"NAGSISISI ka na ba sa naging desisyon mo?" tanong ni Jared kay Jheann nang puntahan siya nito sa terrace kung saan ay nagpapahangin siya at ninanamnam ang malamig na gabi. Pangalawang gabi na nila sa bahay ni Jared. Pupunta sana sila kina Kuya Alex. Kaso maghapon namang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi sila makalabas kaya maghapon na lang din silang nagpakalunod sa piling ng isa't isa. "Hmmm, love?" untag sa kaniya ng nobyo nang hindi pa rin siya sumasagot. "Hinding-hindi iyon mangyayari. " Nag-angat ng tingin si Jheann para harapin si Jared. May ngiting nakahanda sa mga labi niya. "Eh, ikaw?" Yumakap ito sa kanya habang pareho silang nakatingin sa isa't isa. "Kung may pinagsisisihan man ako, iyon ay ang hindi ako nakapag-propose nang maayos sa'yo. Ni wala akong naibigay na singsing