Third Person's Point of View
TINULUNGAN niya itong ayusin ang mga gamit ng ina nito sa guestroom. Pagkakuwan ay muli silang umakyat para samahan ito sa silid na pansamantala nitong gagamitin sa loob ng dalawang linggo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil magkatabi lamang ang kwarto nila o hindi iyon magandang ideya.
Nakaupo siya sa kama nito habang inaayos naman nito ang mga gamit sa cabinet. “My Mom looks very happy when she finally found your Mom’s account on f*******:. Kulang na lang ay magtatalon siya dahil sa tuwa.” Sabi nito habang tinitiklop ang mga damit.
Lumapit siya rito para tumulong. Nakakatuwang pagmasdan na isa itong lalaki pero maganda at maayos ito magtiklop ng damit. Malinis din ito sa sarili at hindi niya maitatangging napakabango ni Noah. Hindi na ito nakatutol ng kunin niya ang iba nitong damit at tulungang tiklupin.
“Mukhang matalik na magkaibigan nga talaga sila. Minsan ding naikukwento ni Mom ang tungkol kay Tita Haidee. Lagi nitong kinukwento kung gaano raw sila kabaliw na magkaibigan noong college sila.” Happiness glistened in her eyes. Inaabot niya rito ang bawat damit na natiklop niya na at ito naman ang nagpapatas ng maayos sa cabinet.
“Nawalan daw sila ng contact ng pumunta si Mom kasama si Dad sa Hongkong.” Saad ni Noah.
“Sa Hongkong ka pinanganak?”
“Hindi. Seven months akong pinagbubuntis ni Mom ay umuwi sila ni Dad dito sa Pilipinas. Mas gusto raw kasi nila na ito ang kagisnan kong bansa.”
Different electricity running through her body as Noah’s hands touched hers. Nang iabot niya kasi ang damit nitong tiklop na ay nagkamali ito ng hawak at kamay niya ang nahawakan nito.
“Sorry.” Paghingi nito ng paumanhin. Nginitian lamang niya ito pero ang puso niya ay gusto nang magwala. Parang nawala siya sa sarili dahil lamang sa pagdidikit ng balat nila. Dahil sa pagkataranta ay hindi niya namalayang basta niya na lamang inaabot ang mga damit nito at hindi niya alam kung ayos ang pagkakatupi niyon.
“Maribelle…” Nabalik lamang siya sa katinuan ng nahihiyang tawagin ni Noah ang pangalan niya. Tiningnan niya ito at namumula ang buo nitong mukha habang nakatingin sa kung anong hawak niya. “That’s…that’s my boxer brief.”
Naibato niya ang hawak rito dahil sa pagkabigla. Napalayo pa siya rito at ngayon ay ramdam niya ang lalong pag-init ng kanyang mukha. Paniguradong kulay kamatis na siya ngayon. Her heart nearly leaped out in her chest.
‘She held Noah’s boxer brief for Pete’s sake!’ Para sa kanya ay malaking kasalanan na iyong nagawa niya. Kahit nga boxer brief ng kapatid niyang si Lucas ay hindi pa niya nahahawakan.
“Sorry. Sorry, Noah. I… I didn’t know.” Natataranta at nauutal niyang sabi. Parang gusto na lamang niyang kainin siya ng lupa sa mga oras na iyon.
A genuine smile spread on his lips and gently tapped her shoulder. “It’s okay. It’s just a brief.”
Halip na lumuwag ang kanyang paghinga ay lalo lamang nanikip ang kanyang dibdib. Paano ay nakahawak si Noah sa balikat niya. Ilang beses na siyang naakbayan ng mga naging nobyo niya pero iba talaga ang epekto ng lalaking kaharap. Parang unti-unti nitong hinihigop ang buo niyang enerhiya hanggang maubusan siya ng lakas.
“May kukuhanin lang ako sa kwarto ko.” Hindi pa ito sumasang-ayon ay mabilis siyang lumabas sa kwarto nito tyaka nagtungo sa kanyang kwarto. Kinandado niya iyon tyaka hinayaang pagulungin ang sarili sa ibabaw ng kama. Wala na siyang pakialam kung magulo man ang ayos ng kama niya. She was screaming silently. Mahirap na at baka marinig siya sa labas.
Nagpapadyak ang kanyang paa habang yapos-yapos ang isang unan. Minsan din niyang sinisilip ang kamay na kanina lang ay gumawa ng kasalanan. She’s now pervert. Hinawakan lang naman niya ang boxer brief ng isang hunk na seminarian. Sa tuwing naaalala niya ang kahihiyang iyon ay kusang nag-iinit ang magkabila niyang pisngi. Nahihiya siya kay Noah dahil baka isipin nitong manyak siya. Ito pa lamang ang una nilang pagkikita pero nakagawa na agad siya ng kahihiyan.
Napatigil siya sa paggulong sa kanyang kama. She was staring at the ceiling and still catching her breath. Muli niyang naramdaman ang panghihinayang. Hindi niya maintindihan ang sarili pero sa tuwing magkakalapit sila ni Noah ay parang konektado sila sa isa’t isa. Parang may kung anong humihila sa kanya palapit dito. Noong makita niya ito kanina sa baba ay agad naghumarintado ang kanyang puso. Ngayon niya lamang naramdaman ang ganoong pakiramdam. Ang saklap lamang at sa isang seminarista pa.
“Is this what they called ‘love at first sight’?” Wala sa sarili niyang tanong.
Ilinagay niya ang dalawang kamay sa tapat ng puso. Mabilis pa rin ang t***k niyon. Hindi nga kaya na-inlove agad siya kay Noah sa una nilang pagkikita? Pero hindi siya ganoong klaseng babae. Hindi siya basta-basta nahuhulog sa isang lalaki. Oo, mabait ito, magalang, gwapo at may mapupulang labi na parang masarap hagkan. Nasabunutan niya ang sarili dahil sa naisip. At ngayon ay pinagnanasahan niya na ito.
Katunayan ay nagkaroon na siya ng tatlong kasintahan na lingid sa kaalaman ng kanyang magulang. But it was just a puppy love. Hindi seryoso. Dalawang linggo lamang ang pinakamatagal niyang naging karelasyon.
Marahang katok sa kanyang pintuan ang nagpabalik sa kanya sa ulirat. Nabaling ang paningin niya roon pero nanatili parin siyang nakahiga.
“Maribelle, are you alright? Is there something wrong?” Worried was hinting on Noah’s voice.
Dali-dali siyang tumayo sa kama at inayos ito. Binaba niya rin ang sundress na suot niya na medyo tumaas dahil sa pagkakagulong niya sa kama. Hinagip niya ang suklay at pasimpleng sinuklayan ang magulo niyang buhok. Nang buksan niya ang pinto ay humarap siya rito na parang walang nangyare; na parang hindi siya nag-histerya kanina.
“Ah…hinahanap ko kasi ang phone ko kaya medyo natagalan ako.” Palusot niya rito. Buti na lamang at nakaisip agad siya ng idadahilan.
“Nahanap mo ba?” Tanong nito.
Nanatili silang nasa hamba ng pintuan kahit malaki ang pagkakawang ng pinto. Linibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Saan nga ba niya pinatong ang phone niya? “O..oo, nasa ibabaw ng study table ko.” She sighed in relief when she saw her phone there. Tumungo siya roon at kinuha iyon. “Come in.” Anyaya niya rito pero bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan.
“Ayos lang ako rito.” Nahihiya at nag-aalinlangan pa nitong sabi.
Ang kaninang nagwawala niyang puso ay unti-unting lumambot at nagsisimulang matunaw. May kung anong kiliti ang namutawi sa bandang kaliwa niyang dibdib. He’s a gentleman. Hindi ito katulad ng ibang lalaki na walang pakundangan. Kung ibang lalaki siguro iyon ay nakapasok na sa kwarto niya kahit hindi pa niya inaanyayahan.