Third Person's Point of View
A sincere smile furrowed. “Kung gusto mo ay ito-tour kita sa buong subdivision pagkatapos ng tanghalian.”
Sumang-ayon ito sa kanyang sinabi. Nagtungo sila sa balkonahe at nanatiling naroon parin ang kaniyang ina at Tita Haidee. Mukhang hindi nagsasawa sa kwentuhan ang mga ito. Umupo sila sa dati nilang inupuan kanina.
“Tinulungan mo ba si Noah na ayusin ang mga gamit niya?” Iyon ang bungad sa kanya ng ina.
Hindi naiwasang mamula ng magkabila niyang pisngi ng maalala niya ang nangyare sa kwarto nito. “Yes, Mom. Nailagay na rin namin ang gamit ni Tita sa guestroom na gagamitin niya.”
Tita Haidee smiled at her. “Thank you, Maribelle.”
She smiled back. “Anytime, Tita.”
“You’re twenty years old, right?” Tita Haidee asked. She nodded. “Ka-edad mo ang bunso kong anak.”
“Bakit nga pala hindi mo kasama ang asawa mo at ang isa mo pang anak?” Her mom asked curiously. Sa tagal nilang iniwan ang dalawa roon ay hindi nagawang itanong ng ina niya iyon?
“Ben has a business trip to Thailand. Next week pa ang balik niya para dumalo sa pagbibinyag kay Noah bilang isang ganap na pari. Si Bram naman ay tine-train ngayon sa kompanya para alam na nito ang gagawin kapag ito na ang nag-handle ng kompanya. Hahabol na lamang daw siya rito.” Ininom nito ang huling laman ng lemon juice sa baso nito.
“Bakit naisipan mong magluto ng pagkain para sa tanghalian, Maribelle?” Tanong ng kanyang ina.
“Tuturuan ko pong magluto si Noah.” Masigla niyang sagot.
Kumawala ang halakhak sa labi ni Tita Haidee at pagkatapos ay tumingin sa anak. “Wala ka naman sigurong plano na sunugin ang kusina ng Tita Trish mo?” Pinigil nito ang pagtawa pero may halakhak pa rin na kumawala sa labi nito.
“Muntikan na po bang masunog ni Noah ang kusina niyo noon?” Tanong niya rito na may naaaliw na ngiti. Kita niya ang paghimas ni Noah sa leeg nito at namumula na ang mukha nito.
“Noong nakaraang taon, hindi niya sinabi na uuwi siya sa bahay namin sa Palawan. Nagkataong wala ako roon dahil sinamahan ko ang kapatid ko na bumili ng lupa malapit sa amin. Naisipan ni Noah na magluto para pagdating ko ay may nakahandang pagkain.” Noah pouted as her mom tells the story of his. “Pero halip na pagkain ang datnan ko ay makapal na usok sa kusina ang sumalubong sa`kin.”
“The stove wasn't working properly the reason why it created a fire.” He explained.
“Nagkalat ang basag na mga bowl at pinggan sa sahig at mga natapon na sangkap.” Napailing-iling si Tita Haidee.
“Mabuti na lang hindi nasunog ng tuluyan ang buong bahay niyo.” Sinabayan ng kanyang ina ang pagtawa ni Tita Haidee. Nang tingnan niya si Noah ay iniwas nito ang paningin sa kanya. Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mukha nito. Napangiti naman siya dahil sa reaksyon nito.
“Ihahanda ko na ang fire distinguisher bago tayo magluto.” She let out a short laugh. Lalong nakulot ang mukha nito.
“O siya, magluto na kayo ngayon at tatawagan ko na rin si Charles at si Lucas.” Sabi ng kanyang ina pagkatapos nitong tumawa.
Tumayo na sila ni Noah at nagtungo sila sa kusina. Inihanda niya na rin ang mga sangkap na gagamitin. Inabot niya rito ang kulay asul na apron na minsang ginagamit ng kanyang ama sa tuwing nagluluto ito. Suot naman niya ang kulay pink na apron kung saan nakaburda ang kanyang pangalan sa kaliwang bahagi nito. Tinali niya ang kanyang buhok para hindi ito maging sagabal sa kanilang pagluluto.
“Gayatin mo ang sibuyas at bawang ng ganito kaliit.” Ipinakita niya rito ang tamang paggagayat. Naka-pokus ang mga mata ni Noah sa kanyang ginagawa. Mukhang desidido talaga itong matuto. Inabot niya rito ang kutsilyo. “Gawin mo na.”
Kita niya ang pagbuntong hininga nito tyaka maingat na ginayat ang mga sibuyas at bawang. “Ganito ba?” Nag-aalinlangan nitong tanong. Tumango siya at pinagpatuloy nito ang paggagayat. Nanginginig ang kamay nito kaya labis ang pag-aalala niya na baka mahiwa nito ang sariling kamay.
“H’wag kang kabahan.” A small laugh escaped her lips. Nang hindi niya pinag-iisipan, hinawakan niya ang kamay ni Noah na may hawak na kutsilyo at iginiya ito sa tamang paggagayat. Malambot ang kamay ni Noah. Ang init ng kanyang palad ay nagtugma sa init ng kamay nito. Nang lingunin niya ang lalaki ay sa kanya ito nakatingin. Nabitawan niya ang kamay nito at bahagyang umisod palayo rito. “H`wag mong hayaang mahiwa ang daliri mo.”
Ilang segundong nakatingin sa kanya si Noah bago ito nagpatuloy sa paggagayat. Nakamasid lamang siya rito kahit na namumula na ang magkabila niyang pisngi. Ano na namang iyong ginawa niya?
Nang matapos itong maggayat ay pinainit niya na ang kawaling kanilang paglulutuan. Binigay niya kay Noah ang sandok. “Una mo munang ilagay ang mantika.” May tamang sukat na ang bawat sangkap na kanilang gagamitin kaya ang tanging gagawin na lamang nito ay ilagay iyon sa kawali. Sinunod ni Noah ang sinabi niya.
“Ilalagay ko na ba ang sibuyas at bawang?”
“Kung sa tingin mo ay mainit na ang mantika, pwede mo nang ilagay.” Tiningnan niya si Noah na pursigidong-pursigido sa kanilang ginagawa. She leaned her chin on her palm. Marunong ka naman sigurong magsaing ng kanin?” A mortify smile spread on Noah’s lips as he scratched his neck. Mukhang alam niya na ang ibig sabihin ng ngiting iyon. “H`wag mong sabihing nasunog mo rin ang rice cooker ni Tita Haidee?” She grinned.
“Muntik na.” Maging ito ay natawa sa sarili. Inilagay na ni Noah ang sibuyas at bawang sa kawali. Napalayo ito nang matalsikan ito ng mantika sa mukha. Agad niya itong linapitan dahil namula ang pisngi nito.
“Ayos ka lang ba?” Nag-aalala niyang tanong.
Nginitian siya nito tyaka pinagpatuloy ang paghahalo sa linuluto. “Parte ng pagkatuto ang masaktan.” Nang lingunin siya nito ay nakatitig lamang siya sa maamo nitong mukha. “Anong sunod kong ilalagay?”
“Iyong manok naman ang ilagay mo, pagkatapos ay lagyan mo nang tubig at coke.” Paliwanag niya rito. “Kung sa tingin mo ay malambot na ang manok, ilagay mo na ang Mang Thomas, ketchup, toyo at budburan mo ng paminta.” Nagtungo siya sa refrigerator para kumuha ng malamig na tubig. Pakiramdam niya kasi ay nanuyo ang kanyang lalamunan habang pinagmamasdan si Noah.
“Sa Book Recipe na binasa ko noon ay walang Mang Thomas at Coke ang Adobo.” Nagtataka nitong sabi.
“Iyan ang sikreto ni Lola. Itinuro niya iyan sa`kin bago siya pumanaw.” Ang Lola Beth niya ay ina nang kanyang ama. Wala na siyang Lola at Lolo na nabubuhay dahil maagang pumanaw ang mga ito.
“Sorry to hear that.” Noah apologized.
“That’s okay. It’s been a long time since they died.” A genuine smile furrowed on her lips. Hindi na siya nangungulila sa pagkawala ng mga ito dahil alam niyang nasa maganda nang kalagayan ang mga ito. “Close ka rin ba sa Lola at Lolo mo?”
Ilang segundong natahimik si Noah. “Sana.” Bumakas ang lungkot sa mga mata nito. “Wala na rin ang Lola ko at ang Lolo ko naman ay sa Europe nakatira.”
“Hindi ba siya umuuwi sa Pilipinas o kaya ay dinadalaw niyo siya sa Europe?” Puno ng kuryosidad niyang tanong.
“Marami siyang pinagkakaabalahan doon kaya wala siyang oras para bumisita sa Pilipinas, minsan ay pumupunta kami roon kapag may mahalagang okasyon.” Tipid na ngiti ang nakaukit sa labi ni Noah. “Pero minsan ay pumupunta siya rito kapag may mahalagang bagay na dapat niyang asikasuhin.”
“Kahit ganoon ay pamilya mo pa rin siya. Parte pa rin siya ng buhay mo.”
His face turns somber. “Konektado sa kanya ang buhay ko.” Akma niyang itatanong kung anong ibig sabihin ni Noah sa sinabi nito pero binaling na nito ang atensyon sa pagluluto. “Mukhang malambot na ito. Ilalagay ko na ang huling sangkap.” Pag-iiba nito sa usapan nila.
Hindi na siya nagtanong pa. Mukhang ayaw na nitong pag-usapan ang tungkol sa lolo nito. Naghintay sila nang ilang minuto bago tuluyang naluto ang Adobong Manok. Si Noah ang unang tumikim at ilang segundo itong natulala. Akala niya ay hindi maganda ang kinalabasang lasa ng linuto nila pero umukit ang malaking ngiting iyon ni Noah.
Hindi niya napigilan ang ngiting umukit din sa kanyang labi. Hindi niya pagsasawaang titigan ang gwapong mukha ni Noah. Lalo na ang pag-arko ng dalawang gilid ng mapupula nitong labi. He’s the man she wants to be with all the time. Masarap itong kausap at ramdam pa rin niya ang respeto nito. Sayang lang dahil magpapari ito. Sana lang ay makahanap siya ng lalaking katulad na katulad ni Noah.
“Gusto mo bang tikman?” Tanong nito. Hinipan nito ang kutsara na may lamang sabaw para maibsan ang init pagkatapos ay inaro nito iyon sa tapat ng kanyang bibig. She bit her lower lips when Noah insisted her to taste it. Binuka niya ang kanyang bibig at maingat na sinubo ni Noah ang kutsara sa kanya.