Chapter 2

1270 Words
Chapter 2 Mariz PoV “Gan'un ba? Then you gave me a lot of reasons to turn you down. Ayoko sa sikat. Ayoko ng may kaagaw. I want my girl, only mine.” Paulit ulit sa isip ko ang sinabi ni Valentino a.k.a Golden Eggs, ang binulong niya sa tenga ko ay parang musika. Para niya akong nagayuma. Hindi kaya orasyon niya 'yun para mapa- ibig ako? May lahi yatang mangkukulam o mambabarang si Valentino. Hindi naman kasi ako na love at first sight sa kanya. Na-love at first bulong ako sa nerd na 'yon. Oh, goodness! Ano ba yang pinag-iisip ko. Maling-mali. Ako? Isang Disney Princess at pinaka-sikat sa school ay mai- in love sa isang nerd? No way. "Huy!" Napa-igtad ako sa kinatatayuan ko nang gulatin ako ni Fiona. "Besh, anyare sa'yo? Kanina ka pa tulala. May kabag ka ba?" Inirapan ko lang ang intrimidita kong best friend. "Halika na nga, mag lunch na tayo," aya ko sa kanya. "Besh, masyado pang maaga, 10 am pa lang." Napatingin ako sa wrist watch ni Fiona na Rolek ang tatak. Uso raw 'yon sa China nung binili niya noong nag bakasyon sila sa Beijing. Oo nga, 10 am pa lang. Masyado pang maaga at hindi pa naman ako nagugutom. “Saan kaya tayo ngayon? Sa library?” I suggested. “Weh, really, Besh? Ngayon ka lang yata nag yaya sa library.” sarkastikong tanong ni Fiona at hindi ko siya gets sa gusto niyang palabasin. “Masama ba pumunta ng library? bawal ba ako r'on?” “Hindi naman. Nakapag tataka lang, nakilala mo lang si Valentino, gusto mo na bigla maging studious. Hmmm. In fairness, siya lang talaga ang bumasted sa'yo. Aw, sheket,” pang-aasar ni Fiona. Ah ok. Si Valentino pala. Oo nga pala, paboritong tambayan ni Valentino ang library samantalang kami ni Fiona ay sa basketball court dahil ang boyfriend niya ay varsity player ng basketball. "Bakit mo naman na-isip 'yung nerd na 'yon? Saka itsura no'n, alam mo naman kung anong mga type kong guys." Mahilig ako sa mga matatangkad, maputi, macho, at may abs. Matangkad at maputi si Valentino pero mataba siya at siguradong walang abs. So, kung pisikal pa lang ay hindi na pumasa sa standards ko, kaya ekis na siya agad. “Talaga ba, hindi mo siya hinahanap o iniisip man lang?” Patuloy pa rin sa pang aasar si Fiona. Mabuti at hindi ako pikon. “Hindi ko nga siya iniisip at ayaw ko siyang makita! Wala akong pake sa nerd na 'yon.” “Hala, eh pa’no ‘yan, andiyan na siya!” Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam kung anong gagawin. Sa sobrang taranta ko ay kumuha ako ng lip balm sa aking bag at dinampi dampi sa aking mapupulang labi. Nilabas ko rin ang ang aking press powder with SPF20 at nag wisik na rin ng pabango kong Issey Miyake. Ewan ko na lang kung hindi pa ako pansinin ni Golden Eggs. Napatingin ako sa paligid at hinanap kung nasaan na si Valentino. Humahagikgik si Fiona nang matamaan ko siya ng tingin. Napakunot noo ako. Niloloko na naman ako ng bestfriend ko. Wala naman si Valentino! “O, akala ko ba hindi mo siya iniisip, hinahanap, at wala kang pake?” Sasagot na sana ako nang mahagip ng mata ko ang lalaking pinag uusapan namin- si Valentino! Tahimik siyang naka-upo sa ilalim ng puno sa student area. “Luh, iba na 'yan, Besh. Namumula ka na, hindi ka naman nag blush on. As in tinamaan ka talaga kay Valderama? Aw. So happy for you seswang. Kaya pala, wala kang sinagot sa mga manliligaw mo kahit isa, nerd pala ang gusto mo.” Again, I rolled my eyes. Kung ano ano na naman ang pinag sasasabi nito ni Fiona. “Alam mo, Besh. Tama ka talaga, konting landi ko lang diyan, mapapasunod ko rin 'yan. Magiging sunud-sunuran din siya sa lahat ng ipag uutos ko. Taga gawa ng assignment, project, at lesson plan.” I flipped my hair and burst out an evil laugh. "Hala, confirmed, crush mo si Valderama. Nababaliw ka na.” Naiisip ko pa lang na mapapasunod ko 'yang nerd na 'yan ay maligaya at na e-excite na ako. Pagbabayaran niya ang ginawa niyang pagtanggi at pamamahiya sa akin kanina. Mabuti nga at tatlo lang kami nina Fiona kanina sa classroom kundi ay lulubog na talaga ako sa kahihiyan. Ako si Mariz Princess Ayala, wala pang tumatanggi sa akin. “Dami mo satsat Besh, binusted ka nga 'di ba, meaning, hindi ka niya type. Huwag mo na ituloy 'yang plano mo. Tanggapin mo na lang na nakahanap ka na ng katapat. Mapapahiya ka lang.” "No, Fiona! What Mariz wants, Mariz gets. Tignan mo, by the end of this week, lalambot na rin 'yan sa'kin.” "Ay bet! Matigas ba?” "Huh? Ang alin?” Hindi talaga kami magkaunawaan ni Fiona. Para siyang laging lasing. Actually, tatlo kaming mag BFF, nasa bakasyon pa sa Europe 'yung isa, si Vera. Next week pa ang balik nila. Hahabol na lang daw siya sa klase, tutal first week pa lang naman daw. Kaya isang linggong si Fiona lang ang kausap ko na pagtyatyagaan. No choice. Mas matino si Vera kausap, tahimik lang, simple, at matalino. Kabaliktaran ni Fiona. Si Vera ang taga balance sa aming tatlo. “Hays, Besh. Winarningan na kita. Pag binusted ka ulit niyan, huwag mong sabihin na hindi kita pina alalahanan.” “Besh, wala ka namang tiwala sa ganda ko.” Ngumiti ako kay Fiona at kumindat pa. Ganoon ako ka-confident. "Yay! Atta girl! Panindigan mo 'yan ha. Pag hindi mo siya napa 'oo' within this week, ililibre mo 'ko sa concert ng ESBI.” "Sure. VIP pa. Pag nanalo ako sa deal natin, ako naman ang ililibre mo ng tix.” “Deal!” Napasubo na naman ako sa isang pustahan. Hindi bale, sigurado naman akong ako ang mananalo. "Good luck, Besh! Sana busted-in ka ulit!” hiyaw ni Fiona habang papalapit ako sa kinaroroonan ni Valentino. Argghh. Kainis ka talaga Fiona! Dahan-dahan akong lumapit kay Valentino sa kinauupuan niya sa lilim ng puno. Mag isa lang siya at walang katabi. Simula 1st year, wala siyang kaibigan. Palagi lang siyang mag-isa. Wala naman akong pakialam sa kanya not until now na classmates na kami. Napatingin siya sa akin at tumitig lang sa aking mga mata. Nginitian ko siya ng ubod tamis. Flexing my perfect set of white teeth. Pero nanatili lang siyang nakatunghay sa kagandahan ko. "Hi Valentino.” bungad ko. Nagkibit-balikat siya at seryoso ang kanyang mga tingin. Oh wow, ang ganda pala ng kanyang mga mata sa malapitan. Parang si Superman, Pinoy version, low budget. "I don't know, Miss if you're deaf or just really dumb. Mahirap bang unawain ang sinabi ko? How many times do I have to turn you down?” Totoo pala 'yung umiigting ang panga na nababasa ko sa mga romance novels. Kasi ganu'n ang ginagawa ko habang nakikinig sa kahambugan ng lalaking kaharap ko. He really is trying my patience. Magsasalita pa sana ako pero tumayo na siya at muli, napatingala na naman ako sa katangkaran niya. I stand 5'7 maybe he stands 6 feet. "Miss, my personal space is sacred to me, please don't dare go beyond boundaries.” Iniwan na naman niya akong tulala. Ilang hakbang pa niya papalayo saka nag sink in sa akin ang mga sinabi niya. I clenched my fists in anger. “Mapapa sa'kin ka rin Golden Eggs!” I said through my gritted teeth . - - - - - - - TO BE CONTINUED. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD