Third Person's Point of View
NASA hapag na sila at kasalukuyang pinagsasaluhan ang tanghaliang linuto nila ni Noah. Samo’t saring papuri ang nakuha nila sa mga ito. Muli na namang inasar ni Tita Haidee at kanyang ina si Noah.
“Magaling magturo si Maribelle dahil hindi mo nasunog ang kusina.” Biro ni Tita Haidee.
“I am a fast learner, Mom.” Nag-aasaran ang mag-ina. “Sa susunod, ipagluluto ko kayo ng paborito niyong pagkain.”
“Aasahan ko `yan, Noah. Pwede ka pa rin namang magpaturo kay Maribelle.” Sabi ng kanyang ina.
Nakarating na ang ama niya galing sa Coffee Shop at si Lucas na kaliligo lamang dahil sa pawis na nakuha sa paglalaro ng basketball. Nasa harap niya si Noah at malaya niya itong natititigan kung gaano ito kaingat sa pagkain. Katabi nito ang ina. Si Lucas naman ay nasa kanang bahagi niya at ang magulang niya ang nasa sentro habang nasa kaliwang bahagi ni Lucas si Manang Rosie.
Ngayon lamang siya nailang ng ganoon. Maingat ang paghawak niya ng kubyertos at natatakot na malahidan ng kahit anong mantsa ang damit. Nakakahiya kay Noah kung makikita siya nitong maruming kumain.
“Kamusta na, Haidee?” Pagkamusta ng ama sa kaibigan.
“I’m fine with my two boys and of course, with Ben.” Tita Haidee answered with a smile.
“Balita ko ay magpapari ang panganay mo.” Bahagyang tumingin ang ama kay Noah.
“Yes, two weeks from now and he’ll be a Catholic Priest.” Tinapik pa ni Tita Haidee ang balikat ng anak.
“Congrats, Noah, right?”
“Yes, sir.” He answered with full of respect. Si Noah iyong tipo ng lalaki na masarap ipakilala sa magulang dahil sa nag-uumapaw nitong respeto at paggalang.
“Just call me Tito Charles.” Her Dad giggled. Isang ngiti ang ginawad ni Noah sa ama niya.
Namutawi ang katahimikan pero agad din namang nagsalita ang kanyang ama. “You will start to manage our Coffee Shop tomorrow, Alora.” Tanging ang ama lamang niya ang tumatawag sa kanya ng pangalawa niyang pangalan.
Napatigil siyang kumain at hindi makapaniwalang tumingin dito. “Akala ko po ba ay next month pa?” Bakas ang pagtutol sa kanyang boses.
“Napansin kong dumarami ang tumatangkilik sa Coffee Shop natin at hindi na kayang i-handle ng mga empleyado ang mga orders. Lalo na’t nag-leave ang tumatayong manager.” Uminom ito ng tubig bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Don’t worry, Sweetie. Sa branch sa Lipa City lang naman tayo nagkaproblema at malapit lang naman iyon dito sa subdivision.” Malambing nitong saad.
Kahit katapat lang iyon ng bahay nila ay hindi pa rin iyon ayos sa kanya. Paniguradong kailangan niyang igugol ang buo niyang oras sa Coffee Shop. Teka nga, noon nga ay hindi na siya makapaghintay na pamahalaan ang Coffee Shop nila pero bakit ngayon ay nagdadalawang isip na siya? Bakit parang ayaw niya na? Dahil ba ito sa lalaki?
“What’s wrong, Maribelle? Noon nga ay hindi ka na magkandamayaw sa paghihintay ng oras para ma-manage ang Coffee Shop. Bakit ngayon ay parang tumututol ka?” Maging ang ina niya ay nahalata iyon.
“Hindi sa ganoon…” Wala na siyang maisip na pwedeng idahilan. She took a deep breath. “Fine, I’ll come tomorrow.” Labag sa loob niyang sabi. Lihim niyang sinulyapan si Noah at halos kapusin siya ng hininga ng tinititigan siya nito.
“Bukas tayo pupunta sa sinasabi ko sa iyong masarap magluto ng lomi. Sa Big Lomi House iyon. Doon kami madalas kumain ni Charles noong hindi pa kami ikinakasal. Isasama rin natin si Noah para matikman niya ang pinagmamalaki ng Batangas.” Puno ng pananabik ang boses ng ina niya.
Lalong nanlumo ang kalooban niya. Minsan na silang nakapuntang mag-anak doon. Sa Cuenca, Batangas pa ang Lomi House na sinasabi ng ina. Nasa Lipa City sila at may kalayuan ang lugar na iyon.
“Sa totoo po niyan ay hindi pa po ako nakakatikim ng sinasabi niyong lomi.” May sigla sa boses ni Noah.
“It excites me, Trish. Gusto ko ring libutin ang tourist spots dito sa Batangas sa mga susunod na araw.” Tita Haidee excitedly uttered.
“I’ll be your tour guide. Sayang lang at hindi natin makakasama si Maribelle.”
Hindi niya alam kung sadyang nananadya ang ina para mas lalo siyang manlumo. Minsan din ay nagpapasalamat siya dahil hindi niya namana ang kamanhidan nito.
Nang matapos silang makapagtanghalian ay tinulungan niyang magligpit ng pinagkainan si Manang Rosie. Nakaatas kasi ang paglilinis ng kabuuan ng bahay sa ibang kasambahay. Samantalang nasa kanya-kanyang kwarto ang mga kasama para makapag-pahinga. Lalo na ang mag-inang pagod sa biyahe.
Mahigit sampung taon nang naninilbihan si Manang Rosie sa kanilang pamilya. Halos kasama niya ito mula sa paglaki niya. Nasa probinsiya ang pamilya nito at paminsan-minsan ay umuuwi roon.
“Bakit hindi ka rin magpahinga sa kwarto mo?” Mahinahong tanong nito habang naghuhugas ng pinggan. Siya naman ay pinupunasan ang mesa. Lagi niya itong tinutulungan kapag wala siyang pasok.
“Hindi pa po ako pagod, Manang. Kayo po ang bumalik na sa inyong kwarto at ako na ang magtutuloy niyan.” Akma niyang aagawin ang platong hawak nito pero agad nitong iniwas.
“Kaya ko na ito, hija.” Nakangiti nitong sabi. Liningon siya nito at nanunuring tingin ang pinukaw nito sa kanya. “Parang may kakaiba sayo ngayon.” Nanunukso pa ang tono ng boses nito.
Umikot siya sa mesa nang hindi siya malapitan nito. Tinago niya rin ang mukha para wala itong ebidensiya sa kung anumang gusto nitong sabihin. Mukhang alam niya na kasi ang napansin nito sa kaniya.
“Gusto mo ang lalaking iyon.” Hindi iyon isang tanong kundi isang pahayag.
“Hindi po, ah.” Depensa niya.
“Bakit namumula ang pisngi mo? Pati pansin ko rin habang kumakain kayo kanina ay madalas mo siyang sulyapan.” Humalakhak ito na mas lalong nagpa-init sa kanyang pisngi. “Kung sa bagay, gwapo naman si Noah. Magalang, mabait at nag-uumapaw sa kakisigan.”
Hinugasan nito ang kamay tyaka tinuyo. “Siya ang tipo ng lalaki na gugustuhing mapangasawa ng kahit na sinong babae dahil sa taglay nitong ugali,” tinapik nito ang kanyang balikat, “pero siya rin ang lalaking hindi dapat hangarin ng sinuman dahil isa siyang seminarista. Ilang linggo na lamang ay magiging ganap na siyang pari, Maribelle. Depende na lamang kung handa niyang talikuran ang pangako sa Diyos para sa babaneg mahal.”
“Hindi niya iyon magagawa, Manang.” Hinugasan niya rin ang kamay at tinuyo iyon. “Nasabi niya na iyon sa akin kanina lang.”
“Hindi naman masamang magkagusto sa isang kagaya niya. H`wag mo nga lamang hahayaan ang puso mong mahulog ng tuluyan sa isang seminarista.”
She’s just attracted. Bakit ba siya mababahala na baka mahulog ang loob niya rito. May mas gwapo pa naman ditong lalaki at kasing bait. Hindi lang naman ito ang lalaki sa mundo.
“Nagwapuhan lang naman ako sa kanya. Walang dapat ikabahala, Manang.” Pabiro siyang umirap at marahang tumawa.
“Ganyan din ang sinabi ng kaibigan ko bago siya nahumaling sa isang pari.” Saad ni Manang Rosie.
“Ano pong ibig mong sabihin?” Nagtataka niyang tanong.
Naupo silang dalawa sa harap ng mesa. “Si Aurora ang matalik kong kaibigan noon pa man. Siya ang lagi kong kasama hanggang magdalaga kaming dalawa.” Sinimulang ikwento ni Manang Rosie ang tungkol sa kaibigan.
Limampung taon na ang nakalilipas (1969), isa si Aurora sa mang-aawit sa simbahan ng kanilang bayan. Isang makisig at matipunong pari ang nadestino sa simbahan na kinabibilangan ni Aurora. Nagngangalan itong Aston. Nabibilang ang pamilya nito sa isa sa pinakamayaman sa kanilang bayan. Hindi maipagkakaila ang gwapo nitong mukha. Maraming nahumaling na kababaihan sa bagong pari. Ang iba sa kanila ay sumisimba lamang upang masilayan ang pari.
Dalawampu’t walong taon lamang ito samantalang dalawpung taon si Aurora. Hindi maitatanggi ni Aurora na isa siya sa mga babaeng humahanga sa anking kagwapuhan ng bagong pari.
Ang lahat ng mang-aawit ay nag-eensayo tuwing araw ng sabado. Madalas nanonood si Aston kaya gilas na gilas si Aurora sa tuwing umaawit siya.
“Maging ako ay nagkakasala sa tuwing nakikita ko si Padre Aston.” Kinikilig na sabi ni Stella, isa rin sa manganganta. “Pinagpala siya nang kagwapuhan at matikas na pangangatawan. Kapag nga hindi siya nakasuot ng sutana ay hindi siya mapagkakamalang pari.”
Sang-ayon si Aurora sa sinabi nito. Talaga namang kapansin-pansin ang matikas nitong pangangatawan. Tumayo na si Padre Aston at nagtungo sa silid nito. “Bakit kaya naisipan niyang magpari?” Nagtataka niyang tanong. Napatigil ang dalawa sa pagkukwentuhan nang pukawin ng isang madre ang atensyon nila.
“Nakahanda na ang mirienda. Mamaya na ulit natin ipagpatuloy ang pag-eensayo.” Pahayag nito.
Akma na siyang lalapit sa kinaroroonan ng pagkain nang harangin siya ni Madre Cisca. May dala-dala itong bandeha kung saan may lamang pagkain.
“Maaari mo ba itong dalhin sa silid ni Padre Aston? Sumama ang kanyang pakiramdam kaya hindi siya makakasalo sa atin.” Utos nito. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Ito ang kauna-unahang makakausap niya ang bagong pari.
“Masusunod po.” Kinuha niya ang bandeha rito at tinahak ang daan patungo sa silid ng pari. Nasa pangalawang palapag iyon ng simbahan. Bahagyang nakaawang ang pinto nito. Gayunpaman, kumatok pa rin siya para mapukaw ang atensyon ni Aston na kasalukuyang nakaupo sa kama nito.
“Tuloy ka.” Saad nito.
Kinakabahan man ay pumasok siya sa kwarto nito. Inilapag niya ang bandeha sa kama nito. Nakasuot ito ng puting kamiseta. Ilang segundo siyang natulala sa gwapo nitong mukha.
“Nariyan po ang gamot niyo.” Hindi siya mapakali. Iyon kasi ang kauna-unahang napalapit siya ng ganoon kay Aston. Idagdag pa na may lihim siyang paghanga rito.
“Maraming salamat.” Sumilay ang matamis nitong ngiti na siyang nagpapahumaling sa mga kababaihan. Alam niyang kasalanan ang kaniyang nararamdaman para kay Aston pero hindi niya kayang pigilan ang damdamin.
“May maitutulong po ba ako sa inyo?”
Hindi niya namalayang pinag-aaralan niya na ang mukha ng kaharap. Ang mapupungay nitong mga mata, ang matangos nitong ilong at ang mapula nitong labi ay nagpadagdag sa pagwawala ng kanyang puso. Ilang beses siyang napalunok. Ang makinis nitong balat ay nasisinagan ng araw. Para itong isang mamahaling porselana na kailangang ingatan.
“Aurora? May dumi ba ako sa mukha?”Nagtatakang tanong ni Aston.
Namula ang magkabila niyang pisngi. “Wala… wala po.” Nakakahiya ang kaniyang ginawa. “Aalis na po ako.” Tumayo na siya at mabilis naglakad sa pintuan nito pero agad din siyang lumingon sa gwapong pari. “Kilala niyo po ako?”
Halos tumalon ang kaniyang puso nang umukit ang isang magandang ngiti sa labi ni Aston. “Bakit naman hindi ko makikilala ang isang magaling na mang-aawit.” Sumingkit ang mga mata nito. “Aurora Alfaro.”
Wari ni Aurora ay kulay kamatis na ang kanyang mukha. Kilala siya ni Aston. Gusto nang kumawala ng kaniyang puso buti na lamang at napigilan niya ang sarili. “Maraming salamat po, Padre Aston.” Akma na siyang aalis sa silid nito nang tawagin ulit siya ni Aston.
“May iba’t ibang paraan para ipabatid ang paggalang. Minsan ay hindi mo kailangang gumamit ng po sa iyong kausap dahil nababatid naman niyang ginagalang mo siya.” Naka-ukit ang matamis nitong ngiti.
Akma na siyang magsasalita pero hindi niya mahagilap ang akmang salitang dapat sabihin. Naikuyom niya ang kanyang kamay sa mahaba niyang palda. Nahihiya siya rito. Nais ba nitong h`wag siyang gumamit ng po at opo sa tuwing kausap niya ito?
Namutawi ang mahinang bungisngis ni Aston sa loob ng silid. “Sige na, mukhang nagsisimula na ang pag-eensayo niyo. Bumalik ka na sa baba.” Nagpaalam siya rito at dali-dali lumabas sa silid nito. Nasapo niya ang dibdib nang makalayo siya.
Nang matapos sila sa pag-eensayo ay nagtungo siya sa bahay ng kaibigan niyang si Rosie. Ikinuwento niya rito ang pagtatagpo nila ni Aston. Batid ng kaibigan na may gusto siya sa bagong pari ng parokya nila.
Napahawak si Maribelle sa magkabila niyang pisngi. Hindi niya maitago ang kaniyang kilig sa ikinuwento ni Manang Rosie. “Hindi ko rin masisisi kung bakit nahumaling si Aurora kay Aston.” Sumilay ang ngiti sa labi niya. “Sobrang gwapo siguro ni Aston. Nakita niyo na po ba siya Manang?”
“Oo naman. Laging nagsisimba ang pamilya ko tuwing araw ng Linggo noon at minsan ay nag-iikot si Aston sa bayan.” Sagot nito.
“Nagkagusto rin po ba kayo sa kaniya?” Kuryosidad niyang tanong.
“Isa siyang pari, Maribelle. Kailanman ay hindi ko nakita ang sarili kong mahuhumaling sa isang kagaya niya.”
Bigla siyang nalungkot. Kawawa naman si Aurora. Kahit anong pilit niya ay walang patutunguhan ang nararamdaman nito para kay Aston dahil isa itong pari.
“Ano pong sunod na nangyari, Manang?” Bigla ay naging interesado siya sa pag-ibig ni Aurora para kay Aston.
“Tama na ang kwento. Bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga ka.” Tumayo na ito kaya tumayo na rin siya.
“Ito-tour ko pa po si Noah sa buong subdivision kaya mamaya na lang po siguro ako magpapahinga.” A wide smile spread on her lips. May kung anong saya ang bumalatay sa kanyang dibdib. Agad din iyong nawala ng kakaibang tingin ang pinukaw ni Manang Rosie sa kanya. “Bakit po?”
“Wala. Pupunta na ako sa kwarto ko.” Tumalikod na ito sa kaniya at naglakad palabas sa kusina.
Mukhang nagpapahinga pa rin naman si Noah. Mamaya niya na lamang ito yayayain para libutin ang buong subdivision. Akma na siyang aakyat sa hagdan pero kusang tumigil ang kanyang mga paa ng masalubong niya ang lalaki pababa ng hagdan.