Nag-inquire na ako for Lakeview Heights na lupa. Dinala pa kami doon ng agent para makita ko yung gusto kong lugar. I can actually issue a cheque right now para ma-seal yung contract pero may need pa silang documents mula sa akin. I-se-send ko na lang sila pagkabalik ko ng Maynila. Kinailangan ko rin bumalik sa kasal ni Winnie at Ryle kasi invited ako sa reception. Tumanggi na sana ako kasi may kasama ako but they told me na isama na si Hunter. Kaya ngayon nakaupo kami sa isang table kasama ang iba pang bisita nila. I was watching with a smile on my face habang sumasayaw silang dalawa. Pangarap ko rin talaga ang maikasal pero malabong-malabo na siyang mangyari ngayon. Hinayaan ko na dahil ganun naman ata talaga. I breathe out a deep sigh na mukhang napansin ni Hunter. "What's