Kabanata 6

856 Words
Third Person's Point of View NAKASUOT na ito ng kulay abong cargo shorts at kulay itim na Graphic t-shirt. Lalong lumitaw ang kaputian nito at ngayon ay kitang-kita niya ang ma-muscle nitong triceps. Umangat ang tingin niya sa adam’s apple nito. Bahagya pa iyong gumalaw na mas lalong nagpa-gwapo rito. Ang kinis rin ng binti nito at hindi ganoon karami ang balahibo. Maalaga ito sa sarili. He’s a material boyfriend. A guy that every girl dreams of. Kung hindi lang ito magpapari ay tiyak na marami na itong babaeng pinaluha. Nabalik lamang siya sa ulirat ng marahan na palang tinatapik ni Noah ang balikat niya. Ikinakaway pa nito ang kamay sa tapat ng kanyang mukha. Hindi niya napansing nakatulala na pala siya rito. “May dumi ba ako sa mukha?” Her cheeks painted red. “Ah, wala…wala naman.” Her world stops spinning when he gave her a dazzling smile again. Hanggang maaari ay ayaw niya ng makita ang nakakasilaw nitong ngiti. Baka hindi niya na mapigilan ang puso niya at makatalon ito. “May gagawin ka ba, Maribelle? Gusto ko sanang ngayon na natin libutin ang subdivision.” “Wala naman akong gagawin pero masakit pa sa balat ang init ng araw kung ngayon tayo maglilibot. Kung maaari ay mamayang alas-tres tayo umalis.” Nakangiti niyang tugon dito. “Kung gusto mo naman ay doon muna tayo sa garden ni Mom. Maaaliw ka sa ganda ng iba’t ibang bulaklak doon.” Suhestiyon niya rito. Nasa likod ng kanilang bahay ang garden. Maraming nagtataasang puno roon kaya malilom at mahangin. Nakahilera rin doon ang iba’t ibang klase ng bulaklak na mismong kanyang ina ang nag-aalaga. Nang makarating sila roon ay agad inobserbahan ni Noah ang makukulay na bulaklak. Nag-unat-unat din ito at mukhang naaaliw sa presko ng hangin. “I really love this place.” He sighed. “Kung tutuusin ay mas maganda ang Palawan kumpara rito.” Patuloy silang naglalakad sa hilera ng mga bulaklak. “But I’m enjoying this place.” Noah looked at her and she met his dark eyes. Iniwas niya ang paningin dito at binaling sa namumulaklak na rosas. Umupo sila sa ilalim ng puno. Bahagya pang nagkadikit ang kanilang mga braso. Sinandal nito ang ulo sa katawan ng puno at marahang pinikit ang mga mata. Ngayon ay malaya niyang natititigan ang gwapo nitong mukha. Inobserbahan niya ang mukha nito. Mahaba ang pilik mata ni Noah, matangos ang ilong at mapupula ang labi. Kahit paulit-ulit niya itong titigan ay hindi niya pagsasawaan ang mukhang iyon. Hindi namalayang lumalapit na ang mukha niya rito. Agad siyang napaantras ng dahan-dahan nitong minulat ang mga mata at sa kanya pinukaw ang paningin. She cleared her throat and hid her sweaty hands. Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa kanila. Naiilang na siya sa katahimikan na iyon. Ramdam niyang nakatingin si Noah sa kanya kaya nanatili siyang nakatingin sa ibang direksyon. Paniguradong maghu-humarintado na naman ang puso niya kung sakaling magtagpo ang mga mata nilang dalawa. Ilang minuto muli ang namutawi sa kanila. Hindi naman siguro nito nakita kung paano niya tinitigan ang mukha nito. Magsasalita na sana siya para mapawi ang nakakailang na katahimikan pero maling desisyon ang paglingong ginawa niya dahil nang ipaling niya ang ulo sa direksyon nito ay siya ring paglapit ng mukha nito sa kaniya. Kaniyang naramdaman ang pagdampi ng kaniyang labi sa sulok ng malambot nitong labi. Different electricity running through her body as the sensation covering her heart. Inabot pa ng ilang segundo bago niya magawang ilayo ang sarili rito. Marahil ito ay nabigla rin. She froze and her heart skips a beat. They kissed. It was just a soft meeting of their lips but Maribelle felt like her cells were burning her nerves, melting her defenses. Kahit sulok lang ng labi nito ang nahalikan niya ay maiku-konsidera pa rin iyon bilang isang halik. Kakaibang kiliti ang ngayon ay naghahari sa kanyang dibdib. “Sorry. I don’t… don’t know that you will look at my side. It was my fault. I am sorry, Maribelle.” Kahit hindi niya ito lingunin ay alam niyang namumula rin ito at bakas sa mukha ang pagkabigla. She gulped and looked away to hide the blush that crept into her cheeks. Malalim siyang suminghap ng sariwang hangin tyaka tumayo. Hindi niya mawari kung ano ang gagawin. Babalik ba siya sa kanilang bahay o umakto na parang wala lamang ang halik na iyon sa kaniya? She took a deep breath and composed herself. Pagkuwan ay lumingon siya rito na parang walang nangyari. “May kukuhanin lamang ako sa loob ng bahay.” Hindi niya na alam kung ilang beses niya na iyong ginawang palusot para makatakas sa kakaibang pakiramdam na dinudulot nito sa kanya. Kahit hindi pa ito nakakasagot ay kumaripas na siya ng takbo pabalik sa loob ng bahay nila. Wala na siyang pakialam kung madapa siya o kaya naman ay magmukha siyang baliw habang tumatakbo. Ang mahalaga ngayon sa kaniya ay makaalis sa lugar na iyon. Hindi niya kayang magtagal habang kasama si Noah doon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD