Chapter 4: Eros Meets Mauve

1506 Words
PAGKAGALING ni Mauve sa palikuran ay bumalik siya sa pool site. Naabutan niyang naroon na ang lahat at mayroong sinasabi ang kaibigan na si Yuri. Nakangiti siyang lumapit ngunit awtomatikong naglaho ang kaniyang ngiti nang makita ang lalaking katabi ni Yuri at ipinapakilala sa lahat. “What the fvck!” bulong niya sa sarili at mabilis na tumalikod. Natapik niya ang kaniyang noo. “Diyos ko! Baka lasing na ‘ko.” Mariing pumikit. Bahagya na nga siyang nakararamdam ng pagkahilo ngunit alam niya namang hindi pa siya ganoon kalasing. Muli siyang humarap sa gawi nina Yuri at ng lalaking katabi nito. Pinasingkit ang mga mata upang siguraduhing malinaw ang kaniyang nakikita at hindi lamang siya nagkamali ng tingin. “Oh my, God!” wika niya nang makasigurado. Malinaw niyang nakikita sa kaniyang harapan ang lalaking hindi niya nais makita. Ito ay ang aroganteng lalaking nakabangga niya noon sa airport, at hindi siya makapaniwalang kaibigan din ito ni Yuri! Ano ba naman ito? Sa lahat-lahat ng pagkakataon na pupwede silang magkita ulit, bakit ngayon pa? Hindi pa naman niya nais masira ang kaniyang gabi. Nanghina ang kaniyang tuhod at kamuntik nang tumumba. “Ayos ka lang, Mauve?” tanong ni Channel, isa sa mga kaibigan nil ani Yuri na maagap siyang nahawakan sa braso. “Lasing ka na ba? Maupo ka muna.” Hindi niya sinasadyang makuha ang atensyon ng lahat, paano ba naman kasi ay napakalakas ng boses ni Channel nang tanungin siya. Nakaloloka! Pinamulahan siya ng pisngi at hinatak ang braso. “Y-yes, I’m okay.” Mabilis siyang tumalikod at naglakad paalis. “Mauve, wait!” Nag-aalalang hinabol siya ni Yuri. Ang lahat ng tao sa paligid ay nakatingin sa kaniya, lalong-lalo na ang pares ng mga mata ni Eros na hindi masiyadong nakita si Mauve dahil wala itong kagana-gana ngayong gabi. Kaya nga lamang ay hindi nais ipakita kay Yuri ang bagay na iyon. Sa pagmamadali ni Mauve ay natabig niya ang isang magaan na lamesa sa gilid at natumba ang naka-tower na wine glass. Nahulog ang mga iyon at nabasag. “Oh, gosh!! I’m sorry!” Nahinto siya sa kinatatayuan. Hiyang-hiya siya sa nangyari at tila walang mukhang maihaharap sa kaibigan na si Yuri. “I’m really sorry.” Humarap siya sa kaibigan nang makalapit ito. “No, it’s okay. Ano ka ba naman. Are you okay?” Hinawakan ni Yuri ang magkabila niyang pisngi. Batid nitong marami-rami na silang nainom kaya naman nag-aalala na ito para sa kaniya. “Gusto mo na bang magpahinga? Tumuloy ka muna sa kuwarto.” Balewala kay Eros ang kaguluhang nagaganap. Humarap ito sa teresa at pinagmasdan ang syudad mula sa itaas habang nakapamulsa ang mga palad sa suot na jeans. “Eros!” Napaharap lamang ang lalaki sa mga tao nang tawagin ni Yuri. Naglakad ito papalapit sa lalaki habang hawak-hawak ang palad ni Mauve. “What?” Eros asked as he faced them and stopped when he met Mauve’s eyes. Pinamulahan ng pisngi si Mauve dahil sa ginawa ni Yuri. Mali! Mali! Bakit mo pa siya tinawag?! Nais isigaw ni Mauve ang mga katagang iyon dahil hindi siya makapaniwala. Nagtama ang mga mata nila ng lalaking ito at parehas na natigilan! Hindi makalilimutan ni Eros ang mukha ng babaeng ito. Si Mauve ang kauna-unahang babae na sumagot-sagot dito pabalik na talagang kinaiinis ng lalaki. Naningkit ang mga mata ng lalaki at tumingin kay Yuri. “What is it, Yuri?” Kunwari ay walang nangyari. Nakahinga si Mauve nang maluwag nang tila hindi siya nakilala ng lalaki. Siguro naman ay nakalimutan na nito ang una nilang hindi magandang pagkikita. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay pinapatawad na niya ang lalaki. Hindi niya lamang nais makipagbangayan dito ngayon lalo na at kaarawan ng kaniyang mahal na kaibigan. Hindi nais gumawa ng kahit na anong gulo. “I want you to meet Mauve. She’s my best friend.” Inakbayan siya ni Yuri. Seryoso lamang ang mukha ng lalaking tinawag ni Yuri na Eros. “Kung ganoon ay Eros pala ang pangalan nito, parang narinig ko na ‘to somewhere,” wika ni Mauve sa isip. Hindi magawang tumingin sa lalaki, ngunit ito ay titig na titig sa kaniya. “Eros, meet Mauve,” pakilala ni Yuri sa kaniya, “and, Mauve, meet Eros.” Kinuha nito ang kanilang mga palad at pinagsalikop. Labis na namula ang pisngi ni Mauve at tila nakuriyente kaya naman mabilis na binawi ang palad. “You look familiar.” Napaharap siya sa lalaki at masamang tumingin dito. Pinaglalaruan ba siya nito? Kung ganoon ay nakikilala siya nito at nagpapanggap lamang na hindi dahil hindi rin nais masira ang birthday party ni Yuri. “Am I?” sarkastiko niyang tanong. “Yes,” tugon ng lalaki na hindi inalis ang titig sa kaniya. “Have we met before?” Sa inis ni Mauve ay pumaling ang kaniyang labi. “No,” mariing tugon, “Maybe in hell before, kagagaling ko lang kasi ro’n nito lang. Doon nga ba?” Nais asarin ang lalaki ngunit mas naasar siya sa titig nito. Argh! Kainis! Wala sa mood si Eros at mas lalo itong nawala sa mood nang makita si Mauve ngayong gabi. Hindi siya nito sinagot at naglakad paalis upang puntahan ang mga kaibigan na nagtitipon-tipon sa isang lamesa habang nagkukwentuhan. “Bastos,” bulong ni Mauve at pinag-ekis ang kamay sa dibdib. Tumawa si Yuri. “Ganoon lang talaga siya, hayaan mo na. Pinakilala ko kayo sa isa’t isa dahil pareho kayong malapit sa ‘kin. Gusto kong maging magkaibigan din ang mga kaibigan ko. Kapag mas nakilala mo si Eros, masasanay ka na lang sa kaniya.” Lumapit ito sa kaniyang tainga. “May allergy kasi ‘yan sa babae.” Humagalpak ito ng tawa. Hinawakan ang palad ni Mauve at inaya. “Halika, doon tayo sa lamesa nila. Para mas makilala mo siya.” “Naku! Ayaw ko!” “Sige na, it’s my birthday. Don’t forget.” Malalim siyang napabuntong hininga. Walang nagawa kundi ang sumunod kay Yuri patungo sa lamesa ng mga lalaking kaibigan nito. Nakilala niya na ang mga ito kanina, friendly naman ang lahat maliban sa masungit na lalaking iyon. Simula nang lumapit siya sa lamesa ay hindi siya nito pinansin. “Phoenix, Jeel, Zachary, Aaron, halika kayo rito may sasabihin ako,” wika ni Yuri at kumapit sa magkabilang braso ni Jeel at Aaron. “May ipapakita ako sa inyo.” Inaya nito ang mga lalaki patungo sa loob ng penthouse kaya naman naiwan si Mauve at Eros. Pinaningkitan nila ang dalawa. Tila aso at pusa sa cartoon na nagtatalo kapag hindi nakatingin ang mga amo. “Don’t look at me that way,” inis na wika ni Mauve. “And what are you gonna do?” “Argh!” Sa inis niya ay dinampot ang isang bote ng alak sa lamesa at tinungga. Mas maigi pang ibaling niya na lamang dito ang inis kaysa sa lalaking ito dahil tiyak na masisira lamang ang kaniyang gabi. Kumunot ang noo ni Eros at nais sanang pigilan si Mauve. Paano ay halos kinalahati niya ang laman ng bote ng alak. Malalim itong bumuntong hininga at binalewala siya. “Anong meron?” tanong ni Zachary nang makapasok sila sa loob. “Sss!” Nasa labi ang hintuturo ni Yuri. “’Wag kayong maingay, nakikita n’yo ba ang love birds na ‘yan sa pool site?” Tinignan ng mga ito sina Eros at Mauve. Biglang nagtawanan ang mga kaibigan. “May binabalak ka nanaman, ano?” wika ni Phoenix, “Sira ka talaga.” Batid na nila kaagad kung ano man ang binabalik ni Yuri at nais sabihin ngayong gabi. “Basta akong bahala. Dapat magkaigihan ang dalawang ‘yan.” Malademonyong ngumiti si Yuri. Hindi pa man nasisimulan ang plano ay nakangiting tagumpay na. Ano kaya ang balak nito sa dalawa? ㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD