Chapter 61

1243 Words

"WALA naman akong tutol sa inyong dalawa. Nakikita ko naman kung gaano n'yo kamahal ang isa't isa," sinserong sabi ni Tita Luisa nang kinabukasan ay pinuntahan nila ito ni Jared para ipaalam ang kanilang plano. "At isa pa ay nasa tamang edad na kayo. Hindi na kayo mga bata pa para kailangan ng permiso kapag ikinasal." "Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang ginawa sa inyo ni Salud. Hindi pa niya kasi kilala si Kapitan, eh. Baka malula siya kapag nalaman niya ang totoo," sabi naman ni Tito Dante. Kumunot ang noo ni Jheann. "Malulula ho saan?" Napansin niya ang makahulugang tinginan ng tatlo. Pero hindi niya kayang basahin ang pananahimik ng mga ito. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito na puno ng katanungan ang mga mata. Si Jared ang unang hindi nakatiis na balingan

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD