Third Person's Point of View
NANLAKI ang mata niya nang tumambad sa kanyang harapan ang Red Lamborghini na pagmamay-ari ni Noah. Binuksan nito ang pinto ng passenger’s seat at umupo naman siya roon. Umikot ito sa kabilang bahagi ng kotse at umupo sa driver’s seat. Maingat itong nagmaneho. Batid niya ang halaga ng kotseng sinasakyan niya ngayon. Nagmamay-ari ng kompanya ang pamilya ni Noah kaya hindi na rin nakakapagtaka na nagmamay-ari ito ng ganoong klaseng sasakyan.
Nang makarating sila roon ay batid niya ang malalagkit na tingin ng kababaihan sa lalaking kasama niya. Liningon niya si Noah at inosente lamang itong naglalakad kasabay niya. Tumaas ang kilay niya nang may grupo ng babae na humarang sa kanilang daraanan habang nagtutulakan ang mga ito.
“Excuse me, can I take a picture with you?” A teenage girl timidly asked. Hindi lang iyon ang naglakas loob na lumapit kay Noah. Ngayon ay pinalilibutan na ito ng iba’t ibang babae.
Inosenteng tumingin sa kanya si Noah. Mukhang hindi nito alam ang gagawin. Nag-init ang kanyang ulo ng may isang babaeng humawak sa braso ni Noah at dinikit ang sarili sa lalaki. Doon na siya lumapit sa lalaki at hinigit ang kamay nito.
“Sorry girls but he’s not available.” She raised her eyebrow when they were about to complain. Mabilis silang pumasok sa supermarket.
Noah took a deep breath. “Thank you, Maribelle.” Pangalawang beses niya ng narinig iyon sa lalaki. Hindi siya magsasawang tulungan ito at isa pa siya rin naman ang nakinabang sa pagtulong dito. Walang babae ang nakapagpa-picture rito.
“For sure, hindi iyon ang kauna-unahang linapitan ka ng mga babae para magpa-picture sa’yo.” A bitter smile spread on her lips.
“Hindi ko alam ang gagawin kapag may lumalapit sa akin. Pakiramdam ko kasi ay nakakabastos kapag tinanggihan ko sila.” Inosente nitong sabi.
“Kaya hinahayaan mong harass-in kanila?” Bigla ay nag-init ang kanyang ulo sa narinig.
“It’s not like that. They just want a picture with me.” Noah scratched her neck and his cheeks reddened.
Hindi na siya umimik pa. Nagtungo sila sa Chicken section. `Yong gayat na ang kinuha niya para hindi na sila mahirapang maggayat. Nang mapalagyan niya ng price ang manok na kanyang kinuha ay nagtungo sila sa Seasoning section. Ito ang nagtutulak sa cart habang siya naman ang kumukuha ng mga sangkap na kanilang gagamitin.
“Kapag ba may nagpapa-picture sayo na lalaki ay tinatanggihan mo?” Napatigil siya sa paglalakad dahil sa tanong na iyon ni Noah.
“Oo, hindi naman ako artista para kuhanan ng picture.” Nakangiti niyang saad.
“But you’re beautiful, that’s why.”
Ramdam niya ang pag-init ng kanyang pisngi at ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Nanuyo ang kanyang lalamunan at hindi mawari kung anong akmang salitang dapat sabihin. Kung ganoon ay nagagandahan sa kaniya si Noah? Bigla niyang nasapo ang kanyang dibdib, nangangambang baka tumalon ang kanyang puso dahil sa bilis ng pagpintig nito. Nakatalikod siya kay Noah kaya hindi nito kita ang reaksyon niya.
“Maribelle?” Nagtatakang tanong nito. Hinarap niya ito na parang walang nangyari.
“Sa Beverage Section naman tayo pumunta.”
Habang naglalakad sila patungo roon ay hindi pa rin maiwasan ng ilan na sumulyap kay Noah. Talaga namang nakakaagaw pansin ang kagwapuhan ni Noah. Nakasuot pa ito ng navy polo shirt, brown jeans, at white shoes. He tucks in his polo shirt that’s why his big butt was exposed. Bakat na bakat din ang muscles nito sa braso at lutang na lutang ang kaputian nito.
Tumingkayad siya para kunin ang 1.5 Coca-Cola pero kahit anong tiyad niya ay hindi niya iyon maabot. Batid niyang pinagkaitan siya sa height. Nakailang talon na siya pero hindi niya maabot iyon. She heard someone giggled and she stunned for a moment when she felt someone standing behind her. It must be so close to her because she can feel his breathing. Isang kamay ang umabot sa Coca-Cola na hindi niya maabot-abot. Humarap siya rito para sana magpasalamat pero agad niyang pinagsisihan ang kanyang padalos-dalos na kilos. They’re just inches away from each other now. She can feel his breathing on her lips and it gives unknown feelings.
Noah stepped back and looked away. A silence ensued but she tried to lighten up the atmosphere between them. She felt her cheeks reddened and she hid it from him.
“Let’s go to the counter area.” Nanguna siyang maglakad. Ramdam niyang nakasunod sa kanya si Noah. Hindi ganoon kahaba ang pila kaya pina-punch na ngayon ang pinamili nila. Kung hindi niya lang napigilan ang sarili ay tinarayan niya na ang cashier na sulyap nang sulyap kay Noah habang pina-punch ang pinamili nila.
“2,050 pesos po.” Sabi ng cashier na ngayon ay malagkit ang tingin kay Noah.
Akma niya nang iaabot ang credit card niya pero marahang tinulak ng isang kamay mula sa kanyang likuran ang kanyang kamay at credit card nito ang inabot sa cashier. Napatingin naman siya kay Noah na sumilay ang ngiti nang sulyapan niya ito.
“Ako na ang magbabayad.” Saad nito. Wala na siyang nagawa nang credit card nito ang kinuha ng cashier.
Sa kusina sila dumeretso nang makarating sila sa bahay nila. Isang oras pa bago sumapit ang oras para mananghalian. Napagdesisyunan niyang tulungan itong ayusin ang mga gamit nito gaya na rin ng utos sa kanya ng ina niya.