PARANG mabaliw na si Jared habang sinusuyod niya ang bawat sulok ng resort kung saan nagpunta si Jheann. Lahat ng magagandang view na puwedeng puntahan nito para mag-selfie ay inisa-isa na niya. Pero kahit saang sulok man ng resort ay wala talaga ang nobya. Hindi naman niya masabing iniwan siya nito dahil lahat ng gamit nito ay naroon. At naniniwala ang kaniyang puso na hindi siya nito basta iiwan. Naniniwala siya sa mga sinabi nito kanina. Nakadagdag sa kabang nararamdaman ni Jared ang paulit-ulit niyang pagtawag sa cellphone number ni Jheann ngunit hindi niya makontak. Samantalang sa pagkakatanda niya ay hindi naman ito lowbat. Hindi rin ito basta-basta magpapatay ng cellphone. Hindi kaya pinasok ng magnanakaw o masamang loob ang resort at kinuha si Jheann? Ipinilig ni Jared ang k