SA tantiya ni Jared ay mahigit dalawang buwan na siyang nakakulong sa tunnel. Pero hinddi pa rin siya nawawalan ng pag-asang makalabas pa roon ng buhay kahit pa gusto na ng katawan niya. Iisang biscuit at kakaunting tubig na lang ang natitira sa pagkain niya na pilit niyang tinitipid para lang may mailaman sa kaniyang sikmura. Mabuti na lang at iniwan nina A na nakabukas ang mga ilaw. Kahit hindi na niya naranasan ang gabi dahil puting liwanag lang ang nakikita niya ay okay na iyon sa binata. Kahit papaano, sa pamamagitan niyon ay nabibigyan siya ng pag-asa. Pag-asa na muling makasama si Jheann at makabalik sa kaniyang serbisyo para ipagpatuloy ang paglutas sa kaso ni Mustules. Nanghihinang napasandal sa pader si Jared pagkatapos niyang mapagod sa kasusubok na basagin ang steel door n