Third Person's Point of View
SHE immediately grabs water as she already went inside the kitchen. Nakadalawang baso siya ng tubig. Hinahabol niya ang hininga habang nakasandal sa dulo ng mesa. Sapo-sapo niya rin ang dibdib na ngayon ay nagwawala na. Nang maging maayos ang kanyang paghinga ay marahan naman niyang sinabunutan ang sarili.
‘We kissed.’ Paulit-ulit tumatakbo sa kanyang isipan kung paano nagdikit ang kanilang labi. Her cheeks were instantly painted red. Ito pa lamang ang una nilang pagkikita ni Noah pero marami na siyang kabaliwan na nagawa. Una ay hindi niya sinasadyang mahawakan ang boxer brief nito, hinawakan niya ang kamay nito habang naggagayat at ngayon naman ay nahalikan niya ang sulok ng labi nito. Marami na siyang kasalanan sa lalaki. Hindi niya alam ang gagawin ngayon. Nahihiya siyang humarap dito. Alam niyang nabigla rin ito sa nangyare kanina. Muli siyang uminom ng isang basong tubig. Parang hapong-hapo siya.
“Hey, sweetie, are you okay? You are reddened.” Hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya ang ama. Dinantay nito ang kamay sa kanyang noo.
Iniwas niya ang mukha rito. Baka mahalata pa nito kung bakit siya namumula. “I’m okay, Dad.”
“Are you sure?” He worriedly asked.
Nginitian niya ito tyaka yinakap. “I’m really okay. There’s nothing to worry.” Paglalambing niya rito. Nang makailang segundo ay humiwalay siya sa yakap. “Where’s Mom?”
“Nasa balcony kasama ang Tita Haidee mo.” Her Dad giggled. “Hindi nauubusan ng kwento ang dalawa. Pumunta lang ako rito dahil nakaramdam ako ng uhaw.”
Siya na ang kumuha ng iinumin nito sa refrigerator. Mahilig ang ama sa fresh milk. Kahit anong oras ay gusto nitong iyon ang iniinom. Nang makapagsalin siya sa baso ay inabot niya rito ang sariwang gatas.
“Nasaan nga pala si Noah? Sabi ni Haidee ay nagpaalam daw ito para maglibot sa subdivision kasama ka.” Sabi nito nang matapos inumin ang inabot niyang gatas.
Muling naghumarintado ang kanyang puso at ramdam niyang namula ang kanyang mga pisngi. “Ah… na… nasa garden po siya. Iniwan ko muna saglit.” Bumalot ang kaba sa kaniyang dibdib dahil baka malaman nitong nahalikan niya si Noah.
“Ayos ka lang ba talaga, Alora? Muli ka na namang namula. ” Sinipat muli nang kanyang ama ang noo niya.
“H`wag mo na akong intindihin, Dad. Bumalik ka naroon sa taas at baka hinihintay ka na nina Mom.”
Akma na itong tatalikod pero muling humarap sa kaniya. “Bakit ka nga pala umuwi ng late kagabi?”
She frowned. Here it goes again. Treating her like a teenage girl. She pouted. “I’m twenty years old now, Dad. Hindi na ako bata. Siguro naman ay pwede na akong umuwi ng gabi.”
“You’re just twenty, Alora. You’re not that matured enough to handle yourself. Hindi mo pa alam ang reyalidad ng buhay.” Sermon nito sa kanya.
Kung ganoon ay iyon ang tingin nito sa kanya? Not matured enough? Hindi naman siya ganoon kakitid mag-isip. And besides, she just went to Mikee’s house for Pete’s sake! Hindi naman siya sa bar pumunta at kung saanmang delikadong lugar.
“Let me face reality then.” Pangangatwiran niya. “Alam kong nag-aalala lang kayo sa akin pero nasa tamang edad na ako. Hayaan niyong mag-matured ang utak ko.” Yinakap niya ang braso nito. Ayaw niyang magalit sa magulang.
“Masyadong mapaglaro ang mundo, Alora. Ayokong isa ka sa mapaglaruan at mapaikot nila.” Her dad’s eyes were full of worry and concern.
“I understand you, Dad. But I need to stand on my own and to decide on my own.” Puno ng pang-unawa ang boses niya. But her eyes became dazzling as her gaze stopped at the kitchen door and saw Noah entering inside. Muli siyang nawala sa sarili at tanging ito lamang ang nakikita ng kanyang mga mata, “and to choose the guy that I want to be with…forever.” Hindi niya akalaing nasambit niya na pala ang katagang iyon.
“Naiisip mo na ang bagay na `yan?” Her Dad said in utter disbelief.
“Hindi pa naman, Dad, pero syempre kapag nasa tamang edad na ako para mag-asawa ay kailangan ko ring pumili ng mapapangasawa ko.” Marahan siyang napabuga ng hangin. Dahil lamang nakita niya si Noah ay nasambit niya na iyon. Ngayon ay nasa harapan na nila ito. Ngumiti ito sa kaniya na parang walang nangyare sa kanilang dalawa sa garden.
“Buti at dumating ka, Noah. Bigyan mo nga ng payo ang isang ito, mukhang gusto nang mag-asawa.” Her dad puffed a laugh.
“Hindi ko sinabing gusto ko ng mag-asawa, Dad.” She annoyingly said.
Hindi siya nito inintindi bagkus ay inakbayan nito si Noah at hinarap sa kanya. “Kung pipili ka rin lang naman ng aasawahin mo, siguraduhin mong kasing galang, kasing bait, at kasing gwapo nitong si Noah. Siguraduhin mo ring hindi ka sasaktan at paluluhain.” Marahang tinapik ng ama niya ang likod ng lalaki. “Kung hindi lang ito magpapari ay pinakasal ko na kayong dalawa.”A baritone chuckle escaped on her Dad’s lips.
Kung hindi rin ito magpapari ay ito na ang papakasalan niya. Maging ang magulang niya ay pabor kay Noah para sa kanya. Iyon nga lamang, hindi pabor ang tadhana sa kanilang dalawa.
“You should choose your man wisely,” Noah uttered.
Her Dad giggled and tapped Noah’s back again. As if he’s proud of the man beside him. “You should, Alora. Put a standard.”
She rolled her eyes. “Dad, come on! Hindi pa naman ako mag-aasawa. As you said, I’m just twenty.” She sarcastically said. “Tyaka na pag-usapan ang bagay na iyan kapag nasa wastong gulang na ako.”
“But it’s better to put a standard while you’re still young.” Hindi talaga papatalo ang kanyang ama. Marahan itong umiling tyaka ngumiti. “Babalik na ako sa taas. Ikaw na ang bahala kay Noah, Alora.”
Tanging tango ang isinagot niya rito. Nang tuluyang makaalis ang kanyang ama ay nakakailang na katahimikan ang namutawi sa kanila. Add the fact that Noah is in front of her.
“Noah—”
“Maribelle—”
Sabay nilang binanggit ang pangalan ng isa’t isa at ngayon ay walang gustong magsalita. Naiiwas niya ang paningin sa lalaki. Kung makikipagtitigan pa siya rito ay mukhang hindi na kakayanin ng puso niya.
Noah cleared his throat. “Let's roam around inside the subdivision next time. Baka kasi—”
“Tama!” She exaggeratedly said. “Mas maganda kung magpapahinga ka muna. Mukhang pagod ka pa sa byahe niyo, eh.” She timidly smiled.
Noah scratched his neck, looks he’s shy. “See you later, then? I’m going back to my room.”
Itinago niya ang kamay niyang nanginginig dahil sa kaba. Bahagya siyang umatras upang magkaroon ng distansya sa pagitan nila. Hindi niya kakayanin pa kung ganoon kalapit sa kaniya si Noah. “Tama… I’m going back to my room too.” She raised her right arm to bid goodbye to him. She turned around and walk immediately. Nahihiya na talaga siya rito.
“Maribelle…”
She froze and stands still. Her heart nearly leaped out on her chest as Noah called out her name again. Tila isa iyong musika sa kanyang tenga. Nanaisin niyang ito na lamang ang bumanggit sa kanyang pangalan dahil sa masarap na pakiramdam na dinudulot nito sa kaniyang dibdib.
She looked at him and tried to hide her cheeks that now blushing. “Bakit?” She timidly asked.
Noah looks baffled. “I think this is the way to your room,” tinuro pa nito ang hagdan. “—and not there.” Turo nito sa daan kung saan niya balak pumunta.
Her knees were ready to wobble and she felt mortified. How fool she was to forget the way of her room. She must be crazy… really really crazy.
“I know. It’s just that… I want to see if my bike is still there on the garage.” Palusot niya rito. Ang totoo ay hindi niya talaga napansin na ibang daan ang tinatahak niya. Masyado siyang nataranta dahil sa presensiya ni Noah. “But I think, I don’t need to go there. Hindi naman iyon mawawala roon.”
Sabay silang umakyat sa hagdan ni Noah. Bahagya pang nagkadanggil ang kanilang mga braso gayong ang lawak ng hagdan. Marahan ding nagkadikit ang kanilang mga daliri na nagdudulot nang nakakakiliting kuryente sa kaniyang katawan. Nang nasa harap na sila ng kani-kanilang kwarto ay nahihiya pa siyang lumingon kay Noah. Nginitian niya ito at akma ng papasok sa kwarto niya pero marahang hinigit ni Noah ang kaniyang kamay upang pigilan siya. She felt the warmth of his hand. She gasped when Noah handed her phone in front of her. Kinuha niya iyon sa kamay nito. Hindi niya na iyon naalala.
“You left your phone in the garden.”
“Thank you.” Mahihimigan ang kaba sa kaniyang boses. Hanggang ngayon kasi ay hawak pa rin ni Noah ang braso niya at mataman itong nakatitig sa kaniya.
Dahan-dahan niyang inalis ang braso sa pagkakahawak nito. Nabalik naman ang lalaki sa reyalidad. “May dumi ba ako sa mukha?” She asked with a bit of laughter in her voice. Gaya ng ginawa niya rito kanina ay nakatulala sa kanya si Noah. Tila may malalim na iniisip.
Napakamot ito sa leeg dahil sa hiya. Ngumiti pa ito na mas lalong nagpawala sa kaniyang puso. “Nothing. I just…” He cuts his words. “You can now go to your room.”
Muli niya itong nginitian tyaka pumasok ng tuluyan sa kaniyang kwarto. Hinagis niya ang sarili sa kama at muling nagpagulong-gulong doon. Ngayon lang siya nagkagusto sa lalaki sa unang pagkikita. Sino ba namang hindi mahuhumaling kay Noah? Idagdag pa ang kabaitan at respeto nito sa magulang niya. Sa tingin niya ay bihira na lamang ang lalaking ganoon ngayon.
Muli siyang nagtatatalon sa kaniyang kama nang maalala kung paano naglapat ang sulok ng labi nilang dalawa. She touched her lips with her trembling hands. It was her first kiss and she can’t believe that a seminarian took it away from her. It was a sin, but for Maribelle, it was the sweetest sin that she ever did.
Dinampot niya ang cellphone sa ibabaw ng drawer. Tamang-tama sana ang panahon ngayon para sa paglilibot nila ni Noah sa subdivision. Masaya sana silang naglalakad habang nagkukwentuhan. Hindi niya tuloy alam kung paano niya pa ito pakikitunguhan dahil sa nangyare. Bumalik siya sa pagkakahiga sa kaniyang kama. She was staring at the ceiling and slowly closed her eyes.
HE WAS busy surfing his phone but he can’t still sleep. He looked on the wall clock and it’s already 10:00 PM. He usually falls asleep at eight o’clock but now his eyes were wide just like the eyes of an owl. Dismayado niyang binitawan ang cellphone at Bible naman ang kinuha niya. Siguro naman sa ganoong paraan ay makakatulog na siya. Umupo siya sa kanyang kama habang hawak ang maliit niyang Bible. He was browsing the book but still, his mind was like out of the world. He doesn’t know what’s happening to him. Maybe, he’s not used to sleeping in another’s bed. Mukhang iyon siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakatulog. He focused on the Bible again and it was so strange because no words were coming to his mind. Suddenly, his eyes pointed at the door.
‘Is she already asleep?’
He sighed deeply and brought back the Bible in his drawer. Noah closed his eyes, trying to sleep, but a beautiful woman’s face popped up.
‘We kissed.’
How jerk he was letting that thing happened. But he can’t forget how soft her lips were. Hindi niya dapat iyon isipin pero hindi niya maiwasan. Hindi niya rin maipaliwanag ang kakaibang damdamin sa tuwing nasisilayan niya ang maganda nitong ngiti. He must be insane. He can’t think that way. He can’t.
Tumayo siya sa kama tyaka binuksan ang pintuan ng kwarto. Iginala niya ang sarili sa madalim na pasilyo na iyon. Sarado na ang kwarto ni Maribelle. Mukhang tulog na ito dahil malalim na rin naman ang gabi. Nang dahil sa liwanag ng buwan, nang lumingon siya sa balkonahe ay may naaninagan siyang bulto ng tao roon. It was a girl’s figure. Because of curiosity, he doesn’t think twice to go there. The beautiful woman with messy bun hair was wearing pink pj’s and holding a mug of coffee.
He cleared his throat. “Hey.”
Bahagya itong nagulat nang makalapit siya rito. Muntik pa nitong mabitawan ang hawak na tasa kaya inagapan niya nang hawakan ang mga kamay nito. Maribelle tensed up and he doesn’t know why. Para itong nakakita ng multo. Dumistansya rin ito sa kaniya na para bang mayroon siyang nakakahawang sakit.
Hindi kaya dahil iyon sa nangyare sa garden? It was rude if he will not say sorry. Even though it was an accident, but after all, she’s still a woman and a kiss is a precious thing. He was scratching his nape and walked closer to her.
‘And it was my first kiss.’
“Look. I really am sorry for what happened in the garden.” Sandali siyang tumigil sa pagsasalita at humugot ng hininga. “Hindi ko sinasadyang mahalikan—”
“Do you want to taste ‘kapeng barako’?” Maribelle cuts him off and changes the topic.
Naaaninagan niya ang nakasisilaw nitong ngiti dahil sa liwanag ng buwan. Hindi na ito mukhang tensiyunado at lumapit pa ito sa kanya. He doesn’t know, but he’s the one who’s tense now. Binaling niya ang paningin sa mga tala. Hindi niya gusto ang kaniyang nararamdaman.
“Sure. Let me taste it.” He said and glanced at her with a genuine smile.
“Wait for me here.” Her voice was so soft like music on his ears.
“I’ll go with you.” Sabi niya rito pero tutol ito sa nais niya.
“Hintayin mo na lang ako rito.” Mukhang hindi ito papayag sa nais niya kaya hindi na siya nagpumilit.
Nang makaalis na ito ay muli niyang binalik ang paningin sa mga tala. Ang daming bituin ngayon sa kalangitan. Malamig ang simoy ng hangin na humahampas sa kaniyang balat pero hindi niya alam kung bakit nag-iinit ang kalooban niya pati na rin ang kaniyang pisngi. He let out a deep breath and massage his cheeks. What’s happening to him?
Nang ipikit niya ang mga mata ay ang pigura ni Maribelle ang muling pumasok sa isip niya. Mabilis siyang nagmulat ng mata at tila kinakapos ng hininga. He admitted Maribelle was beautiful, adorable and simple. Pero hindi iyon sapat na dahilan para isipin ito. He knows his limits, but every time he saw Maribelle, it likes there’s a string that pulling him closer to her. Tila konektado sila sa isa’t isa gayong iyon pa lamang ang una nilang pagkikita. Maybe he was attracted. Kahit sino namang lalaki ay mapapalingon sa gandang taglay ni Maribelle pero hanggang doon lamang siya. Hindi niya hahayaang lumampas siya sa limitasyon. Hindi pwede. Delikado.