Third Person's Point of View
SAPO-SAPO niya ang dibdib ng makarating siya sa kusina. Napasandal pa siya sa kaliwang bahagi ng mesa at tila kinakapos ng hininga. Naglululundag ang puso niya. Hindi niya inaasahang gising pa si Noah sa mga oras na iyon. Mukhang mas lalo siyang hindi makakatulog nito.
Hindi niya na mabilang kung ilang beses niyang sinubukang matulog. Kulang na lang ay tumambling siya sa kama dalawin lamang ng antok ngunit bigo siya. Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, larawan ni Noah ang rumerehistro sa kanyang isipan. Ang nakakahumaling nitong ngiti, ang mapupungay nitong mga mata ay hindi mawala-wala sa kanyang isipan. Hindi niya na alam ang gagawin. Kaya’t nagtungo siya sa balkonahe para pagmasdan na lamang ang mga bituin habang humihigop ng mainit na kape. Hindi niya inaasahang gising pa ang lalaki. Ngayon ay hindi niya na alam ang gagawin. Palusot lamang niya ang pagtitimpla niya ng kape para rito upang hindi na maungkat pa nito ang nangyare sa kanila sa garden.
Nang hindi na ganoon kabilis ang pagtibok ng kanyang puso at sa tingin niya ay ayos na siya, sinimulan niya nang magtimpla ng kape. Nang tikman niya ito ay sakto lamang ang tamis at pait ng kapeng kanyang tinimpla. Ipagmamalaki niya kung gaano siya kasarap magtimpla ng iba’t ibang klase ng kape. Katunayan, ang ibang coffee flavor sa coffee shop nila ay siya ang nag-imbento at gumawa.
She puffed a breath and walked carefully to the man that makes her heart thumps crazily. Kinulbit niya si Noah sa likod at nakangiting inabot dito ang tinimpla niyang kape. Gumanti naman ng ngiti ang lalaki. Dahil sa liwanag ng buwan, klarong-klaro niyang nakikita ang kagwapuhan nitong taglay. She stands next to him and gawks on the stars again. She really loves the fresh air that touching her skin.
“Why are you still awake?” Noah punctuated the silence, then sipped at his coffee.
Sasabihin niya bang hindi siya makatulog dahil naiisip niya ito o magsisinungaling na naman siya? Napapansin niyang dumarami ang kasalanang kaniyang ginagawa sa tuwing kasama ang lalaki. Ilang beses na ba siyang nagsinungaling dito?
“Naisipan ko kasing pagmasdan ang mga bituin. Matagal ko ng hindi iyon nagagawa.” Muli siyang suminghap ng sariwang hangin. “Ikaw? Bakit gising ka pa?”
Bigla itong nasamid pagkatapos niyang magsalita. Ipinatong nito ang tasa ng kape sa ibabaw ng railings para punasan ang damit na natuluan. Konti lang naman ang naging manstiya sa damit nito. “Ayos ka lang ba?” She asked worriedly.
“I’m fine.” He scratched his nape again. “The truth is, I can’t sleep.”
Nagtataka niya itong tiningnan. “Hindi ka ba komportable sa kwarto mo?”
“Nagpahinga rin kasi ako kanina kaya siguro hindi ako dalawin ng antok ngayon.”
Nagtagpo ang kanilang mga mata. Parang hinihigop nito ang buo niyang lakas. Gusto niyang umiwas pero hindi iyon ang dinidikta ng kanyang puso. Mas nanaisin pa niyang titigan ito buong magdamag kesa matulog ng mahimbing.
“Did you see the heart shape stars?”
Itinuro nito ang mga bituin na hugis puso. Bahagya pa itong lumapit sa kanya nang maaninagan niyang lalo ang tinuturo nito. Sa paglapat ng kaniyang braso sa matikas nitong dibdib ay kakaibang kaba ang kaniyang naramdaman. Hindi iyon kaba na pang karaniwan.
Naging malinaw sa kaniyang paningin ang hugis pusong bituin na tinuturo nito. “Ang ganda.” She genuinely said while still staring at the stars.
“So beautiful to treasure...” Noah’s sweet voice was filling her ears. Nang lingunin niya ito ay laking gulat niya ng sa kaniya ito nakatingin. Dahil sa hiya, mabilis niyang iniwas ang paningin dito at binaling sa ibang direksyon.
‘Ako ba ang tinutukoy niyang maganda?’ A sweet smile spread on her lips secretly. Her heart was like floating in the air. Those different emotions were spreading in her body and it was a beautiful feeling that she can’t forget.
Rinig niyang suminghap ito ng hangin at muling sumimsim sa kape nito. “Without the dark, we’d never see the stars.”
He was gawking at the stars while she’s staring at his handsome face. There’s a little smile on his lips. Umangat ang sulok ng kaniyang labi. “But darkness will end when the sun rises.” Binalik niya ang paningin sa mga bituin. “Why can’t be the sun and the stars shine together?” Napabuntong hininga siya sa sariling tanong. Kailan kaya mangyayari iyon? Nababaliw na siya. Bakit niya hinihiling ang isang bagay na malabong mangyari?
“Because the sun isn’t fated to the stars but the moon.” She looked at him confusedly. Kung ganoon ay naniniwala rin ito sa tadhana. “The moon and the stars are perfectly brightening the darkness. They meant to be together. But the sun is meant to the clouds.” Isang tipid na ngiti ang umukit sa mga labi nito. Ganoon na lamang ang pagkabog ng kaniyang dibdib nang magtagpo ang kanilang mga mata. “Kahit gaano natin ipilit ang isang bagay pero kung hindi talaga sila ang para sa isa’t isa, we can’t do anything but accept it. Even if it hurts the most.”
He’s right. Hindi lahat ng gusto niya ay kaniyang makukuha. May mga bagay na kahit anumang pilit niyang kunin at gustuhin pero kung hindi iyon nakalaan para sa kanya ay hindi niya talaga iyon makukuha.
Kung gustuhin man niyang makuha ang pag-ibig ni Noah pero kung ang tadhana ay tutol sa kagustuhan niya, wala siyang magagawa kung hindi tanggapin na kailanman ay hindi masusuklian ni Noah ang paghanga niya rito.
“Naranasan mo na bang pagkaitan ng tadhana?” Sumulyap siya kay Noah. Pinagmamasdan nito ang mga bituin sa kalangitan.
“Hindi ko alam kung dapat ko bang tawaging pinagkaitan ako o sadyang ito ang nakatadhana sa akin.” A weak smile curved on his lips. “Naranasan mo na rin bang pagkaitan?”
She puffed a breath. Yinapos niya ang sarili. “Mukhang pinagkait ka sa akin ng tadhana.” Bulong niya sa sarili. Alam niyang hindi iyon narinig ni Noah dahil mahina ang pagkakasambit niya sa mga salitang iyon.
“Hindi pa naman.” Salungat sa kanyang naisip ang sagot niya.
Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa kanilang dalawa. Malamig ang simoy ng hangin sa balkonahe pero hindi niya ininda iyon. Ang mahalaga ay kasama niya si Noah. Nang maubos nila ang kape, nagtungo sila sa kusina. Hinugasan ni Noah ang tasang ginamit nila.
“Ilang taon mo ng hindi nakikita ang Lolo mo?” Tanong niya rito. Pareho silang nakasandal sa mesa habang pinagmamasdan sa pader na salamin ang labas ng kanilang bahay.
“Mahigit sampung taon na rin.” Sagot nito. “Bibisita siya rito sa Pilipinas bago ako ordinahan.”
“Tutol ba siya sa pagpapari mo?”
“Ang totoo niyan ay siya ang isa sa dahilan kung bakit ako magpapari.” May isang tipid na ngiti ang umukit sa labi ni Noah.
“He must be proud of you.” Nginitian niya ito. Bahagya umisod si Noah palapit sa kaniya. Nang tingnan niya naman ito ay nakatingin ito sa labas ng bahay nila.
“Hindi ka pa ba inaantok?”
“Hindi pa naman. Inaantok ka na ba?” Tanong niya rito.
“Hindi pa rin.”
May ideyang pumasok sa isip niya. “Kung libutin kaya natin ang subdivision ngayon? Tutal pareho naman tayong hindi makatulog.” She grinned at him.