Chapter I: The Arrogant Billionaire
“ARE YOU STUPID?!” Itinapon ni Eros ang mga hawak na papeles sa sahig. Nilipad ng hangin ang mga iyon at nagkalat. Inis na inis siya dahil sa malaking pagkakamali ng sekretarya. “Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang pupwedeng mawala sa oras na mag-cancel si Mr. Velasco nang dahil sa ‘yo?!!” Halos umusok ang kaniyang ilong sa galit. “Kaya mo bang bayaran ang malaking mawawala sa kumpanya if that happened?! Even you work for hundred years, you cannot pay how much we can lost just because of you!” mataas ang kaniyang boses at hindi niya mapigilan ang galit. Hindi niya nais masayang ang pinaghirapan nang dahil lamang sa pagkakamali ng isang tauhan.
Ang babae ay naluluha at nanginginig ang mga binti sa takot. Idagdag pang tagos sa puso nito ang kaniyang mga masasakit na sinabi. Nais na nitong magtatakbo paalis ngunit nanlalambot dahil sa matinding kahihiyan. Batid ng sekretarya ang pagkakamali kaya naman bago pumasok sa opisina ni Eros ay nanginginig na ito sa takot at hindi alam kung ano ang dapat na gawin. Wala itong kahit na anong salitang masabi.
“Your tears cannot fix the stupidity you did!” Maging ang hawak na ballpen ay padabog niyang itinapon sa sahig. “Fvck this life!!” Kailangan niyang isipin ngayon kung papaano mababawi ang loob ng ginoo upang hindi ito mag-cancel ng kontrata sa kumpanya.
Malaki kasi ang nagawang kasalanan ng sekretarya at para kay Eros ay isa iyong malaking katangahan. Tila wala sa sarili ang babae sa ginagawa kaya naman pati ang trabaho nito ay nadamay. Namali ito ng dokumentong ipinadala kay Mr. Velasco, na ngayon ay nasa out of town trip na nito. Balak sana ng Ginoo na dalhin na lamang ang papeles at doon pag-aralan, subalit anong aaralin nito kung ibang dokumento ang dala-dala sa naturang out-of-town trip?
“I’m sorry po, g-gagawin ko po ang lahat para maayos ‘to—”
“And what are you gonna do? Disturb Mr. Velasco? Hindi mo ba alam kung gaano kaabala ang mga taong katulad niya at ang walang espasyo para sa mga tangang katulad mo?”
Mariing napapikit ang sekretarya at sunod-sunod ang mga luhang pumatak sa magkabilang pisngi. “I’m really sorry po.”
“It won’t fix anything, for God’s sake!” Napahilamos siya ng palad sa mukha. Muling hinarap ang babae. “You know what? Get lost. I don’t tolerate stupid people inside my company.” Wala siyang pakialam kung gaano kasakit ang kaniyang mga sinasabi. He will tell everything he wanted to tell. Kahit sino pa ang kaharap! “You’re fired, Ms. Esteban,” balewala niyang sambit. Ganoon siya kadali magtapon ng tao. Paano ay kilala ang kumpanya at maging ang kanilang pamilya, tiyak na mamaya lamang kapag nalaman ng mga tao na bakante ang posisyon ng pagiging sekretarya ay marami ang magkakandarapang mag-apply. Hindi kawalan sa kaniya ang isa, dalawa o higit pang empleyado. He can fire anyone!
“P-pero, Sir, kailangan ko po talaga ang trabaho ngayona. Nasa hospital po kasi ang kapatid ko kaya medyo wala ako sa sarili. Sir, please...” Lumuhod ito sa sahig at punagsalikop ang mga palad upang makiusap sa kaniya. “Please po, hayaan n’yo muna akong ayusin ang nagawa kong pagkakamali. Please! Please...” Sunod-sunod ang mga luha nito. Hindi mapigilan. Paano ay hindi alam kung saan na kukuha ng perang ipambabayad sa hospital ngayong tuluyang inaalis ng amo sa trabaho. “Please po, nakikiusap ako sa inyo. Maawa kayo sa ‘kin.” Nawala na ang dangal sa sarili o kahit na ang kahihiyan. Ang nais lamang ay manatili sa trabaho.
“No,” maiksing tugon ni Eros, “I wanted your resignation letter today. Wala akong pakialam kung anong pinagdaraanan mo, keep your personal problem yourself. Huwag mong idamay ang kumpanya, dahil ‘di mo mababayaran ang kahit anong bagay na maaring mawala dahil sa pagkakamali mo.” He shook his head in disbelief. “I don’t want to see you again here. Pagbalik ko sa opisina dapat ay wala ka na, just place your resignation letter on my table.” Inayos niya ang suot na coat at dali-daling lumabas ng opisina. Napahawak siya sa kaniyang batok. Mataas pa naman ang kaniyang dugo, kaya minsan ay iniiwasan niyang magalit ngunit dahil sa katangahan ng mga tauhan ay hindi maiwasan. Kahit ano pa man ang maging problema ng mga ito ay wala siyang pakialam. Kung may problema man ang kaniyang mga empleyado ay dapat iniiwan ng mga ito sa kani-kanilang bahay, dahil hindi ang kumpanya o ibang tao ang mag-a-adjust para rito. Malalim siyang bumuntong hininga. Tumingin siya sa suot na orasan. Maigi na lamang at kahit anong inis niya kanina ay hindi nakalimutang susunduin niya sa airport ang bunsong kapatid na si Emerald. Maaga pa naman, ngunit napag-isip-isip nang byumahe dahil siguradong traffic at hindi niya rin nais na magpaka-stress lamang sa loob ng opisina.
***
NAPANGITI si Mauve nang makalabas siya ng airport at masilayang muli ang kagandahan ng Pilipinas. Sa loob ng higit sampung taon ay ngayon lamang siya muling nakabalik. Tuwang-tuwa siya at nilanghap ang mainit na hangin sa labas. Hindi niya alam kung bakit sabik na sabik siyang umuwi sa Pinas, siguro ay dahil sa kakambal niyang si Neve. Lalaki ito ngunit magkahawig na magkahawig sila. Noon nga ay madalas na mapagkamalang babae ang kakambal. “I’m home...” bulong niya at hinawakan ang handle ng kaniyang kulay itim na maleta. Kinuha niya ang cellphone at tinignan ang oras. “Nasaan kaya ang daddy? Nakalabas na ako lahat-lahat ng airport pero wala pa siya.” Malalim na napabuntong hininga. “I can’t contact him.” Sinubukan nang tawagan ang numero ng ama ngunit hindi naman makontak. Naghintay pa siya roon ng ilang minuto upang hintayin ang ama na dapat ay siyang magsusundo sa kaniya, subalit nang mainip ay nagdesisyon na lamang byumahe mag-isa. Kabisado pa rin naman niya ang lugar pauwi. Madali lang rin naman kumuha ng taxi.
Tatawid na sana siya sa kabilang bahagi nang bigla-bigla na lamang mayroong sumulpot na sasakyan sa kaniyang harapan. “Ha!” napatili siya at napaupo sa sahig. Natumba rin ang dala-dala niyang maleta.
Pinihit ng lalaki ang busina at inis na inis na bumaba. “Dammit! Bakit ba punong-puno ng mga tatanga-tanga ang Pinas?!” Himbis na tulungan si Mauve at masama pa itong tumingin sa kaniya. “Are you blind?! Hindi mo ba nakitang may paparating na sasakyan? Fvck this earth!”