Chapter 46

3143 Words

"ANG guwapong nilalang naman nitong kasama mo, Sir Castro. Bagong salta yata siya dito sa Maynila," narinig ni Jared na sabi ng tindera sa karinderya na kinakainan nila ng ka-partner niya sa trabaho rito sa Maynila na si PO2 Juan Castro. Nasa labas sila ng palengke. Bukod dito ay may apat pa siyang kasamahan na pawang pulis Maynila para sa kaniyang misyon dito. "Siya ho si Kapitan Salvador, Aling Poncia. Siya ang pinakamatinik na pulis sa Iloilo," pagmamalaki nito. "Kaya naman pala, eh. Kasi basta Ilonggo, guwapo," pabirong saad ng tindera na ikinangiti lang ni Jared. Ginaya pa nito ang accent nilang mga taga-Iloilo. Halos dalawang linggo na rin siya rito sa Maynila. Narito siya para pabagsakin ang isa sa pinakamalaking sindikato ng droga sa Iloilo pero dito nakabase sa Maynila, ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD