"Hi." I smiled widely pagkakita kay Hunter sa labas ng building. Maaga ngayong araw ang alis namin. Sasamahan niya kasi ako sa Tagaytay na maghatid ng wedding gown ng isang client. Alas-kwatro pa lang ng umaga. Ako lang ang pupunta dahil kaya ko naman asikasuhin iyon. Wedding gown lang naman ang naka-assign sa akin. "Did you even sleep ba?" tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at inabot ang large LV tote bag ko. Paano naman kasi anong oras na kami natulog dalawa. Mula ng hinatid niya ako two weeks ago y naging consistent na yung pagtawag niya sa akin para kumustahin ako. Minsan nagugulat na lang ako na may food delivery sa labas ng unit ko. Last night I told him na pupunta ako sa Tagaytay para sa isang wedding. He insisted na sasama raw siya sa akin. Hindi na rin ako tumangg