NAPUNO ng kasiyahan ang puso ni Mauve nang gabing iyon. Unang beses kasi ito na may ibang lalaki ang nanurpresa sa kaniya at nagbigay ng regalo. Pakiramdam niya ay napakaespesyal niyang babae sa simpleng ginawa at ipinaramdam sa kaniya ni Eros. Paulit-ulit siyang nagpapasalamat nang gabing iyon na hindi naman kailangan sa palagay ng lalaki. Ginawa iyon ni Eros dahil gusto siyang mapasaya kaya naman hindi niya kailangang magpasalamat nang labis. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Nang sumunod na umaga ay nagising siyang muli na nasa bisig ni Eros. Yakap-yakap siya nito habang nakahilig pa ang ulo sa dibdib nito. Napangiti siya. Ang kasiyahang nararamdaman ay hindi maipaliwanag. Nag-angat siya ng ulo upang mapagmasdan ang mukha nito. Nananatiling nahihimbing ang lalaki habang nasa gawi niya nakaharap ang