“MAUVE, wait!” Hinabol mi Eros ang asawa nang tumalikod ito at bumalik sa loob ng bahay. Hinawakan niya ang palad ng babae at iniharap sa kaniya. “Anong kasalanan ko sa ginawa ni Phoenix? It was his fault.” Batid niya kasing nagagalit din ito sa kaniya narinig man nito o hindi ang pag-uusap nila ni Pehinix sa cellphone. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “Pareho lang kayo, magkaugaling-magkaugali kayong magkaibigan. Gagamitin n’yo ang babae at iiwan.” Hinawak nito ang palad mula sa pagkakahawak niya. “Don’t touch me. Nandidiri ako sa inyo!” ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “What? Hindi kami pareho ni Phoenix, hindi kita iniwan. Pinakasalan kita. Isa pa pareho lang tayong napilitan at hindi nais magpakasal,” wika niya na purong katotohanan lamang at nais paliwanagan si Mauve dahil nabubulag lamang ito sa galit. “B