“HOW ARE you?” tanong ni Eros kay Mauve nang pagbalik niya sa kanilang silid sa umagang iyon at nakitang gising na ang asawa. Nananatili itong nakahiga sa kama habang nakatulala sa kisame. “Do you want to eat breakfast with Sitti?” ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Tumingin ito sa kaniya nang marinig ang pangalan ng kaibigan. Umiling. “Hindi muna siguro, baka mas makagulo lang ako kapag nagpunta ako roon nang ganito kaaga. Alam kong ang mom niya ang kailangan niya lamang ngayon at ang iba pang kapamilya niya.” Marahang bumangon si Mauve sa higaan habang nalulungkot dahil sa nangyari sa kaibigan. Iyon na yata ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng isang babae. Ang paghintayin sa wala at humagulgol sa araw na dapat ay siyang pinakamasayang araw sa buhay nito. “Eros…” ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ “Yes?”
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books