I was busy for couple of days. Ilang beses akong pabalik-balik sa venue na nagustuhan ni Gwy para sa fashion show. Nag-ocular lang ako tapos tinignan ko yung design na gusto niya. We have to book the venue ng maaga para wala na kaming kaagaw since maraming nag-e-eye sa lugar na iyon. Katulad ngayong gabi ay ako lang mag-isa ang nagpunta sa supplier ng gems na gagamitin for my gowns. May mga sponsors na rin naman ako kaya lang nakukulangan pa ako. Mabuti na nga lang din na busy ako para wala akong ibang naiisip na gawin. Kapag kasi mag-isa ako ay naiiisip ko si Hunter. Hindi naman pwedeng iisipin ko lagi siya. Masakit na ang binti ko sa kalalakad. Hindi ko nadala yung kotse ko dahil nasiraan naman ako noong nakaraang araw kaya kailangan kong dalhin sa maintenance shop. Mag-aabang