"WELCOME back, City of Love!" masayang bulalas ni Jheann nang makababa sila sa eroplano ni Jared. "I am Jheann Estopa of Binondo, twenty-three years old, ang future wife ni Jared Salvador. And I, thank you!" wika pa ng dalaga at ikinangiti niya pagkatapos. Kahit si Jared ay todo-ngiti rin at parang kinikilig na hinahayaan lang siya sa trip niya. Tandang-tanda pa kasi niya ang araw ng unang pagbabalik niya noon sa Iloilo. "Future wife ni Bernard Ledesma" pa ang pakilala niya noon sa sarili. Sino ang mag-aakala na babalik siya roon at magiging asawa na ng kapatid nito? Iba talaga kung magbiro ang tadhana. Ibibigay sa iyo ang isang bagay na kahit sa hinagap ay hindi mo akalaing mangyayari. "Jheann? Jheann?" Napakurap-kurap siya at saka napabaling kay Jared na noon ay nakatayo sa likuran