ISANG buwan pa ang matuling lumipas at nagpatuloy ang patagong relasyon nina Jheann at Jared. Ni isa man sa kaniyang pamilya ay walang nakakaalam. Bagaman at napapansin ng dalaga na parang nagtataka na ang kaniyang mga ate, lalo na si Mama Salud, kung bakit palagi na siya ginagabi sa uwi. Hindi na rin siya madalas sumasama sa lakad nilang magpamilya. Madalas kasi ay mas pinipili ni Jheann na makasama si Jared. Pakiramdam niya ay kulang ang bawat sandali na hindi niya ito kasama. At aminin man niya o hindi sa kaniyang sarili ay sa binata na umiikot ang mundo niya. Wala nang makapipigil pa sa kaniyang damdamin. Kahit pa ang sariling pamilya. Kung ano man ang mangyari, handa si Jheann na ipaglaban ang pagmamahalan nilang dalawa. Tumigil sa paglangoy si Jheann nang mapatingin siya kay Jar