Chapter 3

2700 Words
Chapter 3 Mariz PoV “Mapapa sa'kin ka rin Golden Eggs!” Grabe lang ang iniwang trauma sa akin ni Valentino. Dalawang beses niya akong binusted sa araw na ito. Noong unang beses ay mapapatawad ko pa. Pero itong pangalawa ay hindi na. Ang dami nang mga estudyante sa paligid na nakakita at nakarinig. Pinahiya niya ako. Narinig ko pa ang samu't saring kantyaw ng mga nasa paligid. Wooohh Sakit naman Mariz! Awww Mariz, iyak na! “Shut up!" hiyaw ko sa mga estudyanteng wala namang ambag sa buhay ko. Naglakad na ako papalayo sa kanila, taas-noo para dramatic exit. Niyakap ako ni Fiona at tinapik tapik ang likod ko. Hindi naman ako masyadong nasaktan pero grabe naman si Fiona, masyadong affected. "Naku Besh, 'yung deal natin, kalimutan mo na 'yon. Huwag mo nang ituloy ang panliligaw kay Valentino, masasaktan ka lang. Hanggat hindi pa grabeng kahihiyan ang binibigay niya sa'yo. Kung 'yung ticket ang inaalala mo, hayaan mo na 'yon, ako na ang taya. Actually nakabili na ako ng ticket pero para sa'kin lang. Hinihintay ko pa kasi si Vera para bumili ng dalawa." "No! Hindi naman dahil lang 'don Besh. Gusto ko talagang mapa-sa'kin ang lalaki na 'yon. Nag-uumpisa pa lang ako, Fiona. Marami pang paraan para makuha ko siya. At pag nakuha ko na siya, papahirapan ko ang Valentino na 'yan!" "Oh my gawrd, parang hindi ka na Disney princess niyan, sounds like Cruella Deville to me," sabi ni Fiona at nag labas ng lipstick. Na-stress yata sa akin. Napa-tayo ako at parang biglang nabuhay ang dugo ko. "Besh! Naalala mo si Luna?" "Luna, who? Yung weird nating classmate nung first year?” "Exactly!" Hiyaw ko. Mabuti naman at naalala niya. "Paano ko naman makakalimutan si Luna, eh ang weird no'n. Hayss, nakakatakot talaga siya. Maalala ko lang ang makapal niyang eyeliner at violet na lipstick, kinikilabutan na talaga ako," mahabang salaysay ni Fiona at napa yakap pa sa sarili na tila nilalamig at kinikilabutan. Muli siyang napatingin sa akin at ang sama ng tingin parang may nagawa akong kasalanan. "No, don't tell me lalapitan mo 'yon! Ganun ka ka-desperate makuha si Valentino, Besh? Talagang ipapakulam mo siya?” “Hoy grabe ka naman. Hindi mangkukulam si Luna.” “Kahit na. Oh my gawrd. Obsession na 'yan." Napa- irap ako. Luh ang OA talaga ng Besh ko. Hindi ko na pinansin ang mga pinasasasabi niya. Hinablot ko ang pulsuhan niya at kinaladkad palabas ng school. Tutal, matagal pa ang resume ng klase, may oras pa kami para gawin ang naiisip ko. "Mariz! Ano na namang kalokohan 'to? sa'n mo 'ko dadalhin!" hiyaw ni Fiona na akala mo naman ay kikidnapin. Huminto ako sa waiting shed at hinanap ko ang page ni Luna sa EF BI, mabuti at nilagay niya ang address ng shop niya. Nag send ako ng message sa kanyang messenger na nagsasabing pupuntahan namin siya. Sumagot naman siya agad at sinabing hihintayin niya kami. Pagkatapos ay nag book ako ng Grab. Coding kasi ang kotse ko kaya hinatid lang ako ni Dad, so wala kaming magamit ni Fiona na sasakyan. Sundo't hatid din kasi si Fiona ng driver niya. Ilang sandali lang ay dumarating na ang Grab na booked ko. Sandali lang din ang byahe dahil malapit lang ang shop ni Luna. Binaba kami sa tapat mismo ng isang lumang flower shop. Tindahan ng bulaklak ang family business nila Luna pero ginagawa niya rin itong fortune telling shop. Sa labas ay tipikal na lumang flower shop. Malaya kang papasok sa loob at may isang sales clerk na matandang babae na naroon para batiin ka at mag assist. Ito rin yata ang kanilang florist. “Magandang umaga mga magandang Ineng,” bati nito sa amin. "Good morning po,” bati rin namin ni Fiona. Ngumiti lang ito at tumango bilang tugon sa amin. “Anong hanap po ninyong bulaklak? bouquet ba? Decor? Pampatay —” "Ah no, po!” Agad akong sumagot dahil mukha ba kaming a-attend ng lamay? “May appointment po ako kay Luna ” “Ah 'yon naman pala.” Ngumiti lang ang ginang at tinawag na si Luna. "Anak! nandito na 'yung huhusgahan mo!“ sigaw niya habang kinakatok ang isang pinto. Aw, para naman akong lilitisin niyan. Bumukas na ang pintuan at lumabas si Luna. Napa hawak si Fiona sa bisig ko. Alam kong takot siya sa itsura ni Luna. Ang awra kasi nito ay parang nababalutan ng kadiliman. Akala namin noong kaklase pa namin siya noon ay isa lang siyang emo. Iyon pala ay isa siyang manghuhula. Hindi pa rin nag babago ang awra ni Luna at ang kanyang pananamit at makeup. Makapal pa rin ang eyeliner, violet na lipstick, at itim na damit na parang pangkista. Ang cool nga niya actually. Sadyang ilag lang ang lahat sa kanya dahil nga kakaiba siya. Ang weird niya. May sariling mundo. "Hi, Luna. Classmates mo kami ni Fiona nung 1st year, remember?” Tumango tango lang si Luna at ngumiti ng bahagya. Nilahad ang palad at giniya kami sa loob ng kanyang kwarto. "Pasok,” ang sabi niya. Sumunod naman kami ni Fiona. Inalok kami ng upuan kaya kami ay umupo habang siya ay nasa tapat namin sa isang square na table. Nasa gitna ay isang deck ng baraha. Nag hahanap ako ng bolang crystal pero wala. Hindi na raw uso 'yon. Tahimik lang kami ni Fiona habang seryoso kaming pinagmamasdan ni Luna, lalo na ako. Dahil ako naman ang may sadya sa kanya. Nagbukas siya ng tatlong baraha na naka taob sa mesa. “Gusto mo siyang makuha?” Pinakita niya ang card na Jack of hearts. Napalunok ako, ang galing. Nalaman niya ang sadya ko. "Wow, awesome! My gawd Besh, alam niyang lalaki ang pinunta mo,” sabi ni Fiona na aligaga. Napabilib siya ni Luna. Lalo pa kaming humanga at nanlaki ang mga mata at napanganga sa sunod niyang sinabi. "Si Valentino na tinatawag mong Golden Eggs dahil kung umasta ay parang may gintong betlog.” "Oh my gosh Besh! Oh no, ang galing! Sobra as in!” sabi ni Fiona at niyugyog-yugyog pa ako. Napa-irap si Luna. “Ano ba kayo, nag post ka kaya sa EF BI. Ayan o,” sabi ni Luna sa akin at pinakita niya sa amin ang cellphone niya at yung post ko about Valentino. . Mr. Valentino, huwag mo 'kong astahan ng ganyan. May golden eggs ka ba? Reveal nga! Nasapo ko ang aking noo dahil sa aking kapalpakan. At tinapik tapik ko ang aking pisngi dahil sa kahihiyan. Sobrang impulsive ko talaga, sa sobrang inis ko kasi kanina ay napa-post ako ng rant. “In fairness, Most Popular ka talaga, ang dami ng reaction sa post mo,” sabi ni Luna habang nakatingin sa cellphone niya. Ah goodness! nataranta ako bigla. Agad kong tiningnan ang cellphone ko at napatakip ako ng bibig dahil kaka-post ko lang pero thousands reacts agad at one hundred shares at parang sasabog na ang notifications ko sa dami ng comments. Sa sobrang taranta ko, nag deactivate ako ng account. Ayoko ma-stress sa social media na 'yan. For sure trending na naman ako at lalo pang sisikat. “So, shall we start now?” sabi ko kay Luna. Kaya itinabi niya na ang kanyang cellphone at nilatag sa gitna ang cards. Tahimik lang kami ni Fiona habang nag ko-concentrate ng ritwal si Luna. Hanggang sa napakapit na kami ni Fiona sa isa't isa dahil nag labas na ng isang bote ng oil, love potion ata 'yon. Hindi ako sure. Tumitirik na ang mga mata ni Luna habang hawak-hawak ang tyan niya. Baka gumagana na ang ritwal niya. Yes! mapapa sa'kin na si Valentino! Nae-excite na 'ko, aackkk gusto tumili sa excitement. Ramdam ko rin ang tuwa ni Fiona kung wala lang kami sa gitna ng ritwal ay titili na kami sa kilig. “Sakit ng tiyan ko, pota,” biglang sabi ni Luna. At nagka tinginan na lang kami ni Fiona, gustuhin man namin tumawa pero mas nangingibabaw ang inis. Nasa peak na kami ng excitement, naudlot pa dahil sa agaw-eksena niyang tiyan. "Excuse me lang ha, sakit talaga ng tiyan ko,.pahiran ko muna ng coconut oil,” sabi ni Luna at pinahiran nga ang tiyan niya ng, langis ng niyog lang pala, akala ko pa naman ay gayuma na. "Ok na ba? Baka pwede mo na ituloy ang ritwal mo. May pasok pa kami,” mataray na sabi ni Fiona. “Anong ritwal ba? Wala namang gano'n.” sabi ni Luna. “Eh ano 'yang mga cards na 'yan?” tanong ko. “Ay 'yan, mag totong its sana ako kaso dumating kayo eh.” “Ah ok,” sabay naming sabi ni Fiona. Mas mahirap pa yata kausap si Luna kaysa kay Fiona. Si Fiona para lang lasing, si Luna parang may kakaibang sapi. "Kung gusto mo lang naman mapa-ibig si Golden Eggs, edi tutukan mo ng baril, edi tapos, ang problema mo.” He he, napa tawa lang kami ni Fiona ng sarkastiko. Hindi kasi siya nakaka-tuwa. “Joke lang, syempre. Seryoso niyo naman. Bawal ba mag joke? Anyway, para mapa ibig mo si Valentino, madali lang naman. Gayuma.” Idinikit namin ni Fiona ang mga tenga namin sa mukha ni Luna, mukha kasing matinding secret formula kasi ang gayuma niya. “Yung panty mo, yung bagong hubad, papakuluan mo 'yon sa two cups of water. Tapos ang katas no'n ay papainumin mo kay Valentino.” “Panty, eeeeeewwwww!” sabay naming sabi ni Fiona. Maiisip ko pa lang naduduwal na 'ko. Disgusting. "Kung ayaw mo edi 'wag.Diyan nagkatuluyan ang lolo at lola ko. Tanong mo pa sa mama ko yung nasa labas.” “Pass, Luna. Wala bang mas madali? yung hindi naman salaula,” apela ko. "Yeah, so dugyot talaga. No, no, no,” segunda naman ni Fiona. “Meron naman pero 50-50 kaya hindi ko ma-recommend,” sabi niya. “Ok na siguro 'yan kaysa sa katas ng kefay na ipapa-inom ko. Gusto ko lang naman siya paibigin, baka malason pa.” "Yeah, right. Worse, baka matetano o kaya rabies,” seryosong sabi ni Fiona at inirapan ko na lang. Pero sinakal ko na talaga siya sa isip ko. “Sa isang buong notebook, isulat mo ang full name ni Valentino. Pupunuin mo ang bawat page, back to back. Puro pangalan niya. Tapos ilalagay mo yun sa ilalim ng iyong unan. At kapag napuno mo na ang lahat ng page, ibaon mo sa lupa." "Isang notebook talaga?" "Yes, back to back." Napa buntong hininga ako. Tama pa ba itong ginagawa ko? Bakit ko nga ba papahirapan ang sarili ko para sa lalaking hambong na 'yon? "Pero sige pwede na 'yan. Kaysa sa isa mong suggestion," sabi ko. "Meron pang isang way, mas madali," sabi ni Luna. Hay naku naman, may pinaka madali pala bakit hindi niya pa sinabi agad. Gusto pa talaga akong pahirapan, Nakinig naman ako ng maigi sa sasabihin niya. Kinuha niya mula ang cellphone niya at pinakita sa akin ang page niya sa EF BI. "Old school manghuhula kasi ang nanay ko. Pero ako, modern na kaya online-online na lang," sabi ni Luna. Binasa ko ang naka post doon sa EF BI niya: HOROSCOPE TODAY -may makikilala kang magpapakulo ng ulo mo, ang dapat gawin ay suyuin. Siya ang magpapabago ng buhay mo, baka siya na nga ang the one. At kung papakawan mo siya, pagsisisihan mo ito at magiging "THE ONE THAT GOT AWAY" mo siya. Para hindi magsisi sa huli,ibigay mo ang kanyang hilig dahil sa huli, siya rin ang tutulong sa'yo para lumigaya ang buhay mo. -lucky number 2 -lucky color Lavander  Napanganga ako sa nabasa ko. Hindi ba masyadong specific naman ang horoscope ko ngayon? Tinignan ko kung anong oras pinost ni Luna ang horoscope today- masyadong maaga alas singko pa lang ng umaga, hindi pa kami nag uusap ni Valentino no'n. Nakipag kamay na ako at nagbayad sa kanya. Pero tinanggihan niya ako. Ibili ko na lang daw ng bulaklak sa flower shop nila. Wala sana akong balak sindin siya dahil wala naman aong hilig sa mga bulaklak. Hindi naman sa nagmamaganda ako pero tuwing Valentine's Day, ako ang may pinakamaraming flowers na inuuwi. Pero nang lumabas na kami ng kwarto ni Luna at binati kami ng nanay niyang florist, napansin ng peripheral vision ko ang isang bulaklak. Pahaba ang hugis niya at kulay light violet. Sure ako na Lavender iyon. Nilapitan ko ang bulaklak at pinagmasdan. Ang ganda at ang bango. Sobrang relaxing sa paningin at pang amoy. Naalala ko ang Horoscope ko. Ang lucky color ko ay Lavender. Hindi ako naniniwala sa horscope at sa mga lucky, lucky na 'yan dahil ang paniniwala ko, nasa pag sisikap at nasa kamay ng Maykapal ang future at swerte ng isang tao. Pero nandito na lang din naman, why not give it a try? No harm intended. Hindi naman siguro ako mapapahamak kung bibili ako ng Lavender na bulaklak 'di ba? Saka ang ganda niya talaga, nabighani ako. "Gusto mo iyan Ineng? Bihira lang kami may Lavender dito. Imported kasi 'yan kaya may kamahalan. Pero maganda talaga," sabi ng nanay ni Luna. Hinawakan ko at inamoy-amoy. Ang bango talaga. "Sige po, Ma'am. Pabili po ng dalawang tangkay." Nakakahiya naman na dalawang tangkay lang ang bibilhin ko pero 'yun kasi ang nakalagay sa lucky number ko- two. "O sige, Ineng. One hundred pesos lang." Nagbayad na ako at dinoble ko ang bayad para sa dalawang Lavender na bulaklak. "Ineng, ang ganda ng buhok mo, bagay na bagay sa maao mong mukha," sabi ng nanay ni Luna. Nahiya naman ako dahil nagsasabi siya ng totoo. Hindi ko inaasahan na kukunin niya ang isang Lavender at sinuksok sa clip ng buhok ko. "Wow, Besh. Ang ganda sabuhok mo, bagay sa'yo," sabi ni Fiona. Kinuha ko ang face pwder ko at nag salamin. Ang ganda nga. I'm so pretty. Bagay pala sa akin ang kulay Lavender. Nagpasalamat at nagpa-alam na kami kay Luna at sa mama niyang florist. Nagmadali kami ni Fiona sa pag balik sa school. Hindi pa pala kami kumakain pero may thirty minutes pa naman kaya dumiretso muna kami ng cafeteria para mag lunch. Nagmadali kaming kumain dahil malayo pa ang building ng susunod naming subject. Habang nasa hallway kami ni Fiona na naglalakad, nadaanan namin ang student area. Naroon ulit si Valentino. Sa ilalim ng puno kung saan kanina siya ay naka pwesto. Sa ikatlong pagkakataon, nilapitan ko siya. Tutal mag-isa lang siya at walang mga estudyante sa paligid dahil nasa loob na ng respective classrooms. Papalapit pa lang kami ni Fiona sa kanya ay nag kibit-balikat agad siya at ngumisi. Ugh kairita talaga ang ngisi niya. Feeling pogi at yummy. "Ano ba talaga gusto mo sa'kin Miss?" bungad niya agad sa akin at hindi niya ako binigyan ng` pagkakataon na sumagot. "Gusto mong makita ang golden eggs ko?" tukso niya sa akin. Nakakahiya at nakak-inis talaga. Nakarating na siguro sa kanya ang pinost ko kanina. " Miss, if you want my golden eggs. let me pop your peaches.” Napa kunot-noo ako. Naka nguso siya sa gitnang parte ng palda ko. Yung pempem ko ba ang tinutukoy niyang ipa-pop na peaches?What does he mean? Tumawa siya na nakakapang loko at insulto talaga. “Ironic isn't it? Pinahiya mo 'ko at binastos sa social media kanina, pero galit na galit ka pag binastos ka ng lalaki. Pag lalaki, binastos ok lang? Where's the justice?” Natikom ang bibig ko. Guilty ako sa sinabi niya. Wala akong masabi. Mabuti at tumunog na ang bell, hudyat na para pumunta na ng klase. Tumayo na si Valentino at lumapit sa akin gaya ng ginawa niya kanina. Hinawakan niya ang buhok ko. Sa sobra kong pagkabigla ay natuod ako sa ginawa niya. “You're so pretty. Pwede bang akin na lang 'to?” Pinakita niya sa mukha ko ang Lavender na kinuha niya sa buhok ko. Para akong nagayuma. Kaya paulit-ulit akong tumango. "Kung gusto mo, kunin mo na rin ako.” Ngumiti siya. Kitang-kita ko ang brace niya sa ngipin. Nabigla lang ako sa nasabi ko.Nakakahiya talaga. Pero ima-mine niya kaya ako? o baka nevermind... - - - - - - TO BE CONTINUED. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD