bc

Can We Rewrite The Stars?

book_age0+
309
FOLLOW
1.4K
READ
possessive
reincarnation/transmigration
curse
submissive
sensitive
drama
tragedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Maribelle Alora Elizarde is a twenty-year-old woman who doesn't find love as a serious matter. She had been in relationships but for her it is not a thing to be serious about. Not until her mother's long time best friend with her seminarian son visited their house— Noah Adan Salazar.

Maribelle's life turned upside down the moment she met Noah, the only man that made her heart fluttered every second of her day. But Maribelle knows her limitation. She can admire Noah but she can't fell in love with him. He's just going to crush her heart in the end. He's a seminarian, a servant of God. Two weeks from now and Noah will be a priest. So, there’s no way for both of them to love each other.

When days passed each by, Maribelle drowned by her uncontrollable feelings for Noah. Even though how many times she sermonized herself that loving Noah is not a good idea but her traitorous heart doesn’t listen to her.

But is she going to stay if she knew the family's secret of the seminarian of her life?

DISCLAIMER: This is a Filipino story.

chap-preview
Free preview
Prologue
Third Person's Point of View Kahit inaantok pa ay sinikap niyang bumangon mula sa kanyang malambot na kama. Nasisinagan na ng sikat ng araw ang kabuuan ng kanyang kwarto. Kung hindi pa siya babangon ay tiyak na masisira na ng kanyang ina ang pinto dahil kanina pa itong kumakatok, sumisigaw at mukhang galit na dahil sa sunod-sunod na malalakas na katok nito. Mabilis niyang inayos ang sarili at magkasalubong ang mga kilay na binuksan ang kanyang pinto. “Graduate na ako, Mom. Hindi ko na kailangang gumising ng maaga.” Bakas ang iritasyon sa kanyang boses habang naghihikab. Nakapamay-awang ito sa kanyang harapan at hindi nagpatalo sa katarayan ng kanyang mukha. “Hindi porket graduate ka na ay pwede ka nang gumising ng tanghali! Paano kapag nagtatarabaho ka na? Maidadahilan mo ba `yan?” Kaka-graduate niya lamang tatlong linggo na ang nakararaan sa kursong BS In Business Management. Kagustuhan ng magulang niya ang kursong natapos dahil pagmamay-ari ng kanyang pamilya ang Elizarde Coffee Shop na minana pa ng kanyang ina sa lolo at lola nito. Magagamit niya ang pinag-aralan para mapalago ng husto ang nasabing Coffee Shop. May ilang branches na rin ito sa lalawigan ng Batangas at inaasahan ng magulang niya na mapalawak pa ang branches ng Coffee Shop nila. She rolled her eyes and sighed in defeat. Hindi siya mananalo sa ina kung sumbatan lang din ang labanan. “Ano po bang kailangan niyo?” Pinakalma niya ang sarili kahit ang gusto niyang gawin ay talikuran ito at bumalik sa pagtulog. “Fix yourself, Maribelle. May mga bisita tayo sa baba.” “Kailangan po bang nandoon ako?” She grimaced. Hindi niya inaasahang pipingutin siya ng ina na mas lalong nagpagising sa kanyang diwa. “You’re my daughter. Dapat lang na nandoon ka!” May halong iritasyon na rin ang boses ng ina. “Okay. Okay. Bababa na. H`wag na pong high-blood.” A smile tugged on her lips. Kahit pasaway siya rito ay masasabi niyang magkasundo sila ng kanyang ina. Kahit minsan ay sinasagot-sagot niya ito ay pinaparamdam niya kung gaano niya ito kamahal. “Kapag wala ka pa sa baba sa loob ng sampung minuto, malilintikan ka sa`kin! Nakakahiya sa mga bisita na paghintayin mo sila.” May pagbabantang anito. She pouted. “Sana ay sinabi niyo sa`kin kagabi para nakapag-alarm ako.” Hindi sana nabulabog ng ina ang masarap at mahimbing niyang pagtulog. “Sana rin ay umuwi ka ng maaga kagabi nang sa ganoon ay naaubutan mo pa kaming gising ng Daddy mo. Hindi porket graduate ka na ay may karapatan ka ng gabihin ng uwi.” Her mom’s eyebrow quirks up. Kasama niya ang bestfriend niyang si Mikee kagabi. Naisipan nilang tumambay sa bahay ng mga ito at manood ng Korean drama. Hindi niya namalayan ang oras kaya malalim na ng gabi siya nakauwi. Hinawakan niya ang magkabila nitong balikat tyaka marahang inalalayan palabas ng kanyang kwarto. Paniguradong sesermonan pa siya nito tungkol sa pag-uwi niya ng late kagabi. “The time is running. I need to fix myself now.” Mabilis niyang sinara ang pinto. She chuckled when she heard her mom howled in irritation. Inayos niya ang kanyang kama tyaka dumeretso sa banyo para maligo. May sariling banyo ang kanyang kwarto. Two-storey house ang kanilang bahay at may apat na kwarto sa taas habang dalawang kwarto naman para sa kanilang kasambahay at isang guestroom sa baba. May garden din sila na puno ng iba`t ibang klase ng bulaklak dahil iyon ang kinahiligan ng ina para hindi raw ito mainip habang nasa bahay. Ang balkonahe ay pinaggigitnaan ng apat na kwarto sa ikalawang palapag. Bukod sa Coffee Shop nila, isang piloto ng eroplano ang kanyang ama at ang kanyang ina naman ay naiwan sa bahay para mag-alaga sa kanila ng isa niyang nakababatang kapatid na si Lucas. Nang makapaligo ay sinuot niya ang isang sundress na hanggang tuhod at slipper. Napagdesisyunan niya nang bumaba. Rinig niya ang boses ng kanyang ina at mga hindi pamilyar na boses sa kanilang salas. Lumapit siya sa mga ito at marahang hinagkan ang pisngi ng ina. “This is my daughter.” Pakilala ng kanyang ina sa kanilang bisita. Pamilyar sa kanya ang mukha ng babae. Mukhang kasing edad ito ng kanyang ina. Mestisa ito at lumilitaw ang kagandahan. “Maribelle, she’s your Tita Haidee.” Ito ang matalik na kaibigan ng kanyang ina na lagi nitong kinukwento sa kanya. Ilang beses niya na rin nakita ang litrato nito kasama ang ina kaya pamilyar ang mukha nito sa kanya. A genuine smile furrowed on her lips as they shook their hands. “Napakaganda mo, hija.” Masigla nitong sabi. Nakaramdam siya ng hiya dahil sa sinabi nito. She has fair and white skin, beautiful eyes, long straight black hair, and kissable lips. Napukaw ang kanyang atensyon sa lalaking nanatiling nakaupo sa sofa. Napakaamo ng mukha, mahaba ang pilik-mata, maputi, at may mapupulang labi na parang nais niyang madama. Matikas din ang pangangatawan at talaga namang mapapalingon ang kahit na sinong babaeng makakasalubong nito. Inalis niya ang paningin sa lalaki nang tawagin ito ni Tita Haidee at pinalapit sa kanya. Matangkad ito na tugma sa perpekto nitong katawan. “He’s my son.” Nakangiting sambit ni Tita Haidee. Inilahad nito ang kamay sa kanya at isang nakakatunaw na ngiti ang inukol nito. May kung anong kuryenteng dumaloy sa kanyang buong katawan ng maglapat ang kanilang mga palad. “I’m Noah Adan Salazar.” A manly voice and a killer smile curved on Noah’s lips. Her knees were ready to wobble as she stares into his smile. Nagpadagdag iyon ng kakaibang kaba sa kanyang puso. Hindi niya mawari ang kiliting patuloy na naghahari sa kanyang dibdib. “I’m Maribelle Alora Elizarde.” A beautiful smile tugged on her lips. Sino bang hindi matitiklop kung ganoong nilalang ang makaharap? Nanghinayang ang puso niya nang magbitiw ang kamay nilang dalawa pero nanatili ang kanyang paningin sa mapupungay nitong mga mata. Kung sinabi agad ng ina niya na ganoon kagwapo ang naghihintay sa kanya e`di sana hindi niya ito inangilan noong ginigising siya. “He’s a seminarian.” Kusang naglaho ang matamis na ngiting nakaukit sa kanyang labi. Tila nanlamig ang kanyang mga kamay at kakaibang damdamin ang namutawi sa kanyang dibdib dahil sa binitawang salitang iyon ni Tita Haidee. He’s a servant of God. Magpapari si Noah. Biglang naglaho ang pag-asam at kaninang pagpapantasya rito. ‘Hindi kami pwede.’  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Mistress

read
300.5K
bc

CLOSER

read
144.7K
bc

A night with Mr. CEO

read
176.8K
bc

Unwanted

read
521.1K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
601.2K
bc

Unexpected Romance

read
40.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook