nakatingin, sikat pa naman ako ngayon. Pero bakit ko ba iniisip ang ibang tao? Napaka sarap ng feeling ko ngayon. Para akong nasa alapaap. Ang pinapangarap kong first kiss ay tinupad ni. . . Valentino! Si Valentino na kahapon ko lang naka-usap. Si Valentino na isang nerd. Si Valentino na hindi ko type. Napakalas ako sa kanyang mga bisig at naitulak ko siya ng malakas. Nagtigilan kami pareho. Nagkatinginan sa mata ng bawat isa. Ngayon lang pumasok sa isip ko na ninakawan niya ako ng halik. Mabuti sana kung may mutual understanding kami. MU kami pero ako lang ang may alam. Gusto ko siyang sampalin. He's making fun of me. Porke alam niyang nahumaling na ako sa kanya. Napaluha na lang ako. Parang ngayon ako nagsisi na hinayaan kong makuha ang first kiss ko ng lalaking hindi naman ako gusto. I don't want to see him anymore. Hanggat maaga pa, tapusin ko na agad ang kabaliwan kong ito. "I hate you," sabi ko sa kanya at tinulak ang kanyang dibdib. Tumakbo ako ng matulin para hindi niya ako mahabol. Tss. Ang assuming ko naman. Ako nga pala ang naghahabol. Umuwi na ako at diretso na ng kwarto ko. Pinadala ko na lang ang aking dinner kay Yaya para sa kwarto na lang ako kakain. Ang dinahilan ko na lang kay Dad kaya hindi ako sumabay sa kanila sa dining table ay dahil busy sa pag-gawa ng assignment at advance study. Basta tungkol sa studies ko ay all out support si Dad. Pero ang totoo, broken hearted ako. Pakiramdam ko ay ito ang first break up ko. Ang bilis ng pangyayari sa amin ni Valentino. Parang noong isang araw lang ay doon pa lang kami nagka- kilala. Tapos kahapon ay patay na patay na ako sa kanya. Ngayon naman ay kinasusuklaman ko na siya. Dinaig ko pa ang awiting “Isang Linggong Pag-ibig ” dahil tatlong araw lang ang amin. Bigla kong naalala 'yung notebook ko na pang gayuma kay Valentino. Hindi ko na itutuloy. Buti na lang at ten pages pa lang ang nasusulatan ko at nauntog agad ako. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginamit ni Valentino sa akin. Kaya bukas na bukas ay itatapon ko na sa katabing basurahan ni Valentino, doon ko itatapon ang notebook. - - - - - Kinabukasan, pinilit kong huwag pansının si Valentino. Huwag magpa-apekto sa presensiya niya kahit pa hindi mawala sa isip ko ang ginawa niyang paghalik sa akin. Umaga pa lang habang hindi pa nagsisimula ang klase, tinapon ko ang gayuma notebook sa katabing basurahan ni Valentino. Maya maya lang ay dumating na si Miss Beauty Kinantoto. "Ok class, ilabas ang assignment notebook. Ipasa sa harap at che-chekan ng classmate niyo," utos ni Miss Beauty at sinunod na nga namin. Mabuti at kahapon ay mabilis ko itong natapos at sigurado akong perfect ang score ko. Habang nag che- check kami, nakatingin sa akin si Myra, ang classmate namin na may galit ata siya sa akin dahil natalo ko siya sa Miss Villamayor de Villamayora last year. Bakit kaya niya ako tinatawanan? Tama naman ako sa lahat ng sagot ko ro'n. Kaya nang tapos na ang checking, tinawag na ang score ng bawat isa. Dahil Ayala ang apelyido ko, suking-suki sa first call. Mariz Princess Ayala Tawag ni Miss Beauty sa apelyido ko para malaman na niya ang score ko. Ngiting- ngiti ako syempre dahil confident naman akong perfect ako. Zero, Miss Kinantot-o Sabi ni Myra, at napatingin kaming lahat sa kanya at naka-ngisi pa siya talaga. "Ah, zero talaga? Sure ka si Ayala ay zero?" kumpirma ni Miss Beauty. Hindi rin siya makapaniwala. Imposible naman kasi. "Yes po, Ma'am, as in itlog- zero," maarteng sabi ni Myra na kunwari ay nalulungkot pa. Acckk sarap bigwasan. Pinakita ni Myra kay Miss Beauty ang notebook ko. Nanlaki ang mga mata ni Miss Beauty. Oh my gosh! Nanlaki rin ang mga mata ko. Inisa-isa ni Ma'am ang pahina ng notebook ko. "What's this, Miss Ayala?" tanong ni Ma'am habang binabasa ang notebook ko. Valentino Valderama, Valentino Valderama, Valentino Valderama-- Gayuma notebook pala ang naipasa ko! Nagsitawanan ang lahat. Parang gusto ko na lang kainin ng lupa. "Pinagloloko mo ba 'ko, Miss Ayala? Anong tingin mo sa klase ko pang grade 1? May pa FLAMES ka pa siguro!" Hiyaw ni Ma'am. Agad kong pinuntahan ang basurahan doon sa tabi ni Valentino. Mabuti at hindi pa natatabunan ng basura. Pinagpag ko ang notebook at binuksan ang pahina. Ito nga ang notebook ko kay Miss Kinantoto. Ibibigay ko na sana kay Ma'am ang notebook pero hinawi niya ito at nahulog sa lapag. "What the heck, Ayala, tinapon mo ang notebook mo sa subject ko?" Lagot! Bad shot na naman ako kay Miss Kinantoto. "No, Ma'am. Hindi po ganu'n--" "Sit down! You got zero for this activity," sabi ni Miss Beauty sa akin. Umupo na lang ako dahil wala akong magawa. Tinapik-tapik at haplos-haplos ni Fiona ang likod ko dahil alam niyang masama ang loob ko. Ayoko na'ng makita ang pag mumukha nilang lahat. Wala na akong mukhang ihaharap. Hanggang sa matapos ang buong klase, tahimik lang ako. Nag-lunch kasama si Fiona, tumambay sa court, at pilit na nakinig sa klase kahit na pinag bubulungan at pinagchichismisan nila ako. After class, niyaya ko si Fiona na sumabay na sa akin pa-uwi. Pero tinanggihan niya ako dahil may date daw sila ni Billy, ang boyfriend niyang varsity player. Kaya mag-isa akong pumunta ng parking lot. Pero nasa likod ko si Valentino. "Mariz. . ." tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. "Valderama, stop following me. Ayaw kitang makita, OK?" Naririnig ko pa rin ang yabag niya kahit nakatalikod ako sa kanya. Sunod pa rin siya nang sunod sa akin. Nakarating na rin ako sa kotse ko at bago ko pa ito buksan ay may tumawag sa cellphone ko, agad ko itong sinagot dahil galing ito sa online shop. Nataranta ako dahil alam ko kung ano ang inorder ko online na sa school ko nilagay ang address. Miss Mariz Princess Ayala? nandito na po 'yung order niyo. Iniwan ko na po. Pina-claim ko na lang sa guard. Oh my gosh! Nakalimutan ko ipa-camcel. Kaya wala akong magawa kundi ang harapin si Valentino. “Valentino, can ye plez helf me?” - - - - - - - TO BE CONTINUED. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD