Chapter 8

1090 Words
CHAPTER 8 Valentino's PoV Hindi ko akalain na toto- tohanin ni Mariz ang sinabi niya, Pagdating sa guard house, tumambad sa amin ang isang kaban ng bigas. Napatingin na lang ako kay Mariz. “Seryoso?" tanong ko. “Sana... Seryoso sana ako, kaso hindi ka naman pala seryoso sa akin. You're just making fun of me. Pero ok na sa akin 'yon. Last na 'yan . Makaka-move on din ako sa'yo,” sabi niya. Hindi ko alam kung bakit parang nalungkot naman ako sa sinabi niya na makaka- move on din siya sa akin. Kung kailan naman nagugustuhan ko na siya. “Hindi ko na matatanggap 'to Miss Ayala," sabi ko. Napataas ang kilay niya at napa- mewang pa. "I hate you!" sigaw niya. “Luh, bakit na naman?" tanong ko. "Grabe na pagiging golden eggs mo. Ang arte mo! Anong gagawin ko sa bigas? Alangan naman i-uwi ko 'yan sa'min." Ah oo nga naman. Ayoko naman makita siya na nagbubuhat ng kaban ng bigas. Nag-effort na nga siya na bumili. Kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at taimtim na nagpasalamat. "Thank you, Miss Ayala..." “Tss. Mariz na lang, Masyadong pormal ang Miss Ayala, Gusto mo, 'Sweetie' na lang. Charizzz" biro ni Mariz at sabay tawa. "Sige sweetie," sabi ko at bigla siyang natahimik. Nawala ang matunog niyang halakhak. “O sige na. l-uwi mo na ’yan at baka mag bago pa ang isip ko," sabi ni Mariz at agad kong tinanggal ang pagkaka-hawak ko sa kamay niya at binakuran ang bigas. "Sige, salamat talaga, Mariz sa weekly ayuda mong pabigas. Nagulat talaga ako. Kahit nakakahiya na tumanggap linggo-linggo ng isang kabang bigas-" “Hey! Hey! Hey! Anong linggo- linggo? Mahihiya ka talaga kung linggo-linggo. Last na 'yan noh.” Nalungkot naman ako. “Hindi mo na ba 'ko liligawan?” Inirapan niya lang ako. “Golden eggs reveal muna,” sabi niya sabay talikod sa akin. Agad din nama siyang napaharap. “Hintayin mo 'ko sa entrance. Kukunin ko lang 'yung kotse para mai-uwi mo na 'yang bigas. My ghawd binigyan mo pa 'ko ng aalalahanin.” Sinundan ko na lang siya ng tanaw. Kusang napangiti ang aking mga labi. Sa tatlong taon ko sa kolehiyo, ngayon lang may babaeng naka pukaw ng aking pansin. Ang tingin ko kasi sa mga babae ay pare-pareho lang. Magkaka-iba lang ng size ng bra at ng pant alon. Ilang sandali pa nga ay dumating na si Mariz dala ang kotse niya. Binusinahan na niya ako, hudyat na para buhatin ang bigas. Wala akong makitang wheel barrow o pulley, or anything that would make my life easier. Siguro gano'n talaga ang buhay, you have to taste the unfair judgment of the society, the pain of struggle, win the silent battles, the bitterness of —” “Hoy Valentinooooo!” Bigla akong napa igtad sa kinatatayuan ko nang sinigawan ako ni Mariz at may kasama pang malakas na busina. Hala! Nakalimutan ko na buhat-buhat ko pala ang isang kaban ng bigas sa aking balikat. "Tulala ka na naman. Hindi ka ba nahihirapan sa pinag gagagawa mo?” Ito na nga eh. Nag e-emote lang naman ako. Kaya agad kong dinala ang bigas doon sa compartment ng kotse ni Mariz sa likuran. Tinawag niya na ako at pinaupo sa passenger's seat. “Salamat talaga, Mariz. Nag abala ka pa. Pwede naman ako tumawag ng tricycle.” "Ang drama naman ng itlog na 'to. Bumaba ka na nga, mag tricycle ka na lang.” "Sungit mo naman, sweetie.” Natahimik lang si Mariz. Ayaw yata niya ng sinasabihan ng masungit. "Mariz, iwasan mo maging masungit. Don't you know that having a hot temper triggers the body's stress response system, leading to the release of hormones like adrenaline and cortis0l. Prolonged or frequent activation of this system can have detrimental effects on physical health, including increased risk of heart disease, high blood pressure, and weakened immune function. Which further ex@cerbate stress and negatively impact mental health—” “Hey! hey! hey! bakit may adrenaline, at cortisol ka nang pinagsasasabi diyan? By the way, ano ibig sabihin no'n sinabi mo?” sabat ni Mariz. Mahaba pa sana 'yung sasabihin ko eh. “Iwasan mo pagiging masungit kasi nakaka baliw.” “Sásakalin kita,” sabi niya. "Kakasabi ko lang huwag kang masungit, mababaliw ka—” “Susuntukin ko na mukha mo.” “Grabe naman. Ayaw mo maniwala. Science na nga nagsasabi—” “Babasagin ko na eggs mo,” sabi niya na may halong gigil. Tumahimik na 'ko. Baka totohanin niya mga banta niya. Itong eggs ko pa naman ang maipagmamalaki kong kayamanan. Akala ko pa naman mahinhin siya. "Saan nga pala ang bahay mo? Kanina pa tayo nag uusap, kung saan saan na 'ko kumakaliwa.” Ayoko sana sabihin dahil nakakahiya na makita kung saan ako nakatira. Paniguradong malayong-malayo sa mala-mansyon niyang bahay. “Diyan lang sa Eureki Tenament. Pasok ka sa eskinita diyan tapos kaliwa.” "Huh? sure ka? kasya ba car diyan sa masikip na alley?” “Oo naman. Hindi ka nga lang makaka-labas.” "Ay what do you mean?” “Just kidding. Short cut lang naman kasi 'yan. May main road pa. doon malawak ang daan. Iyon nga lang baka masyado na 'kong nakaka abala—” "Shut up, Valentino. Ok lang. Ituro mo na lang ang daan.” Mga ilang pasikot-sikot sa daan, at narating din namin ang Eureki Tenament. “Ay, tatlong building pala ang lugar mo? Saan ang unit mo diyan?” “Thank you Mariz. Ok na 'ko rito. Salamat talaga. Pasensya na sa abala. Uwi ka na baka gabihin ka pa.” Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Hindi naman mahalaga dahil hindi naman siguro niya ako liligawan sa bahay ko noh. “Ok na? Sige na. You're welcome,” sabi ni Mariz at nag tama ang aming mga tingin. Masyadong tahimik sa mga oras na 'yon. Madilim na at tinted pa ang bintana ng kanyang kotse. Napatitig ako sa kanyang mga mata. Napakaganda. Hanggang sa dumapo sa kaniyang pinkish lips ang aking tingin. May kung anong mahika ang nag tulak sa akin upang halikan ang mala-rosas na labi ni Mariz. Napapikit na lang ako habang dinadama ang pag dampi ng mga labi ko sa kanyang mga labi. Isang impit na ungol ang maririnig sa loob ng kanyang kotse. Ugghh, gusto ko na ng mas higit pa kaysa sa halik. Papayag kaya si Mariz? - - - - - - TO BE CONTINUED. . . follow mo naman ako. thank you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD