Chapter 5

1434 Words
Busog na busog si Jheann nang bumalik sila sa sasakyan ni Jared. Sa sobrang kabusugan ay sumakit ang tiyan niya. Nararamdaman niyang mauutot na siya pero hindi na siya puwedeng bumaba dahil paalis na sila. Mabuti na lang at sumabay ang pagsabog niyon sa pag-andar ng makina ng sasakyan. Napatingin si Jheann kay Jared. Kakaiba kung tingnan siya nito ngayon. Narinig kaya niya ang utot ko? O naamoy? Hindi naman siguro. Eh 'di sana, napatakip na siya ng ilong. "Bakit mo ako tinitingnan nang ganiyan?" tanong niya rito para makasiguro, at dumepensa. "Bakit, masama na ba ngayon ang tumingin?" "Kung kasingguwapo mo..." "Alam mo--" "At milyonaryo," maagap na dugtong ni Jheaan, "hindi." Napansin niyang dumilim na naman ang mukha ni Jared. Halatang napainit na naman niya ang bumbunan. Kayad agad siyang bumawi. "Joke lang." Ngumisi siya at sabay peace sign. Tiningnan lang siya nito nang matalim bago pinaandar ang sasakyan. Galit nga yata ito dahil biglang nag-preno at muntik nang ikasubsob ng dalaga. "Ay, kambing na may bangs!" malakas na tili ni Jheann. "Hindi ka ba marunong magdahan-dahan?" Binalingan siya ni Jared. "Kung nakakagigil ang isang babae, hindi," mariin nitong sabi at tumingin sa mga labi niya. Napalunok si Jheann. Bakit iba ang dating sa kaniya ng sinabing iyon ng binata? Naging banayad na ang pagmamaneho ni Jared nang makalabas sila ng highway. Ang akala niya ay tuloy-tuloy na ito sa paghatid sa kaniya sa Oton. Pero sa kalagitnaan ng kanilang biyahe ay bigla na lang itong tumigil. "Hintayin mo lang ako dito. May pupuntahan lang ako sandali," paalam nito. "Bakit--" Napahinto si Jheann nang talikuran na siya ni Jared. "Bakit ba... Ang buhay ko'y ganito," napakanta na lang siya. Nagpalinga-linga siya para alamin kung saan pumunta ang binata. Hanggang sa makita niya ito na umaawat sa dalawang lalaki na nag-aaway sa gitna ng kalsada. Iyon ang nadaanan nila kanina na mga driver ng kotse at motorsiklo na nagbungguan. Nakaramdam na siya ng pagkainip kaya bababa na sana siya para sumunod kay Jared. Pero nakita niyang pabalik na ito. Mukhang nagkaayos na rin ang dalawang driver at nagkamay pa bago bumalik sa kani-kanilang sasakyan. "Ano ang meron do'n?" usisa rito ni Jheann nang makasampa na sa sasakyan. "Nabunggo ng motor ang bumper ng kotse. Ayun, nagkainitan. Nakakasagabal na sa ibang mga motorista kaya inawat ko na." "Puwede palang mangialam sa gulo ang isang pulis kahit naka-off duty?" "Twenty-four-seven ang obligasyon namin sa bayan bilang mga pulis. Hindi namin puwedeng sabihing naka-off-duty kami kapag tinawag kami ng tungkulin o may humingi sa'min ng tulong," paliwanag ni Jared. "Ang importante, ginagamit namin sa tama ang kapangyarihan namin." Literal na napa-wow ang dalaga. Hindi niya napigilan ang humanga rito. "Alam mo, kung lahat ng pulis ay tulad mo, ang saya siguro ng Pinas." Tiningnan lang siya ni Jared pero halatang nagustuhan nito ang sinabi niya dahil ngumiti ito. Sa kauna-unahang pagkakataon sa araw na iyon ay nakita ni Jheann na ngumiti ito. At doon niya naisip na parang may kahawig ito. Hindi lang niya matandaan kung sino. Hindi matahimik ang dalaga hangga't hindi niya naaalala kung sino ang kamukha ni Jared. Kaya inilapit pa niya rito ang mukha para kumilatis. Pero kahit anong pagtitig ni Jheann ay hindi talaga niya maalala. Sa halip ay napatitig na lang siya sa pisngi nitong tila kay sarap haplusin. At ang balikat nito ay kay lapad. Parang ang sarap humilig doon habang nilalanghap ang mabango nitong amoy. Kung ako ay isang criminal, okay lang sa'kin ang mahuli ng pulis. Kung ganito naman kakisig at kabango ang huhuli sa'kin. "Kung tapos ka nang kilatisin ako, puwede bang umayos ka na ng upo?" sita ni Jared sa kaniya nang mahuli ang ginagawa niya. "Hindi kasi ako makapag-drive nang maayos kapag may nakatingin at may nakadikit sa'kin." Mabilis pa sa alas kuwatro na lumayo rito si Jheann at umayos ng upo sa upuan niya. "Hala siya. Hindi kita pinapanood , 'no?" Humalukipkip siya at tumingin sa labas ng bintana para itago ang pagkapahiya. "Bakit naman kita panonoorin?" "Sige, kumbinsehin mo pa ang sarili mo." Nanigas sa upuan niya si Jheann. Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya sa sinabi ni Jared na tila may halong panunukso. Bakit ba bigla siyang naging defensive? Bakit hindi na lang niya inamin ang totoo at kung bakit tinitigan niya ito? Gusto lang naman niyang malaman kung sino ang kahawig nito. O baka naramdaman ni Jared na lihim niya itong pinagnasaan? "Mag-drive ka na nga lang diyan," sabi na lang ni Jheann habang nakatingin pa rin sa labas. Hindi niya magawang tumingin dito at baka tama ang hinala niyang tinutukso nga siya nito. "Nagda-drive na nga ako, 'di ba?" pamimilosopo ni Jared at tumawa ng nakakaloko. Hindi na lang nagsalita pa si Jheann dahil baka kung ano pa ang maisagot niya. At isa pa, nakaramdam na rin siya ng antok. Isinandal niya ang sarili sa upuan. Pero nang mapansin niyang tutok na tutok na sa pagmamaneho si Jared ay paulit-ulit niya itong ninakawan ng tingin na hindi niya alam kung bakit. Sa katitingin ni Jheann sa binata ay lalo siyang inantok. Lalo na nang mapasulyap siya balikat nitong tila nang-aanyaya. Hanggang sa hindi niya namalayang nakahilig na pala siya roon at tuluyan nang tinalo ng antok. Nagdahan-dahan sa pagmaneho si Jared nang maramdaman niya ang paghilig ng ulo ni Jheann sa kaniyang balikat. Sasabihan niya sana ito na umayos na ng upo dahil hindi siya makapag-concetrate sa pagmamaneho. Pero narinig niya ang malalim na nitong paghinga. At nang tingnan niya ay tulog na tulog na nga. Nang masiguro ni Jared na tulog na tulog na nga si Jheann, hindi niya napigilan ang sarili na pag-aralan itong mabuti. The woman beside him is one hell of a pretty woman. Very young and attractive. Kahit saksakan ito ng kulit at kalokohan. Habang patagal nang patagal ang pagmamasid ni Jared sa dalaga ay lumalim din ang kuryosidad niya rito. Kung bakit kahit napapainit nito ang ulo niya ay napapahanga naman siya nito. Hindi sinasadyang bumaba ang tingin ni Jared sa mga labi ni Jheann na kanina pa niya hindi maiwasang tingnan. At sa kauna-unahang pagkakataon sa mga nakalipas na taon, this woman set his blood afire and made his heart skipped a beat. Napahinto si Jared sa panaka-nakang pagmamasid sa dalaga nang tumunog ang cellphone niya. Nang makitang si Alex ang tumatawag, pinindot niya iyon at ginamit ang kaniyang wireless airpods. "Kumusta, pare? Nagkita na ba kayo ng pinsan ko?" tanong nito mula sa kabilang linya. "Oo, pare. On the way na kami. Nandiyan ka na ba sa bahay n'yo?" Hininaan niya ang boses para hindi magising ang babaeng hanggang ngayon ay komportable pa ring nakasandal sa balikat niya. "Pauwi pa lang din kami ni Karen. Baka magkasabay pa tayo ng dating," anito. "Buti, hindi ka nahirapang kilalanin siya?" Napabuntong-hininga si Jared. Gusto niyang ikuwento sa kaibigan ang mga nangyari sa airport. Pero saka na. "Hindi mo naman sinabi sa'kin na saksakan pala ng kulit itong pinsan mo, pare." Ubod pa ng sexy at ganda! Hindi na niya iyon idinugtong dahil ayaw niyang pag-isipan siya ni Alex. Bagaman at alam niyang hindi sila magkakaproblemang dalawa kung sakali mang nagustuhan niya ang isa sa mga kamag-anak nito. Basta ba huwag lang niyang saktan at lokohin dahil ibang usapan na iyon. Pero alam naman ni Alex na hindi siya ang ganoong tipo ng lalaki. Kaya nga nito ipinagkatiwala sa kaniya ang pagsundo kay Jheann, eh. Natawa si Alex. "Ganiyan lang talaga 'yang si Jheann, pare. Sobrang kuwela. Pero masayang kasama 'yan. At mabait pa." Tila wala sa sariling nagbaba ng tingin si Jared sa magandang mukha ng dalaga. Mukha nga itong masayahin at parang walang pakialam sa mundo. Basta masaya lang siyang ginagawa ang gusto niya. Maingat na inayos ni Jared ang ulo nito nang bahagyang lumaylay. "Sige na, pare. Tatawag na lang ako kapag malapit na kami. Aayusin ko muna itong pinsan mo at tulog na tulog na." "Basta, tamang ayos lang, pare, ha?" makahulugang biro sa kaniya ng kaibigan at sabay tawa. "G*go! Wala akong balak mangmolestiya ng bata." "Anong bata ka diyan? Twenty-two na iyang si Jheann. At twenty-nine ka lang. Hindi na masama, 'di ba?" Napatitig siya sa dalaga. Pitong taon lang pala ang agwat nila sa isa't isa. Hindi niya maintindihan kung bakit ikinatuwa niya iyon. "Pero 'wag mo nang pangarapin ang pinsan kong 'yan," sabay bawi ni Alex sa panunudyo nito. "Dahil mataas ang pangarap niyan. Hindi ang mga tulad lang nating pulis ang gusto niyan mapangasawa," sabi pa nito at sinundan ng halakhak. Pero hindi natawa si Jared. Lalong hindi iyon nagustuhan ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD