GINUGOL nina Mauve at Eros sa pamamasyal ang ilan pa nilang mga araw sa pamamasyal. Napuno ng tawanan, biruan at paminsan-minsan ay pagtatalo ang pagsasama nilang dalawa habang kung saan-saan sila napapadpad. Para kay Mauve ay ito na yata ang pinakamasaya niyang naging bakasyon sa buong buhay niya. Naging abala sila pareho hanggang sa tumungtong ang araw ng kasal ni Sitti. Kahit gaano kaabala sa paggagala ay napaghandaan pa rin nila ang araw na ito; maagang inaya ni Mauve si Eros pabalik sa bahay ng kaibigan. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “Ano bang gagawin natin doon? Pupwede namang sa mismong simbahan na lang tayo dumiretso.” Tamad na tamad si Eros na bumangon sa kanilang higaan. Kinukulit niya ito at hindi tinitigilan hanggang sa tuluyang makabangon. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “Wala lang, gusto ko lang