EKSAKTONG alas sais ng gabi ay nasa Mandurriao na sina Jared at Alex. Tahimik ang loob ng lumang simbahan nang dumating sila. Pero dahil matalas ang pakiramdam ni Jared kaya alam niyang may ibang tao sa paligid maliban sa kanila ng kaibigan niya. At tama nga ang hinala niya. Dahil mayamaya pa ay may lumabas na isang lalaki mula sa lumang kumpisalan. "'Wag kang matakot. Nandito kami para tulungan ka," wika ni Jared nang mapansin niya ang pag-aalangan nitong lumapit sa kanila. "Ikaw ba si Kapitan Salvador? Ang kilalang tirador ng sindikato dito sa Iloilo?" paniniguro nito bago tuluyang lumapit sa kanila. "Ako nga." "Kung ganoon, nakakasiguro ako na tamang tao ang nilapitan ko." Mukhang nakahinga nang maluwag ang photographer. Nawala ang pag-alinlangan sa mga mata nito nang makipagkam