Chapter 7

1542 Words
Chapter 7 Valentino's PoV First day of school, akala ko ay hindi na ako makakapag enroll pa dahil sobrang late ko na para sa enrollment. Sarado na ang block na dapat ka-batch ko. Mabuti na lang at napaki-usapan ko ang Head ng Education Department at ang Registrar. Mabuti at scholar ako at kalahati ng matrikula ay discounted na. Sayang lang talaga at hindi ako full scholar dahil hindi ko na-maintain ang ceiling grade na dapat. May part-time job kasi ako sa gabi kaya lutang sa umaga. Mabuti na lang nga at naipasa ko ang lahat ng subjects ko na may mataas na grado. Ang hirap maging ulilang mahirap. Dalawang kahig, isang tuka. Ngunit anong magagawa kundi ang lumaban ng patas sa buhay. Isang taon na lang sa kolehiyo ay magtatapos na rin ako. Ano pa't aahon din ako sa kahirapangu kinasadlakan ko. Maaga akong pumasok para mauna ako sa gusto kong upuan. Doon sa sulok malapit sa bintana para payapa. Para kahit maka idlip ako ay hindi halata. Niligid-ligid ko ang tingin sa buong classroom. Puro pala rich kid ang classmates ko. Nakaka-intimidate. "My gosh, Mariz, classmate pala natin si Valentino. May makokopyahan ka na," Narinig kong sabi ng kakarating lang na classmates ko. Parang familiar sa akin ang isang babae. Hindi ko lang matandaan kung saan. At wala naman akong pakialam. At anong sabi ng kaibigan niya “May makokopyahan ka na"? You wish mga miss. Mabait lang ako pero hindi naman ako uto-uto. Agad akong napayuko nang maramdaman kong titignan ako nung isang babae. Hays kairita, bakit ba natin naging classmate 'yan? Narinig kong sabi ng babae. Grabe naman. Nasaktan naman ako sa sinabi niya. Porke maganda siya. Mahaba ang buhok na golden brown at wavy. Mestiza. Makinis maputi siya. Pero ba't gano'n? Ang ganda ng mga mata niya, parang Barbie. Matangkad, long legged. Sexy rin. Malaki ang hinaharap parang special jumbo siopao. Grabe nagugutom na ako. Hindi kasi ako nag almusal. Candy na Fres pa lang ang kinakain ko. Paano, inuna ko pang bayaran ang renta ng maliit na unit ng apartment ko. Ang hirap talaga maging mahirap. Lalait-laitin ka pa at mamaliitin. Kung hindi ako magsisikap ay saan kaya ako pupulutin. Kaya napilitan akong kumapit sa part-time job ko, bukod sa kaya nitong i-sustain ang mga bayarin ko, ay may isa pa akong matinding dahilan kaya ito ang napili kong trabaho. Papalapit na sana 'yung magandang babae pero dumating na ang guro namin. Si Miss Beauty Kinantoto na confused pa sa pangalan ko. Sanay naman ako na pinagkakatuwaan nila ang pangalan ko na pwedeng apelyido. Si Mariz Princess Ayala pala ang babaeng kaklase ko na naiirita sa akin dahil magkaklase kami. Hindi na ako magtataka, ayaw niya sa gaya ko. Rich kid kasi siya at nababagay naman ang kaartehan niya sa kanyang itsura. Lahat yata ng estudyante dito ay kilala siya. Pero kahit gaano pa siya kaganda at kaalindog, wala akong pake. Buti sana kung bibigyan niya ako ng pangkabuhayan showcase. Natapos ang klase na tahimik lang. Mas maingay pa 'yung mga pusa do'n sa kabilang bubong. Minsan iniisip ko na lang maging pusa. Mahulog ka man ng second floor buhay ka pa rin. Pero pag ako ang nahulog sa maling tao. . . "Hey girl, sinasabi ko sa'yo, hangga't maaga pa at wala pang nakakalapit diyan para gawing kodigo, unahan mo na." Nag aanalyze pa ako ng mga bagay-bagay nang marinig ko ang bulong ng kaklase ko. Binulong pa niya kay Ayala eh rinig na rinig ko naman. Lumapit na si Ayala sa akin at bumati. "Hi there, Valentine. I'm Mariz. My name is Mariz. I'm yours. I mean, what's yours?" Hindi ako sanay na may lumalapit sa akin at nakikipag kilala, lalo pa at babae. Paano pa kaya na gaya niya na Miss Popular. Kaya hindi ko siya pinansin. Bagkos ay tumingin ako sa kabilang building. Nadi-distract kasi ako sa dibdib niya na para talagang special jumbo siopao. Nagugutom lang ako lalo. "I'm sorry, Miss. I don't talk to strangers." I don't want to be rude pero mas mainam na na huwag sila pansin. The smaller the circle, the less toxicity sa buhay. "I'm no ordinary stranger. Ka-apelyido ko mga Ayala kahit 'di ko sila kaano-ano. How dare you talk to me like that. I'm the most popular girl in the entire campus-" Hindi ko inaasahan na sisigaw si Ayala ng ganoon. Kahit naman kasi mukha siyang maarte, pero mahinhin naman siya. Halata sa kanya ang pagiging rich kid. Kutis pa lang. Pero kahit pasigaw niya itong sinabi, sweet pa rin ang kanyang boses. Tumayo na ako dahil gutom na talaga ako. Ayoko mapalapit sa kanya kaya ngayon pa lang ay iiwas na ako. "Gan'un ba? Then you gave me a lot of reasons to turn you down. Ayoko sa sikat. Ayoko ng may kaagaw. I want my girl, only mine." bulong ko sa tenga niya. Mali yata ang ginawa ko. Imbis kasi na layuan niya ako ay lalo pa niya akong kinukulit. Sinundan niya ak hanggang sa student area. "Hi Valentino.” Bati ni Ayala sa akin habang naka upo ako sa lilim ng puno. Gusto ko mapag isa at dito sa sulok ako napapayapa pero ginugulo niya ako. Ang daming nakatingin sa amin dahil isa siyang sikat na estudyante. Isa pa, nahihiya ako na makita niya na kumakain ng Skyflakes. Ito lang kasi kaya ng budget ko at mamayang gabi pa ako makaka- kain ng totoong pag kain. Kaya medyo mainit ang ulo ko. Nasungitan ko siya tuloy. "I don't know, Miss if you're deaf or just really dumb. Mahirap bang unawain ang sinabi ko? How many times do I have to turn you down?” Hindi pa talaga siya umalis. Gusto pa yata na masaktan. "Miss, my personal space is sacred to me, please don't dare go beyond boundaries.” Paki-usap ko sa kanya dahil ayoko ng sinusundan-sundan ako. Ayokong madikit sa kanya at ma-issue pa ako. Dahil sa sinabi kong iyon ay nagalit yata siya sa akin at nag post sa sss: Mr. Valentino, huwag mo 'kong astahan ng ganyan. May golden eggs ka ba? Reveal nga! Hays, imbis na maka-iwas ay lalo pa tuloy nabulabog ang payapa kong buhay. Kaya inaasahan ko na na kokomprontahin na naman niya ako. Kung guguluhin niya ang buhay ko ay hindi pwedeng ako lang ang mabwisit kaya inunahan ko na siya agad. "Ano ba talaga gusto mo sa'kin Miss? Gusto mong makita ang golden eggs ko? Miss, if you want my golden eggs. let me pop your peaches," sabi ko. Makabawi man lang sa pagpapahiya niya at pagpapasikat sa akin sa soc med. "Ironic isn't it? Pinahiya mo 'ko at binastos sa social media kanina, pero galit na galit ka pag binastos ka ng lalaki. Pag lalaki, binastos ok lang? Where's the justice?" Dagdag ko pa. Hindi naman pwedeng apihin ako porke mahirap lang ako. Pero nang makita ko ang bulaklak na Lavender sa kanyang buhok, napalambot niya ang puso ko. Naalala ko ang namayapa kong ina. "You're so pretty. Pwede bang akin na lang 'to?" Hiningi ko ang Lavender na naka ipit sa kanyang buhok. Mabuti at hindi niya tinutulan. Simula noon ay nagkaroon kami ng kasunduan, liligawan daw niya ako. Ayoko sana pero sige na lang. Buti na lang at narinig ko ang weekly ayuda, tapos bigas pa, grabe bigla siyang lalong gumanda sa paningin ko, mas maganda pa kay Lexi Lore. Pabigas na ang offer niya, choosy pa ba? Hanggang sa isang araw, nagalit siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Basta ok naman kami buong maghapon. Not until noong sinandal ko siya sa puno at hinalikan. Hindi ko rin alam kung anong sumapi sa akin at bigla na lang akong natakam sa kanyang labi. Ang mga mata niyang kaakit-akit, ang buhok niyang naka-pusod at may naka suksok na Lavender na lalong nagpatingkad sa porselana niyang kutis. Ang special jumbo siopao niyang hinaharap, lahat ay tila inaakit ako. Dapat talaga tatlong beses kumakain sa isang araw. Basta pagkatapos ng halik na 'yon sa ilalim ng puno, hindi na niya ako pinansin. Lalo pa noong napahiya siya sa buong klase nang nag leaked ang notebook niya na tinadtad niya ng pangalan ko. Hindi ko alam kung anong trip niya bakit niya pinahirapan ang sarili niya na isulat ang napaka pangit kong pangalan. Kukulamin niya yata ako. Pagkatapos ng klase, gusto ko sana siyang kausapin pero iniiwasan niya ako. Ganoon pa man, kahit kinasusuklaman niya na ako ay nais ko pa rin siyang kausapin. Kaya nag baka-sakali akong mapansin niya kung susundan ko siya hanggang parking lot kung saan naroroon ang kanyang kotse. Papasok na sana siya sa loob nang may tumawag sa kanya. Delivery man yata. Sa wakas at kusa na siyang humarap sa akin at “Valentino, can ye plez helf me?” Bakit naging ganoon na ang kanyang salita? Nakagat niya yata ang kanyang dila. “Sher. I mean sure,” tugon ko. Nahawa na ako sa pananalita niya. Pumunta na kami sa guard house para kunin ang . . . hindi ko alam kung ano. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita at nanigas ang aking ti— Teeth. Hindi ko inaasahan na toto-tohanin talaga niya. - - - - - - - TO BE CONTINUED. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD