NANLAKI ang mga mata ni Jared pagkatapos niyang mabasa ang text ni Alex. Nakiusap ito na kung puwede raw ay sa bahay niya na muna magpalipas ng gabi si Jheann. May nakalimutan daw kasi si Karen sa pinuntahan ng mga ito kanina at kailangang balikan. Wala rin daw sa bahay ang mga magulang nito para tumanggap sa pinsan.
Pagkatapos iyong sabihin ay hindi na nagparamdam si Alex. Pa-lowbat na raw kasi ito kanina kaya baka tuluyan nang namatay ang cellphone.
Walang nagawa si Jared kundi ang mapabuntong-hininga na lang. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Ang problema na lang niya ay kung paano pakisamahan si Jheann. First time niyang magpatuloy ng babae sa bahay niya tapos kasingganda pa nito.
Itinabi ni Jared ang cellphone sa bag niya at binalingan ang dalaga. Natigilan siya nang makitang tulog na tulog pa rin ito. Nagkaraoon tuloy siya ng pagkakataon para mapagmasdan ang kabuuan nito.
Matangkad ito kumpara sa mga karaniwang babae. Sa tingin niya ay nasa five feet and seven inches ang heigt ni Jheann. Kaya pansinin ito. Bukod siyempre sa pagkakaroon nito ng sexy figure. Idagdag pa na maputi ito at kulay-blonde ang buhok. May magagandang pares ng kilay na animo'y obra ng isang magaling na pintor. Bumagay iyon sa matangos nitong ilong.
But what caught Jared's attention is her blue eyes with long and thick eyelashes.
May lahing foreigner kaya siya?
Napakurap-kurap si Jared nang aksidenteng dumako ang mga mata niya sa dibdib ni Jheann na kanina pa niya napapansing malulusog. Hindi siya manyakis at hangga't maaari ay iniiwasan niyang tumingin sa maseselang parte ng katawan ng mga babae. Ayaw kasi niyang katakutan siya ng mga ito at mabigyan pa ng bad impression ang pagiging pulis niya.
Pero itong sa babaeng katabi niya ngayon ay talagang mahirap balewalain. Kahit iniwasan mo na ng tingin ay siguradong babalik-balikan mo pa rin.
Perfect and beautiful. And that scenery was hot enough to make his pants tighten as he felt himself grow and hardened.
Ipinilig ni Jared ang kaniyang ulo at inalis doon ang tingin. Nakokonsensiya siya na pinagnanasaan niya ng tingin ang babaeng walang kamalay-malay. Tapos pinsan pa ng best friend niya.
Sa kaiiwas ni Jared sa dibdib ni Jheann ay nakarating ang mga mata niya sa tiyan nitong nakalantad dahil sa suot na crop top. Pakiramdam niya ay kinapos siya ng hininga nang makita niya kung gaano iyon kakinis at kaputi. Lalo lang niyang naramdaman ang paninigas sa loob ng kaniyang pantalon.
Mabuti na lang at mabilis niyang nalabanan ang sarili na haplusin iyon.
Inaliw na lang niya ang sarili nang makitang nakabukaka pala ito habang natutulog. Dinaig pa ang lalaking tulad niya. Mabuti na lang at nakasuot ito ng skinny jeans. Lalong na-amused si Jared sa dalaga nang marinig ang paghilik nito. Nakabuka ang bibig at may laway pang tumutulo sa gilid ng mga labi nito. Tapos sabog-sabog pa ang buhok nito.
Ngunit kahit ganoon, hindi siya nakaramdam ng kahit kaunting pagka-turn off kay Jheann. He found her cute instead.
Kahit ang mga suot nitong pekeng alahas ay nakapagpaaliw pa kay Jared. Para itong bagets na kikay. Pati na rin ang mga imitation nitong gamit ay nagpangiti sa binata. Kung iba ang titingin kay Jheann, iisipin na trying hard rich kid ito. But for him, this woman is without a doubt amusing.
And it seems he started to like her.
Basta huwag lang itong magsalita o kumilos na makapagpapainit na naman sa bumbunan niya.
"Jhean..." mahinang tawag ni Jared sa pangalan ng dalaga. "Gising..."
Hindi ito nagigising kahit anong tawag niya. Niyugyog na niya ito sa balikat at tinapik-tapik sa pisngi pero humihilik pa rin. Para pala itong mantika kung matulog. At siguradong aabutin siya ng umaga kung hihintayin pa niya itong magising.
Dahil pagod na rin ang katawan at gusto nang magpahinga kaya napilitan si Jared na buhatin na lang ang dalaga. Kahit nasa bisig na niya ito ay mahimbing pa rin.
Iniwasan na lang niya ang tumingin sa mga labi nitong tila nang-aakit. Bago pa siya magkasala kay Alex at sa pagiging pulis.
NAGISING si Jheann sa pakiramdam na tila dinuduyan siya. Kanina pa niya naramdaman ang matipunong braso na bumuhat sa kaniya. Gusto niyang dumilat pero hindi niya magawa dahil sa sobrang pagod at antok. Pero nang maramdaman ng dalaga na tumutulo na naman ang laway niya ay pinilit na niya ang sarili na magising. Nakakahiya sa kung sino mang bumubuhat sa kaniya.
At nang ibuka ni Jheann ang kaniyang mga mata ay agad iyong namilog nang tingalain niya ang nagmamay-ari ng mga brasong dumuduyan sa kaniya.
Jared?!
Mabilis siyang nagbaba ng tingin at mas nanlaki ang mga mata niya nang makitang basang-basa ng kaniyang laway ang puting T-shirt nito. Sa isip niya ay nataranta si Jheann. Hiyang-hiya siya. Hind niya alam kung ano ang dapat na gawin para patuyuin iyon bago pa mapansin ni Jared.
Sipsipin ko kaya? O bugahan ng hininga kong amoy-panis hanggang sa matuyo? O kaya ay magpanggap akong umiiyak para isipin ni Jared na luha ko lang iyon?
Dahil walang maisip na solusyon si Jheann kaya nagtulog-tulugan na lang siya uli. Pumikit siya at hindi sinasadyang dumikit ang ilong niya sa basang T-shirt ng binata. Pero hindi ang amoy-panis niyang laway ang kaniyang nasinghot. She could smell his clean male scent. At sapat na iyon para biglang magtayuan ang mga balahibo niya.
Naramdaman niyang isiniksik pa siya ni Jared sa katawan nito. Daig pa tuloy ng puso niya ang nakipagkarerahan. At sa takot na baka atakehin na talaga siya kapag tumagal pa iyon ay dumilat na si Jheann.
"Ibaba mo na ako, please..." usal niya sa namamaos na tinig.
Nagulat si Jared nang makitang gising na siya pero agad ding nakabawi. "Sure..." Dahan-dahan siya nitong ibinaba sa lupa.
Dahil inaantok-antok pa kaya muntik nang mabuwal si Jheann. Maagap naman siyang naalalayan ng braso ni Jared. Napakislot siya sa init na nagmumula sa palad nito na dumantay sa likod niyang nakalantad dahil sa suot niya.
"Salamat." Pasimple siyang lumayo rito dahil pakiramdam niya ay biglang sumikip ang mundo niya. Patay-malisyang iginala na lang n Jheann sa paligid ang mga mata niya. Napakunot-noo siya nang maalalang hindi yata iyon ang bahay ng Kuya Alex niya. "Ito na ba 'yon? O nasa ibang bahay tayo?"
Mas lamang ang tanong na iyon para sa kaniyang sarili. Hindi kasi siya sigurado kung ang bungalow house na iyon ba ang tinirhan niya ng isang taon dati. Sobrang tagal na rin kasi at baka marami na ang nagbago.
"Bahay ko ito," kaswal na saad ni Jared. Nakamasid lang ito sa pagtataka ni Jheann.
"Ha? Nandito tayo sa bahay mo? Unang pagkikita pa nga lang natin ay tinanan mo na agad ako."
"Loka-loka!" malakas na sabi ni Jared, sabay tampal sa noo niya. "Nag-text sa'kin ang Kuya Alex mo na dito ka raw muna makitulog sa'kin at walang tao sa bahay nila. Hindi pa raw sila makakauwi, eh."
Ngumisi si Jheann at nag-peace sign na naman. "Siyempre, joke lang 'yon. Alam ko naman na hindi mo ako gagawan nang masama dahil siguradong abugbog ka sa Kuya Alex ko."
"Mahaba naman ang pasensiya ko. Pero depende pa rin iyon sa taong kaharap ko," pasaring ni Jared at sabay tingin sa mga labi ni Jheann.
Mukhang tinutukoy nito ang kadaldalan niya kaya itinikom niya ang bibig at kunwaring i-z-in-ipper iyon.
"Pumasok ka na at ako na ang bahalang magdala ng mga gamit mo," anito at iminuwestra ang kamay para ituro ang maliit na terrace.
Habang naglalakad ay hindi napigilan ni Jheann ang lihim na mapahanga dahil sa kalinisang nakikita niya sa paligid.
Mukhang masinop at malinis sa bahay ang kasama niya rito sa bahay.
"Mag-isa lang ako rito," biglang sabi ni Jared na kumontra sa iniisip niya. "Pero 'wag kang mag-alala at dalawa naman ang kuwarto."
Napatitig si Jheann sa likod ng binata nang lagpasan siya nito para buksan ang pintuan. Parang sinilaban ang kaniyang pakiramdam sa nalamang dadalawa lang sila ang naroon nang mga oras na iyon.
"Natatakot ka ba?" baling sa kaniya ni Jared at nahuling nakatulala siya.
Napakisap ang dalaga. Noon lang niya napansin na nabuksan na pala nito ang pintuan. "N-natatakot? Saan?"
"Na dadalawa lang tayo rito," sagot nito na nagpakunot sa noo niya.
"Bakit? Nangangain ka ba ng tao?"
Natawa ito nang marahan. "Hindi. Pero depende sa kasama ko."
"Eh, ikaw? Hindi ka ba natatakot na kasama ako?" ganti ni Jheann.
Noo naman ngayon ni Jared ang kumunot. "Bakit? Nangangain ka rin ba depende sa kasama mo?"
Umiling ang dalaga. "Hindi. Pero nagiging dalawa ang katawan ko tuwing alas dose ng gabi. Kaya maghanda ka na ng bawang at asin."
Napamata sa kaniya si Jared. Tinawanan lang niya ito bago nilagpasan at dire-diretso na sa loob. Tahimik na namang napahanga si Jheann. Dahil kung gaano kalinis at kaayos sa labas ay sobra pa niyon ang loob ng bahay.
Abala siya sa pagmamasid sa paligid kaya hindi niya namalayan ang paglapit ni Jared sa likuran niya. Napaigtad ang dalaga nang bigla na lang nitong hapitin ang baywang niya at binulungan siya sa tainga.
"Okay lang sa'kin ang maging manananggal ka. Basta sa'kin mo iwan itong kalahating katawan mo," malisyoso nitong bulong at pinisil pa ang baywang niya.
Siya naman ngayon ang natigilan.
Parang sinisilaban si Jheann sa pagkakalapit nilang iyon ni Jared kaya agad siyang lumayo rito. Narinig naman niyang tinawanan lang siya nito.
ISANG katamtamang laki pero maayos at malinis na kuwarto ang pinagdalhan sa kaniya ni Jared.
"Dati itong kuwarto ng Mama ko at ginagamit pa rin naman niya kapag umuuwi siya rito," pagkukuwento ni Jared habang hila-hila papasok doon ang maleta ni Jheann. Gusto sana niyang itanong kung nasaan ang ina nito. Pero baka isipin pa na chismosa siya. "Kompleto na ito sa bagong gamit dahil nilalagyan talaga ni Mama para sa pag-uwi niya. May bagong towel, toothbrush, sabon, at kung ano-ano pa. Malinis na rin iyang kama. Basta feel free to use them."
Nakatitig lang si Jheann kay Jared habang tuloy-tuloy ito sa pagsasalita. Bakit parang habang tumatagal ay nagiging kamukha na ito ni Bernard Ledesma?
Tumigil sa pagsasalita si Jared nang mapansin ang pagtitig niya. "May tanong ka pa ba? O kailangan?"
Nahihiyang nagbawi ng tingin ang dalaga. "Wala naman."
"Kung gano'n, magpahinga ka na at ituloy mo na ang pagtulog mo." Humakbang ito papunta sa pintuan. "Katabi lang nito ang kuwarto ko. 'Wag kang mahiyang katukin ako 'pag may kailangan ka."
"Salamat." Ngumiti siya sa binata. Mabait pala ito at hospitable. Mas naging guwapo pa tuloy ito sa paningin niya. "Salamat din sa pagsundo sa'kin sa airport. Basta. Thank you sa araw na ito."
Nginitian lang siya ni Jared. Hinawakan nito ang doorknob at akmang isasara na iyon nang gumana na naman ang kapilyahan ni Jheann.
"May tanong pala ako. Okay lang ba na mawarak itong bubong mo?"
"Ha? Bakit?" nagtataka nitong tanong.
"'Di ba nga magta-transform na ako mamayang alas dose?"
Awtomatikong napabitaw sa doorknob ang kamay ng binata at pinanlakihan siya ng mga mata. Natawa si Jheann sa naging reaksiyon ni Jared.
"Itulog mo lang 'yan." Napailing na lang ito. Halatang suko na sa kakulitan niya.
Pero humirit pa siya. "Last question--"
"Last question pa at ikaw ang mawawarak sa'kin." Isang makahulugang tingin ang ipinukol sa kaniya ni Jared bago isinara ang pinto. Ngunit sigurado si Jheann na nahuli niya itong pinasadahan ng tingin ang katawan niya bago tuluyang umalis.
Naiwan siyang tameme at nanlalambot ang mga tuhod. Siya ang nadale ng sariling biro niya.